You are on page 1of 2

Panuto: Basahin ang tula ni Dr.

Jennifor Aguilar na “Filipino, Wika ng Saliksik" at


sagutin ang sumusunod na tanong:

FILIPINO, WIKA NG SALIKSIK


Jennifor L. Aguilar

Nagpupumilit, naggugumiit, nagsusumiksik Hindi magtatagumpay at walang mararating


Pinipilit, ginigiit, sinisiksik Wikang Filipino'y Wikang mahal natin kung ganito itinuturing
ihanay sa mga wika ng daigdig Tuluyan siyang masasadlak, mananatiling
Makamit ang antas maging wika ng saliksik alipin
Mabibilanggo't magkakasakit hanggang
Hindi mararating ni hindi maihahambing tayo'y lisanin
Maging higanteng wika'y suntok lamang sa
dilim Simulang pahalagahan, gamitin nang gamitin
Hangga't walang bait, buti at panalanging Talastasan sa tahanan at komunidad natin
taimtim Sa simbahan, paaralan, ospital o hukuman
Na gamitin sa saliksik ang wika nating angkin Senado at Kongreso, hanggang sa
Malakanyang
Sa mga paaralan, hindi siya pinapansin
Mga guro't administrador, napakababa kung Itakda itong wika ng aklat at kasaysayan
tinuturing Agham, Matematika at diskursong
Sa matatalinong usapin, debate't mga sulatin pangkaunlaran
Hindi maipilit na gamitin lang man din Itanim ito sa dila ng mga kabataan
Hanggang sa tumubo't magbunga sa
Sa larang-medikal, naririnig ba natin? henerasyong dadaan
Mga terminolohiya ng sakit at gamot na
generik Pagka't Filipino'y wikang mabalasik
Hindi nga mabigkas ng pasyenteng Kung magpupumilit ay may makakamit
namimilipit Kung maggugumiit, tuluyang makasasapit
Kasama na niyang namatay hanggang sa Kung magsusumiksik, magiging wika ng
mailibing saliksik

Maging sa hudikatura, may puwang bang


nakalaan?
Pobreng Pilipinong nasasakdal, sa Ingles
pinagtatalunan
Nakulong na't lahat, nabulok sa bilangguan
Hindi man lamang nakapagtanggol sa wika
niyang alam.
1. Mula sa panahon ng mga ninuno hanggang kasalukuyang panahon, kailan nabigyan ng
pagkakataon ang Wikang Filipino upang magamit sa pananaliksik tungo sa pag-unlad ng
bayan natin?

Sa Panahon ng Pagsasarili nagsimulang aralin ang mga wikang sinasalita sa ating bansa
upang mamili ng sa dami ng wikang mayroon ang ating bansa. Sa pamamagitan nito, ang mga
tao noon ay nagsagawa ng pananaliksik upang suriing maigi kung ano nga ba ang karapat-dapat
na hirangin bilang wikang pambansa na ginagamit at gagamitin ng mga taong naninirahan sa
ating bansa. Nang dahil rin sa kautusang ipinatupad, pormal na ginamit ang sariling wika natin
upang gamitin sa komunikasyon, transaksiyon, at korespondensiya.

2. Kung mabibigyan ng pagkakataon ang wikang Filipino bilang Wika ng Saliksik, maaari
kayang umunlad ang ating bayan? Ipaliwanag ang iyong sagot sa pamamagitan ng
paghahambing sa mga bansang gumamit ng kanilang wika sa pananaliksik na ngayon ay
mauunlad na (halimbawa: Germany, France, Switzerland, Korea, Japan, America).

Oo, kung ang gagamitin natin ay ang ating sariling wika sa pagsasaliksik, paniguradong
mas mapapadali ang pakikipagkomunikasyon sa ating kapwa lalo na’t kung ang pananaliksik na
isasagawa ay para sa ikauunlad ng ating bansang ekonomikal at para sa ating kapuwa.
Mapapadali rin ang pagbabahagi ng kaalaman at karunungan kung ang ating gagamitin ay
wikang Filipino sapagkat ito na ang unang wikang ating natutunan at nakasanayan sa pakikipag-
usap at pakikipaghalubilo sa mga tao sa loob at sa labas man ng ating paaralan. Ang mga
nabanggit na bansa sa pangalawang tanong ay gumagamit ng kanilang sariling wika sa
pagsasaliksik. Mas napapadali at mas napapabilis ang pagbuo ng pananaliksik kung ang kanilang
sariling wika ang kanilang gamit. Gumagamit at nagsasalita rin naman sila ng wikang Ingles,
subalit hindi nila ito priyoridad sapagkat may kakayahan silang umunlad kahit na ang kanilang
sariling wika nila ang kanilang gamit. Bukod doon, ang mga bansang ito ay gumagamit ng
kanilang sariling wika sa kanilang trabaho at hindi kinakailangang gumamit ng Ingles. Hindi
katulad sa ating bansa, mas gusto ng mga malalaking kumpanya na ang kanilang mga empleyado
nila ay matatas sa pagsasalita ng wikang Ingles upang mas mapadali ang pakikipag-ugnayan sa
ibang kumpanya mula sa ibang bansa.

3. Gumawa ng iyong makabuluhang repleksiyon hinggil sa pagbibigay-pagkakataon sa


ating Wika na maging wika ng saliksik.

Kung sakaling mabibigyan ng pagkakataon na gamitin ang sarili nating wika sa mga pang
propesyonal na larangan ay walang dudang uunlad din ang ating bansa gaya ng mga nabanggit
na bansa sa ikalawang katanungan. Maaaring Ingles o iba pang banyagang wika ang
namamayapag na lenggwahe sa buong mundo pagdating sa pakikipagkalakaran, subalit hindi ito
dapat maging dahilan nang paglimot at pagsawalang bahala sa wikang Filipino. Katulad ng dapat
na pagtangkilik sa ating mga lokal na produkto, gayon din dapat sa wikang binuo sa ating bansa,
hindi ito dapat sayangin at dapat ito’y laging gamitin. Isa pa’t hindi lahat ng tao sa ating bansa ay
nagkaroon ng pribiliheyong makapag-aral at aralin ang mga salitang banyagang hindi pamilyar
sa kanila. Dagdag pa rito, ang layunin ng paggamit ng wikang Filipino sa pagsagawa ng saliksik
ay ang makatulong sa mamamayan ng bansa kaya’t ang dapat na gamiting wika ay ang wikang
alam ng lahat.

You might also like