You are on page 1of 33

II

Konteksto ng Panlipunang Usapin sa Filipino

Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

(Fil 1)

 
 
Karapatang – ari @ 2020
at Inilathala ng
 
 
Jose Rizal Memorial Sate University
Instructional Material Development
  
at ni: 

Ma.Lorena B. Balignot 
Reserbado ang Lahat ng Karapatan
 
Hindi ipinahihintulot na sipiin ang anumang bahagi ng modyul na ito na walang
pormal na pahintulot mula sa awtor. Ang sinumang lalabag dito ay pananagutin nang
naaayon sa batas at mahaharap sa legal na aksyong may kalikasang sibil at/ o
kriminal.
 
ISBN:

  
JOSE RIZAL MEMORIAL STATE UNIVERSITY
Gov. Guading Adaza St. Sta. Cruz, Dapitan City, 7101
Tel. No. (065) 908-8294
Jrmsu_univpres@yahoo.com III

 
Paunang Salita
 
 
Inihahain ang modyul na ito sa layuning matugunan ang mga pangangailangan
ng guro at mga mag-aaral sa pagtuturo at pagkatuto ng kursong
“Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino” sa Higit sa ano pa man, isa itong
pagtatangkang maiangat ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng
pagbibigay sa kanila ng mga panibagong kaalaman na hihimok sa mga mag-aaral
na mag-isip.
 
Inaasahan kung gayon, na ang mga mag-aaral ay higit pang magkaroon ng
kawilihan sa kurso bunsod na rin ng mga aktibong gawaing nakalaan para sa kanila
na magpapalawak ng kanilang kamalayan ng mga mag-aaral sa makabagong
panahon.
 
Sana ay maging isang makabuluhang ambag ang modyul na ito para sa lahat
na naghahangad na matutunan at mapahalagahan ang .kontwekstwalisadong
komunikasyon tungo sa epektibong pagtuturo at pagkatuto na nakaangkla sa
pangangailangan ng kasalukuyang panahon.
 
Maligayang paglalakbay tungo sa epektibong pagkatuto!
 
 
CJ
 
IV

Pasasalamat

Taos pusong inihahandog ang akdang ito sa Poong Maykapal sa walang sawang

pagbibigay ng biyaya, pagpapala, pamamatnubay at pagmamahal;

Sa aking mapagmahal na kasalukuyang kasama sa bahay:

Ronnie D. Balignot

Sa aking mga kasamahan na walang sawang sumuporta:

CED Faculty

At sa mahal kong mga kapatid,pamangkin , kamag-anak, mga kapwa ko guro sa

Filipino at mga kasamahan sa Departamento,sa FLS , sa mga namumuno sa

Jose Rizal Memorial State University maraming salamat sa pagiging maaalahanin,

pagbibigay ng payo,lakas ng loob at sigla para sa pagsasakatuparan ng modyul na

ito.
TALAAN NG NILALAMAN V

Pamagat ng Pahina I

Karapatang-ari II

Panimulang Salita III

Pasasalamat IV

Talaan ng Nilalaman V  

Modyul I

Yunit I Ang Pagtataguyod ng Wikang Pambansa sa Mataas na Antas ng


Edukasyon

Pretest 2

Maikling Kasasaysayan ng Adbokasiya ng Tanggol Wika 3-6

Filipino Bilang Wika ng Komunikasyon sa Kolehiyo at Mas Mataas na Antas

At lagpas pa 7-8

Gawain 1. 9

Maikling Pagsusulit 1. 10
Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan 11-16
Gawain 2 17

Maikling Pagsusulit 2 18

Filipino Ang Pambansang Wikang Dapat Pang Ipaglaban 19-22

Gawain 3 23-24

Maikling Pagsusulit 3 25

Yunit II Proseso ng Impormasyon Para sa Komunikasyon

Pretest 27

Ang Pananliksik at ang Komunikasyon sa Ating Buhay 28

Mga Panimulang Konsiderasyon:Paglilinaw sa Paksa ng mga Layon

At sitwasyong Pangkomunikasyon 29-30


Gawain 4 30-31

Maikling Pagsusulit 4 32

Mulaan ng Impormasyon:Mapanuring Pagpili mula sa Samo’t saring


Batis 33-36
Gawain 5 37
Maikling Pagsusulit 5 38
Paglubog sa mga Impormasyon: Mga Pamamaraan ng Paghahagilap
At Pagbabasa 39-40
Eksperimento 41-49
Gawain 6 50
Maikling Pagsusulit 6 51
Yunit III Mga Gawaing Pangkomunikasyon ng mga Filipino
Pretest 54
Tsisimisan:Istoryahan ng Buhay ng mga Kababayan 55-56
Umpukan:Usapan,Katuwaan,at iba pa sa Malapitang Salamuhaan 57-58
Talakayan:Masisinag Pautan at Talaban ng Kaalaman 59-60
Pagbabahay-bahay:Pakikipag-kapuwa 61
Komunikasyong Di-berbal:Pagpapahiwatihan sa Mayamang kalinagang 62-
64
Gawain 7 65
Maikling Pagsusulit 7 66-67
Mga Rubriks 68-69
Glosari 70
Mga Sanggunian 71
Ebalwasyon 72-73
Bibliyograpiya 76-78

 
 
KONTEKSTO NG PANLIPUNANG USAPIN SA FILIPINO

Tatlong Linggo

Yunit I - Ang Pagtaguyod ng Wikang Pambansa sa Mataas na Antas ng Edukasyon


 

Ang taong 2014 ay maituturing na makasaysayan sa


larangan ng pagtaguyod ng wikang Pambansa dahil sa taong ito
itinatag ang isang samahan ng “Tanggol Wika”.Ang wikang
pambansa ay isang bihekulo tungo sa pambansang
pagkakaunawaan at sumasalamin sa kultura ng bawat Pilipino
kung kaya’t nararapat lamang na ito ay palawakin at lalo pang
pagtibayin, Nabuo ang isang samahan ng tanggol wika sa
pamamagitan ng “konsultatibong forum” nangyari ito noong Hunyo
21,2014 sa De La Salle University, (DLSU)- Manila.Mayroon itong
halos 500 deligado mula sa 40 paarlan,kolehiyo,universidad, mga
organisasyong pangwika at pangkultura.Ang tagapagsalita ng
forum na iyon ay isang Pambansang Alagad ng Sining na si Dr
Bienvenido Lumbera.Ang nasabing forum ay kulminasyon ng mga
nauna pang kolektibong inisyatiba mula pa noong taong 2012.Ang
usaping kaugnay sa inisyatiba ay epekto tungkol sa pagtatangka
ng Commision on Higher Education (CHED) na alisin ang mga
asignaturang Filipino a Panitikan sa kolehiyo,para diumanoy
mabawasan at mas magaan pa ang kurikulum sa kolehiyo sa
pamamagitan ng CHED Memorandom Order (CMO) No. 20,
series of 2013.

Inaasahang Bunga ng Pagkatuto

Pagkatapos ng yunit na ito ang mga mag-aarala ay inaasahang;

 Nakapagbibigay-kahulugan hinggil sa kahalagahan ng Wika bilang Instrumento ng


Komunikasyon sa pamamagitan ng Concep Cluster

 Nakabubuo ng isang mapanghikayat na video presentation tungo sa pagpapalakas


ng Wikang Pambansa.

 Nakabubuo ng isang Lathalain hinggil sa konteksto ng Pambansang Wikang Dapat


Pang Ipaglaban.
 
2
KONTEKSTO NG PANLIPUNANG USAPIN SA FILIPINO

Pretest
I.PAGPILI:Piliin ang tamang sagot.

1. Noong ____ ay kumalat na ang plano ng gobyerno kaugnay ng pagbabawas ng


mga asugnaturang Filipino sa kolehiyo,bagama’t wala pang inilabas na opisyan na
dokumento sa panahong iyon.

A. 2010

B. 2011

C. 2013

D. 2015

2. Inilabas noong Disyembre 7,2012 ng Departamento ng Filipino DLSU ang


“posisyong papel” para sa bagong CHED Curriculum na may pamagat na _____.

A. Isulong ang Ating Wikang Pambansang Filipino,Itaguyod ang Konstitusyunal


na Karapatan ng Filipino,Ituro sa Kolehiyo ang Filipino bilang Larangan at
Asignaturang may Mataas na Antas”.

B. Sulong wikang Filipino

C. Pagtiyak sa Katayuang Akademiko ng Filipino Bilang Asignatura sa Antas


Tersyarya

D. Sulong Wikang Filipino: Edukasyong Pilipino,Para Kanino?

3. Makasaysayan ang taong ____ sa larangan ng pagtataguyod ng wikang


Filipino ,sapagkat ito ang taon ng pagtatag ng Tanggol Wika.

A. 2015

B. 2011

C. 2013

D. 2014

4. Halos ____ na delegado mula sa 40 na


paaralan,kolehiyo,unibersidad,organisasyong pangwika at pangkultura ang lumahok
sa nasabing forum.

A. 400

B. 500
3

  . 2 1 7( . 6 72 1 * 3 $ 1 / ,38 1 $1 * 8 6 $ 3 ,1 6 $ ) ,/ ,3 ,1 2

C. 200

D. 300

5. Hunyo 28,2013 inilabas ng CHED ang CMO na nagtatakda ng core courses sa


bagong kurikulum sa antas tersyarya sa ilalim ng Kto12.

A. CMO N. 20,Series of 2013

B. CMO N. 20,Series of 2014

C. CMO N. 20,Series of 2012

D. CMO N. 20,Series of 2015

Maraming salamat sa pagsagot! Para sa


inyong mga sagot bilugan lamang ang wastong
titik o gamitin ang class code na ito:____ para
makapasok sa google classroom at magturned-in
o tawagan ang numerong ito _____ para sa
karagdagang detalye .

Maikling Kasaysayan ng Adbokasiya ng Tanggol Wika

Noong 2011 pa ay kumalat na ang plano ng gobyerno kaugnay ng


pagbabawas ng mga asignatura sa kolehiyo,bagama’t wala pang inilabas na opisyal
na dokumento sa panahong iyon.Lagpas isang taon naman bago ang asembliya ng
pagtatag ng Tanggol Wika,noong Oktubre 3,2012 ay sinimulan nmg mga instruktor
ng Filipino sa kolehiyo ang pagpapalaganap ng isang petisyon na humihiling sa
CHED at sa Department of Education (DepEd) na ipahinto ang implementasyon ng
senior high school/junior college at ng revised General Education Curriculum
(RGEC) sa ilalim ng Kto12 na maaring makapagpaliit o tuluyang lumusaw sa mga
Departamento ng Filipino sa mga Unibersidad.Ang batayan ng gayong pangamba
sa posibleng pagpapalit o paglusaw sa mga Departamento ng Filipino nsa mga
unibersidad ay ang kawalan ng asignaturang Filipino sa bagong RGEC para sa
antas tersyarya na nasa presentasyon ni DepEd Assistant Secreatary Tonisito M. C.
Umali, Esq. na may petsang Agosto 29,2012.

Sa paglaganap ng usap-usapan na tatanggalin na sa bagong kurikulum ng


kolehiyo ang Filipino at Panitikan at Iba pang asignatura sa kolehiyo,binanggit n
KONTEKSTO NG PANLIPUNANG USAPIN SA FILIPINO 4

Administrador sa ibang unibersidad ang posibilidad na lusawin o kaya’y pagsamahin


sa ibang departamento ang Departamento ng Filipino. Bilang tugon sa gayong mga
plano,inilabas noong Dosyembre 7,2012 ng Departamento ng Filipino ng DLSU ang
“Posisyong Papel para sa bagong CHED Curriculum na may pamagat na “ Isulong
ang Ating Wikang Pambansang Filipino,Itaguyod ang Konstitusyunal na Karapatan
ng Filipino,Ituro sa kolehiyo ang Filipino bilang Larangan at Asignaturang may
Mataas na Antas.” Ang may akda ng nasabing posisyong ay si Prop. Ramilito
Correa, ang noo’y pangalawang tagapangulo ng Departamento ng Filipino ng DLSU.

Noon pa man ay binibigyang-diin na ang mga maka-Kto12 na babawasan ang


mga asignatura sa kolehiyo at ililipat ang mga ito sa senior high school.
Gayunpaman tila pangunahing target ng mga maka-Kto12 ang Filipino sapagkat
isang asignaturang Filipino (Retorika) lamang ang nakatala sa listahan ng mga
asignatura sa senior high school na nasa “K to 12 TOOLKIT”Reference Guide for
Teacher Educators,School Administrators, and Teachers (2012)” inilabas ng
SEAMEO INNOTECH at may imprimatur ng DepEd gaya ng pinatutunayan ng
panimulang mensahe roon ng noo’y kalihim ng DepEd na si Br. Armin Luistro,FSC.
Sa nasabi ring dokumento ay optional lamang ang asignaturang Filipino for Specific
Purposes, habang bukod sa asignaturang English na Oral Communication ay
mayroon pang required na Philippine Literature at World Literature, bukod pa sa
optional na English for Epecific Purposes.

Noong Hunyo 28,2013 lamang inilabas ng CHED ang CMO No. 20,Series of
2013 na nagtakda ng core courses na bagong kurikulum sa antas tersyarya sa ilalim
ng Kto12. “ Understanding the self;Reading in Philippine History; The Contemporary
World; Mathematics in the Modern World; Mathematics;Purposive Communication;
Art appreciation; Science Technology and Society;Ethics.” Ang dating balita ay
kumpirmado na : walang Filipino sa planong kurikulum ng CHED sa ilalim ng K to
12, kumpara sa anim hanggang siyam na yunit ng asignaturang Filipino, alinsunod
sa CMO No. 04, Series of 1997, bukod pa sa datiy-rati’y tatlo hanggang anim na
yunit ng Panitikan. Sa seksiyon 3 ng CMO No. 20,series of 2013 ay naging
opsiyonal na lamang din ang Filipino bilang midyum sa pagtuturo,mula sa dating
pagiging mandatoring wikang panturo nito sa ilalim ng CMO No. 59, Series of 1996.
Bandang 2014 na nang magkaroon ng kopya ng CMO No. 20,Series of 2013 ang
marami-raming propesor ng Filipino at Panitikan.

Sa udyok nina Dr. Fanny Garcia at Dr Maria Lucille Roxas mga batikan at
premyadong manunulat na kapwa faculty member ng DLSU ( kapwa mula sa DLSU)
ay gumawa ang may akda ng panibagong liham-petisyon na naka-address sa
CHED at may petsang Marso 3,2014. Kinausap nina Prop. Jonathan Geronimo at
Prop. Crizel Sicat-De Laza ng University of Santos Tomas (UST) ang mga kaibigan
at kilalang guro mula sa iba’t ibang unibersidad gaya ng UST , University of the
Philippines-Diliman (UPD) at University of the Philippines –Manila (UPM),Ateneo de
Manila University (ADMU) ,Philippine Normal University (PNU), ang noo’y San Beda
5

. 2 1 7( . 6 72 1 * 3 $ 1 / ,38 1 $1 * 8 6 $ 3 ,1 6 $ ) ,/ ,3 ,1 2

College-Manila (SBC-Manila; ngayo’y San Beda University), Polytechnic University of


the Philippines-Manila (PUP),National Teachers College (NTC) ,Meriam College (MC),
at mga samahang pangwika gaya ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at
Literaturang Filipino (PSLLF), Pambansang Asosasyon ng mga Tagapagtaguyod ng
Salin (PATAS), at Sanggunian sa Filipino (SANGFIL). Himigit kumulang 200 pirma ang
agad na natipon. Dinala sa CHED ang nasabing liham-petisyon.Hindi inaksyonan at
tinugunan ng CHED ang nasabing liham-petisiyon, bagama’t sa mga diyalogo
magaganap malaon ay binaggit nila na ping-uusapan nila sa mga internal na miting ng
CHED ang nasabing lham-petisyon. Noong Hunyo 2,2014, sa inisyatiba ni Dr. Antonio
Contreras ng DLSU ay nakipagdiyalogo ang mga ito sa 2 komisyuner ng CHED na
personal niyang kakilala.Kalahok sa diyalogo kina CHED Commissioner Alex Brilliantes
at Commissioner Cynthia Bautista ang mga propesor ng DLSU,ADMU,UPD,UST.MC
at Marinduque State University.Napagkasunduan sa diyalogo na muling sumulat sa
CHED ang mga guro upang pormal na i-reconvene ang technical Panel/ Technical
Working Group sa Filipino at ang General Education Committee,kasama ang mga
kinatawan ng mga unibersidad na nagigiit ng pagkakaroon ng asignaturang Filipino sa
antas tersyarya.Agad nilang ipinadala ang gayong liham sa CHED noong Hunyo
16,2014. Bilang Paghahanda sa pulong sa CHED na kanilang hinihiling ,bilang tugon
sa CMO No. 20,Series of 2013, at simbolo ng kolektibong paglaban dito ang mga
gurong apektado nito, Tanggol Wika noong Hunyo 21,2014.
Samakatuwid,pagsasalubong ng iba’t ibang inisyatiba ang pagbubuo ng Tanggol Wika.
Si Dr Rowell Madula, vice-chair noon ng Departamento ng Filipino ng DLSU at pangulo
ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) Private Schools ang nakaisip ng pangalan
ng alyansa.Malaki ang papel na ginampanan ng ACT sa mabilis na pagpapalawak ng
Tanggol Wika sa akademya at lagpas pa.Mula noong maitatag ang Tanggol
Wika,naglabas na rin ng kanya kanyang posisyong papel laban sa CMO No. 20 Series
of 2013 ang mga Departamento ng Filipino at/o Panitikan sa iba’t ibang unibersidad
gaya ng UPD,PUP,PNU,ADMU,NTC,Minadanao State University-Iligan Institute of
Technology (MSU-IIT),Xavier University (XU) at marami pang iba.Noong Hulyo 4,2014
ay nagpatawag ng konsultasyon ang CHED dahil sa demand ng Tanggol Wika. Simula
lamang iyon ng napakarami pang pakikipagtunggali ng Tanggol Wika sa diyalogo sa
mga opisyal ng CHED na noo’y hindi kumbinsido sa pangangailangang mapanatili ang
Filipino at Panitikan sa kolehiyo. Nakatulong ng malaki sa mabilis na pagsulong at
popularisasyon ng pakikibaka ng Tanggol Wika ang maagap na media reports hinggi;
sa isyung ito, gaya ng ulat ni Mark Angeles (2014) at Amanda Fernandez (2014) para
sa GMA News Online, ni Steve Dailisan (2014) paea sa State of the Nation, ni Jee
Geronimo (2014) sa Rappler.com at ni Anne Marxze Umil (2017) para sa bulalat.com,
na sinundan pa ng mas maraming ulat mula sa iba pang media outfit. Malaking tulong
din ang mga dokumentaryong inilabas ng mga guro mula sa UPD gaya ng “Sulong
Wikang Filipino” (panayam kay Dr. Bienvenido Lumbera) at “Sulong Wikang Filipino:
Edukasyong
KONTEKSTO NG PANLIPUNANG USAPIN SA FILIPINO

Pilipino,para Kanino? Na kapwa inupload sa Youtube noong Agosto 2014, gayundin


ang “Sa Madaling Salita: Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Pambansa” na inilabas
naman noong Setyembre 2016.

Mula 2014 hanggang sa kasalukuyan, sunod –sunod ang mga forum at


asembliya, diyalogo at kilos - protesta ng Tanggol Wika sa buong bansa para
ipaliwanag at ipalaganap ang mga adbokasiya nito,ngunit nagbingibingihan lamang
ang CHED.April 15,2015,nagsampa ng kaso sa Korte Suprema ang Tanggol Wika, sa
pangunguna ni Dr. Bienvenido Lumbera, ACT Teachers Partylist Rep. Antonio
Tinio,Anakpawis Partylist Rep. Fernando Hicap,Kabataan Partylist Rep. Terry Ridon,
at mahigit 100 propesor mula sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad. Inihanda nina
Atty. Maneeka Sarzan ( Abogado ng ACT Teachers Partylist), at Dr. David Michael
San Juan, ang nasabing petisyon. Ang 45-pahinang petisyon ay nakasulat sa Filipino (
ang kauna-unahang buong petisyon sa wikang pambansa) at opisyal na nakatala
bilang G.R. No. 217451 ( Dr. Bienvenido Lumbera, Pambansang Alagad ng Sining, et
al. vs Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III, at Punong Komisyuner ng Komisyon
sa Lalong Mataas na Edukasyon/Commissioner on Higher Education (CHED) Dr.
Patricia Lucuanan). Nakapokus ang nasabing petisyon sa paglabag ng CMO No.
20,Series of 2013 sa mga probisyon sa Konstitusyon gaya ng Artkulo XIV, seksyon 6;
Artikulo XIV,seksyon 14,15 at 18; Artikulo XIV Seksyon 3;Artikulo II,seksyon 17; at
Artikulo XIV, seksyon 2 and 3 Artikulo II, seksyon 18; at Artikulo XIII, seksyon 3 ng
Konstitusyong 1987, at sa mga batas gaya ng Batas Republika 7104 o “ Commission
on the Filipino Language Act “ (“An Act Creating the Commission on the Filipino
Language,Prescribing Its Powers,Duties and Funstions, and for other Purposses”)
Batas Pambansa Bilang 232 o “ Education Act of 1982,” at Batas Republika 7356 o “
An Act Creating the National Commission for Culture and the arts, Establishing
National Endowment Fund for Culture and the Arts, and for other Purposes”.

Halos isang lingo pagkatapos ng pagsasampa ng kasong ito ay kinatigan ng


Korte suprema ang Tanggol Wika sa pamamagitan ng paglabas ng temporary
restraining order (TRO) na may petsang Abril 21,2015. Kinatigan at ibinuod ng Korte
Suprema ang mga argumento ng Tanggol Wika sa Pmamagitan ng talatang ito:
They contend that the Constitution expressly States that the Filipino is the
  national language of the Philippines. The State must lead and sustain its
usage as the medium of official communication and as the language of
instruction in the educational system. This holds true without distinction as to
education level. Hence, :Filipino” as our language deserves a place of honor
and usage in the educational system, from pre-school to higher education.
For petitioners,rendering the usage of the Filipino language as a medium of
instruction in schools as merely discreationary is a direct violation of the
constitutional protection afforded to “Filipino”.In the same vein, the deletion
of “panitikan” ( literature) and “Philippine Government and Constitution” as
subjects in CMO No. 20 reflects its non-compliance with the State policies to
KONTEKSTO NG PANLIPUNANG USAPIN SA FILIPINO

preserve not only the teaching of literature as a part of cultural


heritage but to the very constitutional mandate to instill nationalism
and patriotism in all levels of education.Worse ,the deletion of the
said subjects in in the new curriculum would cause unemployment
for more or less 78,000 teachers and employees in educational
institutions. To date, the CHED nhas offered neither a plan nor a
mechanism to cushion the blow of sudden unemployment in the
education sector.Finally,CMO No. 20 likewise violates several
statutory acts,namely:Republic Act No. 7104 (Commission on the
Filipino Language Act); Btas Pambansa Bilang 232 (Education Act of
1982); and Republic Act No. 7356 ( An Act Creating the national
Commission for Culture and the Art”. Ang Nsabing TRO ay “effective
immediately and continuing until further orders.

 Tumulong ang Tanggol Wika sa pagbubuo ng kapatid na organisasyong Alyansa ng


mga Tagapagtanggol ng Kasaysayan (Tanggol Kasaysayan) na naglalayon
naming iitaguyod ang panunumbalik ng Asignaturang Philippine History sa
hayskul ( sa ilalim ng Kto12 ay wala nang required na Philippine History subject)
noong setyembre 23,2016 sa isang forum sa PUP, at ng mas malawak na
pormasyong Kilos na Para sa Makabayang Edukasyon (KMED) na itinatag naman
noong Agosto 25,2017 sa PUP.

 Masasabing PUP ang pinakamalakas at pinakamaaasahang balwarte ng tanggol


Wika,lalo na sa pagsasagawa ng mga malakihang asembliya at kilos-
protesta,dahil na rin sa sigasig ng Departamento ng Filipinohiya ng PUP na
pinamunuan ni Prop. Marvin Lai.

 Mahalaga rin ang papel ng Departamento ng Filipino ng DLSU sa pamumuno ni Dr.


Ernesto Carandang II, sa pagbibigay ng malalaki at libreng venue para sa mga
asembliya at forum mg tanggol Wika.

 Naging matagumpay ang adhikain ng Tanggol Wika dahil may Filipino at Panitikan
pa rin sa kolehiyo,alinsunod sa CMO No. 4, Series of 2018.

 Filipino BIlang Wika ng Komunikasyon sa Kolehiyo at Mas Mataas na Antas at


Lagpas
  pa

͞,VDQJHGXNDV\ RQQDQDJW
DWDJX\ RGQJNDSDNDQDQQJ
EDQVDQDJSDSD\ DP DQQJ GLZ DQJ P DSDJW
DQRQJ DW P DSDQOLNKDDW
XP XXJDW
VDEXKD\ DWSDNLNLEDNDQJ QDNDUDUDP Ĺ/ XP EHUDHW
DO

 
8

. 2 1 7( . 6 72 1 * 3 $ 1 / ,38 1 $1 * 8 6 $ 3 ,1 6 $ ) ,/ ,3 ,1 2
 Ipinahayag ni Dr. Wilfredo V. Villacorta,isa sa mga komisyoner ng 1986
Constitutional Commission ,nang Kaniyang panukala ang mga probisyong
kalauna’y nagging Artikulo XIV sa Saligang Batas ukol sa edukasyon,wika at
sining na “ang ating Wikang Pambansa,walang kaduda-duda,ay isang
makabuluhang pangkulturang muhon para sa pambansang pagkakilanlan.

 Batay sa pagbanggit sa petisyon ng tanggol wika sa Korte suprema (2015),”Higit sa


karaniwang pangkulturang muhon,ang isang wikang pambansang nagsisilbing
pahatiran ng komunikasyon sa pagitan ng mga etno-lingwistikal na grupo at uri ay
magbibigay-daan sa pagkakaisa at pagkakaroon ng kapangyarihan ng ating
mamamayan”.

 Sinabi ni San Juan (2014a), ang wikang pambansa lamang ang makapagtityak na
ang sistemang pang-edukasyon ng bansa ay nakangkla sa pagpapaunlad ng buhay
ng mga Pilipino:”Retaining Filipino in the tertiary level is just one step toward
aligning oue education system with our goals as a nation.We can change a subject
as often but we should emphasize inculcating values for national development and
international solidarity,rather than subscribing to dependency on failed foreign
frameworks and the race-to the bottom doctrine preached by global capital”.Isa
lamang ito sa napakarami pang argumentong pabor sa pagkakaroon ng Filipino sa
kurikulum sa mataas na antas ng edukasyon,tulad ng “12 reasons To Save The
National Language” at sa artikulong “Debunking PH language myths” (San
Juan,2014a).

 Ayon sa “pamphlet” ng KWF na inihanda ni Almario(2014).’malayo na ang narrating


ng wikang pambansa dahil na rin sa pagiging bahagi nito sa kurikulum sa lahat ng
antas ng edukasyon,ginamit na ito sa Luzon,Visaya at Mindanao.

 Kung ibatay sa pagdami ng gumagamit ng wikang Filipino,sa pambansang senso


mula 1939 hanggang 1980 ay dumami ang nagsasalita ng wikang pambansa mula
4’068,565 hanggang 12,019,193, o mula 25.4% hanggang 44.4% ng kabuuang
populasyon ng Filipinas.

 Noong 1989,lumitaw ang survey ng Ateneo de Manila University na 92% ang


nakaiintindi ng tgalog sa buong bansa,83% ang nakapagsalita nito,88% ang
nakakabasa,at 81% ang nakakasulat. Napakalaki ang agwat nito sa sinasabing
51% na nakaiintindi ng Ingles at 41% nakaiintindi ng sebwano.(Pansinin na
“tagalog” at hindi “Filipino” ang ginagamit na tawag sa Wikang Pambansa.)

 Nangangahulugan lamang na isa itong maituturing na “wika ng bayan” o lingua


franca, bunga ito ng epektibong pagtuturo ng wikang Filipino sa mga paaralan at
ng patuloy at dumadaming babasahin na nakasulat sa wikang Filipino.Ang gayong
pagsulong ay bahagi ng mga naunang dekada ng Filipinisasyon,partikular noong
dekada ‘80-90 na hanggang ngayo’y may positibong epekto pa rin sa pag-
unlad ng wikang

 
KONTEKSTO NG PANLIPUNANG USAPIN SA FILIPINO
8

pambansa bilang wika ng komunikasyon.

 Unang rebolusyon sa EDSA noong 1986, nagkaroon ng bagong Saligang Batas ang
ating republika.Isa sa pinakamainit na usaping pinagtalunan ng mga delagado sa
kumbensyong konstitusyunal ay ang usapin ng Wikang Pambansa.

 Gayunpaman dahil sa magigiting na taga[agtanggol ng Wikang Pambansa na


nagmila sa iba’t ibang rehiyon at nagsasalita ng iba’t ibang wika, nananaig ang
consensus na ang wikang pambansa ay Wikang Filipino na ang nukleyo ay ang
Wikang Pilipino, sa pasubaling ito’y patuloy na lilinangin salig sa mga umiiral na
mga katutubong wika sa Pilipinas at handa ring humiram ng mga salitang banyag.

 Sa pagpapalit ng pangalan “Pilipino” tungong “ Filipino” ganap na napatahimik na


ang protesta ng mga rehiyunalista.Simpling pagpapalit ng titik ang
nangyari :testament ito na ang wikang pambansa ay hindi na lamang sa Tagalog
nakasandig sapagkat wala namang “F” sa Abakadang Tagalog.

 Ang pagbabanyuhay ng Pilipino na naging “Filipino” ay pagyakap ng wikang


pambansa sa iba pang mga katutubong wika ng Pilipinas na may mga tunog na
wala sa Tagalog.

 Upang lalong pasiglahin ang paggamit ng Wikang Filipino sa mga opisyal na


transaksyon,komunikasyon at korespondensya ng gobyerno,nilagdaan ni dating
Pangulong Corazon C. Aquino ang kautusang Tagapagpaganap Blg 335 noong
Agosto 25,1988.Lalo ring pinagtibay ng administrasyong Aquino ang patakarang
bilingguwalismo sa edukasyon sa pamamagitan ng kautusang Pangkagawaran
Bilang 53,serye ng 1987.

 Malaking tagumpay ang pagsulong ng wikang Filipino dahil sa mass


media,dalawang magkasunod na dekadang ito’y nauso ang paggamit nga Filipino
sa public affairs at news program.Pinasimulan ng programang”Batibot” at
sinundan ng “At iba Pa,” “Hiraya Manawari” at “Bayani” at iba pa ang
pagatatangka ng makabayang TV producer na tumulong sa de-Amerikanisasyon
ng mga Pilipino.

 Ang mgapopularisasyon ng mga rado-dramang Tagalog na talaga namang


sinubaybayan ng masang Pilipino sa buong kapuluan ay nakapag-ambag din sa
pagsusulong ng wikang Filipino.Katunayan,mas malaki ang papel ng radyo sa
Filipinisasyon ng mass media sapagkat sa panhong iyon ay hindi pa gaanong
maraming Pilipino ang may telibisyon ngunit walang duda na halos bawat tahanan
saan mang sulok ng Pilipinas ay may Radyo..Sa dalawang dekadang ito ay
sumulong ang Filipinisasyon ng mga dyaryo.Bagama napako ang sa mga tabloid
ang Filipinisasyon nng print media,malaking tagumpay ang pag-ungo ng mga
pahayagang Filipino sa bilang ng mga mambabasa ng mga Ingles na broadsheet
na nakalatha sa wikang English

 
KONTEKSTO NG PANLIPUNANG USAPIN SA FILIPINO
9

 Lubos na nagniningning sa panahong ito ang pagsulong ng wikang Filipino


sapagkat sa dekadang nabanggit naipasa ang Batas Republika Blg.7104 na
nagtatadhana ng paglikha ng komisyon sa Wikang Filipino (KWF), ang
pangunahing ahensiya ng gobyerno na nangangalaga sa patuloy na
pagpapaunlad at pagtataguyod ng paggamit ng wikang pambansa at ng iba pang
mga wika sa Pilipinas,kagaya ng hinalinhan nitong Institute of the National
Language.

 Samakatuiwid , ang adbokasiya ng Tanggol Wika na adbokasiya rin ng maraming


makabayan sa bansa ay magtitiyak na ang nasimulan na ay maipagpapatuloy at
lalo pang mapauunlad tungo sa ganap na p aggamit ng Filipino bilang wika ng
komunikasyon sa iba’t ibang anatas at larangan.

Sa pamamagitan ng Concept cluster bigyan ng kahulugan ang “Wika” bilng


instrument ng komunikasyon

Gawain 1. (Isang Linggo)

Sa pamamagitan ng Concept cluster bgyan ng kahulugan ang “Wika” bilng


instrument ng komunikasyon.

Wika
KONTEKSTO NG PANLIPUNANG USAPIN SA FILIPINO 10

Maraming salamat! Para sa inyong mga


sagot isulat lamang sa nakalaan na bilog!
Kung mayroong mga katanungan tawagan
lamang ang numerong ito: ______ o mag
email sa:______.

Maikling Pagsusulit 1.

Isulat sa patlang bago ang bilang na tinutukoy sa aytem.


________1.Sinimulan sa taong ito ng mga instruktor ng Filipino sa kolehiyo ang
pagpapalaganap ng isang petisyon na humihiling sa CHED at sa Department of
Education (DepEd) na ipahinto ang implementasyon ng senior high school/junior
college at ng revised General Education Curriculum (RGEC) sa ilalim ng Kto12 na
maaring makapagpaliit o tuluyang lumusaw sa mga Departamento ng Filipino sa mga
Unibersidad.
_______ 2. Inilabas sa taong ito ng CHED ang CMO No. 20,Series of 2013 na
nagtakda ng core courses na bagong kurikulum sa antas tersyarya sa ilalim ng
Kto12.
_______ 3. Sa seksiyon 3 ng CMO na ito ay naging opsiyonal na lamang din ang
Filipino bilang midyum sa pagtuturo,mula sa dating pagiging mandatoring wikang
panturo nito sa ilalim ng CMO No. 59, Series of 1996.
_______ 4. Pinakamalakas at pinakamaaasahang balwarte ng tanggol Wika,lalo na
sa pagsasagawa ng mga malakihang asembliya at kilos-protesta,dahil na rin sa
sigasig ng Departamento ng Filipinohiya na pinamunuan ni Prop. Marvin Lai.
_______ 5. Mahalaga rin ang papel ng Departamento ng Filipino ng DLSU sa
pamumuno ni _____, sa pagbibigay ng malalaki at libreng venue para sa mga
asembliya at forum mg tanggol Wika
________ 6. Naging matagumpay ang adhikain ng Tanggol Wika dahil may Filipino
at Panitikan pa rin sa kolehiyo,alinsunod sa CMO ____.
________ 7. Ipinahayag niya , isa sa mga komisyoner ng 1986 Constitutional
Commission ,nang Kaniyang panukala ang mga probisyong kalauna’y nagging
Artikulo XIV sa Saligang Batas ukol sa edukasyon,wika at sining na “ang ating
Wikang Pambansa,walang kaduda-duda,ay isang makabuluhang pangkulturang
muhon para sa pambansang pagkakilanlan
KONTEKSTO NG PANLIPUNANG USAPIN SA FILIPINO 11

________ 8.L umitaw sa taong ito ang survey ng Ateneo de Manila University na
92% ang nakaiintindi ng tgalog sa buong bansa,83% ang nakapagsalita nito,88%
ang nakakabasa,at 81% ang nakakasulat. Napakalaki ang agwat nito sa sinasabing
51% na nakaiintindi ng Ingles at 41% nakaiintindi ng sebwano.(Pansinin na “tagalog”
at hindi “Filipino” ang ginagamit na tawag sa Wikang Pambansa.)
______ 9. Pangulong naglagda sa kautusang Tagapagpaganap Blg 335 noong
Agosto 25,1988,upang lalong pasiglahin ang paggamit ng Wikang Filipino sa mga
opisyal na transaksyon,komunikasyon at korespondensya ng gobyerno.
_________10. Batay dito ng KWF na inihanda ni Almario(2014).’malayo na ang
narrating ng wikang pambansa dahil na rin sa pagiging bahagi nito sa kurikulum sa
lahat ng antas ng edukasyon,ginamit na ito sa Luzon,Visaya at Mindanao.
 
Binabati ko kayo sa puspusang pagsagot sa mga
katanungang nakalaan sa itaas! Ipagpatuloy lamang
ang mga magandang nasimulan.

Mga Posisyong papel Hinggil sa Filipino at Panitikan

Link: https://www.coursehero.com/file/54560144/konkomfil -

 Isa sa pinakaunang posisyong papel na nagtataguyod sa pagpapanatili ng Filipino


at Panitikan sa kolehiyo ang resoplusyon ng humigit-kumulang 200 delegado sa
isang pambansang kongreso ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at
Literaturang Filipino (PSLLF) noong Mayo 31, 2013, sa ilalim ng pamumuno ni
Dr. Aurora batnag,dating director sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).

 Ang Papel na ito ay pinamagatang “ PAGTITYAK SA KATAYUANG AKADEMIKO


NG FILIPINO BILANG ASIGNATURA SA ANTAS TERSYARYA” ang nasabing
resolusyon na inilakip ng PSLLF sa isang posisyong papel na isinumite sa CHEd
noong 2014. Ang may akda ay si Dr. Lakandupil Garcia (noo’y opisyal ng
PSLLF).

 Pangunahing Nilalaman ng nasabing resolusyon ang pagigiit ng mga guro na hindi


dapat patayin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo sapagkat “sa anatas
tersyarya nagaganap at lubhang nalilinang ang “intelektwalisasyon ng Filipino” sa
pamamagitan ng pananaliksik,malikhaing pagsulat,pagsasalin,pagsasalitang
pangmadla at kaalamang pangmidya.

 Inilahan din ng PsLLF ang mga argumentong maka-Filipino sa konteksto ng


globalisasyon sa isang bukod na posisyong papel na inilabas noon 2014. Ayonsa
PSLLF
For classroom Instruction Purposes only
KONTEKSTO NG PANLIPUNANG USAPIN SA FILIPINO

Sa panahon ng patuloy na globalisasyon at ng napipintong  


Association of Southeast Asian nations (ASEAN)
Integration,nararapat lamang na patibayin ng mga Pilipino ang sariling
wika at panitikan,upang makapag-ambag ang mga ito sa proyekto ng
global at rehiyonal na integrasyong sosyo-kultural. Samakatuwid, ang
pagpapalakas ng wika at panitikang Filipino sa lahat ng antas ng
 Idinagdag din ng PSLLF ang ugnayan ng wikang Pambansa at ng holistikong
paghubog sa m ga mamamayang Pilipino:

Lagpas pa sa pag-aamabag sa kultura ng daigdig,ang pagtuturo ng


wika at panitikang Filipino ay pagigiit ng espasyo para sa
humanidad ng mga Pilipino.Ang ating wika at panitikan ay salamin
at tagapagpahayag ng ating mga hinaing,kasawian,
tagumpay,kasiyahan,hinanakit, sama ng loob,pangarap,pag-asa at
iba pang damdaming nagbibigay sa atin ng lakas upang
humakbang mula rito patungo sa dako paroon ng hinahaharap.Ang
pagkakait ng espasyo para sa wika at panitikang Filipino ay
pagkakait ng espasyo para sa ating pagkatao at pagiging tao.”
Inilahad din ng PSLLF na” ang pagtuturo sa wikang pambansa
bilang required na asignatura sa kolehiyo,bukod pa sa paggamit
nito bilang pangunahing wikang panturo ay ginagawa rin sa iba
pang bansang nagpapatupad ng sistemang K to 12 gaya ng
Malaysia, Indonesia, at Estados Unidos.

 Detalyado ring ipinaliwanag ng PSLLF ang historikal na paninindigan para sa


bilinggwalismong pabor sa wikang pambansa
13

. 2 1 7( . 6 72 1 * 3 $ 1 / ,38 1 $1 * 8 6 $ 3 ,1 6 $ ) ,/ ,3 ,1 2

Naninindiga n ang organisasyon na gamitin ang wikang Filipino


bilang mandatory na wikang panturo sa 12 yunit sa bagong
General Education Curriculum (GEC), bukod pa sa asignaturang
Rizal. Ang ganitong paninindigan ay alinsunod sa patakarang
bilinggwal sa edukasyon na ipinatupad sa pamamagitan ng
Department Order No. 25,series of 1974 ng Department of
Education,Culture and Sports (DECS) na hanggang ngayo’y
operatibo at may bias mula Baitang 4 hanggang antas
tersyarya.Alinsunod sa nasabing dokumento,ang wika ng
pambansa ang dapat maging wikang panturo sa social
studies/social sciences,music,arts,physical education,home
economics,practical arts and character education.Katunayan,
maraming asignatura sa larangan ng agham panlipunan sa
kolehiyo ang matagal nang itinuturo sa Filipino.Iminumungkahi
naming na palawakin pa ang saklaw ng Filipinisasyon ng wikang
panturo sa kolehiyo sa pamamagitan ng mandatory na paggamit
nito sa 12 yunit sa bagong GEC. Ang pagpapalawak sa paggamit
ng Filipino bilang wikang panturo sa kolehiyo ay alinsunod din sa
Artikulo XIV,Seksyon 3 ng Konstitusyong 1987… Hinggil naman
sa pagkakaroon ng asignaturang Filipino bilang mandatory core
course sa kolehiyo,sumusuporta kami sa pagkakaroon ng 9 na
yunit ng asignaturang Filipino na may multi/interdisiplinaring
disenyo.
 Mayo 23,2014 pinagtibay ng Natinal Commission on Culture and Arts-national
Committee on Language ang Translation/NCCA-NCLT ang isang resolusyon na
humiling sa commission on Higher Education (CHED),at kongreso at senado ng
republika ng Pilipinas na agarang magsagawa ng mga hakbang upang isama sa
bagong General Education Curriculum (GEC) sa antas tersyarya ang mandatory
na 9 yunit na asignaturang Filipino.

 Ang resolusyong ito ng NCLT sa ilalim ng NCAA (2014) ang nagging titis ng
malawakang media coverage tungkol sa tangka ng CHED na paslangin ang
Filipino at panitikan sa Curriculum.

 Punto ng resolusyong masunod ang konstitusyong 1987 sa paggamit ng Filipino


bilang midyum ng opisyal na komunikasyon, at bilang wika sa pagtuturo sa
sistemang pang-edukasyon kung mananatili ito sa antas tersyarya.

 Taong 2014 naglabas ang lupon ng komisyonaer ng NCAA ng resolusyon para “


pusposang imungkahisa CHED na gawing kautusan ang pagtuturo sa Filipino ng
tatlong asignaturang pangkolehiyo sa level ng edukasyong heneral” sa kolehiyo.

 
KONTEKSTO NG PANLIPUNANG USAPIN SA FILIPINO 14

 Hunyo 20,2014 inilabas ng KWF ang “kapasiyahan ng kalipunan ng mga


komisyoner blg.14-26 serye ng 2014.. Na naglilinaw sa tindig ng KWF hinggil sa
CHED Memorandum order blg.20,s. 2013.

 Nakatuon ang mga lupong ng komisyoner ng NCCA sa sitwasyon ng Filipino bilang


wikang panturo ang resolusyon ng mga komisyoner ng KWF na nagigiit ng “
pagtuturo ng siyam (9) na yunit sa Wikang Filipino, na pag-uulit lamang ng mga
sabjek sa Filipino sa antas sekundarya,kundi naglalayong magamit at maituro ang
wika mula sa iba’t ibang disiplina— na pagkilala sa Filipino bilang pintungan ng
karunungan at hindi lamang daluyan ng pagkatuto, at upang matiyak ang
pagpapatuloy ng intelektwalisasayon ng Filipino” at pagtiyak na “ kalahati o apat
(4) sa panukalang Core courses bukod sa kursong Rizal, na nakasaad sa
Memorandum Order Blg.. 20,s.2013 ay ituro gamit ang Wikang Filipino”.

 Sa kabila ng hindi gaanong malinaw na pormulasyon (halimbawa, sa pariralang


“pagtuturo ng (9) na yunit sa Wikang Filipino higit na naging malinaw sana na
pagtuturo ng asignaturang Filipino ang tinutukoy kung sa halip ba “sa” ay “ng” ang
ginamit), malinaw ang kabuuang layunin ng resolusyon ng KWF: suportahan ang
panawagan ng mga samahang pangwika hinggil sa pagbuhay ng mga
asignaturang Filipino sa kolehiyo sa paggamit din ng Filipino bilang wikang
panturo sa iba pang asignatura.

 Agosto 24 nailathala ng Departamento ng Filipino ng De La Salle University,Manila


ang posisyong papel na pinamagatang “Pagtatanggol sa wikang Filipino,tungkulin
ng bawat Lasalyano”

 Ang pagpapalakas sa ugnayan ng ating pamantasan at ng mga ordinaryong


mamamamayan ay alinsunod sa bokasyon ni San Juan Bautista De La Salle na
nagsikhay sa paggamit ng wika ng mga ordinaryong mamamayan sa edukasyon.

 Inilahad din ng nasabing posisyong papel ang praktikal na kabuluhan ng pag-aaral


ng Filipino para sa komunikasyong akma sa sitwasyon ng bansa:” sa
pamamagitan ng asignaturang Filipino sa DLSU,inaasahang may sapat na
katatasan sa wikang pambansa ang sinumang gradweyt ng pamantasang ito sa
pakikipagtalastasan sa iba’t ibang pangangailangan o kontekstong
pangkomunikasyon pang-akademiko man o pangkultura, tuald ng nalilinang sa
ibang pamanatasan”.

 Sa kongklusyon,iginiit ng Deapartamento ng Filipino ng DLSU,Manila na “ ang


adbokasiyang ito’y pagsasalba sa kolektibong identidad, sa salamin ng ating
kultura,sa daluyan ng diskursong pambansa, at pagtataguyod ng nasyonalistang
edukasyon na huhubog ng mga estudyanteng magiging mga kapaki-pakinabang
na mamamayan ng ating bansa.
15
KONTEKSTO NG PANLIPUNANG USAPIN SA FILIPINO

 Naglabas ng posisyong papel ang mga guro mula s Ateneo de Manila University, na
pinamagatang: “Ang Paninidigan ng Kagawaran ng Filipino ng Pamantasang
Ateneo de Manila sa Suliraning Pangwikang Umuugat sa CHED Memorandum
Order No. 20,series of 2013.”Binigyang diin ng nasabing dokumento na ang
pagkakait ng espasyo sa Filipino ay pagkakait din ng espasyo para sa iba pang
wika ng bansa.

 Ang Departamento ng Filipino at panitikan ng Pilipinas sa ilalim ng kolehiyo ng arte


at Literatura ng Unibersidad ng Pilipinas,Diliman ay naglabas din ng posisyong
papel sa isyung ito.

 Gaya ng posisyong papel ng DLSU,manila,binigyang-tuon din ng posisyong papel ng


UP ang kahalagahan ng Filipino sa komunikasyong panloob bilang wikang “susi ng
kaalamang bayan.”Ayon sa nasabing posisyong papel,”nasa wika ang pagtatanyag
ng kaalamang local —-- mga kaalamang patuloy na hinubog at humuhubog sa
bayan.

 Gawain ng mga guro sa Filipino sa anats tersyarya ang sanayin ang mga mag-aaral
na gamitin ang wikang Filipino upang gawing kapaki-pakinabang ang napili nilang
disiplina sa pang-araw-araw na buhay ng mga mamamayan.

 Kailangan nilang matutong magpaliwanag at makipagtalastasan sa wikang Filipino


upang mapakinabangan ng mamamayan ang kanilang kaalaman.

 Inilathala rin ang iba’t ibang yunit at organisasyon sa Polytechnic University of the
Philippines,manila ang “ Paninidigan ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP),Samahan ng mga Dalubguro sa
Filipino (SADAFIL),Samahan ng mga batabg Edukador ng Wikang Filipino at mga
Sining sa Pilipinas,PUP Sentro sa Malikhaing Pagsulat, at PUP Ugnayan ng talino
at Kagalingan” noong 2014.

 Umiiral sa realidad ng Plipinas na ang Filipino ay wikang panlahat.

 Noong 2014 ay naglabas din ng posisyong papel sa isyung ito ang mga guro mula
sa Pambansang sentro sa edukasyong Pangguro,ang Philippine Normal
University. Na nagpapahayag na “ isang moog na sandigan ang wikang Filipino
upang isalin ang hindi magmamaliw na karunungan na pakikiinabangan ng mga
mamamayan para sa pambansang kapakanan.

 Bukod sa mga nabnggit na paaralan ay marami pang mga unibersidad sa buong bansa ang
nagpahayag ng pagsuporta sa adbokasiya ng tanggol Wika, gaya ng NTC,MSU-IIT, ang
noo’y SBC-manila,Technological University of the Philippines (TUP)-manila,De La Salle –
College of St. Benilde (DLS-CSB), Xavier University at Pamantasang Lungsod ng Marikina
(PLMar). Ang ilang organisasyong pangkabataan gaya ng Dalubhasaan ng Umuusbong na
Mag-aaral ng Araling Filipino (DANUM),League of Filipino Students (LFS) at ang
KONTEKSTO NG PANLIPUNANG USAPIN SA FILIPINO 16

University Student Government (USG) n g DLSU ay naglabas din ng kaniya-


kaniyang mga posisyong papel. Nasa ibaba ang ilang piling sipi mula sa mga
nasabing dokumento.

Sa isang bansa na pinagdedebatihan pa rin ang pambansang


identidad,hindi matatawanan ang ambag ng pagkakaroon ng
asignaturang Filipino sa lahat ng antas ng edukasyon,tungo sa
pagpapatibay ng kolektibong kaakuhan ng ating
sambayanan”.__DANUM (2014).

“Ang pagpapanatili ng mga asignaturang Filipino at Ingles sa GEC


umaangkop sa ninanais ninyong (CHED) pagkakaroon ng holistic
growth sa mga mag-aaral, upang mahasa at maging bihasa pa lalo ang
mga Pilipino sa dalawang wika na ito. Karagdagan pa roon, ang
kahalagahan ng pagmamahala sa ating kultura at wika ay lalo pang
mapatibay kung mananatili ang asignaturang Filipino sa GEC. Ngunit,
nararapat lamang na mas maging komprehensibo at magbigay ng mas
malalim at malawak na kaalaman sa mga mag-aaral .Samakatuwid,
nais naming idagdag sa GEC ang asignaturang Filipino na hindi lamang
basic Filipino ngu8nit magtuturo ron ng mas malalim na pang-unawa at
pagpapahalaga sa wika.—-USG ng DLSU-Manila (2014)

… ang CMO (No.) 20 ay larawan ng pagpapasahol ng kolonyal na


oryentasyon ng edukasyon na nakadirekta sa pagtugon ng mga guni-
guni ng globalisasyon o ang lalong pagpapalakas ng control sa
ekonomiya,pulitika at kultura ng mga dayuhang bansa,pangunahin ang
Estados Unidos.Hindi nito pinagsisilbihan ang interes ng mamamayang
Pilipino para sa ganap na pag-unlad bagkus ay sinusunod ang
pangangailangan ng mga makapangyarihang bansa. Isa itong
kaparaanan ng gobyerno upang gapiin ang ideyalismo at diwang
makabayan ng kabtaan at ipalaganap sa kanila ang kaisipang palaasa
sa dayuhan.”—LFS (2014) “Nagiging bukal ng karunungan ang
paggamit ng wikang Filipino sa iba’t ibang disiplina.Dahil ditto,
nakalilikha ito ng mga rehistrong nagpapayam,an ngkorpus ng wikang
pambansa. Sa madaling salita, itinataas ng paggamit ng Filipino ang
antas ng talastasan sa akademikong larangan.Malaki ang tungkulin ng
Filipino sa pagbuo ng pambansang kamalayan sa kalinangang Filipino.
Bilang Disiplina,ito ang nagbubukas sa isip ng mga Filipino sa higit na
kritikal at analitikal na mamamayang may malasakit sa kaniyang kultura
at pagkabansa.Ito ang wikang nakadarama ng tunay na pulso ng
bayan.—-DLS-CSB (2014)
. 2 1 7( . 6 72 1 * 3 $ 1 / ,38 1 $1 * 8 6 $ 3 ,1 6 $ ) ,/ ,3 ,1 2

Naninindigan kaming napakalaking bahagi ang ginagampanan ng Filipino sa patuloy


na paghahanap n g sariling identidad at pagkakakilanlan. Marubdob di ang aming
paniniwalang patuloy na nagsisilbing instrument ang wika at panitikang Filipino sa
pagpapalinaw ng landasin tungo sa makatotohanang kalinaw (kapayapaan0 ditto po
sa amin sa Mindanao. Sinusuportahan din po naming ang pagkakaroon ng
asignaturang Filipino bilang mandatory core course sa kolehiyo. Sa amin pong
panglantaw,napakahalagang maisama ang 9 yunit sa asignaturang Filipinong may
multi/interdisiplinaring disenyo. Sa ganitong kaayusan, mas mapahuhusay ang
kasanayan ng mga estudyante sa paggamit ng Filipino at mas mapalalim ang
kanilang unawa sa samu’t saring isyung panrehiyon at pambansa. Nakalulan din sa
wika at panitikan ang mga diskursong panlipunan at pampolitikong magpapatalas sa
mga mag-aaral at magdidiin upang ang Unibersidad ay magkaroon ng tunay na
nasyonalistang karakter.—-MSU-IIT (2014).

Gawain 2.
 

Paglikha ng Video ng Publikong Anunsyo Hinggil sa Adbokasiyang Pangwika


(Isahan)

Kayo ay mga empleyado ng komisyon sa Wikang Filipino (KWF) o ng National


Commission for Culture and the Arts (NCCA).Inatasan kayong lumikha ng video ng
publikong anunsyo ng ahensya para sa adbokasiyang pangwika at ipopost sa mga
social media website.Lilikha kayo ng video ng pampublikong anunsyo na nagbibigay
diin sa teamng “Pagtatanggol sa Wikang Filipino,Tungkulin ng Bawat Pilipino”.
Maaring gumamit ng musika,mga larawan at iba pa upang higit na maging malikhain
at katangi-tangi ang video ng publikong anunsyo. Sa pangkalahatan,kailangang
nagkikintal ng makabuluhang kaisipan at pagpapahalaga sa adbokasiyang pangwika
ang nasabing video. Para sa inyong rubriks sa gawaing ito pumunta sa page 71.

Maraming salamat sa inyong kooperasyon,


Para sa inyong mabubuo na video paki email
lamang sa :cheryljuancho@jrmsu.edu.ph o
tawagan ang numerong ito; _____ para sa iba
pang detalye.Hanggang sa susunod na gawain!

Hanggang sa muli…..
KONTEKSTO NG PANLIPUNANG USAPIN SA FILIPINO 18

Maikling Pagsusulit 2.

Isulat Lamang patlang bago ang bilang ang T kung ang pahayag ay “Tama “at
isulat M kong ang Pahayag ay “Mali”.
 

__________1. CMO (No.) 20 ay larawan ng pagpapasahol ng kolonyal na oryentasyon


ng edukasyon na nakadirekta sa pagtugon ng mga guni-guni ng globalisasyon o ang
lalong pagpapalakas ng control sa ekonomiya,pulitika at kultura ng mga dayuhang
bansa,pangunahin ang Estados Unidos.

________ 2. Pagpapanatili ng mga asignaturang Filipino at Ingles sa GEC


umaangkop sa ninanais ninyong (CHED) pagkakaroon ng holistic growth sa mga
mag-aaral, upang mahasa at maging bihasa pa lalo ang mga Pilipino sa dalawang
wika na ito.

________ 3. Nararapat lamang na mas maging komprehensibo at magbigay ng mas


malalim at malawak na kaalaman sa mga mag-aaral .Samakatuwid, nais naming
idagdag sa GEC ang asignaturang Filipino na hindi lamang basic Filipino ngu8nit
magtuturo ron ng mas malalim na pang-unawa at pagpapahalaga sa wika.—-USG ng
DLSU-Manila (2014)

________4. Naglabas ng posisyong papel ang mga guro mula s Ateneo de Manila
University, na pinamagatang: “Ang Paninidigan ng Kagawaran ng Filipino ng
Pamantasang Ateneo de Manila sa Suliraning Pangwikang Umuugat sa CHED
Memorandum Order No. 20,series of 2013.”

________5. Hunyo 20,2015, nilabas ng KWF ang “kapasiyahan ng kalipunan ng mga


komisyoner blg.14-26 serye ng 2014.. Na naglilinaw sa tindig ng KWF hinggil sa
CHED Memorandum order blg.20,s. 2013.

Tunay na kahanga-hanga ang iyong


nakuhang puntos! Ipagpatuloy lamang ang
mgandang nasimulan,hanggang sa muling
pagsusulit!
19

. 2 1 7( . 6 72 1 * 3 $ 1 / ,38 1 $1 * 8 6 $ 3 ,1 6 $ ) ,/ ,3 ,1 2

Karagdagang Babasahin

Hindi lamang mga propesor ng Filipino ang nagtatanggol sa wikang


pambansa sa panah on ng muntik nang pagpaslang ditto ng CHED noong 2013.
Maraming mga propesor sa iba’t ibang larangan ang nakilahok din sa adbokasiya ng
Tanggol Wika, gaya ni Dr. Antonio Contreras,popular na komentarista at respetadong
mananaliksik sa agham pampolitika sa DLSU,Manila.Narito ang isang artikulo na
kanyang sinulat sa GMA News Online (2014) para suportahan ang adbokasiya ng
Tanggol Wika.

FIILIPINO, ANG PAMBANSANG WIKANG DAPAT PANG IPAGLABAN

Ni Antonio P. Contreras

Ano nga ba sa Filipino ang “The square root of 4 is 2?”

Dito na nauwi ang usapin kung ano ang tatahaking landas ng ating wikang pambansa.
Ang ganitong argumento ay tila binabandera ng mga tutol na gamitin ang Filipino sa
pagtuturo, lalo na sa mga larangan ng Agham at Matematika, para palitawin na baka
mauwi lang ang usapan sa katatawanan.

“Ang parisukat na ugat ng apat ay dalawa.”

Sadya ngang kakaibang pakinggan.

Katulad nga naman ito ng mga pagpupumilit na gamitin ang “salumpuwit” para sa
upuan at “salung-suso” para sa “bra,” na para bang mangingimi kang itanong kung
ano ngayon ang magiging salin ng “panty” at “brief.”  

May nagsasabi na ang dapat na salin ng “The square root of 4 is 2” ay “Ang skwer rut
ng apat ay dalawa.”  

May mga purista naman na tataas ang kilay sa paraang ito ng pagsalin. Ito rin ang
mga taong hindi masaya na mabasa ang mga salitang tulad ng “jornal”, “sentens”,
“referens”, “iskwater”, “kompyuter”, “basketbol” at iba pang ang salin ay nanggagaling
sa tunog at iniba lang ang baybay o “ispeling.”

Sa ganang akin, ang mas tanggap ko na salin, dahil ito ang likas at mas maiintindihan
ng kausap, ay “Ang square root ng apat ay dalawa.” O kaya ay “Ang square root ng 4
ay 2,” na kung saan ang 4 ay bibigkasin na “apat” at ang 2 naman ay “dalawa.”

Ito ay sa dahilang ang layunin dapat ng wika ay ang magkaunawaan.

Naniniwala rin ako na walang saysay na isalin pa ang mga unibersal na diskurso ng
Agham at Matematika.

For classroom Instruction Purposes only


KONTEKSTO NG PANLIPUNANG USAPIN SA FILIPINO 20

Tunay ngang nakapanlulumo na hanggang sa ngayon ay marami pa tayong


pinagdaraanang hidwaan at bangayan para manahan ang isang wikang pambansa sa
ating kamalayan. At mapapaisip ka lalo kapag malaman mo na ang mga pag-
aalinlangan ay nakikita lamang sa mga elitistang uri, o sa mga uring intelektwal o
nagpapaka-intelektwal, at hindi sa kamalayan ng ordinaryong mamamayang sanay na
na manood ng TV na nasa wikang Tagalog pa nga, at hindi Filipino.

Ang pagtutol sa pagkakaroon ng pambansang wika ay lalong binibigyan ng bangis ng


mga argumento ng mga aktibistang rehiyonalista, na nagngangalit sa di-umano ay
problematikong daloy ng pagbubuo nito. Sa kanila, ang Filipino ay isang imposisyon
ng imperyalistang sentro na nakabase sa Katagalugan, manyapa’t ang balangkas o
struktura ng Filipino ay halaw lamang sa wikang Tagalog. Para sa kanila, malulusaw
ng paggamit ng Filipino ang pagiging matatas nila sa kanilang mga rehiyonal na wika,
at nakaamba ang panganib na dulot nito upang tuluyan nang burahin ang mga
etnolingwistikong kaakuhan o identidad.

Naroon na ako. Marahil nga ay mas litaw ang mga salitang Tagalog sa kasalukuyang
balangkas ng Wikang Filipino. Ito ay patunay lang siguro na sa obhetibong pagtaya,
mas malawak ang gamit ng at pag-kakaunawa saTagalog. Siguro nga, ito ay epekto
ng katotohanang dahil ang Maynila ang naging sentro ng kolonyal na Pamahalaan ay
dito rin nagmula ang lahat ng daloy ng pagbuo ng isang kamalayan pambansa, mula
sa pagtatag ng pamahalaan, sa pagpapalago ng ekonomiya, at hanggang sa
pagpapalaganap ng kulturang popular.

 Nang nasa Butuan ako, ang nakita kong babala para huwag pumarada ang mga
sasakyan sa isang panig ng palengke doon ay “Bawal pumarada dito.” Nang nasa
Bikol ako, kahit na ginamit ko ang Bikol Buhi para itanong sa tindera kung magkano
ang maruya, na kung tawagin namin ay “sinapot,” ang sinagot sa akin ng tindera ay
Tagalog. Sa buong kapuluan, aliw na aliw ang mga tao sa “Eat Bulaga” na ini-ere sa
Tagalog. Pinag-usapan ang kontrobersyal na pagmamahalan ni Eric at Vincent sa
“My Husband’s Lover” na bagama’t ang pamagat ay sa Ingles ay malawakang
tinangkilik maging sa Kabisayaan at sa Mindanao na gamit ang Tagalog. Tumatak din
sa diskurso ng ordinaryong tao ang pangangaliwa nang ipalabas ang “The Legal
Wife” sa Tagalog, na ngayon ay sinundan ng “Ang Dalawang Mrs. Real” na kung
saan napapanood natin na nagsasalita ng Tagalog maging ang mga karakter na
dapat sana ay mga Cebuano. Wala sa ating gawain ang mag-subtitle o mag-dubbing
ng mga telenovela at teleseryeng nagmumula sa mga network na nakabase sa
Manila at ang gamit ay Tagalog.

Ito ang katotohanang pilit binabangga ng mga aktibistang rehiyonalista. Ang


nakababahala ay ang hindi pagproblematisa ng mga aktibistang ito sa katotohanang
kung walang wikang Filipino na gagamitin upang makapag-usap tayo lahat bilang
mga mamamayan ng isang bansa, ang gagamitin natin ay ang wika ng mananakop,
ang wikang kolonyal, ang Ingles.
21

. 2 1 7( . 6 72 1 * 3 $ 1 / ,38 1 $1 * 8 6 $ 3 ,1 6 $ ) ,/ ,3 ,1 2
At dito, mukhang naliligaw ng landas ang mga rehiyonalistang ito.  

Para sa kanila, tanda lamang na tunay na may gahum o “hegemony” ang Filipino, na
ayon sa kanila ay isa lamang na nagbabalatkayong Tagalog, ang pagiging talamak nito
sa lahat ng sulok ng ating bansa. Galit sila sa gahum ng Filipino, subali’t di nila
binabanggit ang gahum ng Ingles na siya pa nilang mas gustong gamitin upang tayo
lahat ay makapag-usap at magkaunawaan.

Subalit ang tanong ay ito: Tunay nga bang may gahum ang Filipino? 

Ayon kay Antonio Gramsci, nagkakaroon lamang ng gahum o “hegemony” kung


merong malayang pagtanggap. Ang pagkakaroon ng puwang para sa mga aktibistang
rehiyonalistang ito upang labanan ang diskurso ng Filipinisasyon ay tanda na walang
malayang pagtanggap. Ang pagkakaroon ng pagkilala, maging sa ating Saligang Batas
na dapat payabungin at pagyamanin ang Filipino sa pamamagitan ng iba pang wika sa
Pilipinas ay malinaw na pagbubukas sa pag-angkat ng mga salita mula sa ibang
rehiyon, at ito ay hindi angking kakanyahan ng isang wikang ang kapangyarihan ay
ganap at nakaukit sa bato. Ang malayang paggamit ng mga rehiyonal na grupo sa
kanilang mga wika, upang pagyamanin ito, na maging ang pambansang awit ay may
salin na sa kani-kanilang mga wika, at may mga programa na sa lokal na himpilan ng
mga TV Networks tulad ng mga balita na gamit ang mga wikang rehiyonal, ay mga
patunay na walang gahum ang Filipino.

Paano magkakaroon ng gahum kung mismong sa larangan ng Estado, at sa mga


paaralan at pamantasan ay may pagkiling pa nga para gamitin ang Ingles?

Paano magkakaroon ng gahum kung sa mga korte, ang mga salaysay ng mga saksi ay
sa Ingles sinasalin at hindi sa Filipino?

May gahum ba ang isang wikang Pambansang kailangan pang paglaanan ng isang
buwan, ang Agosto, para lamang ipaala-ala na meron pala tayo nito?  

Agosto ngayon, kaya minarapat ko na maglaan ng isang artikulo na nakasulat sa ating


wika. Paano magkakaroon ng gahum kung kailangan pa ng okasyong katulad nito
upang magkaroon ako ng pagkakataong maipahayag ang aking sarili na ang ginagamit
ko ay ang wikang Filipino?Nakalulungkot na sa panahong ito, patuloy pa rin ang
pakikipaglaban para magkaroon ng lehitimong lugar sa ating kamalayan ang isang
wikang matagal na nating gamit. Ito ba ang wikang may gahum?Paano magkakaroon
ng gahum kung patuloy na nakikipaglaban hanggang sa ngayon ang mga nagtuturo ng
at nagmamahal sa wikang Filipino upang magkaroon man lang ng 3 units ito sa
bagong GE na isasakatuparan sa 2016? May gahum bang matuturingan ang isang
wika kung kailangan mo pang magdulog ng mga petisyon, magmartsa sa lansangan,
at magbuo ng kilusan, tulad ng Tanggol Wika, upang labanan ang mga pagtatangkang
burahin ito sa kurikulum ng Kolehiyo?
22
KONTEKSTO NG PANLIPUNANG USAPIN SA FILIPINO

Sa mga pamantasan sa ngayon, may mga tunggaliang nangyayari na dulot ng


kontrobersyal na kautusan mula sa Commission on Higher Education (CHED), ang
CMO 20, na kung saan nawala sa mga kursong ipakukuha sa lahat ng mag-aaral sa
Kolehiyo ang wika, bagama’t ginawang opsyon na ituro ang lahat ng mga kurso sa
bagong GE sa Filipino. Tanda ba ito ng isang makapangyarihang wika na lumukob na
sa kamalayan ng mga Pilipino, at may angking gahum na hindi mapasusubalian? May
gahum ba ang isang wikang Pambansa nga pero ay ginawa na lamang na isang
opsyon?

Paano magkakaroon ng gahum kung ang pagsusulat naming mga nasa Pamantasan
ng mga silabus ng kursong aming itinuturo, maliban kung ito ay sa kursong Filipino, ay
dapat una muna sa Ingles, at saka lang namin puwedeng isalin sa wikang Filipino? May
gahum ba ang Filipino kung ang mas tanggap na midyum para ituro ang kursong
“Purposive Communication” ay ang wikang Ingles? May gahum ba ang Filipino kung
hindi ito ang default na wika?

At may gahum ba ang isang wikang ang mas lantad na pananaw ay balakid ito sa
pagsulong ng ating ekonomiya, at isang sagka para tayo ay malayang makisama sa
agos ng globalisasyon at integrasyon sa ASEAN?

May gahum ba ang Filipino samantalang ginagawa pa nga nating katatawanan kung
paano isalin ang teknikal na terminong “square root”?

Walang gahum ang Filipino, kahit ito ang wikang Pambansa. Lagi pa rin itong
nakikiusap. Lagi pa ring nitong ipinakikipaglaban ang kanyang lugar.

At walang gahum ang Tagalog sa Filipino, dahil bukas ang huli upang pagyamanin ito
ng iba pang wika. Ang patunay pa nga na walang gahum ang Tagalog ay ang paulit-ulit
ko na paggamit ng salitang “gahum” na mula sa Cebuano, bilang salin ng “hegemony.”

Dahil dito, hindi dapat kinatatakutan ng mga aktibistang rehiyonalista ang Filipino na
siya raw bubura at lulusaw sa kanilang mga identidad.  Ang pangambang ito ay Isang
hungkag na pangamba.

Mabubura lamang ang kaakuhan kung ito ay hahayaan. At hindi nangangahulugan na


dahil ginagamit mo ang isang wika ay mawawala na ang iyong pagkatao. Kung may
malay ka dito, at may kontrol ka dito, hindi ito mabubura. Ito dapat ang
pinagkakaabalahan ng mga aktibistang rehiyonalista, ang pagyamanin ang kani-
kanilang mga wika, kultura at kamalayan, kasabay ng pagtangkilik sa pagpalaganap ng
isang wikang pambansang sa ngayon ay maaaring ang dominanteng hulmahan ay ang
Tagalog, subalit bukas sa pagpasok ng iba pang mga wika upang ito ay mapagyaman
at mapayabong.

At ito rin ang dahilan kung bakit dapat patuloy na ipagtanggol ang Wikang Filipino, at
panatilihing buhay ang kamalayang iugnay ito sa ating paghubog ng ating mga Iba’t-
ibang identidad. Ito lamang ang sisiguro na hindi malulusaw ang wika ng mga Pilipino
sa mukha ng talamak na pagtangkilik sa Ingles.
23

. 2 1 7( . 6 72 1 * 3 $ 1 / ,38 1 $1 * 8 6 $ 3 ,1 6 $ ) ,/ ,3 ,1 2

Dapat pa ngang makipagtulungan ang mga aktibistang rehiyonalista sa labang ito,


dahil sa iisang panig lang lahat tayo. Mali naw na kapag mawalan ng lugar ang wikang
Filipino sa pagbubuo ng kamalayang pambansa, mawawalan din ng lugar ang mga
wikang rehiyonal na makapag-ambag sa kabuuan ng kamalayang ito. Sa isang
sistemang global, mawawala at lalamunin tayo sa ating pagkawatak-watak.

Sa kalaunan, hindi naman talaga ang Ingles ang kaaway. Hindi dahil ginagamit ang
Ingles ay mabubura na ang Filipino.  

Ang kaaway ay ang mga puwersang nananahan sa puso at isipan ng maraming


Pilipino, na ang iba ay may mga hawak pa nga na posisyon, sa pamahalaan man o sa
pamantasan, na lumilikha ng mga balakid at pumipigil sa pagpapanatili ng Filipino sa
kamalayan ng Pilipino. Ito ang mga taong pinipilit papiliin ang Pilipino na mag-Ingles o
mag-Filipino, samantalang ang nararapat ay palawakin ang kamalayang Filipino sa
mga Pilipino upang kahit matatas tayong magsalita ng Ingles ay mananatili tayong
matatas magsalita sa Filipino at kung anumang rehiyonal nating mga wika.

The author is a former dean of De La Salle University. The views expressed in this
article are those of the author and do not necessarily reflect the position of this
website. 

Gawain 3
Upang mapalawig pa ang kaalaman ng mga kabataan sa “Wikang
Filipino”,dapat mapaigting ang pagtuturo at paggamit nito sa mga Paaralan, ayon sa
“Komisyon ng Wikang Filipino (KWF).

Hanapin ang link na ito https://www.youtube.com/watch?v=PWypLTSk27o at


panoorin ang Video na pinamagatang “Investigative Documentaris:Wikang
Filipino,Dapat Paigtingin ang Paggamit sa Paaralan “ng GMA News TV.

Pagkatapos panoorin ang video, bumuo ng isang maikling “Lathalain” na


hindi hihigit sa 400 salita na nakaangkla sa pamagat na ibinigay sa itaas. Ang
maikling Lathalain na mabubuo ay dapat na may angkop na pamagat at pumapaksa
sa temang ibinigay,wasto ang pagbabaybay ng mga salita at gramatika,malinaw ang
paraan ng pagpapahayag,at naglalahad ng mga makabuluhang impormasyon at
mga siniping pahayag na nakabatay sa iba’t ibang Sanggunian. Para sa modelong
lathalain ,maaring sipatin ang mga lathalain sa www.pinoyweekly.org,
https://issuu.com/philippinescollegian, at http://plaridel.ph/

 
24

. 2 1 7( . 6 72 1 * 3 $ 1 / ,38 1 $1 * 8 6 $ 3 ,1 6 $ ) ,/ ,3 ,1 2

Lathalain
Pamagat:

Maraming salamat! Para sa inyong mga


sagot isulat lamang sa nakalaan na
espasyo !Kung mayroong mga katanungan
tawagan lamang ang numerong ito: ____ o
mag email sa:_______.
KONTEKSTO NG PANLIPUNANG USAPIN SA FILIPINO 25

Maikling Pagsusulit 3.

Isulat sa patlang bago ang bilang na tinutukoy sa aytem.

________1. Organisasyong itinatag noong 2014 upang ikampanya ang pagpapanatili


ng Filipino at panitikan sa kolehiyo.

_______ 2. Panumbas ng Filipino sa konseptong “hegemony” ni Antonio Gramsci.

_______ 3. Nangangahulugang “kapayapaan”;karaniwang ginagamit sa salita sa Mi-


ndanao, gaya ng sa posisyong papael ng MSU-IIT.

_______ 4. Konsepto o pariralang Panumbas ng Filipino sa lingua franca ayon sa


sanaysay ni Virgilio Alamario.

_______ 5. Isa sa mga komisyoner ng 1986 Constitutional Commission na


nagpanukala ng mga probisyong kalauna’y nagging artikulo XIV sa Saligang Batas
ukol sa edukasyon,wika at sining at nagpahayag na “(a)ng ating Wikang
Pambansa,walang kaduda-duda, ay isang makabuluhang pangkulturang muhon para
sa pambansang pagkakilanlan”.

________ 6. Ayon sa posisyong papel ng mga guro sa UP,mahalaga ang Filipino sa


komunikasyon panloob,bilang wikang “susii ng ____.

________ 7. komite sa ilalim ng NCCA na naglabas ng resolusyon na nagtataguyod


sa pagkakaroon ng asignaturang Filipino at panitikan sa kolehiyo.

________ 8. Uri ng edukasyon “na huhubog n g mga estudyanteng magiging mga


kapaki-pakinabang na mamamayan ng ating bansa “ayon sa posisyong papel ng mga
guro sa DLSU_manila/

________ 9. Ang idudulot ng pag-alis ng Filipino at panitikan sa kolehiyo sa mga wika


at kulturang panrehiyon,ayon sa posisyong papel ng mga guro ng ADMU.

________ 10. batay sa pahayag ng LFS, ang CMO No. 20 ay”larawan ng


pagpapasahol ng mga guni-guni ng globalisasayon o ang lalong pagpapalakas ng
control sa ekonomiya,politika atb kultura ng mga dayuhang bansa

Binabati kita! Ipagpatuloy lamang ang


mgandang nasimulan, hanggang sa muling
pagsusulit!

You might also like