You are on page 1of 4

Blessed Generation Dream Academy

San Miguel, Calasiao, Pangasinan


SY: 2020-2021
Filipino
Learning Module

Grade Level: Grade 6


Reference: Pinagyamang Pluma 6 (Wika at Pagbasa) pp. 86-104
Duration: Week 6
Prepared by: Poulerose Q. Mendoza

KABANATA I

Kapaligiran, Aking Pangangalagaan

Aralin 6 Taghoy ni Kabayan

Ang mga mag-aaral ay . . .

 Natutukoy ang gamit at kaukulan ng panghalip.


Layunin  Nalalaman kung ano ang tula at tayutay.
 Nabibigyang halaga ang pangngangalaga sa mga hayop na
nanganganib nang maubos.

Gawin ang gawain sa “Simulan


Natin”.
Panimulang Gawain Pahina 86 sa iyong Pluma book.

Sagutin ang mga gawain sa pahina 87-89 sa inyong Pluma


book.

 Basahin ang akdang “Taghoy ni Kabayan” pahina 89-90.


 Sagutan ang tanong na “Paano ka makatutulong upang mailigtas si
Inang Kalikasan sa patuloy? (isulat ang inyong mga sagot sa inyong
PAGTATALAKAY
kuwaderno), at (Sagutin natin B at C pp. 91-92)
TALAKAYIN/
Ang tula ay isang uri ng panitikan na pinagyayaman sa
ALAMIN pamamagitan ng paggamit ng tayutay,at malayang paggamit ng
NATIN mga salita sa ibat-ibang estilo, Kung minsan ito ay maiksi o
mahaba.Ito ay binubuo ng saknong at taludtod na karaniwang
wawaluhin,lalabindalawahin,lalabing-animin at lalabing-waluhing
pantig. 
Uri ng Tula
Tulang Damdamin o Tulang Liriko- Ito ay sumasalamin sa
damdamin ng makata o ang taong sumusulat ng tula. Ang
damdamin o emosyon ng makata laman ang naging konsiderasyon
sa pagsulat ng uri nito. Kabilang na dito ang mga sumusunod na
akda: Awit, Soneto, Oda, Elehiya at Dalit.
Tulang Pasalaysay- ito ay tumutukoy sa mga pinapaksang mga
importante at mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay,
kagitingan at kabayanihan ng isang tauhan. Kabilang dito ang
sumusunod: Epiko, Awit/Korido at Kantahin 
Tulang Patnigan- isang uri ng tula na kung saan nakatuon ito sa
pagbibigay ng damdamin habang mayroong kapalitan ng opinyon o
kuro-kuro. Kabilang dito ang sumusunod: Balagtasan, Karagatan,
Duplo, at Fliptop o Battle Rap.
Tulang Pantanghalan o Padula- Tumutukoy sa mga piyesa o
tulang itinatanghal sa mga dulaan o teatro.

Tayutay- ito ay isang sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit


ng mga salita upang gawing mabisa, matalinghaga, makulay at
kaakit-akit ang pagpapahayag.
Uri ng Tayutay
Simili o Pagtutulad – Ito ay isang tayutay na nagsasangkot ng
paghahambing ng isang bagay sa isa pang bagay na may ibang uri.
Ito ay ginagamit upang gawing mas maliwanag o masigla ang
paglalarawan.
Halimbawa: Si Juan ay kasintapang ng leon.
Metapora o Pagwawangis – Ito ay isang tayutay na kung saan ang
isang salita o parirala ay inilalapat sa isang bagay o aksyon na
kung saan ito ay hindi literal na naaangkop.
Halimbawa: Ang ama ni Pedro ay tunay na haligi ng tahanan.
Personifikasyon o Pagtatao - Ito ay isang tayutay na nagsasalin
ng personal na kalikasan o katangian ng tao sa mga bagay-bagay
sa paligid.
Halimbawa: Ang mga dahon sa puno ay nagsasayawan.’
Pagmamalabis o Hayperboli - Ito ay isang tayutay na
nagpapakita ng kalabisan at imposibleng mangyari sa buhay ng

Gawin ang gawain sa pahina 97.


PAGPAPAHALAGA Pangangalaga sa mga Hayop na Nanganganib nang Maubos
 Basahin at pag-isipan ang pangungusap sa pahina 98-99.

Gamit ng Panghalip

1. Ginagamit Bilang Simuno o Paksa ng Pangungusap


Mga Halimbawa:
Ako ay Pilipino.
Ikaw ay mabait at matalino.
2. Ginagamit Bilang Panaguri ng Pangungusap
Talakayin Mga Halimbawa:
Ang kotse ay kanya.
Ang bukid ay kanila.
WIKA 3. Ginagamit Bilang Panuring Pangngalan
Mga Halimbawa:
Ang ganitong prutas ay masarap.
Ang ganiyang damit ay maganda.
4. Ginagamit Bilang Pantawag
Mga Halimbawa:
Kayo, hindi ba kayo papasok?
Ikaw, hindi ka pa ba maliligo?
5. Ginagamit Bilang Kaganapang Pansimuno
Mga Halimbawa:
Tayo ay lalakad na.
Iyan ang kakainin mo.
6. Ginagamit Bilang Layon ng Pang-ukol
Mga Halimbawa:
Bumili ako ng sapatos para sa iyo.
Para sa akin ang tinapay na ito.
7. Ginagamit Bilang Tagaganap ng Pandiwa sa Balintiyak na Ayos
Mga Halimbawa:
Ang prutas na kinain ko ay matamis.
Binigyan namin sila ng bigas.

https://www.youtube.com/watch?v=kKuZWpXsVhc

Isaisip Natin

Ang tula ay isang uri ng panitikan na pinagyayaman sa pamamagitan ng paggamit


ng tayutay,at malayang paggamit ng mga salita sa ibat-ibang estilo
Uri ng Tula
Tulang Damdamin o Tulang Liriko, Tulang Pasalaysay, Tulang Patnigan, Tulang
Pantanghalan o Padula
Tayutay- ito ay isang sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita
upang gawing mabisa, matalinghaga, makulay at kaakit-akit ang pagpapahayag.
Uri ng Tayutay
Simili o Pagtutulad, Metapora o Pagwawangis, Personifikasyon o Pagtatao,
Pagmamalabis o Hayperboli 
Sagutin Natin
Gawin ang mga gawain sa pahina 101-103 sa
iyong Pluma book.

You might also like