You are on page 1of 18

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

GRADO 10
IKAAPAT NA MARKAHAN
ARALIN 4.3
Panitikan : El Filibusterismo
Teksto : Si Kabesang Tales
Kabanata : (4) Si Kabesang Tales (7) Si Simoun
(8) Maligayang Pasko (10) Kayamana’t Karalitaan
(30) Si Huli
Wika : Paggamit ng Hudyat sa Pagpapahayag ng Saloobin o
Damdamin
Bilang ng Araw : 4 na Sesyon

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN


PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F10PN-IVd-e-85)
 Naipahahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga kaugnay ng
mga kaisipang namayani sa akda.
PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F10PB-IVd-e-88)
 Nasusuri ang mga kaisipang lutang sa akda (Diyos, bayan, kapwa-
tao, magulang).
PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F10PT-IVd-e-84)
 Naibibigyang kahulugan ang matatalinghagang pahayag sa
pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa.
PANONOOD (PD) (F10PD-IVd-e-83)
 Naiuugnay ang kaisipang namayani sa pinanood na bahagi ng
binasang akda sa mga kaisipang akda.
PAGSASALITA (PS) (F10PS-IVd-e-87)
 Naipahahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga tungkol sa
mga kaisipang namayani sa akda.
PAGSULAT (PU) (F10PU-IVd-e-87)
 Naisusulat ang pagpapaliwanag ng sariling mga paniniwala at
pagpapahalaga kaugnay ng mga kaisipang namayani sa akda.
WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F10WG-IVd-e-80)
 Naipapahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga gamit ang
angkop na mga salitang hudyat sa paghahayag ng saloobin o
damdamin.

Ikaapat na Markahan| 43
TUKLASIN
I. LAYUNIN

PAGSASALITA (PS) (F10PS-IVd-e-87)


 Naipahahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga kaugnay ng
mga kaisipang namayani sa akda.

II. PAKSA

Panitikan : Si Kabesang Tales


Kabanata : (4)Si Kabesang Tales (7) Si Simoun
(8) Maligayang Pasko
(10) Kayamana’t Karalitaan (30) Si Huli
Kagamitan : pantulong na biswal
Sanggunian : Ang Batikan, Bolyum XIX. Blg. 4,
nina Florian L. Ruiz et. al.
Wika : Paggamit ng hudyat sa pagpapahayag ng
saloobin o damdamin
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya: TABLEAU

Pagpapakita ng kalagayang panlipunan sa bayan. (Magpakita ng


senaryo tungkol sa paghahari – harian ng mga mamayan at makapangyarihan
laban sa mahihirap o dukha sa lipunan).

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: BOWL OF QUESTION
a. Ipaliwanag ang nakitang senaryo na sakit ng lipunan.
b. Bakit nagaganap ang ganitong suliranin sa bansa?
c. Bilang isang mag-aaral, ano – ano ang maari mong maitulong sa
ganitong uri ng lipunang iyong ginagalawan?

Ikaapat na Markahan| 44
2. Pokus na Tanong

a. Masasalamin ba ang pagpapahalaga at paniniwala ng mga tauhan


sa Diyos, bayan, kapwa- tao, sa pamamagitan ng ipinakitang kilos o
gawi sa nobela?
b. Paano naipapahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga
gamit ang mga salitang hudyat sa pagpapahayag ng saloobin o
damdamin?

a.3. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya: BROADCASTING


Pagpaparinig ng isang balitang nagpapakita ng paglaban sa
kasamaan.

May mga taong matatag sa pagharap sa hamon sa suliranin sa


kanyang buhay. Kung minsan, nakagagawa ng di tama para ipaglaban
ang katarungan at maipakita ang tunay na katotohanan.
Sa isang bayan ay may matikas at matapang na pulis. Ginagawa niya
ng buong husay at tapang ang kanyang tungkulin. Makatao, maka-pamilya at
maka-bayan. Matulungin sa mga kababayan lalo’t higit sa mga
nangangailangan. Siya ay nagngangalang Ricardo Dalisay.
Sa kahusayan at katapatan sa tungkulin, di mababali ang prinsipyo at
pananaw sa kanyang pagiging pulis. Mabuti man ang hangarin para sa lahat,
mayroong pa ring mga tao na tiyak na magagalit at makakabangga, mga
taong lumalabag sa batas kahit mismong kasamahan niya sa pagpapatupad
nito.
Para mabapagsak siya, pinagplanuhang mabuti ng mga ka- trabaho
na siya ay palabasin na protektor ng droga na lahat ng ebidensiya na
pwedeng magdiin sa kasalanang di niya ginawa. Nagtagumpay ang mga
taong may masamang kalooban sa kanya.
Nakulong siya at pinagbabayaran ang kasalanang di niya ginawa. Sa
loob ng bilangguan naghari ang kawalang katarungan. Laganap ang
kabaluktutan ng mga nasa posisyon para magdusa at pahirapan ang mga
taong walang lakas na lumaban at walang kakayahan na ipagtanggol ang
kanilang karapatan. Sa kabila nito, di natinag at nanatiling matatag siya sa
mga nagaganap subalit kailangang tuldukan na ang kasamaan o karahasang
nagaganap sa loob ng bilangguan. Sinabi niyang , “kahit anong mangyari,
naniniwala siya na lalabas at lalabas ang tunay na makasalanan”.
Dumalangin siya sa Diyos, humihingi ng kapatawaran sa kanyang
desisyong gagawin upang matigil ang kaguluhan, kawalang katarungang
nagaganap at di – makataong pamamalakad ng mga taong nasa likod ng mga
pangyayaring ito.

Ikaapat na Markahan| 45
Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: WHAT’S IN THE BOX
a. Paano mo ilalawaran ang isang Cardo Dalisay batay sa tekstong
napakinggan?
b. Paano niya ipinakita ang katatagan ng loob sa loob ng
bilangguan?
c. Gaano kalalim ang pananampalataya niya sa Diyos?

ANALISIS

1. Ano ang maaaring magawa ng isang taong makapangyarihan sa


lipunan?
2. Paano hinarap ni Cardo Dalisay ang pasakit at pahirap na nagyayari sa
loob ng bilangguan?
3. Kung ikaw ay isang makapangyarihan at may mataas na posisyon sa
lipunan, paano mo pamamahalaan ang iyong nasasakupan? Maaring
magbigay ng sitwasyon na may kaugnayan sa ganitong pangyayari?
4. Gaano kahalaga ang kapakanan ng mga maliliit na mamamayan?

 Pagbibigay ng Input ng Guro


D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)

Minsan ay mararanasan mo na ikaw ay nahaharap sa mga taong


nakakasakit ng iyong damdamin, ngunit napakahalaga na manatili kang
matatag at hindi maging daan upang ikaw ay matutong mag – isip ng masama
sa kapwa.
“ Mapalad ang taong nanatiling tapat , kabila ng mga pagsubok;
sapagakat matapos siyang subukin, tatanggap siya ng putong. Ito’y ang
buhay na ipinangako ng Panginoon sa mga umiibig sa Kanya.”
Santiago 1:12

At upang magkaroon ng ligtas, mapayapa, malinis, makatarungan at


maunlad na lipunan, ito ay magmumula sa ating mga sarili sapagkat tayo ang
bumubuo sa lipunang ating ginagalawan.

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: JUMBLED WORDS

Ang prinsipyo ay hindi nakikita subali’t


at hindi nalalasahan, ito’y maaaring panghawakan at
dapat maging gabay sa ating pagkatao.

Ikaapat na Markahan| 46
Sagot: Ang prinsipyo ay hindi nakikita at hindi nalalasahan, subalit ito’y
maaaring panghawakan at dapat maging gabay sa ating pagkatao.

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: LIST ALL FACTORS


Ibigay ang mensaheng ipinababatid ng nasa larawan. Maglahad ng
mga sitwasyon na nagpapakita ng pagkakapantay-pantay ng mga tao sa
lipunan.

Kung sakaling magiging isa ka sa lider ng inyong pamayanan,


paano mo pagtutuunan ng pansin ang mga taong higit na
nangangailangan?

IV. KASUNDUAN

1. Gumupit ng larawang nagpapakita ng kabataang magiging liwanag ng


lipunan sa hinaharap.
2. Basahin at unawain ang bawat kabanata na may kaugnayan kay
Kabesang Tales.

Ikaapat na Markahan| 47
LINANGIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F10PN-IVd-e-88)


 Nasusuri ang mga kaisipang lutang sa akda (Diyos, bayan, kapwa-
tao, magulang).

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F10PT-IVd-e-84)


 Nabibigyang kahulugan ang matatalinghagang pahayag sa
pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa.

PANONOOD (PD) (F10PD-IVd-e-83)


 Naiuugnay ang kaisipang namayani sa pinanood na bahagi ng akda
sa mga kaisipang namayani sa binasang akda.
II. PAKSA

Panitikan : Si Kabesang Tales


Kabanata : (4)Si Kabesang Tales (7) Si Simoun
(8) Maligayang Pasko
(10) Kayamana’t Karalitaan (30) Si Huli
Kagamitan : pantulong na biswal
Sanggunian : Ang Batikan, Bolyum XIX. Blg. 4,
nina Florian L. Ruiz et. al.
Wika : Paggamit ng hudyat sa pagpapahayag ng
saloobin o damdamin
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI
1. Motibasyon
Ang Tunay Kong Yaman Ang Aking Paliwanag

Di gaanong mahalaga

Mahalaga

Ikaapat na Markahan| 48
Pinakamahalaga

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: THINK AND SHARE
a. Ano ang nahinuha mo sa mga kasagutan o paliwanag ng bawat
isa ayon sa kanilang tunay na yaman para sa kanila?
b. Gaano kahalaga para sa bawat isa ang maituturing nilang
kayamanang maituturing?

2. Presentasyon
Si Kabaesang Tales

https://www.youtube.com/watch?v=uNbJxwdr2Tg

https://www.youtube.com/watch?v=ssrcCFW5vR0

Kabanata 7: Si Simoun
Si Simoun ay napakalaki ng malasakit sa bayan. Hindi niya papayagan
na ang isang Pilipino ay mananahimik na lamang kapag ninanakawan ng
kalayaan at karangalan. Kung kaya’t inaatig niya na si Kabesang Tales ay
sumama sa kanya upang makapaghiganti sa mga nang aapi sa bayan.

Kabanata 8 : Maligayang Pasko


Sa pagkakataong ito, nilisan ni Huli ang kanilang tahanan upang
mamasukan bilang katulong upang makatulong sa pamilya. Subalit ganito ang
kanyang sambit sa kanyang Tata Selo”, Pagbalik ni ama( Kabesang Tales),
sabihin mong pumasok na ako sa eskwela saw akas. Ang amo ko ay
marunong ng Kastila. Hindi kayo makatatagpo ng ganitong kamurang
paaralan!”

Kabanata 10: Kayamanan at Karalitaan


Dalawa ang uri ng tao dito sa mundo: ang nanlalamang at
nilalamangan o ang nang-aapi at nagpapaapi.
Kapuna- puna kung paano ang marami sa mga maralita ay lalong
pinag-uusig , inalisan ng karapatang iparinig ang karaingan kung paano
nilalapastangan at di dinidinig ang katwiran at kung paano niyuyurakan ang
dangal. Talaga nga bang ang langit at lupa ay di maaaring magtagpo?
Napakarami ng pangyayari na ang mahirap ay madalas na nasa ilalim at
inilalagay sa basurahan tulad ng ginawa ni Simoun kay Kabesang Tales.
Sinamantala niya at pinaglaruan ang pusong uhaw sa paghihiganti na sa halip
na tulungan si Kabesang tales, siya ay tinakaw dahil alam niyang ang isang
mahirap ay madalas kumapit sa patalim.

Ikaapat na Markahan| 49
Kabanata 30: Si Huli
Sa kabanatang ito, naging kalunos – lunos ang pagkamatay ni Huli,
Hangad lang sana niya ang tulungan si Basilio ngunit itinulak siya sa
kapahamakan ng taong akala niya at makakatulong sa kanya , tulad ng
tagasulat sa tribunal, hukom pamayapa at Hermana Bali. Maging kamag-anak
ay naging instrumento ng kapahamakan nang kutyain nila si Huli sa hindi
pagpayag nito na lapitan si Padre Camorra. Kung inunawa sana nila si Huli at
nagkaroon ng mabuting hangarin ang ilan sa pagtulong , maaaring buhay pa
si Huli at nakalaya si Basilio.
El Filibusterismo, Obra Maestra Ikaatlong Edisyon. Book Rex Store, Inc. Amelia V. Bucu,et.
al

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: PASS IT ON…
a. Ilarawan si Kabesang Tales .
b. Sa paanong paraan nagkaroon ng lupang sinasaka si Kabesang
Tales? Ginagawa pa ba ito hanggang sa kasalukuyan?
c. Ano –ano ang pinakamabigat na problemang dumating kina
kabesa na nakapagpabago ng kanilang buhay?
d. Sa paanong paraan nakatulong si Huli na ang mga dumukot kay
Kabesang Tales ay humingi ng pantubos?

3. Pangkatang Gawain

Pangkat I: Mungkahing Estratehiya: WHAT’S THE MEANING

Bigyang kahulugan ang mga sumusunod na pahayag:


a. “Naglingkod at naglingkod ako sa hari sa pamamagitan ng aking
salapi at paggawa”, ang sabi niya sa mga sumisisi sa kanya.
b. “Dahil sa payo ng ibang tao kay Huli, siya ay napahamak”.
c. “Ang karunungan ay hindi siyang hantungan ng tao”, ang tugon
ni Simoun.
d. Nang dalawin si Tata Selo, “Pinilit niyang ngumiti ngunit
nangingig lamang ng kanyang labi at walang marinig kundi impit
na tunog”

Pangkat II. Mungkahing Istratehiya: SPOKEN WORD POETRY


Kabanata 7: Si Simoun
Gumawa ng salitaan/usapan tungkol sa pagtalakay sa kabanatang ito.

Pangkat III. Mungkahing Istratehiya:FAMILY FEUD


Maglahad ng konsepto tungkol sa kalagayan ng mga Pilipino noon
ang nais palitawin ni Rizal sa buhay ng mga tauhan batay sa kabanatang
natalakay.

Ikaapat na Markahan| 50
Pangkat IV. Mungkahing Istratehiya: SHARE AND POST
Paano binuo ni Rizal ang katauhan ni Kabesang Tales sa El
Filibusterismo?

Pamantayan sa Pagmamarka
(Tingnan ang inihanda ng guro)

Kailangan
Katamtamang
Napakahusay Mahusay pang
Mga Kategorya Husay
10-9 8-7 Paghusayin
6-5
4-1
Lahat ng
Ang mga May mga datos inilahad ay
datos/gawain ay Angkop ang /gawain na hindi higit na
Kaangkupan sa
inilahad ay datos /gawaing gaanong nangangaila-
Task/Layunin
nagpapakikita ng inilahad. nagpapakita ng ngan ng
kaangkupan . kaangkupan. kaangkupan
sa gawain.
Napakahusay ng Mahusay ang Maliwanag ang
Hindi malinaw
ginawang ginawang ginawang
ang ginawang
Kalinawan ng pagpapaliwanag/ pagpapaliwanag pagpapaliwanag
pagpapakita
Presentasyon pagkakabuo ng / pagkakabuo ng / pagkakabuo
ng mensaheng
mensaheng mensaheng ng mensaheng
nais ipabatid.
ipinababatid. ipinababatid ipinababatid.
Halos lahat ng
miyembro ng
pangkat ay
Ang lahat ng walang
Dalawa sa
miyembro ng disiplina. Hindi
May pagkakaisa miyembro ng
pangkat ay maayos ang
at pangkat ay hindi
nagkakaisa at may presentasyon.
pagtutulungan maayos na
respeto sa isa’t isa. Nangangaila-
ang bawat nakikilahok sa
Napakaayos ng ngan ng
Kooperasyon miyembro. gawain.Maayos
kanilang ipinakitang disiplina at
Maayos ang ang ipinakita
presentasyon dahil respeto sa
ipinakitang nilang
lahat ng miyembro bawat
presentasyon ng presentasyon at
ay kumikilos sa isa.Kailangan
bawat isa. may respesto
gawaing nakaatang lahat ng
sa bawat isa.
sa bawat isa. miyembro ay
nakikipagtulu-
ngan sa
gawain.
Napakamalikhain at Malikhain at
Walang buhay
napakahusay ng mahusay ang Maayos na
ang ipinakitang
Pagkamalikhain pagpapalutang sa pagpapalutang napalutang ang
pagpapalutang
/ Kasiningan nais ipabatid na sa nais ipabatid ideya na nais
ng mensahe /
mensahe/ na mensahe/ ipabatid.
ideya.
impormasyon impormasyon.

Ikaapat na Markahan| 51
 Pagtatanghal ng pangkatang gawain
 Pagbibigay ng feedback ng guro sa itinanghal na pangkatang
gawain
 Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na
nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa
rubriks na ibinigay ng guro.

ANALISIS

Paniniwala Pagmamahal Pakikitungo Pagmamahal


Tauhan
sa Diyos sa Bayan sa Kapwa sa magulang
Kabesang Tales
Tandang Selo
Simoun
Huli
Tano

 Pagbibigay ng Input ng Guro

D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)

Ang bawat kabanata ay may kaisipang dapat tandaan:


Kabanata 4: Si Kabesang Tales
“ Ipinaglalaban ng isang taong naaapi ang kanyang karapatan.”
Halagang Pangkatauhan:” Ang pagiging matatag ay kailangan sa mga
pagsubok na dumaraaan”.
Kabanata 7 : Si Simoun
“ Walang manlulupig kung walang magpapalupig.”
Haalagang Pangkatauhan: “Ipagtanggol at mahalin ang sariling bansa”.
Kabanata 8 : Maligayang Pasko
“ Ang Pasko ay pagbibigayan at pagpapatawad.”
Halagang Pangkatauhan : “ Ang anak na mapagmahal at mapagmalasakit
ay gumagawa ng mabuting paraan upang mailigtas sa kapahamakan ang
minamahal sa buhay.
Kabanata 10 : Kayamana’t Karalitaan
“ Kailangang may plano at hakbanging gabay upang maging
matagumpay ang layon sa buhay”.
Halagang Pangkatauhan : “Hindi dapat samantalahin ang kahinaan ng tao
bagkus tulungan silang mapaunlad ang kabuhayan.”
Kabanata 30 : Si Huli
“ Mapalad ang tumutulong sa kapwa kaysa tumatanggap ng tulong.”
Halagang Pangkatauhan: “Ang taong may mabuting hangarin ay hindi
nagtutulak sa kanyang kapwa sa kapahamakan.”
El Filibusterismo, Obra Maestra Ikatlong Edisyon. Book Rex Store, Inc. Amelia V. Bucu,et. al

Ikaapat na Markahan| 52
ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: PINOY HENYO


Katangiang dapat taglayin ng Isang kabataan upang maging pag-
asa ng bayan

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: DEBATE

Para sa iyo, alin ang higit na mahalaga, ang paghahanap ng


katarungan o isang buo at tahimik na pamilya?

4. Ebalwasyon

Piliin at isulat ang letra ng wastong sagot sa sagutang papel.


1. May kasabihang “ Kung walang magpapaapi, walang mang-aapi
“ ang taong may ganitong pananaw sa buhay ay
a. takot ipaglaban ang karapatan
b. handang ipaglaban ang kanyang karapatan
c. mtapat sa bayan
d. matulungin sa kapwa

2. Si Huli ay naglagay ng 250 pesos sa ilalim ng mahal na birhen dahil


naniniwala ito na madadagdagan. Ano ang maaaring saloobin ukol
rito?
a. matiisin si Huli
b. nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa
c. maghihimala ang birhen
d. madasalin si Huli

Ikaapat na Markahan| 53
3. Paano mo maipapakita ang pagmamahal sa bayan?
a. maging masipag na mamamayan
b. maging mapagkawanggawa
c. pagsunod sa ipinatutupad na batas
d. paghihimagsik

Piliin ang wastong kahulugan ng salitang may salungguhit.


Letra lamang ang isulat sa sagutang papel.
4. Namalas niya ang kanyang kawa-awang sarili na nag-aararo sa
gitna ng bukirin at nagkukutkot ng mga ugat ng kahoy
a. nagtatabas c. naghuhukay
b. nagtatanim d. naglilinis
5. Ang hukom pamayapa ng bayan at kabisera man ay hindi
makapangahas na bigyan siya ng katwiran dahil sa pangambang
maalis sa katungkulan.
a. Tanod b. Prayle c. Kabesa d. Punong- bayan

Susi sa Pagwawasto:
1. B 2. C 3.C 4. C 5. D

Index of Mastery

SEKSYON Blg. Ng Mag-aaral INDEX

IV. KASUNDUAN

1. Sa short typewriting, gumuhit ng poster ukol sa kabuuang nais


Ipabatid ng natapos at tinalakay na aralin.
2. Pag-aralan ang mga salitang hudyat sa pagpapahayag ng saloobin o
damdamin.

Ikaapat na Markahan| 54
PAGNILAYAN AT UNAWAIN
I. LAYUNIN

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F10WG-IVd-e-80)


Naipahahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga gamit ang
angkop na mga salitang hudyat sa pagpapahayag ng saloobin o
damdamin.

II. PAKSA

Panitikan : Si Kabesang Tales


Kabanata : (4)Si Kabesang Tales (7) Si Simoun
(8) Maligayang Pasko
(10) Kayamana’t Karalitaan (30) Si Huli
Kagamitan : Videoclip mula sa youtube, pantulong na biswal
Sanggunian : Ang Batikan, Bolyum XIX. Blg. 4,
nina Florian L. Ruiz et. al.
Wika : Paggamit ng hudyat sa pagpapahayag ng
saloobin o damdamin
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Pagpapanood ng videoclip na nagpapakita ng damdamin o saloobin

https://www.youtube.com/watch?v=doUD_Dn3HlU

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: SPIN THE WHEEL
a. Ilahad ang mensaheng napanood sa videoclip.
b. Paano mo pahahalagahan ang biyayang ipinagkaloob sa atin ng
Maykapal.
c. Batay sa napanood, paano iuugnay mo ito sa tunay na buhay.

Ikaapat na Markahan| 55
2. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya: PANGKATANG


GAWAIN(DRAWLOTS)

Batay sa napanood na video clip, pumili tungkol sa mga sumusunod:


a. Pagpapahalaga , paniniwala at pagpapahalaga sa Diyos.
(Pagbuo ng sanaysay at iuulat sa klase)
b. Pagpapahalaga sa kapwa- tao.
(Magpakita ng simbolo)
c. Pagpapahalaga at paniniwala sa bayan.
( Pantomina)
d. Pagpapahalaga at paniniwala sa magulang
( Tablue)

ANALISIS

1. Paano naipapahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga


gamit ang mga salitang hudyat sa pagpapahayag ng saloobin o
damdamin?
2. May kasabihang “ Madali ang maging tao , mahirap magpakatao” ,
pangatwiran batay sa iyong lipunang ginagalawan.
3. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng sariling prinsipyo at
paniniwala sa buhay?

 Pagbibigay ng Input ng Guro


D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)

Konotasyon at Denotasyon

Ang denotasyon ay ang literal na depinisyon ng isang salita. Ito ang


kahulugang tahas o aktwal na salita na kadalasang nakikita sa diksunaryo.
Ang konotasyon ay isang malawak na pakahulugan ng salita.
Kabilang dito ang mga kahulugang iniugnay sa salita.
Halimbawa:
Salita Denotasyon Konotasyon
UNOS bagyo pagsubok
SUPLING anak Usbong ng halaman

http://angelomirabel02.blogspot.com/2012/07/konotasyon-at-denotasyon.html

Ikaapat na Markahan| 56
ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: LIKHAIN MO

Likhain sa iyong isipan sa pamamagitan ng larawan nasa ibaba ang


isang lipunang makatarungan. Bumuo ng talata o pangungusap gamit ang
pahayag na may konotasyon at denotasyon.

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: KAPAG MAY KATWIRAN IPAGLABAN MO!

Kailangang maipasok ang iyong ama sa ospital. Ngunit hinihingan


ka ng pang-deposito bago tanggapin. Walang nais tumulong para sa
inyong pangangailangang pinansyal. Ano ang iyong gagawin? Magbigay
ng tiyak na sitwasyon.

3. Ebalwasyon

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang letra ng wastong kasagutan sa


bawat bilang.

1. Wow! Napakagaling mong tumutog ng gitara.


a. pagkainis b. pagkatuwa c. paghanga d. pagka-inggit
2. Hindi ko lubos maisip kung bakit kailangan niyang
magsinungaling sa atin.
a. pagkalungkot b. pagtataka
c. paghanga d. Pagsang-ayon
3. Napakakitid talaga ng ina ni Marina kaya nagagalit ang ina.
a. hindi makaunawa b. matiyaga
c. matapat d. mapagmalabis
4. Kumukulo ang dugo ni Aling Inday dahil nasaktan siya sa
nangyari sa anak.
a. tuwang – tuwa b. galit na galit
c. pagkainis d. pagkatakot

Ikaapat na Markahan| 57
5. Tama ang desisyon ni Duterte na tumakbo bilang president.
a. pag-aalinlangan b. pagsang- ayon
c. pagtataka d. paghanga

Susi sa Pagwawasto:
1. C 2. B 3. A 4. B 5. B

Index of Mastery

SEKSYON Blg. Ng Mag-aaral INDEX

IV. KASUNDUAN

1. Magsaliksik ng mga napapanahong problemang kinakaharap ng bansa.


2. Gumawa ng mungkahing solusyon ukol rito.

Ikaapat na Markahan| 58
ILIPAT
I. LAYUNIN

PAGSULAT (PU) (F10PU-IIIf-g-82)


 Nakabubuo ng isang photo / video documentary na
nagmumungkahing solusyon sa isang suliraning panlipunan ng
bansa.
II. PAKSA

Pagsulat ng Awtput 4.3


Kagamitan : Videoclip mula sa youtube, Pantulong na biswal
Sanggunian : El Filibusterismo: Ang Batikan, Bolyum XIX.Blg.4
Florian L. Ruiz et. al.
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon
Pagpapnood ng videoclip ng isang balita ukol sa pagkakaroon ng lupa
https://www.youtube.com/watch?v=_N_PtEg_UCI

ANALISIS

1. Ano ang tinatalakay sa napanood na videoclip?


2. Sa iyong palagay, bakit mahalaga ang mga dokumentong hawak na
may kaugnayan sa lupa o pag-aari na mayroon ka?
3. Magbigay ng isang tiyak na halimbawa na maaring iangkop sa
napanood na video.

ABSTRAKSYON

Mabilis na masosolusyunan ang kinakaharap ng bansa


kung__________________. Huwag umasa lagi sa kung ano ang magagawa
ng pamahalaan ____________________ bagkus___________________.

Ikaapat na Markahan| 59
APLIKASYON

GOAL - Pagbuo ng photo/video documentary na nagmumungkahing


solusyon sa isang suliraning panlipunan ng bansa.

ROLE - Isa kang PHOTOJOURNALIST

AUDIENCE - Mamamahayag sa telebisyon

SITUATION - Napili ng GMA 7 ang paaralan na magpalabas ng isang video


documentary tungkol sa suliraning panlipunan na ipapalabas sa kanilang
programa.

PRODUCT - Pagbuo ng isang photo/video documentary na nagmumungkahi


ng solusyon sa isang suliraning panlipunan.

STANDARD - Pamantayan sa Pagmamarka:


A. Maayos at organisado
B. May pagkakaugnay-ugnay ng mga kaisipan
C. Wastong gamit ng mga salita
D. Makatotohanan
E. Orihinalidad

Tayain ito ayon sa sumusunod:


10 puntos - lahat ng pamantayan ay maisakatuparan
9-8 puntos - apat na pamantayan ang naisakatuparan
7-6 puntos - tatlong pamantayan ang naisakatuparan
5-4 puntos - dalawang pamantayan ang naisakatuparan
3-1 puntos - isa lamang pamantayan ang naisakatuparan

 Pagkuha ng mga awtput na ginawa ng bawat mag-aaral.


 Pagbabasa ng ilang piling awtput na kinakitaan ng kahusayan
sa pagkakasulat.

IV. KASUNDUAN

1. Basahin at unawain: Huli, Bilang simbolo ng Kababaihang Pilipino,


noon at ngayon.
2. Gumawa ng slogan ukol sa pagpapahalaga sa mga kababaihan.

Ikaapat na Markahan| 60

You might also like