You are on page 1of 1

RIZAL INTEGRATED SCHOOL

IKAAPAT NA PANAHUNANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7

PANGALAN:________________________ PETSA:___________________
BAYTANG/SEKSYON:_________________ ISKOR:___________________
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot ng mga sumusunod na tanong:
_____1. “Mas malala pa sa pagiging isang bulag ang may paningin ngunit walang tinatanaw na kinabukasan?”Ano
ang higit na malapit na pakahulugan ng pahayag ni Helen Keller;
a. Mahirap maging isang bulag b. Ang kawalan ng pangarap ay mas masahol sa kawalan ng paningin
c. Hindi mabuti ang walang pangarap d. Hindi garantiya ang pagkakaroon ng paningin sa pagtatagumpay sa buhay
_____2. Ito ay pinaka tunguhin o pinakapakay na iyong nais na marating o puntahan sa hinaharap
a. Pangarap b. Mithiin c. Panaginip d. Pantasya
_____3. Sa pagtatakda ng mithiin, ang ibig sabihin ng SMARTA ay:
a. S-specific, M-manageable, A-attainable, R- relevant, T- time-bound, A – action-oriented
b. S-specific, M-measurable, A-attainable, R- refreshing, T- time-bound, A – action-oriented
c. S-specific, M-measurable, A-attainable, R- relevant, T- time-bound, A – action-oriented
d. S-specific, M-measurable, A-attainable, R- relevant, T- time-bound, A – affordable
____4. Anu-ano ang dalawang hangganan ng pagtatakda ng mithiin?
a. Pangmatagalan at Panghabambuhay b. Pangmatagalan at Pangmadalian
c. Pangmadalian at Panghabambuhay d. Pangngayon at Pangkinabukasan
____5. Alin ang halimbawa ng pangmatagalang mithiin?
a. Makapasa sa Licensure Exams for Teachers b. Maging guro sa aming pamayanan
c. Makatapos ng pag-aaral d. Maging iskolar ng bayan
____6. Ito ay ang pinakatunguhin o pinakapakay ng iyong nais na marating o puntahan sa hinaharap. Sa simpleng
salita, ito ang nais mong mangyari sa iyong buhay sa hinaharap.
a. Hilig b. Pagpapahalaga c. Kakayahan d. Mithiin
____7. Sa kabilang banda, ito ay kalakasan (“power”o mas akma, “intellectual power”) upang makagawa ng isang
pambihirang bagay tulad sa musika o sa sining. Ito ay likas o tinataglay ng tao dahil na rin sa kanyang intellect o
kakayahang mag-isip.
a. Hilig b. Pagpapahalaga c. Kakayahan d. Mithiin
____8. Isa sa mahahalagang ugali sa pag-aaral o study habit ang pakikipag-usap sa guro sapagkat…
a. Kailangan mo ring magpalapad ng papel sa guro paminsan-minsan
b. Tulad sa ano mang pakikipag-ugnayan ang komunikasyon ng guro at mag-aaral ay nararapat na bukas at maayos
c. Mahalagang paraan ang pakikipag-usap sa guro upang makatiyak na tama ang pagkaunawa sa mga takdang-aralin
at sa paghahanda sa mga pagsusulit
d. Madalas mahirap kausapin ang guro
___9. Bakit isa sa mahahalagang indikasyon ng pagkakaroon ng sapat na edukasyon ang tamang pag-awit ng Lupang
Hinirang?
a. Isang palatandaan ng sapat na edukasyon ang paggalang sa mga simbolo ng Pilipinas.
b. Bahagi ng pormal na edukasyon ang pagtuturo ng tamang pag-awit ng Lupang Hinirang
c. Araw-araw inaawit sa paaralan ang pambansang awit
d. Ang kahusayan sa pagmememorya ng kanta ay isang palatandaan ng sapat na edukasyon
___10. Isang halimbawa ng highly skilled worker ang inihinyero sapagkat…
a. siya ang nagbubuo ng mga bahagi ng produkto sa isang industriya
b. siya ang gumagawa ng balangkas at nag-iisip ng mga kailangang sangkap at disenyo ng produkto
c. malaki ang pasahod sa kanya ng kumpanya
d. wala sa mga nabanggit
II. Enumerasyon
1. Halimbawa ng Key Employment Generators. (4)
2. Ibig sabihin ng SMART A.

You might also like