You are on page 1of 2

JESUS THE WORD OF TRUTH CHRISTIAN MINISTRIES INT’L

ARALIN 10

PAGPAPAHALAGA SA TEMPLO

JUAN 2:13-22

PAGMAMALASAKIT PARA SA TEMPLO


13
Malapit na ang Paskwa ng mga Judio kaya't pumunta si Jesus sa Jerusalem. 14 Nakita niya sa
Templo ang mga nagtitinda ng mga baka, tupa at kalapati, at ang mga namamalit ng
salapi. 15 Kumuha siya ng lubid at ginawa iyong panghagupit, at ipinagtabuyan niyang palabas ang
mga nagtitinda, pati na ang mga baka at tupa. Isinabog niya ang salapi ng mga namamalit ng pera at
ipinagtataob ang kanilang mga mesa. 16 Sinabi niya sa mga nagtitinda ng kalapati, “Alisin ninyo rito
ang mga iyan! Huwag ninyong gawing palengke ang bahay ng aking Ama!” 17 Naalala ng kanyang mga
alagad ang sinasabi sa kasulatan, “Ang aking malasakit sa iyong bahay ay parang apoy na nag- aalab
sa puso ko.”
18
Dahil dito'y tinanong siya ng mga pinuno ng Judio, “Anong himala ang maipapakita mo upang
patunayang may karapatan kang gawin ito?” 19 Sumagot si Jesus, “Gibain ninyo ang Templong ito, at
sa loob ng tatlong araw ay muli ko itong itatayo.” 20 Sinabi ng mga Judio, “Apatnapu't anim na taong
ginawa ang Templong ito, at itatayo mo sa loob lamang ng tatlong araw?” 21 Ngunit ang templong
tinutukoy ni Jesus ay ang kanyang katawan. 22 Kaya't nang siya'y muling nabuhay, naalala ng kanyang
mga alagad ang sinabi niyang ito, at sila'y naniwala sa kasulatan at sa sinabi ni Jesus.

DALAWANG TEMPLO NA TINUTUKOY SA TALATA

1. Tahanan ng Diyos (Church)- House of Worship.

2. Ang Katawan ni Jesus (v19- 22) Ang tinutukoy na Templo sa talatang ito ay walang iba kundi
ang katawan ni Jesus. Namatay siya at sa loob ng tatlong araw, muli siyang nabuhay.

PAANO BA NATIN DAPAT PAHALAGAHAN ANG TEMPLO NG DIYOS?

I. BE PRESENT IN THE TEMPLE (V 13)


 Si Jesus ay regular na nagtutungo sa Bahay ng Ama (Templo).
 Tayo ang Templo ng Espiritu ng Diyos.
1 Corinto 3:16-17
16
Hindi ba ninyo alam na kayo'y templo ng Diyos at naninirahan sa inyo ang kanyang
Espiritu? 17 Paparusahan ng Diyos ang sinumang magwasak ng templo niya. Sapagkat banal
ang templo ng Diyos, at kayo ang templong iyan.
 Sa tuwing laman tayo ng simbahan, pinahahalagahan natin ang ating buhay Espirituwal
subalit malaki ang nawawala sa isang Kristyanong madalas na wala sa Templo ng Diyos, at
tiyak na ito ay magdudulot ng kapahamakan, pagkawasak at panghihina ng espiritu.

II. MAINTAIN THE CLEANLINESS OF THE TEMPLE (Panatilihin ang kalinisan ng Templo)
A. Ang Kalagayang Pisikal ng Simbahan.
(v14- v16)- Nagalit si Jesus ng makita ang kalapastanganan na ginagawa ng mga Judio sa
Templo at kanyang hinagupit ng lubid, ipinagtabuyang palabas ang mga mangangalakal,
at isinabog ang mga namamalit at pinagtataob ang kanilang mga hapag.
 Ginawa ito ni Jesus dahil sa Kanyang malasakit sa Templo at iyan din ang dapat nating
Tagalayin bilang mga Kristyano. (v17)
JESUS THE WORD OF TRUTH CHRISTIAN MINISTRIES INT’L

 Nais ng Diyos na magkaroon tayo ng malasakit sa Kanyang Templo at panatilihin ang kalinisan
ng nito.
 Pahalagahan at ingatan lahat ng bagay na may kaugnayan sa Simbahan, materyal man o
pinansyal sapagkat ang lahat ng ito ay sagrado at banal.
 Sinumang magwasak, o lumapastangan sa Templo ng Diyos (Simbahan) at sa lahat ng bagay
na may kaugnayan dito ay nagkakasala sa Diyos.

B. Ang ating pisikal at espiritwal na kalagayan.


 Magkaroon tayo ng malasakit sa ating sarili at sa ating kalagayang espiritwal.

1 Corinto 3:16-17
16
Hindi ba ninyo alam na kayo'y templo ng Diyos at naninirahan sa inyo ang kanyang
Espiritu? 17 Paparusahan ng Diyos ang sinumang magwasak ng templo niya. Sapagkat banal
ang templo ng Diyos, at kayo ang templong iyan.
 Regular na kumain ng Salita ng Diyos upang lumakas ang ating espiritu.
 Panatihin ang regular na pagdalo sa Simbahan at pananalangin.
 Kung malago ang ating buhay espiritwal ay mapangangalagaan din natin ang ating pisikal na
katawan, dahil tayo ay makakikilos o makakagagawa ng ayon sa kalooban ng Diyos.
 Makikilala ang isang malagong Kristyano na may pagpapahalaga at malasakit sa Templo ng
Diyos sa pamamagitan ng Kanyang pagkilos, pananalita, pakikitungo sa kapwa at uri ng
pananamit.

III. PAG- ALABIN SA PUSO ANG MALASAKIT SA TEMPLO NG DIYOS

JUAN 2: 17- 22
17
Naalala ng kanyang mga alagad ang sinasabi sa kasulatan, “Ang aking malasakit sa iyong bahay
ay parang apoy na nag- aalab sa puso ko.”

 May karapatan si Jesus na gawin ang lahat ng kanyang ginawa na pagpapaalis sa mga tao sa
Templo. May kapangyarihan din siya na gawin ito sa ating buhay upang linisin tayo.
 Ang Salita ng Diyos ay may kakayahang linisin at baguhin ang buhay ng tao.

Efeso 4:21-24
21
Napakinggan na ninyo ang aral ni Jesus at natutunan na ninyo ang katotohanang nasa kanya.
22
Iwan na ninyo ang dating pamumuhay. Hubarin na ninyo ang inyong dating pagkatao na nasisira
dahil sa masasamang pagnanasa. 23 Magbago na kayo ng diwa at pag-iisip; 24 at ang dapat ninyong
isuot ay ang bagong pagkatao na nilikhang kalarawan ng Diyos, at nahahayag sa matuwid at banal
na pamumuhay ayon sa katotohanan.

*****

You might also like