You are on page 1of 12

Menstrual

Cycle
Presented by CRISTINA M. FRILLES, RN
TOPICS
Menstrual Cycle
Proper Hygiene during Menstruation
Tips on Feminine and Reusable Pads-

Pasador
Briefly tackle the uniqueness of a

Woman and how God designed us for a

purpose.
Menstrual cycle o buwanang dalaw
Ano ang Menstrual Cycle?
Ang menstrual cycle ang tumutukoy sa buwanang pagbabago o

kaganapan sa katawan ng babae bilang paghahanda sa


pagbubuntis. Nakapaloob dito ang paglabas ng egg cell mula sa

obaryo, pagpunta nito sa matres, pati na ang buwanang dalaw o

pagdurugo na nararanasan ng mga kababaihan na nasa tamang

edad.
bakit nagkakaroon ng buwanan

dalaw o pagdurugo?
Ang buwanang pagdurugo ay dahil sa regular na

pagpapalit ng lining o pang-ibabaw na patong ng

matres na nagaganap kapag walang nangyaring

fertilization sa pagitan ng itlog o egg cell ng babae at

isang semilya o sperm cell ng lalaki. Ang fertilization

ay nagaganap lamang kapag nagtalik ang isang lalaki

at babae at nagtagpo ang kanilang itlog at semilya.


sa anong edad ito nagsisimula?
Ang menstrual cycle ay nagsisimula sa

edad na 11 hangang 14 kung kailan

dumadating sa maturidad o pagdadalaga

ang mga batang babae. Ito ay bahagi ng

mga pagbabago sa pangangatawan ng

mga kababaihan sa pag-apak sa puberty

stage. Ang mga pagbabagong ito ay dulot

ng hormones na estrogen at progesterone.


Gaano katagal ang isang ikot ng

menstruation, at paano ito nagaganap?


Ang isang ikot ng menstruation ay nagsisimula sa unang araw ng

pagdurugo at natatapos naman sa unang araw ng susunod na

pagdurugo. Ito ay kadalasang tumatagal ng 28 na araw ngunit maaari

rin namang mas maikli o mas mahaba kaysa dito. Nakapaloob sa 28

na araw na ito ang paglabas ng itlog o egg cell mula sa obaryo

(ovulation), pagdaan nito sa fallopian tube, at pag-abot nito sa matres.

Kapag walang naganap na fertilization sa pagitan ng egg cell at

semilya, ang ibabaw na patong ng matres ay mangangapal at

mapapalitan ng bago. Ang nadurog na lumang patong ng matress ay

lumalabas sa puwerta ng babae bilang dugo o regla.


Ano ang dapat gawin kung

mayroong dalaw?

Ano ang dapat gawin kung mayroong

dalaw?
Ang babaeng mayroong dalaw ay lalabasan ng dugo sa

loob ng ilang araw, depende kung gaano kalakas pag-agos

ng dugo. Ito ay maaaring bumuhos ng malakas sa unang

araw, at susundan ng paunti-unting patak ng dugo

hanggang sa maubos dugo sa matres. Maaari din namang

umagos ang dugo ng paunti-unti at tumagal ng 3

hanggang 5 araw. Kung kaya, makatutulong ang paggamit

ng pasador o sanitary napkin sa panahon na nararanasan

ang pagdurugo. Minsan pa, maaaring makaranas ng

pananakit ng puson, o cramps, na maaaring maibsan sa

pag-inom ng mga pain relievers.


Ano ang ibig sabihin ng iregular na

dalaw?
Masasabing iregular ang dalaw kung ang

pagitan ng bawat pagdurugo ay mas

maikli sa 21 na araw o mas matagal pa sa

35 na araw. Gayundin kung may

pagdurugo sa pagitan ng mga araw na ito.

Ito ay nagaganap dahil sa ilang mga salik

gaya ng sumusunod:
Ano ang ibig sabihin ng iregular na

dalaw?
1.Sobrang pagdagdag o pagkabawas ng

timbang.
2.Karamdaman sa pagkain tulad ng anorexia
3.Sobrang pag-eehersisyo
4.Emosyonal na stress
5.Paggamit ng ipinagbabawal na gamot
6.Abnormalidad sa hormones
7.Mga iniinom na gamot
8.Papalapit na menopause

ang buwanang

Kailan humihinto
dalaw?
Ang paghinto ng buwanang dalaw, na kilala

sa tawag menopause, ay nagaganap sa

edad na palapit sa 50. Dahil ito sa

pagbawas sa hormones na lumalabas sa

katawan kasabay ng pagtanda. Sa oras na

dumating sa menopause ang babae,

nawawala na rin ang abilidad ng babae na

mabuntis.
-end-
Health is the greatest wealth because when you

are healthy, you got everything.

THANK YOU

You might also like