You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF CALAMBA CITY
TIYANI ELEMENTARY SCHOOL
SUCOL, CALAMBA CITY

Paaralan Tiyani Elementary School Baitang Anim


TALA SA PAGTUTURO Guro Christian M. Bilbao Antas Betelgeuse 
Petsa at Oras Agosto 22, 2022 Markahan Unang Markahan

I. LAYUNIN: 1. Kilalanin ang mga nararamdaman at reaksyon na may kinalaman


sa pandemya at kalamidad.
2. Tanggapin na ang bawat nararamdaman ay normal at balido.
A. Pamantayang Pangnilalaman

B. Pamantayan sa Pagganap

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto


(Isulat ang code ng bawat
kasanayan)
D. Pinakamahalagang
Kasanayan sa Pagkatuto
(MELC) (Kung mayroon, isulat ang
pinakamahalagang kasanayan sa
pagkatuto o MELC)
E. Pagpapaganang Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang
pagpapaganang kasanayan.)
F. Pagpapayamang Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang
pagpapayamang kasanayan.)
II. NILALAMAN: Validating and Normalizing Feelings

III. KAGAMITANG PANTURO:

A. Mga Sanggunian

a) Mga pahina sa Gabay ng Teacher-made Module (Prepared by Master Teacher)


Guro
b) Mga Pahina sa
Kagamitang Pangmag-
aaral
c) Mga Pahina sa Teksbuk

d) Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng
Learning Resource
B. Listahan ng mga Kagamitang Laptop, Power Point, at mga larawan, kuwwento mula sa internet
__________________________________________________________________________________________
School: TIYANI ELEMENTARY SCHOOL
Address: SUCOL, CALAMBA CITY
Telephone Number: (049)502-4901
E-mail Address: 109825@deped.gov.ph
Panturo para sa mga Gawain https://www.library.cnu.edu.ph/wp-content/uploads/2020/04/Ang-mga-
sa Pagpapaunlad at Maskara-ni-Miko-Final-Version-April-12-2020-1.pdf
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN

A. Panimula Panimulang Gawain


Pagbati sa mga mag-aaral
Panalangin

Paglalaan ng oras upang pormal na makilala ang isa’t- isa gamit


ang gabay: (Ang gawain ay pangungunahan ng guro)

Ako si _________
Edad ko __________
Nakatira ako sa _________
Mahilig akong __________
Ang bagay na nagpapasaya sa akin ay _______
Malungkot ako kapag ______

Pagpapakita ng mga larawan

Tanong
1. Ano ang nakikita sa mga larawan ?
2. Tungkol saan kaya ang mga ito?

Pagbasa ng kuwentong ‘’Ang mga Maskara ni Kiko”.

Ang mga Maskara ni Kiko


“Bakit po kaya ang lahat ng tao ngayon, nakasuot ng maskara,
Tatay?” tanong ni Miko kay Mang Berto. “Pero bakit po kaya ilong at
bibig ang tinatakpan ng maskara nila?”

“Bakit, Miko, ano ba ang dapat na tinatakpan ng maskara?” tugon ni


Mang Berto.

Kinuha ni Miko ang kanyang “Batman” na maskara at isinuot.

“Tatay, ako si “Batman”! Ang ganda po ng maskara ko! Buong mukha


ko ang natatakpan. Walang makakakilala sa akin kapag suot ko ito.
Pwede po kayang ganito ang isuot nilang maskara?”

“Hahaha, nakakatuwa ka talagang bata ka. Tama! Pihadong walang


makakakilala sa iyo ‘pag yan ang suot mo. Pero hindi pwedeng
ganyan ang isuot ng mga tao,” natatawang sagot ni Mang Berto.

Kinuha naman ni Miko ang maskarang ginamit n’ya sa programa sa


eskwelahan. “Ito na lang po! Tinahi ito ni nanay para sa costume ko.
Maganda ito at makulay! Mga mata lang ang kailangang takpan.
Hindi mahirap magsalita.”

“Maganda nga ‘yan! Naalala ko nang ginamit mo yan noong


nakaraang buwan. Kaya lang hindi rin yan maaring gamitin ng mga
tao ngayon. Pwede lamang gamitin ‘yan sa mga espesyal na
okasyon,” paninigurong tugon ni Mang Berto.

“Alam ko na! Eto na lang po!”


__________________________________________________________________________________________
School: TIYANI ELEMENTARY SCHOOL
Address: SUCOL, CALAMBA CITY
Telephone Number: (049)502-4901
E-mail Address: 109825@deped.gov.ph
Ipinakita ni Miko ang maskarang yari sa supot. “Madali lang po itong
gawin at mura pa!”

“Mura nga ‘yan at kahit maliit na bata ay kayang-kayang gawin.”


Nakangiting sambit ni Mang Berto.
“Kaya lang, ang kailangan nating lahat ngayon ay isang maskara na
hindi lang basta maganda o mura. Kailangan natin ng maskara na
magbibigay proteksyon sa ating kalusugan. Kaya kailangan na
matakpan ang ating ilong at bibig. Ang iba, pati ang mata ay
kailangan ding matakpan.”

“Bakit po? Mausok po ba sa labas? Baka tayo ubuhin?” tanong ni


Miko.

“Siguro nga ay mausok din pero sa ngayon, kailangan nating maging


ligtas sa isang virus na kung tawagin ay Coronavirus. Maliliit ang
virus na ito, at hindi natin nakikita.”

“Pwedeng magkaubo, lagnat, pananakit ng katawan, lalamunan o


tiyan ang isang tao na magkakasakit nang dahil sa virus na ito.”

“Kawawa naman po pala ang ang mga taong magkakasakit ng dahil


sa virus,” malungkot sa sambit ni Miko.

Inilabas ni Mang Berto ang “Surgical Mask”.

“Kaya nga kailangang magsuot ng maskarang gaya nito ang mga tao
lalo na sa tuwing lalabas ng bahay. “Face mask” ang karaniwang
tawag dito. Ayaw kasi natin na makahawa o mahawaan ng sakit.
Kung minsan kasi hindi alam ng isang tao kung mayroon siyang
virus. Kung bumahing siya at hindi siya nakasuot ng ganitong
maskara, maaring mahawa ang katabi niya ng virus kahit hindi
sinasadya.

Pero kung ang lahat ng tao ay nakasuot ng maskarang gaya nito at


hindi masyadong magkakatabi, ligtas s’ya at ligtas din ang ibang tao.”

Ipinakita rin ni Mang Berto ang “face shield” kay Miko.

“Bukod sa maskara, ang iba ay nagsusuot din ng ganito. “Face


shield” naman ang tawag dito. Pinoproteksyunan din nito ang mata at
buong mukha para mas ligtas.”

“Bukod sa pagsusuot ng maskara o ng “face shield”, mas mainam rin


na ugaliin nating maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig para
siguradong malinis tuwing hahawak sa sarili. Higit sa lahat, kailangan
muna nating manatili sa loob ng ating bahay para mabilis na
gumaling ang mga may sakit at tuluyan nang mawala ang virus.”

“Hindi na po ba tayo maaaring lumabas ng bahay, Tatay? Sabik na


rin po kasi akong makita ang mga kaibigan at guro namin sa
eskwelahan. Gusto ko na rin pong maglaro ulit ng basketball kasama
sina Beni at Francis!” malungkot na tugon ni Miko.

Niyakap ni Mang Berto nang mahigpit si Miko.

“Pansamantala lang ang lahat ng ito, Miko. Hindi magtatagal,


magagamot ang lahat nang may sakit dahil sa Coronavirus. Sa
ngayon, manatili muna tayo sa bahay at magpalakas.”

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.


__________________________________________________________________________________________
School: TIYANI ELEMENTARY SCHOOL
Address: SUCOL, CALAMBA CITY
Telephone Number: (049)502-4901
E-mail Address: 109825@deped.gov.ph
1. Tungkol saan ang kuwentong binasa?
2. Sino-sino ang mga tauhan sa binasang kuwento ?
3. Ano ang napansin ni Miko sa labas ng kanilang bahay ?
4. Ano ang ipinaliwanag ng ama ni Miko tungkol sa mga maskara na
suot ng mga taong nasal abas ng bahay ?
5. Bakit kaya kinakailangan na magsuot ng mask ang mga tao
ngayon?
6. Ano kaya ang nararamdaman ni Miko ng maunawaan niya ang
sitwasyon nila sa panahong ito ?
B. Pagpapaunlad Gawain 1.
Gamit ang graphic organizer isulat sa papel ang mga salitang may
kaugnayan sa salitang damdamin.

Pagtatalakay ng mga sagot

Pagkatapos makapagtala ng mga salita, hilingin ang mga mag-aaral


na bigyang ng sariling kahulugan ang salitang damdamin base sa
mga salitang iniugnay dito.

Gawain 2.
Tingnan ang mga larawan. Suriin ang mga ito at ibigay ang angkop
na damdamin na ipinahihiwatig ng bawat isa.

C. Pakikipagpalihan Gawain 3.
Idikit ang mga larawan na madalas na ginagawa nang mga
panahong nasa tahanan lamang nag-aaral sa modelong bahay.

Gawain 4
Iguhit ang mga nararamdamang emosyon sa mga gawaing
isinasagawa sa tahanan. Gawin ito sa inyong sagutang papel.

1. Pagsasagawa ng Online o Modular Classes


2. Pagtulong sa mga gawaing bahay
3. Paglalaro magdamag ng online games
4. Pagdarasal araw-araw
5. Paglilinis ng kuwarto

Gawain 5

__________________________________________________________________________________________
School: TIYANI ELEMENTARY SCHOOL
Address: SUCOL, CALAMBA CITY
Telephone Number: (049)502-4901
E-mail Address: 109825@deped.gov.ph
Kompletuhin ang talahanayan batay sa mga datos na makikita rito.

Ilahad ang pangyayari Kailan ito nangyari Naging damdamin sa


pangyayari

Sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa iyong kasagutan:

1. Sa iyong palagay tama lamang ba na ito ang iyong maramdaman


sa pangyayari? Pangatwiranan ang iyong sagot.

D. Paglalapat Paglalapat
Sa paanong paraan natin magagamit ang ating natutunan sa pang
araw-araw na buhay ?

Paglalahat
Tungkol saan ang paksng ating tinalakay?

Tandaan
Ang damdamin ay tumutukoy sa emosyon o nararamdaman ng
tao sa isang sitwasyon. Ang pagiging masaya, kalungkutan,
pagkatakot, at pangangamba ay ilan sa mga halimbawa ng
damdamin na pwede maramdaman ng isang tao. Natural lang na
maramdaman ang iba’t-ibang uri ng damdamin base sa sitwasyon na
kinakaharap.
V. PAGNINILAY Pagtataya
(Pagninilay sa mga Uri ng Formative
Assessment na Ginamit sa Araling Ito) Basahin at suriin ang bawat sitwasyon. Ibigay ang iyong
reaksyon o damdamin sa bawat sitwasyon.

1. Dinapuan ng sakit na COVID-19 angmagulang ng iyong kaibigan.

2. Nanalo sa paligsahan ang iyongkaibigan.

3. Sinalanta ng malakas na bagyo ang inyonglugar at nawalan ng


tirahan ang pamilya ngiyong kalaro.

4. Napanood mo sa telebisyon angmalawakang pagbaha sa ilang


lugar sabansa dala ng bagyong Ulysses.

5. Nagpaabot ng tulong sa Pilipinas ang ilangkaratig-bansa para sa


mga pamilyang labisna naapektuhan ng bagyong Rolly
saCatanduanes sa lalawigan ng Albay.

Inihanda ni: Binigyang pansin ni:

CHRISTIAN M. BILBAO ROBERT C. SALAZAR


Teacher I Principal II

__________________________________________________________________________________________
School: TIYANI ELEMENTARY SCHOOL
Address: SUCOL, CALAMBA CITY
Telephone Number: (049)502-4901
E-mail Address: 109825@deped.gov.ph

You might also like