You are on page 1of 1

Mahal kong Ama,

Nagpapasalamat po ako sa buhay na ibinigay mo sa akin sa araw na ito. Salamat sa proteksyon na


ipinadadama mo sa akin sa tuwing takot na takot ako at may problema. Salamat po sa lahat-lahat ng
biyaya niyo na ibinibigay sa pamilya ko, sa bayan at sa akin.

Marami na po kayong ibinigay na mabubuting bagay sa akin kasama na ang regalong buhay. Sa lahat
ng mga problema sa buhay ko nandyan ka at handa akong alalayan. Lagi mo ring ipinaaalam sa akin ang
mga daan at desisyon na dapat kung gawin. Kaya kapag may plano ako at trabaho, lagi itong
nagkakaroon ng mabuting resulta.

Maraming salamat po sa mga inilalaan nyong babasahin gaya ng Bibliya na talagang mapagkukunan ko
ng magagandang aral tungkol sa buhay. Sa tuwing isinasa-puso ko at isinasagawa ang mga utos dito ay
talagang napapabuti ako.

Salamat po sa lahat-lahat Ama, hanggang dito lamang po ang aking liham ng pasasalamat.

Minamahal Nyong Anak,

You might also like