You are on page 1of 3

1

PAGDIRIWANG NG PAGSUSUNOG NG MGA LUMANG PALASPAS


PARA SA MIYERKULES NG ABO

PASIMULA

Ang Pagdiriwang ng Pagsusunog ng mga Lumang Palaspas sa gaganapin pagkatapos


ng huling Misa ng Linggo bago sumapit ang Miyerkules ng Abo.

Ang lahat ay magtitipon-tipon sa harapan ng simbahan o kung saan gaganapin ang


pagsusunog ng mga lumang palaspas. Papasok ang pari at magsisimula sa tanda ng
krus at pagkatapos ay babatiin ang mga tao sa mga salitang nasasaad ng patuloy na
paanyaya at panawagan ng Ama na magbalik- loob sa kanya sa pamamagitan ng
pagsisisi sa mga kasalanan. Isusunod ang ilang sandali ng katahimikan.

Pari: Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo


Lahat: Amen.

Pari: Sumainyo ang Panginoon.


Lahat: At sumaiyo rin.

Pari: Mga ginigiliw kong kapatid, ating masasaksihan ang pagsusunong ng


mga lumang palaspas upang maging abo na gagamitin sa darating na
Mierkoles de Ceniza/Miyerkules ng Abo. Inaanyayahan ko kayong
lahat, sa katahimikan ng ating mga puso, na suriin at siyasatin ang
ating sarili; upang maging ganap ang pagdiriwang natin ng banal na
panahon ng Kuwaresma.

(sandaling katahimikan)

Ating ihingi ng kapatawaran ang mga pagkakataong tayo’y nakalimot


sa kagandahang- loob na Diyos sa atin.

(sandaling katahimikan)

Ating ihingi ng kapatwaran ang mga pagkakamaling nagawa natin sa


ating kapwa sa salita man o sa gawa.

(sandaling katahimikan)

Ating ihingi ng kapatawaran ang ‘di wastong kaisipan at mga


pansariling luho at pagkamasawayin.

(sandaling katahimikan)

| CHRIST THE KING PARISH – Pagsusunog ng Palaspas


2

Kaawaan tayo n gating mapagmahal na Diyos, patawarin tayo sa ating


mga kasalanan, at patnubayin tayo sa buhay na walang hanggan.

Lahat: Amen.

PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Pari: Manalangin tayo:


Ama naming mapagmahal, nilikha mo kami mula sa alabok at patuloy
mo kaming inaanyayahang makibahagi sa kaligtasang dulot ng Iyong
Mabuting Balita, kasama ng buong Sambayanan. Kalugdan mo kami
ng iyong awa habang ang mga alabok na ito ay inihahanda, bilang
tanda ng pasimula sa paglalakbay namin sa panahon ng Kuwaresma.

Tulutan mong ang aming paglalakbay sa ilang Kuwaresma ay mag-


akay sa amin sa luwalhati ng bagong pagsilang, bunga ng Muling
Pagkabuhay ng iyong Anak. Magbunga nawa ng kapayaaan ang pag-
aayuno ng bawat isa; ang panalangin ay magpabanal sa amin, upang
makasalo kami sa piging na di magwawakas sa iyong kaharian, sa
pamamagitan ni Kristo, kaisa ng Espiritu Santo, magpasawalang
hanggan.

Lahat: Amen.

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

Pagbasa mula sa Sulat ni Apostol San Pablo sa mga Taga – Efeso

Mga kapatid:

Dapat ninyong iwan ang pagkatao ng dati ninyong pamumuhay; ito ang
Lumang Tao na nabulok dahil sa kanyang mga madayang pagnanasa.
Baguhin din ang inyong kalooban sa espiritu at isuot ang Bagong Tao na
nilalang sa larawan ng Diyos, sa pagkamatuwid at tunay na kabanalan.

Kaya iwan ninyo ang kasinungalingan; mga bahagi natin ang isa’t isa, kayat
magsabi ng totoo ang bawat isa sa kanyang kapwa. Kung magalit man kayo,
huwag kayong magkasala; huwag palubugin ang araw sa inyong galit at baka
makapasok ang diyablo.

Huwag nang magnakaw ang magnanakaw; magtrabaho siya sa kanyang mga


kamay at magpakahirap upang makatulong sa nangangailangan.

Huwag mamutawi sa inyong mga labi ang anumang maruming pangungusap,


kundi ang tama at napapanahon upang pasiglahan ang iba at makabuti sa
nakaririnig.
| CHRIST THE KING PARISH – Pagsusunog ng Palaspas
3

Huwag ninyong bigyang- kalungkutan ang Espiritu Santo ng Diyos; sa kanya


kayo tinatakan tungo sa araw ng katubusan. Iwan ninyo lahat ng kabuktutan:
sama ng loob, galit, poot, pambubulyaw at paglait.

Magpakabait kayo, at magkaroon ng malasakit, at magpatawad sa isa’t isa


tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos kay Kristo.

Ang Salita ng Diyos.

Lahat: Salamat sa Diyos.

PAGSUSUNOG NG PALASPAS

Sisindihan ang mga palaspas na natipon sa isang lalagyan. Maaring awitin o


dadasalin ang Salmo 51 habang sinusunog ang mga palaspas. Pagkatapos ng awit ay
sisimulan ang Panalangin ng Pagbabasbas.

PANALANGIN NG PAGBABASBAS

Pari: Ama naming makapangyarihan, pakabanalin mo ang mga Abong ito


(+), tanda ng aming pagbabalik – loob sa iyo; kaawaa mo’t tulungan
kaming maging tapat sa iyo sa pagtahak sa landas ng pagbabalik- loob
sa panahon ng Kuwaresma, sapagkat ang kalooban mo’y maligtas ang
lahat, sa pamamagitan ni Hesukristo, kaisa ng Espiritu Santo,
magpasawalang hanggan.

Lahat: Amen.

PAGWAWAKAS

Pari: Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos at turo ni Hesus na


Panginoon natin at Diyos, sama- sama tayong manalangin…
Lahat: AMA NAMIN

Pari: Sumainyo ang Panginoon


Lahat: At sumaiyo rin.

Pari: Pagpalain kayo ng Makapangyarihan Diyos, Ama + Anak, at Espiritu


Santo
Lahat: Amen.

Pari: Humayo tayo ng may kapayapaang taglay sa ating puso.


Lahat: Salamat sa Diyos.

| CHRIST THE KING PARISH – Pagsusunog ng Palaspas

You might also like