You are on page 1of 18

SENIOR HIGHSCHOOL

GRADE 11

KOMUNIKASYON AT
PANANALIKSIK
SA WIKA AT KULTURANG
PILIPINO
Unang Markahan
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Pamagat
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Tibar, Jhon Rey B.
Editor:
Tagasuri:
Tagaguhit: www.google.com
Tagalapat:
Tagapamahala: Mrs. Cecilia G. Ason, MD.
Name of CLMD Chief
Name of Regional EPS In Charge of LRMS
Name of Regional ADM Coordinator
Name of CID Chief
Name of Division EPS In Charge of LRMS
Name of Division ADM Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region VIII


Office Address: ____________________________________________
____________________________________________
Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
SENIOR HIGHSCHOOL

GRADE 11

KOMUNIKASYON AT
PANANALIKSIK
SA WIKA AT KULTURANG
PILIPINO

Unang Markahan – Modyul 1:Pamagat


Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang (Asignatura at Baitang) ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pamagat ng Aralin !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa (Asignatura at Baitang) ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul ukol sa (Pamagat ng Aralin) !

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa para sa baiting 11. Nilalaman ng aklat na ito ang mga
aralim tungkol sa kalikasan, katangian, pag-unalad at paggamit ng wikang Filipino
sa mga sitwasyong komunikatibo at kultural sa lipunang Pilipino na may mga
pananaliksik sa bawat aralin, tungo sa paggawa ng sariling pananaliksik nang
komprehensibo.
Ang modyul na ito ay nahahati sa mga sumusunod na yunit:

 Yunit I: Ang Mabisang Komunikasyon


 Yunit II: Wikang Filipino sa iba’t ibang Sitwasyong Komunikatibo at
Kultura sa Lipunang Pilipino
 Yunit III: Mga Uri ng Teksto
 Yunit IV: Mga Hakbang tungo sa Papel Pananliksik

Pagkatapos nito ay inaasahan sa ‘yo bilang mag-aaral ang mga sumusunod:

1. Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan, at


gamit ng wika sa lipunang Pilipino;
2. Nakagagawa ng isang sanaysay batay sa isang panayam tungkol sa
aspektong kultural o lingguwistiko ng napiling komunidad;
3. Nauunawaan ng may masusing pagsasaalang-alang ang mga
lingguwistiko at kultural na katangian at pagkakaiba-iba sa lipunang
Pilipino at mga sitwasyon ng paggamit ng wika sa mga ito;
4. Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang
kultural at panlipunan sa bansa.
Subukin

Panuto: Piliin ang pinakatamang sagot sa mga pagpipilian. Isulat


lamang sa papel ang letra ng pinakatamang sagot.

1. Ayon sa kanya, ang wika ay isang masistemang balangkas ng mga


sinasalitang tunog sa paraang arbitraryo na ginagamit sa
pakikipagkomunikasyon ng mga taong kabilang sa isang kultura.
a. Sapiro
b. Hemphill
c. Gleason
d. Rizal

2. Ito ang wikang pinagtibay ng pambansang pamahalaan na


ginagamit sa pamamahala at pakikipag-ugnayan sa mamamayang
kanyang sakop.
a. Wika
b. Wikang Opisyal
c. Wikang Panturo
d. Wikang Pambansa

3. Ipinakikitang kakayahan sa pakikipag-usap sa pamamagitan ng


dalawang wika.
a. Bilinggwalismo
b. Multilinggwalismo
c. Pangalawang Wika
d. Bernakular

4. Ang tawag sa patakarang pangwika na nakasalig sa paggamit ng


wikang pambansa at katutubong wika bilang pangunahing
midyum sa pakikipagtalastasan at pagtuturo.
a. Bilinggwalismo
b. Multilinggwalismo
c. Pangalawang Wika
d. Bernakular
5. Ito ang prinisipal na wikang ginagamit sa edukasyon, sa
pamahalaan, sa politika, sa komersiyo at industriya.
a. Wika
b. Wikang Opisyal
c. Wikang Panturo
d. Wikang Pambansa

Yunit Aralin 1 (Unang Linggo):


1 Mga Konseptong Pangwika

Wika ang namamagitan upang maunawaan ang sarili, karanasan, kapwa-tao,


paligid mundo, obhetibong realidad, panlipunang realidad, political, ekonomik at
kultural.
Sa araling ito ay inaasahan sa inyo bilang mag-aaral ang mga sumusunod:

 Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napakinggang


sitwasyong pangkomunikasyon sa radyo, talumpati, at mga panayam;
 Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong
pangwika.

Balikan

Naiisip mo ba ang mundo nang walang salita? Magkakaunawaan kaya


nang lubos ang mga tao kung puro kilos ang tanging gagawin upang
makipagtalastasan sa kapwa?
Sa pamamagitan ng isang maikling sanaysay ay ipaliwanag ang
kahalagahan ng wika sa kasulukuyang sitwasyong kinakaharap mo bilang
mag-aaral at mamayan.
Tuklasin

Ang kahulugan ng Wika ayon sa ilang mga dalubhasa…

Henry Gleason (1988) Dell Hymes (1972) Dr. Erlinda Mangahis


(2005)

Ang wika ay Ayon sa kaniya, ang wika Ayon sa kaniya, ang wika
masistemang balangkas ay nangangahulugan ng ang pinakamahalagang
ng sinasalitang tunog na isang buhay at bukas sa kasangkapan ng tao sa
isinaayos sa paraang sistema ng nakikipag- pakikipagtalastasan.
arbitraryo upang interaksyon. Ang mga
magamit ng mga taong taong kabilang sa isang
kabilang sa kultura. kultura ng gumagamit
ang nababago nito.
Makatao at panlipunan
ang kasanayang ito

Konseptong Pangwika

Wikang Pambansa
Sinasabing wikang pinagtibay ng pambansang pamahalaan ang wikang
pambansa na ginagamit sa pamamahala at pakikipag-ugnayan sa
mamamayang kanyang sakop. At kung ang bansa ay multilinggwal katulad
ng Pilipinas, dapat lamang asahan na ang wikang pambansa ang magiging
tulay na wika sa pag-uugnayan ng iba’t ibang pangkat sa kapuluan na may
kani-kanilang wikang ginagamit.

Narito ang maikling kasaysayan ng wikang pambansa:

Kasaysayan ng Wikang Filipino


Mahalagang maintindihan ang kasaysayan ng Wikang Pambansa –
kung paano ito nagsimula bilang Tagalog (kung saan umalma ang mga
Bisaya), naging Pilipino, at ngayon nga ay Filipino na. Isang arkipelago ang
Filipinas kung kaya nagkaroon ito ng maraming katutubong wika. Ang
maganda sa penomenong ito ay nagkaroon din ng kaniya-kaniyang
literatura ang bawat etnolingguwistikong grupo. Dahil dito, maraming mulat
na mga kritiko katulad ni Isagani R. Cruz ang nagsasabing “isa sa
pinakamayamang literatura sa mundo ay ang literatura ng Filipinas." Noon
pa mang sinulat ang 1935 Konstitusyon, nabanggit na ang pagkakaroon ng
wikang pambansa. Nakasaad sa Artikulo 14 Seksiyon 3 na, “Ang Konggreso
ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng
isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong
wika." (Art. 14, Sek. 3) Noong 1936, itinatag ni Pangulong Manuel Quezon
ang Surian upang mamuno sa pag-aaral at pagpili sa wikang pambansa.
Tungkulin ng Surian na magsagawa ng pananaliksik, gabay at alituntunin
na magiging batayan sa pagpili ng wikang pambansa ng Filipinas. Si Jaime
de Veyra ang naging tagapangulo ng komite na nagsagawa ng pag-aaral, at
napili nito ang Tagalog bilang batayan ng “Wikang Pambansa." Ipinalabas ni
Pangulong Quezon noong 1937 ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na
nag-aatas na Tagalog ang batayan ng wikang gagamitin sa pagbubuo ng
wikang pambansa. Dahil sa pagsusumikap ni Pangulong Quezon na
magkaroon tayo ng wikang pagkakalilanlan, hinirang siyang “Ama ng
Wikang Pambansa." Noong 1940 ipinalabas ni Pangulong Quezon ang
Kautusang Tagapaganap Blg. 203 na nagpapahintulot sa pagpapalimbag ng
Talatinigang Tagalog-Ingles at Balarila sa Wikang Pambansa. Pinasimulan
din nito ang pagtuturo ng Wikang Pambansa sa lahat ng mga paaralan sa
buong bansa. Noong 1959 nagpalabas si Kagawaran ng Edukasyon Kalihim
Jose Romero ng Kautusang Blg. 7 na nagsasaad na Pilipino ang opisyal na
tawag sa wikang pambansa. Sa 1973 Konstitusyon noong kapanahunan ng
diktador na si Pangulong Ferdinand Marcos, nakasaad sa Artikulo 15
Seksiyon 2 at 3 na “ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga
hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit ng pambansang
wikang Pilipino. Hangga’t hindi binabago ang batas, ang Ingles at Pilipino
ang mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipinas." Noong panahon naman
ng Rebolusyonaryong Gobyerno sa ilalim ni Pangulong Corazon C. Aquino
muling binago ang Konstitusyon noong 1987 kung saan nakasaad sa
Artikulo 14 Seksiyon 6 na: “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa
umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika." Mahalaga ang papel
ng mga wikang katutubo sa pagpapayaman ng Filipino, na sa ngayon ay
nagbabago ang anyo. Idinagdag sa alfabetong galing sa Tagalog ang mga
letra na f, j, q, v, at z

Mga Gabay na Tanong:


1. Bakit napalitan ang katawagan ng ating wikang pambansa mula
Tagalog patungong Pilipino hanggang sa maging Filipino?
2. Ano ang naging basihan ng surian upang piliin ang tagalog bilang
batayan ng wikang pambansa?
3. Naging mabuti ba ang mga pagbabagong nagaganap sa ating wikang
pambansa?

Wikang Panturo
Gamit ang wikang panturo upang magtamo ng mataas na antas ng
edukasyon. Ang wikang mapipili bilang wikang pambansa ay magagamit bilang
wikang panturo hanggang sa unibersidad.
Gaya ng nakasaad sa Probisyong Pangwika ng Artikulo XIV ng Saligang batas
ng 1987, Sek.6 kaugnay ng wikang panturo na:
Wikang
Sek.6 – Opisyal
Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito
ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at
Tinatawag na wikang opisyal ang prinsipal na wikang ginagamit sa
iba pang mga wika. Dapat magsagawa ng hakbangin ang pamahalaan upang
edukasyon,
ilunsad at sa pamahalaan
puspusang at sa politika,
itaguyod sa komersyo
ang Filipino at industriya.
bilang midyum ng opisyal na
komunikasyon
Ipinahayagat naman
bilang wika ng pagtuturo
sa Sek.7 ng Artikulosa sistemang pang-edukasyon.
XIV ng Saligang -batas ng 1987 na:
“Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng
Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinatadhana ang batas, Ingles.”

Bilinggwalismo
Nagtatakda na Ingles ang gagamitin bilang paraan ng pagtuturo sa mga
asignatura ng Agham at Matematika at wikang Filipino sa lahat ng iba pang
asignatura sa mababa at mataas na paaralan.
Nagkaroon ng alinlangan nang ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 107, s.
1989 na nagsasabi na gamitin pareho ang Ingles o Filipino at kaalinsabay nito ay
dapat ding pahalagahan ang wikang ginagamit ng bata pagpasok niya sa paaralan.

Multilinggwalismo
Nagtatakda na Ingles ang gagamitin bilang paraan ng pagtuturo sa mga
asignatura ng Agham at Matematika at wikang Filipino sa lahat ng iba pang
asignatura sa mababa at mataas na paaralan.
Nagkaroon ng alinlangan nang ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 107, s.
1989 na nagsasabi na gamitin pareho ang Ingles o Filipino at kaalinsabay nito ay
dapat ding pahalagahan ang wikang ginagamit ng bata pagpasok niya sa paaralan.

Narito ang mga Kautusang Pangkagawaran na may kinalaman sa mga


konseptong pangwikang tinalakay sa itaas:
KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BLG. 25, S. 1947
Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura
na nagtatakda ng panuntunan ng pagpapaunlad ng Patakaran sa
Edukasyong Bilinggwal.
KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BLG. 52, S. 1987
Atas Tagapagpaganap Blg. 335 na nag-aatas sa lahat ng mga kagawaran,
kawanihan opisina, ahensya, instrumentality ng pamahalaan na gamitin
ang Filipino sa opisyal na mga transaksyon, komunikasyon at
korespondensiya.
KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BLG. 74, s. 2009
Institusyonalisasyon ng Mother Tongue-Based Multilinggwal na Edukasyon.

Suriin

Magbigay ng mga halimbawang sitwasyon ng mga Konseptong


pangwika mula sa mga nailathalang babasahin sa mga blog, social media at
iba pa sa pamamagitan ng pagpuno ng dayagram sa ibaba.
Konseptong Pangwika SITWASYON
A. Wikang Pambansa

B. Wikang Panturo

C. Wikang Opisyal

D. Bilinggwalismo

E. Multilinggwalismo

Pagyamanin

Isulat sa patlang ang O kung nagpapahayag ng opinyon ang pangungusap


sa bawat bilang, X naman kung hindi.
______1. Wika ang daluyan ng kaisipan at kamalayan ng isang lahi, lipi at lipunan.
______2. Sa palagay naman ni Hutch, isang Sistema ng mga tunog, arbitraryo na
ginagamit sa komunikasyong pantao ang wika.
______3. Sa paniniwala ng mga dalubwika, ang wika ay sistema ng tunog o sagisag
na ginagamit ng tao sa komunikasyon.
______4. Wikang Panturo ang gamit upang magtamo ng mataas na antas ng
edukasyon.
______5. Si Juan ay isang bilinggwal dahil sa galing niyang gumamit ng dalawang
wika.

Isaisip

1. Ang wika ayon kay Hutch ay isang sistema ng mga tunog, na


nakaayos sa paraang arbitraryo na ginagamit sa komunikasyong
pantao.
2. Ang wikang pambansa ay ang wikang pinagtibay ng pambansang
pamahalaan.
3. Ang wikang panturo ay ginagamit upang magtamo ng mataas na
antas ng edukasyon.
4. Tinatawag na wikang opisyal ang prinsipal na wikang ginagamit sa
edukasyon, sa pamahalaan at sa politika, sa komersyo at
industriya.
5. Ang Bilinggwalismo ay tumutukoy sa kakayahang gumamit ng
dalawang linggwahe ng may husay at kasanayan.
6. Ang Multilinggwalismo o tinatawag ding polyglot ay ang
kakayahang gumamit ng higit sa dalawang wika na may husay at
kasanayan.

Isagawa

 Gumawa ng adbokasiya patungkol sa pagpapayabong ng


Wikang Filipino. Maaari itong isulat o ‘di kaya sa
pamamagitan ng video.
Tayahin

Panuto: Piliin ang pinakatamang sagot sa mga pagpipilian. Isulat


lamang sa papel ang letra ng pinakatamang sagot.

1. Tumutukoy sa konseptong pangwika na ginagamit sa mga industriya


at kalakalan.
a. Wika
b. Wikang Opisyal
c. Wikang Panturo
d. Wikang Pambansa
2. Sino ang tagapangulo ng komite na pumili ng tagalog bilang batayan
ng wikang pambansa?
a. Jaime de Veyra
b. Manuel L. Quezon
c. Lope K. Santos
d. Francisco Balagtas
3. Nag-aatas sa lahat ng mga kagawaran, kawanihan opisina, ahensya,
instrumentality ng pamahalaan na gamitin ang Filipino sa opisyal na
mga transaksyon, komunikasyon at korespondensiya.
a. Atas Tagapagpaganap Blg. 225
b. Atas Tagapagpaganap Blg. 334
c. Atas Tagapagpaganap Blg. 335
d. Atas Tagapagpaganap Blg. 135
4. Ang pagpapalitang-koda mula waray at tagalog ay halimbawa ng
anong konseptong pangwika?
a. Decoding
b. Wikang Panturo
c. Bernakular
d. Bilinggwalismo
5. Sa anong taon tinawag na Filipino ang ating wikang pambansa?
a. 1937
b. 1959
c. 1987
d. 2001

Karagdagang Gawain

 Si Jose Rizal ba ay
maituturing na polyglot?
 Siya rin ba ay maituturing
na dalubwika?

(Ipaliwanag ang sagot.)

Susi sa Pagwawasto
Tayahin Pagyamanin Subukin
1. B 1. O 1. C
2. A 2. X 2. D
3. C 3. X 3. A
4. D 4. O 4. B
5. C 5. O 5. D

Sanggunian

https://images.app.goo.gl/ahXy6hMfLshqSN6s6

https://images.app.goo.gl/uyt47QCW2VNumbMJ9

https://quizlet.com/309260923/a1-ang-mga-kahulugan-ng-wika-ayon-sa-mga-dalubhasa-rito-flash-
cards/

https://www.gmanetwork.com/news/news/nation/171158/kasaysayan-ng-wikang-filipino/story/
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like