You are on page 1of 2

SMARTIES ACADEMY OF STA. MARIA.

BULACAN
R. Mercado St. Poblacion. Sta. Maria. Bulacan

“Qualifications of the Next Commander in Chief”


Gemuel Santos

Ang mamamayan ng bansang Pilipinas na nasa legal na edad (18 pataas) ayon sa batas ay may
karapatang bumoto ng bagong pinunong iluluklok sa posisyon, bilang presidente ng kagalang-
galang na Republika ng Pilipinas, dahil tayo ay nasa isang demokratikong bansa. Ang
paghahanap ng bagong presidente ay hindi isang bagay na dapat gawing biro sapagkat tayo ay
nagluluklok ng isang tao sa itaas nating lahat. Sa sanaysay na ito ay aking ilalahad ang mga
karakter at plataporma na dapat ay tinataglay ng isang lider. Hayaan ninyo akong magbigay ng
tatlong punto.

Unang punto, ako ay naniniwala na ang mga botante ay nararapat munang maging edukado sa
takbo ng batas, pulitika, at ekonomiya. Bago natin kwestyunin ang mga tumatakbo sa posisyon
ay alamin muna natin kung tayo ba ay may alam at hindi mangmang sa mga bagay-bagay.
Magbibigay ako ng isang halimbawa upang mas malinawagan ang mga mambabasa sa aking
tinutukoy. Noong unang panahon, si Socrates, ang ama ng pilosopiya ng mga taga-kanluran ay
tinanong ang kaniyang isang kasamahan ng isang sitwasyon. Sabi niya, "Isipin natin na tayo ay
nasa isang barko, ngunit ang sinasakyan nating barko ay walang kapitan, ano ang dapat nating
gawin? Syempre ang maghanap ng kapitan at magbotohan upang may maluklok na kapitan at
umandar ang barko. Ngayon, mayroon tayong mga kandidato sa pagiging kapitan ng barko, ang
tanong ngayon ay hindi sino ang dapat maging kapitan, kung hindi sino ang mga dapat bumoto.
Ang mga taong may alam sa paglalayag o ang mga taong walang alam sa paglalayag?" Sinagot si
Socrates ng kan'yang kasamahan at sinabing "Syempre, ang mga taong may alam sa paglalayag."
Katulad ng ating eleksyon sa darating na taong 2022, dapat ang mga taong boboto ay maging
maalam upang sila ay makaboto ng wasto. Kung hindi nila gagawing edukado ang kanilang mga
sarili ay malaki ang tyansa na sila ay magkamali sa kanilang gagawin sa pagboto. Pangalawang
punto, sa aking tingin ay dapat magtaglay ng tatlong pangunahing katangian at karangalan ang
isang lider: Una, ang isang lider ay dapat maging empatiko; Pangalawa, ang isang lider ay dapat
maging awtorisado; At pangatlo, ang isang lider ay dapat na matalino. Ngayon ano naman ang
mga karangalan na dapat meron ang isang lider: Una, moral na karangalan; Pangalawa,
Akademikong karangalan; Pangatlo, propesyunal na karangalan. Iyan ang mga bagay na dapat
tinataglay ng isang lider, dahil ang mga ito ay ang nagpapatunay na siya ay talagang magaling sa
lahat ng kan'yang katunggali at siya ay angat at karapatdapat sa posisyon. Pangatlong punto, ang
mga plataporma ng isang kumakandidato sa pagka-presidente sa aking tingin ay ang mga
sumusunod: Una, para sa kalakalan at ekonomiya ng bansa; Pangalawa, para sa seguridad ng
bansa; Pangatlo, para sa edukasyon ng mga mamamayan; Pang-apat, para sa kalusugan ng mga
Pilipino; Pang-lima, para sa pagpapaunlad ng agrikultura; Pang-anim, para sa pagpapatatag ng
batas; Pang-pito, pagpapaunlad ng teknolohiya; Pang-walo, ay para sa pagpapatatag ng
soberanya ng Republika ng Pilipinas.

Ngayon, mga mamamayan ng Pilipinas, bumoto kayo ng wasto. Huwag kayong bumoto, dahil
siya ay maganda, gwapo, o kaya naman ay dahil sa politikal na dahilan, at lalong-lalo na sa
pangsariling-interes. Bumoto kayo ng talagang nararapat, tapat, at magaangat sa kasarinlan ng
ating minamahal na bansang Pilipinas!

You might also like