Professional Documents
Culture Documents
ST Filipino 3 No. 1
ST Filipino 3 No. 1
I. Tingnan mo ang mga larawan sa bawat bilang. Isulat ang letra sa patlang at pumili ng sagot sa kahon.
1. Sino ang pangalawang anak nina Aling Nita at Mang Karding na tumutulong sa pagluluto at paglalaba?
a. Ben
b. Nelo
c. Mina
2. Ano ang ginagawa ni Ben bilang bunsong anak?
a. nagluluto ng pagkain
b. nagliligpit ng hinihigaan
c. naglalaba ng mga damit
3. Si Mina ay tumutulong sa kaniyang ina sa pagluluto at paglalaba. Paano mo mailalarawan si Mina?
a.mahiyain
b.mayabang
c.matulungin
4. Tuwing umaga, ginagampanan ni Nelo ang pag-aalaga ng kanilang mga alagang hayop. Natutuwa siya
habang ginagawa ito lalo na kapag kasama ang kaniyang ama.
Tulad ni Nelo, bakit kailangang gampanan mo ang iyong tungkulin sa tahanan?
Araw ng Barangay
Isinulat ni: Airene S. Hinay
Bata at matanda ay may kani-kaniyang gawain sa pagdiriwang ng Araw ng Barangay. Lahat ay abala sa kanilang mga
gawain. Ang mga kababaihan ang nag-aayos ng mga palamuting bulaklak sa entablado para sa gagawing programa.
Ang mga kalalakihan naman ang nakatoka sa pagkabit ng mga banderitas.
Abala ang mga kabataan sa pag-eensayo ng sayaw para sa paligsahan, Kami naman ay tumutulong sa paglilinis ng
aming mga tahanan.