You are on page 1of 3

ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM


SCHOOLS DIVISION OF CAMARINES SUR
DLP LEARNING ACTIVITY SHEET
Name: Score: LAS No.

ALS CLC: Level: Schedule: Date:


Type of Activity: __ Individual Practice Learning Strand: LS1-
__ Classroom Encounter Communication Skills in Filipino
__ Others, pls specify ___ Competency Code: LS1CS/FIL-PB-
PPDAEMT-56
Lesson Title: ANEKDOTA
Competency: Nasasagot ang mga tanong sa binasang anekdota.
Learning Intent: Pagsagot sa mga tanong sa binasang anekdota.
Value Emphasis: Pagsunod sa panuto
Reference: Learnykid.com
PRE-TEST
Basahin ang isang anekdota at sagutan ang mga sumusunod na tanong.
Si Pepe
Isang umaga, kaming mag-anak ay nag-aagahan. Si Pepe noon ay may gualng na
dalawang taon lamang. Sinabi niya sa aming ina na nais niyang matutong ng ABAKADA.
Datapuwa’t ang tugon n ina’y hindi pa sapat ang taglay niyang gulang upang matupad ang
gayong hangarin. Si Pepe’y nagpumilit kaya’t sandali munang ipinakilala sa kaniya ni ina
ang bawat titik. Hindi suya tumigil sa pagkilala sa mga titik at manaka-naka ay
nangangailangan siyang magtanong. Pagkatapos ng dalawang oras, ang lahat ng titik ng
ABAKADA ay natutuhan niyang basahin. Kaming magkakapatid, pati ng aming mga
magulang ay labis na namangha sa gayong katalinuhan n Pepe.
1. Ano ang paksa ng anekdota?
2. Anong katangian ang ipinakita ng batang Pepe sa anekdota?
3. Anong aral na mapupulot sa anekdota?
4. Ano ang pamamaraan ng pagsasalaysay ang ginamit?
5. Anong motibo ng may-akda ang ibig niyang ipabatid sa mga mambabasa?

CONCEPT NOTES
Anekdota -ay isang kuwento ng isang nakawiwili at nakakatuwang pangyayari sa buhay ng
isang tao. Layon nito ay makapagpabatid ng isang magandang karanasan na kapuputan ng aral. Ito’y
magagawa lamang kung ang karanasan o pangyayari ay makatotohanan.
Ang isang anekdota ay nagdudulot ng ganap na pagkaunawa sa kaisipang nais nitong ihatid sa
mga mambabasa. Di dapat mag-iwan ng anumang bahid ng pag-aalinlangan na may susunod pang
mangyayari.
ELEMENTO NG ANEKDOTA
Tauhan Tagpuan Suliranin Banghay Tunggalian
Kailangan ang Simple at kalimitan Ang Ang banghay sa anekdota Ang anekdota ay
pangunahing tauhan ay nagaganap pangunahing ay malinaw ant maikli. nagtataglay ng
ay isang kilalang lamang sa isang tauhan ang Bukod dito, ang tunggalian ng
tao. Siya’y masaring lugar ang tagpuan madals na pinakasentro sa tauhan laban sa
bayani o isang sa anekdota. magkaroon ng pangyayari ay ang kanyang sarili, sa
pangkaniwang taong suliranin sa nakaaaliw na bahagi na kanyang kapwa at
nakagawa ng di- kuwento. nakapagbibigay-aliw sa sa kanyang paligid.
inaasahang Gawain mga mambabasa o
na nagbigay tagapakinig.
pangalan sa kanya.

POST TEST
Basahin ang isang anekdota at sagutan ang mga sumusunod na tanong.
Ang Magkaibigan
Shalynur Abduraja

May dalawang magkaibigan na naninirahan sa isang probinsya. Ang pangalan ng dalawang


magkaibigan ay si Anna at si Jenny. Mabait ang dalawa at mapagbigay sa kapwa. Araw-araw ay
magkasama sila, kung ang isa may problema, tutulong ng isa para masolusyunan ang kanyang problema at
sinasabi nila ang kanilang sekreto. Isang araw, may masamang tao na nagngangalang si Clara.
Pagaawayin nya ang dalawa. Tinawag nya si jenny habang wala si anna “ahmm… jenny! Hindi sa
sinisiraan ko kayo ni anna ha! Wag kang magsabi kay anna, ahm… may sinabi siya sa aki, sabi niya
hihndi daw ikaw ang tunay nyang kaibigan kasi nililihim mo daw ang mga sekreto mo sa kanya, kung sya
daw ay sinasabi nya laha, ikaw daw hindi. Manloloko ka daw. Sabi ni clara. “ano! Sinasabi namin ang
mga sikreto naming, at kung may sikreto man ako, sinasabi ko agad sa kanya at sinabi nya pa ako ang
manloloko? Hindi ganyan si anna sakin, hindi nya kayang gawin yan sakin.” Sabay na nag iiyak si jenny,
pinuntahan ni jenny si anna at sinabi ang mga sabi sa kanya ni clara. Nang Makita nya si anna na papauwi
sa kanilang bahay, tinawag nya ito “anna, anong mga sinasabi mo sakin? Diba kung may sikreto sinasabi
natin agad? At wala akong nililihim sayo anna, akala ko ba tunay na magkakaibigan tayo?, yun pala
sinisiraan mo pala ako!” sabay iyak at sigaw ni jenny, “anong pinagsasabi mo? Wala akong sinasabi
sayong ganyan dahil tunay na kaibigan kita at hindi kita sinabihan ng manloloko si jenny.” Sabay iyak din
ni anna na sabi kay jenny. Bigla tumakbo si jenny habang umiiyak at biglang dumaan ang isang jeep at
nakabangga ito.“Jenny!” sabay takbo habang umiiyak papunta kay jenny. Dinala ito ng pamilya ni anna at
pati rin siya sa hospital si jenny. Dumaan ang ilang oras, lumabas na ang resulta at kailangan nitong mag
donate ng puso upang sya ay mabuhay pa. narinig ito ni anna at sya ang nag donate ng kanyang puso para
sa kanyang pinakamamahal na kaibigan.

1. Sino-sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?


2. Saan naninirahan ang magkaibigan?
3. Ano ang nangyari sa dalawang magkaibigan?
4. Kung ikaw si Anna, gagawin mo rin bang mag donate ng iyong puso para sa iyong kaibigan? At
bakit?

You might also like