Professional Documents
Culture Documents
Ang Buwang Hugis Suklay
Ang Buwang Hugis Suklay
1. Ang alamat ay nagsimula noong nagbilin ang asawa ng mangingisda na bilhan sya nito ng isang suklay
sa bayan na hugis buwan. At upang hindi nito makalimutan ang kanyang bilin, sinabihan sya nito na
tumingala lamang sya sa langit upang kapag nakita na nya ang buwan ay maaalala nito ang kanyang
ipinagbilin.
2. Dahil ang buwan ang ginawang paalala ng asawa ng mangingisda sa kanyang ipinagbilin na bilhan sya
nito ng suklay na kawangis ng hugis ng buwan.
3. Dahil nakalimutan ng mangingisda ang bilin ng asawa, tinulungan sya ng tagapamahala ng tindahan.
Napatingala sa langit ang tagapamahala at nakita ang buwan na bilog na bilog. Nakita din ito ng
mangingisda matapos ng kanyang mahabang paglalakbay. Binigyan ng tagapamahala ang mangigngisda
ng salamin na kasing bilog ng buwan. Pagdating ng mangingisda sa kanilang bahay, agad itong kinuha ng
kanyang asawa. Ngunit pagtingin nito sa salamin, akala nya ay ibang tao ang nakikita nya at sya ay
nagalit dahil ang akala nya ay nag-uwi ng isa pang asawa ang mangingisda na mas bata kesa sa kanya.
Tinignan din ng ina ng asawa ng mangingisda at sya ay nagalit dahil akala nya na ang nakikita nya sa
salamin ay ang inuwing asawa ng mangingisda na matanda na at kulubot na ang balat. Sa galit ng lolo,
kinuha din nya ang salamin at nagulat dahil ang nakita nya ay isang matanda na galit na galit rin.
5. Kung ako ang may-akda, nais kong matapos ang kwento kung saan malalaman ng buong mag-anak na
ang iniuwi ng mangingisda ay isang salamin at ang kanilang mga nakita ay ang kanilang mga sarili.
Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/143017#readmore