Professional Documents
Culture Documents
Sicat, John Claude C. - Gawain 4
Sicat, John Claude C. - Gawain 4
BS Architecture – 4I
ARALIN 4 GAWAIN 4
EKSPRESYONG LOKAL
Panuto:
Gawain 1. Sagutin ang mga ilang tanong ukol dito
1. Ano kaya ang mga dahilan kung bakit nagsasalita tayo nito?
• Ginagamit natin ang mga ekspresyong local upang ipahayag and ating mga damdaming
at nararamdaman. Ang mga ito ay na-adapt na natin dahil na rin sa patuloy na
komunikasyon at pakikipag talastasan natin sa ibang tao. Nagagamit at nagsasalita tayo
nito dahil ito ay ang mga salitang umusbong sa ating lokal na komunidad. Ito rin ay mga
salitang nakagawian na at nagiging mainstream na kung kaya’t ang paggamit sa mga ito
ay hindi maiiwasan.
2. May mga positibo at negatibo ba na epekto ang paggamit ng ekspresyong local sa ating
buhay? Ipaliwanag.
• Oo, dahil sa mga ekspresyong lokal, mas nagiging epektibo ang ating komunikasyon sa
ibang tao. Ang mga ito rin ang nagiging ugat samas maiging pagpapakita ng ating mga
emosyon at nararamdaman. Mas maigi din itong gamitin lalo na kung casual lamang
ang pag-uusap kagaya ng pakikipag-usap sa ating mga kaibigan. Sa kabilang banda,
maaari din maging ugat ng di pagkakaunawaan ang mga ito dahil ang mga salitang
ginamit ay hindi nangangahulugan ng literal na depinisyon nito. Maaari din nitong
masapawan or maging sanhi ng pagkalimot sa mga nakagawian at malalalim na salitang
Filipino.
Gawain 2. Gumawa ng tigsasampung (10) ekspresyong local na naririnig sa inyong lugar. Gumawa
ng talahanayan na may tatlong kolum. Sa UNANG KOLUM, isulat ang ekspresyon narinig; sa
PANGALAWA KOLUM, ilagay ang paliwanag sa kahulugan nito; at sa PANGATLO KOLUM, ilarawan
ang isa o higit pang sitwasyon kung saan ito ginagamit.