You are on page 1of 2

WORKSHEETS

Filipino 5
(Unang Kapatan)

Pangalan: _________________________________________________________
Pangkat: ___________________________________________________________

Unang araw: Naibibigay ang mga uri ng pangngalan.


Basahin mo:

PISTA SA AMING BAYAN

Tuwing Mayo 1 ng bawat taon ay ipinagdiriwang sa lalawigan ng Nueva Ecija ang pistang bayan
ng Gapan City. Ang mga patron ng syudad ay ang Divina Pastora at Tatlong Hari. Marami sa mga
magsasaka ang kasama sa parade. Nakasakay sila sa mga kalabaw. Ilan sa mga sumamang kariton ay
may mga bigkis na palay at buwig ng saging na palamuti. Ang nakahihigit ay traktora at mga trak ng
palay.

Ang Gapan ay unang bayan sa Nueva Ecija, lungsod na ito ngayon. Pagsasaka ang pangunahing
pangkabuhayan ng mga tao. Naniniwala sila na ang patrona, Divina Pastora ay nagbibigay proteksyon
sa mga naninirahan dito. Ang patrona ay milagrosa. Ang pista ng Gapan ay dinarayo ng mga tao sa
kalapit bayan at lungsod.

1. Anong bayan sa Nueva Ecija ang nagdiriwang ng pista tuwing Mayo 1?


__________________________________________________________________________________

2. Sinu-sino ang mga patron ng syudad?


__________________________________________________________________________________

3. Paano ipinagdiriwang ng mga tao ang kapistahan sa syudad na ito?


__________________________________________________________________________________

Balikan ang mga may salungguhit na salita mula sa kwentong binasa, tukuyin kung anong uri ng
pangngalan ang mga ito. Isulat ang salita sa wastong kahon.

Pantangi Pambalana
Tandaan mo:
1. Pantangi-tiyak na pangngalan at sinisimulan ito sa malaking titik.
Halimbawa:
Divina Pastora Manila Hotel
Tatlong Hari Nueva Ecija

2. Pambalana – Karaniwang pangngalan, sinisimulan ito sa maliit na titik.


Halimbawa:
saging kalabaw tao
silya bayan bata

Gawin mo:
I. Punan ng angkop na pangngalan ang pangungusap.
1. Ang pagsisikap ng bawat mag-aaral na makatapos ng pag-aaral ay inaaalay nila para sa kanilang mga
(pambalana)____________.
2. Ang (pantangi) ____________ay pinag-aaralan ng mga mahuhusay na mag-aaral na disiplinado, may
integridad, responsable at pinahahalagahan ang gawa ng Diyos.
3. Ang mga (pambalana) ____________ang tumatayong ikalawang magulang ng mga bata sa paaralan.
4. Si (pantangi) ____________ay isang mahusay na manunulat at dakilang bayani ng ating bayan.
5. Ang mga (pambalana) _____________ ay nagsama-sama upang matulungan ang mga batang
lansangan.
II. Panuto: Tukuyin ang uri ng pangngalan ng mga sumusunod. Isulat sa patlang kung
ito ay pantangi o pambalana.
____________ 1. bata
____________ 2. damit
____________ 3. Mactan
____________ 4. kaarawan
____________ 5. Pasko
____________ 6. pari
____________ 7. Mongol pencil
____________ 8. Luneta
____________ 9. Hongkong
____________ 10. Popoy Gonzales

You might also like