You are on page 1of 1

[EDITORYAL]

VIRUS. LOCKDOWN. REPEAT


Rappler

Parang isang umuulit na bangungot ang ikatlong lockdown ng Metro Manila. Dinadaan na lang ng
marami sa biro – alam mo naman ang Pinoy, defense mechanism ang pagbibiro. Andyan ang pag-awit ng
“’Di Na Natuto.”
Pero ang pinakamalapit sa katotohanan ay ang buzzword na pinasikat ng gamers at ng Hollywood. “Live.
Die. Repeat.” Tatlong katagang sumasapul sa hirap ng buhay sa lockdown. May nabubuhay, may
namamatay, lahat nakakapit lang. Kinabukasan, ulit na naman.
Pero hindi naman “endless loop” ang buhay. Dapat, tulad ng pelikula ni Tom Cruise, natututo ang gobyerno
ng Pilipinas. Tigilan na ang pag-i-invoke ng resilience ng Pilipino sa pahahon ng kalamidad. Kahit
kawayan, nababali sa tindi ng hagupit ng bagyo.

Sa unang araw ng lockdown, larawan ng sundalong may mahabang rifle ang tumambad sa atin. Simbolo
ito ng maling-maling approach natin sa pandemya – ang law and order bilang solusyon sa virus.
Sa unang araw ng lockdown, dumanas ang mga namamasukan ng matagal na paghihintay ng masasakyan
at nakunsumi sa trapik. Sa artikulong ito, sinabi ng nakausap ng Rappler na sinita ang driver ng jeep nila,
pinababa sila ng sasakyan na overloading daw, pinagalitan sila, at nagsimula na ulit ang hintayan ng
masasakyan.
Sinabi ng mismong experto ng DOH na isa hanggang dalawang minuto lang na close contact ang kailangan
upang mahawa sa “fastest and fittest” variant – ang Delta. Pinakamabilis at pinakamabagsik. Nakakikilabot
ang profile ng bagong variant na ito, na kahit mga taong may isang dose ng vaccine ay nahahawa.
Pero walang nagbago, checkpoints pa rin ang paboritong responde ng gobyernong layong magtiyak na
walang makatatawid sa mga karatig pook na dala-dala ang virus. Pero papaano na ang mga pulis at
sundalong nag-uusisa sa mga pass? ‘Di ba’t super-spreaders na sila, may mahawa lang na isang checkpoint
enforcer?

You might also like