You are on page 1of 2

Angelo B.

Alban

BSDC 1A

GAWAIN SA KONKOMFIL

1. Sino-sino ang mga tauhan sa loob ng short film?

Ang mga tauhan sa taya ay sina Junjun, Eli, Dodong, Alvin, Elvis, Mark at si Billy.

2. Ano ang nais ipahiwatig ng pamagat ng short film?

Ang pamagat na Taya ay inilalarawan ang seryosong ideolohiya at pati na rin ang pangkaraniwang
laru-laruan na kabilang sa ating kultura.

3. Base sa iyong napanood, isa-isahin ang mga larong nabanggit sa short film at papaano nito

sinalamin ang realidad ng buhay?

1. Bangsak - Sa tingin ko sumasalamin ito sa Mga pulis at mga kriminal, sinabi sa short film na
kailangan magaling kang tumago dahil kung hindi mahuhuli ka ng pulis.
2. Bente Uno - ay sumasalamin naman doon sa mga nanghikayat sa pag bebenta ng mga
ipinagbabawal na gamot, sinabi sa short film na
3. Mataya-taya - naman ay sumasalamin doon
4. Target - naman ay sumasalamin doon sa pakikipag barilan ng mga pulis laban doon sa mga
nakikipaglaban para sa kinatitirikan ng kanilang tirahan.
5. Ice Water - pakikipag batuhan ng tubig laban doon sa megdedemolish ng kanilang tinitirhan
6. Langit Lupa - naman ay sumasalamin doon sa pag hinahabol na sila ng pulis, tumakbo sila o
tumakas sa ligtas na lugar.
7. Patintero - ay sumasalamin naman doon sa pakikipaglaban ng mga nasa squater area para sa
tinitirikan ng kanilang bahay laban sa mga pulis na idedemolish ang kanilang tirahan.
8. Agawan base - sumamasalin pa rin doon sa mga squater area
9. Tagu taguan - sumasalamin pa din ito sa mga squater na nagtatago, tas kung mahuli sila ng pulis
sila ang tay o sa malalim na pag papakahulugan, mahuhuli sila dahil sa pag angkin nila ng lupa na
hindi naman sa kanila.

4. Sa kabuoan, ano ang mensaheng nakapaloob sa short film?

Isang suliraning panlipunan ang pinaparating ng Taya. Sa paggamit ng ideya ng paglalaro, binubuo ang
pagkakaintindi or pagtatanggap na sa kasalukuyan, laging may mananalo at matatalo, laging may taya at
may hahabulin. Ang ideyang ito ay maaaring intensyon sa pelikula upang ipakita ang tunggalian na
sangkot hindi lang sa mga bata kundi sa mas malawakang tanawin. Sa pagsasabi nito, maaaring ipalagay
na ang class formation na nabubuo mula sa class conflict na itinanghal ay ang pagkakasalungat ng mga
nakatira sa squatter area at ang mga tagagiba na dumarating upang gawin ang kanilang trabaho. Mula sa
paningin ng mga lente, masasabi na ang umaasa o mga biktima ay ang nauna at ang ikalawa ay ang may
gahum o namamahala. Ngunit puwedeng baliktarin ang paningin, kung saan ang mas makapangyarihan
ay ang mga naninirahan at ang tagagiba ay ang umaasa, dahil sa mga squatter nanggagaling ang
responsibilidad ng ating gobyerno na isaayos ang suliraning ikinahaharap na ganito. Dahil sa suliranin,
napapagawa ang mga mas makapangyarihan upang umunlad ang lipunan. Ang reipikasyon at
komodipikasyo ay maaaring ilapat sa ideya ng lupa o property, kung saan ang halaga nito ay
naititimbang lamang sa kung ano ang puwedeng ipagamit ditto, o kung ilan ang kaya nitong ibunga. Sa
pagkakasira ng mga tirahan, ang tanong ay kung karapat-dapat ba ito sa ikagagamit nito ayon sa may
hawak o kung makikinabang nga ito nang mabuti para sa lahat, kapalit ang mga tirahan ng mga tao. Sa
pagsasagawa nito, nadadamay ang mga buhay ng mga tao at ang solusyon na dapat pag-isipan ay dapat
magkasinghalaga ng mga naapektuhan. Ang pagkakatulad na ginamit sa pelikula ay makikita sa
suliraning panlipunan na ikinahaharap sa kasalukuyan. Maihahantulad ang mga laro sa karahasan at
kalupitan na ipinapalabas sa mga pangyayaring ganito.

You might also like