You are on page 1of 2

Ang Pagtatapat ni Tajomaru

Kung ako ang naging bantay, may malakas na tumulak sa aking gilid. Umilag ako, pero nananatili
pa rin ako sakanya. Maaari siyang masugatan o mamamatay ako. Pero, ako si Tajomaru.
Bahagya ko ibinaba ang kanyang espada ng walang pag-aalinlangan. Nananalantay sa kaluluwa
ng babaeng ito ang kahit walang armas, nakumbinse akong makuha siya kahit hindi ko na kunin
ang buhay ng kanyang asawa.

Oo,... Kahit hindi ko na kunin ang kanyang buhay. Hindi ko pinangarap na patayin siya, tumakbo
ako papalayo sa kakahuyan, at iwan ang babae sa likod ng kanyang mga hinanakit, nang siya ay
mahigpit na kumapit sa aking mga bisig. Sa mga pinagputol-putol na salita, nagtanong siya kung
ano ang kanyang asawa o ako ang mamamatay. Ang sabi niya, mas mabuti pang mamamatay
kaysa magkaroon nang kahihiyan sa dalawang lalaki. Naghahabol siya sa kanyang hinga nang
naisin siyang maging asawa kung sino man ang makakaligtas. At may mabagsik na nag-udyok sa
akin na patayin siya.

Sa pagsasabi ko sa iyo sa ganitong paraan, walang pagdududa, ngayon lang ako nakikita ng
lalaking kasing lupit mo. Pero nagdahil sayo hindi mo nakita ang kanyang mukha. Lalong-lalo na
ang nanliliksik niyang mga mata nang oras na iyon. Nang makita ko siya mata sa mata, gusto ko
siya mapangasawa kahit nasaktan ako ng kidlat. Gusto ko siya mapangasawa... na isang bagay
na magpupuno sa aking kalooban. Hindi lamang ito kahalayan nang iyong iniisip. Sa panahon na
ding iyon. Kung wala akong ibang ninanais maliban sa kahalayan, ako'y nakasisigurado na hindi
ko magagawa mapatumba at mapalayo sakanya. At hindi ko maaaring mamantsahan ang aking
espada ng kanyang dugo. Ngunit nang mahagilap ko ang kanyang mukha sa kadiliman ng
kakahuyan, napagdesisyunan ko na hindi ako aalis nang hindi siya mapatay. Ngunit hindi ako
pumayag na makipagtayan sa kanya nang hindi patas. Pinakawalan ko siya't sinabing
makipagpalitan ng tabak sa akin (Ang lubid na na nakita sa mga ugat ng mga punongkahoy, ay
ang lubid na aking hinulog sa mga oras na iyon). Nagpupuyos sa galit, masinsing niyang kinalas
ang kanyang espada. Sa mabilis niyang pag-iisip ay mabagsik siyang tumakbo sa akin nang
walang isang salita. Hindi ko kailangan sabihin sa iyo kung ano ang naging kinalalabasan ng
aming labanan. Ang dalawampung-tatlo atake .... tandaan mo ito. Ako pa rin ay nabibighani sa
lahat ng katotohanang ito. Walang sinoman ang nakipagpalitan ng espada kasabay ng
dalawampu atake. (Isang masayang ngiti)

Nang siya'y natumba, binalikan ko siya at binaba ang aking espada na minantsahan ng dugo.
Ngunit sa laking gulat ko ay nawala siya. Sinundan ko siya kung saan siya tumakbo. Hinanap ko
siya sa kakahuyan pinakinggan ko ngunit naririnig ko lamang ang umuungol sa tinig na galing sa
lalamunan nang isang tao mamamatay.
Nang kami ay magsimulang magpalitan ng espada, marahil siya'y tumakbo. Sa gitna ng
kakahuyan upang humingi ng tulong. Nang maisipan ko iyon, napagdesisyunan kong ito'y
napapatungkol sa aking buhay at kamatayan. Kaya, kinuha ko ang kanyang espada at pana,
tumakbo ako palabas sa daanan ng bundok. Doo'y natagpuan ko ang kanyang kabayo na
tahimik pa rin na kumakain. Marahil pag-aaksaya lamang ng salita kung sasabihin ko ang buong
detalye, sa susunod na pagkakataon na lang, ngunit bago ako pumasok sa bayan, inalis ko ang
espada. Iyon ang lahat ng aking pag-amin. Alam kong ako pa rin ay ibibitay, kaya ilagay mo ako
sa pinakamataas na kaparusahan (Isang mapanglaw na saloobin).

You might also like