You are on page 1of 6

Yunit III- Pananaliksik

Pananaliksik: Kahulugan, Layunin, Kahalagahan, Katangian, Etika, at


Pamamaraan
Panuto: Sagutin o gawin ang hinihingi ng mga sumusunod: (Isulat ang sagot sa
mga kaukulang graphic organizer.)

1. Ano ang kahulugan ng pananaliksik ayon sa iba’t ibang awtor?

2. Ano-ano ang mga layunin ng mananaliksik sa pagsasagawa ng


pananaliksik?

3. Ano-ano ang mga kahalagahan ng pananaliksik ayon kina Lartec, (2011)?

4. Ano-ano ang mga katangiang nararapat taglayin ng pananaliksik?

5. Tukuyin at ipaliwanag ang etika ng pananaliksik.

6. Ano-ano ang tatlong tradisyonal na pamamaraan ng pananaliksik na


Maaring gamitin sa larangang pang-edukasyon at pangkultura. Magbigay
ng maikling paliwanag sa bawat pamamaraan gayon din ng mga uri at
saklaw ng bawa pamamaraan.

7. Magsaliksik at tukuyin ang mga Bahagi ng Pananaliksik batay sa


Pagsulat ng Pinal na Porma

Iba’t ibang Awtor Kahulugan ng Pananaliksik


Ang pananaliksik ay tungkol sa puspusang pagtuklas at
Sanchez (1998) paghahanap ng mga hindi pa nalalaman.

Ang pananaliksik ay paraan ng paghahanap ng teorya,


pagsubok sa teorya o paglutas sa isang suliranin.
Sevilla (1998)
Ang pananaliksik ay mapanuri at kritikal na pag- aaral
Semorlan (1999) ukol sa isang isyu, konsepto at problema ang pananaliksik.

Ang pananaliksik ay isang sistematiko at siyentipikong proseso


Alejo, et al. (2005) ng pangangalap, pagsusuri, pag- aayos, pag-oorganisa, at
pagpapakahulugan ng mga datos tungo sa paglutas ng
suliranin, pagpapatotoo ng prediksyon, at pagpapatunay sa
imbensyong nagawa ng tao.
Ordoñez, et al. Ang pananaliksik ay pahayag sa mataas na lebel ng pagsusulat
(2007) dahil nangangailangan ito ng pangangalap ng mga datos, pag-
iimbestiga, pagsusuri, pagbibigay hinuha, at sa pagtatapos ay
pagbibigay kongklusyon at rekomendasyon.
Layunin ng Pananaliksik Kahalagahan ng Pananaliksik
Makadiskubre ng mga bagong kaalaman Benepisyong edukasyonal
hinggil sa mga batid na

Makakita ng mga sagot sa mga suliraning Benepisyong personal


hindi pa ganap na nalutas

Maka-develop ng episyenteng Benepisyong Pambansa


instrumento, kagamitan o produkto

Makatuklas ng mga bagong sabstans o Benepisyong pangkaisipan


elemento (komposisyon o
kabuuan ng isang bagay)
Makalikha ng mga batayan para Benepisyong pangkatauhan
makapagpasya at makagawa ng mga
polisiya, regulasyon, batas o mga
panuntunan na maaaring gamitin sa
iba’t ibang larangan
Matugunan ang kyuryusidad, interes at
pagtatangka ng isang
Mananaliksik
Madagdagan, mapalawak at mapatunayan
ang mga kasalukuyang
kaalaman
Kongklusyon:

1. Ang pangunahing layunin ng pananaliksik ay ang pagpapabuti ng kalidad ng


pamumuhay ng tao.

2. Sa pamamagitan ng pananaliksik lumalawak at lumalalim ang karanasan at


kaalaman ng tao.
Katangian ng Pananaliksik

Ang pananaliksik ay sistematiko.

Ang pananaliksik ay kontrolado.

Ang pananaliksik ay empirikal.

Ang pananaliksik ay ginagamitan ng haypotesis.

Ang pananaliksik ay lohikal, obhektibo, at walang


kinikilingan.
Paliwanag

Kung ang isang pangkat ng mga tao ay


dapat gamitin bilang isang respondent
anuman ang antas kung saan ito
nabibilang, kailangan ang kaukulang
paggalang o respeto sa kanilang
karapatan. Hindi maaaring banggitin ang
Paliwanag nang walang
kanilang pagkakakilanlan
pahintulot nila.

PAGGALANG SA KARAPATAN
NG IBA

Paliwanag Paliwanag
Paliwanag Paliwanag

Ang mananaliksik ay dapat na walang PAGTINGIN Kinakailangang malaman ang


kinikilingan. Dapat niyang ipakita Etika lahat ng nakuhang datos at
nang tapat ang resulta ng kanyang SA LAHAT NG
pananaliksik nang walang pagkiling PAGIGING detalye mula sa survey, o sa
kaninuman. Dapat ay maging pantay
ng MGA DATOS anumang paraan na
OBHEKTIBO BILANG
ito para sa lahat. Kinakailangang confidential. Nasa sariling
ibigay kung ano talaga ang nararapat AT WALANG Mananaliksik CONFIDENTIAL pamamaraan ng
para sa isang indibidwal, isang
pangkat ng mga tao, isang
KINIKILINGAN mananaliksik kung paano
institusyon, at iba pang may niya ilalahad ang kabuuan ng
kinalaman sa kanyang ginawang mga detalye.
sulating pananaliksik.

PAGIGING MATAPAT SA BAWAT


PAHAYAG
Paliwanag

Ang anumang pahayag sa kabuuan ng


sulating pananaliksik ay dapat na
tapat at naaayon sa mga pamantayan
sa pagsulat. Ang anumang natuklasan
ay hindi dapat baguhin para sa
pansariling pakinabang o
pangangailangan ng ilang tao.

Paliwanag
Pamamaraan ng Pananaliksik

ANG EKSPERIMENTAL NA
PANANALIKSIK ANG PAMAMARAANG ANG PALARAWANG PANANALIKSIK
PANGKASAYSAYAN
-Ang pamamaraang eksperimental ay ang pagsubok sa -Ang pamamaraang palarawan ay
isang haypotesis sa pamamagitan ng isang
-Ang pamamaraang ito ay naglalayong sagutin o naglalarawan ng tumpak na larawan ng
mapamaraang paggamit ng may kaugnayang empirikal
na mga salik, sa pag-asang matatamo ang katotohanan tugunan ang nakaraan sa pamamagitan ng pagpapakita kasalukuyang kalagayan ng mga bagay-bagay
kung ang haypotesis ay mapapatunayan ng bunga ng ng kaugnayan ng sanhi at bunga. Ang pamamaraang ito na maaaring verbal, graphic o isinalarawan,
mga mapamaraang paggamit. Natatanging katangian ay naglalayong ibunyag ang sanhi ng mga nakaraang
ng pamamaraang ito ang panghuhula sa maaaring quantitative o statistical.
kaganapan, sitwasyon at pangyayari.
maging katotohanan sa hinaharap.

Pagtiyak sa suliraning eksperimental Pagpili at pagbalangkas ng suliranin-Isinasaalang- Pag-aaral ng kaso-Sinusuri ng ganitong uri ang isang
o paksa alang sagawaing ito ang mga kakayahan ng mananaliksik, partikular na tao, grupo, o sitwasyon sa loob ng isang yugto
pinagmumulan ng datos, tagal ng oras na inilaan sa pag-aaral, ng panahon. Dapat itong suriin kung paano nakakaapekto
propesyonal na kakayahan, sapat na pinagmumulan ng datos at ang mga salik sa isa't isa at kung paano nakakaapekto ang
tinitiyak na nakumpleto ng mananaliksik ang proyekto sa loob ng mga salik na ito sa kaso na pinag-aaralan.
tinukoy na oras.

Pagsasagawa ng sarbey ng mga Pangangalap at pagtitipon ng mga datos-Maaaring Sarbey-Ginagamit ang sarbey upang sukatin ang
magkakaugnay na literatura at mga pag- makuha ang datos mula sa mga dokumento tulad ng mga kasalukuyang kaganapan nang hindi kinakailangang tukuyin
aaral opisyal at pampublikong dokumento, konstitusyon, batas, ang ugnayan ng mga baryabol. Kung nais ng mananaliksik na
mangolekta ng limitadong data sa antas ng kaso, gagamitin
dekreto, resolusyon at iba pa.
niya ang ganitong uri ng pananaliksik.

Papaunlad na pag-aaral- Maaaring gamitin ang ganitong


Pagbabalangkas ng haypotesis Kritikal na pagsusuri ng mga datos-Maaaring uri kapag sinusubukan ng isang mananaliksik na makakuha ng
isagawa ang pagsusuri sa panloob o panlabas maaasahang impormasyon tungkol sa pagkakatulad ng mga bata
na may iba't ibang edad, kung paano sila nagkakaiba sa iba't
upang matukoy ang pagiging tunay at ibang edad, at kung paano sila lumalaki at umunlad. Maaari din
pagkamakatotohanan ng mga pahayag dito. nitong talakayin ang intelekwal, pisikal, emosyonal at
panlipunang pag-unlad.

Pagkilala sa mga eksperimental na Follow-up na pag-aaral- Kung ang pananaliksik ay


baryabol naglalayon sa higit pang pagsubaybay sa pag-unlad ng
pag-aaral ng mag-aaral pagkatapos na maitalaga sa
isang partikular na gawain o sitwasyon, maaaring
angkop ang ganitong uri ng aplikasyon.

Pagsusuri ng dokumento-Ang mga datos sa


uring ito na kilala ding pagsusuri ng
nilalaman ay makukuha sa pamamagitan ng
pagsusuri sa mga tala at dokumento.

Pagsusuring pangkalakaran-Maaaring
gamitin ng mananaliksik ang pamamaraang
ito kung nais niyang mabatid ang magiging
kalagayan sa hinaharap.
Batay sa iyong ginawang pagsaliksik ano ang limang (5) bahagi ng Pananaliksik
batay sa Pagsulat ng Pinal na Porma

Kabanata I – Suliranin at Kabanata II – Mga Kabanata III –


Kaligiran Nito Kaugnay na Literatura Metodolohiya/
ng Pag-aaral Pamamaraan

Kabanata V – Lagom, Kabanata IV –


Konklusyon at Paglalahad at
Rekomendasyon Pagpapakahulugan

You might also like