You are on page 1of 3

Mga Ambag ng Renaissance sa Iba-ibang Larangan

Sa Larangan ng Sining at Panitikan:

Francesco Petrach(1304-1374) “Ama ng Humanismo”-- Pinakamahalagang sinulat niya ang “Songbook”, isang kolksyon ng mga
sonata ng pag-ibig sa pinakakamahal niyang si Laura

Goivanni Boccacio (1313-1375). Matalik na kaibigan ni Petrarch. Ang kaniyang pinakamahusay na panitikang piyesa ay ang
“Decameron”, isang tanyag na koleksyon na nagtataglay ng isandaang (100) nakatatawang salaysay.

William Shakespeare (1564-1616) Ang “Makata ng mga Makata.” Naging tanyag na manunulat sa Ginintuang Panahon ng England sa
pamumuno ni Reyna Elizabeth I. Ilan sa mga sinulat niya ang mga walang kamatayang dula gaya ng: Julius Caesar, Romeo at Juliet,
Hamlet, Anthony at Cleopatra at Scarlet.

Desiderious Erasmus(1466-1536) “Prinsipe ng mga Humanista”. May-akda ng “In Praise of the Folly” kung saan tinuligsa niya ang
hindi mabuting gawa ng mga pari at mga karaniwang tao.

Nicollo Machievelli (1469-1527). Isang diplomatikong manunulat na taga Florence, Italia. May-akda ng “The Prince.”Napapaloob sa
aklat na ito ang dalawang prinsipyo:
“Ang layunin ay nagbibigay matuwid sa pamamaraan.”
“Wasto ang nilikha ng lakas.”

Miguel de Cervantes (1547-1616). Sa larangan ng panitikan, isinulat niya ang nobelang “Don Quixote de la Mancha,” aklat na
kumukutya at ginagawang katawa-tawa sa kasaysayan ang kabayanihan ng mga kabalyero noong Medieval Period.

Sa Larangan ng Pinta
-+

Michelangelo Bounarotti (1475-1564). Ang pinakasikat na iskultor ng Renaissance, ang una niyang obra maestra ay ang estatwa ni
David. Sa paanyaya ni Papa Julius II ipininta niya sa Sistine Chapel ng Katedral ng Batikano ang kuwento sa Banal na Kasulatan
tungkol sa pinagmulan ng sandaigdaigan hanggang sa pagbaha. Pinakamaganda at pinakabantog niyang likha ang La Pieta, isang
estatwa ni Kristo pagkatapos ng Kaniyang Krusipiksyon.

Leonardo da Vinci (1452-1519). Ang hindi makakalimutang obra maestra niyang “Huling Hapunan” (The Last Supper), na nagpakita
ng huling hapunan ni Kristo kasama ang Kaniyang labindalawang disipulo. Isang henyong maraming nalalaman sa iba’t ibang
larangan. Hindi lang siya kilalang pintor, kundi isa ring arkitekto, iskultor, inhinyero, imbentor, siyentista, musikero at pilosoper.

Raphael Santi (1483-1520). “Ganap na Pintor”, “Perpektong Pintor”. Pinakamahusay na pintor ng Renaissance. Kilala sa
pagkakatugma at balanse o proporsiyon ng kanyang mga likha. Ilan sa kaniyang tanyag na gawa ang Obra Maestrang “Sistine
Madonna”, “Madonna and the Child” at “Alba Madonna.”

AGHAM SA PANAHON NG RENAISSANCE

Nicolas Copernicus (1473-1543). Inilahad ni Nicolas ang Teoryang Heliocentric; “Sa pag-ikot ng daigdig sa aksis nito, kasabay ng
ibang planeta, umiikot ito sa paligid ng araw.” Pinasungalingan ng teoryang ito ang tradisyonal na pag-iisip na ang mundo ang sentro
ng sansinukob, na matagal ding tinangkilik ng simbahan.

Galileo Galilei (1564-1642). Isang astronomo at matematiko, noong 1610. Malaki ang naitulong ng kaniyang na imbentong teleskopyo
para mapatotohanan ang Teoryang Copernican.

Sir Isaac Newton (1642-1727). Ang higante ng siyentipikong Renaissance. Sang-ayon sa kaniyang “Batas ng Universal Gravitation,”
ang bawat planeta ay may kaniya-kaniyang lakas ng grabitasyon at siyang dahilan kung bakit nasa wastong lugar ang kanilang pag-
inog. Ipinaliwanag niya na ang grabitasyong ito ang dahilan kung bakit bumabalik sa lupa ang isang bagay na inihagis pataas.
Tinatayang ang pag-usbong ng Renaissance ay hindi natatapos sa panahon na kung saan nakilala ang mga nabanggit na siyentipiko
bagkus ito ay nagpapatuloy magpakailanman hangga’t ang tao ay naghahanap at naghahangad ng kasagutan sa kaniyang mga
tanong.

Ang ika-14 hanggang ika-16 na siglo ang sinasabing panahon na kung saan kakikitaan ng mga pagbabago mula sa madilim na anino
ng kalagitnaang panahon patungo sa Modernong Panahon.
Ang mga pangyayaring naganap sa panahon ng Renaissance ay nagbigay daan sa pagyaman ng kabihasnan ng daigdig dulot ng
malawak at maunlad na mga pag-aaral, pagmamasid at pananaliksik. Ang transisyong ito ay nagbigay daan rin sa pag-usbong ng
Rebolusyong Intelektuwal at malawak na kaalaman sa daigdig bunsod ng malayang pag-iisip at pagpapahayag ng bawat indibidwal.
Ang pagbabagong dulot ng yugtong ito ay nakatulong sa pagsulong at pagbubuklod- buklod ng mga bansa sa katotohanang ang
pagpapahalaga sa kalayaan at kabutihan ay nauukol sa sangkatauhan.

ANG KABABAIHAN SA RENAISSANCE

Isotta Nogarola ng Verona may akda ng Dialogue on Adam and Eve (1451) at Oration on the Life of St. Jerome (1453) na kakikitaan
ng kaniyang kahusayan sa pag-unawa sa mga isyung teolohikal.

Laura Cereta mula sa Brescia na bago mamatay sa gulang na 30 ay isinulong ang isang makabuluhang pagtatanggol sa pag-aaral na
humanistiko para sa kababaihan.

Sa pagsulat ng tula:

1.Veronica Franco mula sa Venice

2. Vittoria Colonna mula sa Rome.

Sa larangan ng pagpipinta, nariyan sina Sofonisba Anguissola mula Cremona na may likha ng Self-Portrait (1554) at si Artemisia
Gentileschi, anak ni Orazio, na nagpinta ng Judith and Her Maidservant with the Head of Holoferness (1625) at Self-Portrait as the
Allegory of Painting (1630).

Ang Repormasyon
Ang katawagan sa mga kaganapan na yumanig sa kakristyanuhan mula ika-14 hanggang ika-17 na dantaon na humantong sa
pagkakahati ng simbahang Kristiyano. Dito nagsimula ang paghihiwalay ng mga Protestante sa simbahang Katoliko Romano,
gayunpaman hindi nagpabaya ang mga Katoliko Romano, sinimulan nila ang pagbabago sa sariling relihiyon nang hindi binabago ang
kanilang doktrina.

Martin Luther, Ama ng Protestanteng Paghihimagsik

Ang hindi pagsang-ayon ni Luther sa patakaran ng simbahan tungkol sa pagkamit ng indulhensiya, ang nagtulak sa kaniya para ipaskil
sa pintuan ng simbahan, noong ika-31 ng Oktubre, 1517 ang kaniyang “Siyamnapu’t limang Proposisyon” (Ninety-five theses).

Indulhensya- kapirasong papel na nagsasaad at nagpalabas na ang grasya ng Diyos na maaaring ipagbili at bilhin para sa
kapatawaran at kaligtasan ng tao

KONTRA-REPORMASYON
Bago nagsimula ang Repormasyong Protestante, nagsikap ang mga pinunong Katoliko na maituwid ang mga maling pamamaraan ng
Simbahan. Si Papa Gregory VII (1037-1085), lalong kilala sa una niyang pangalang Hilderbrand, ang nagpasimuno ng tatlong
pagbabago sa Simbahan.
1. Pagbabawal sa mga pari na mag-asawa upang malayo sa suliranin ng pamilya at nang mailaan ang sarili sa buong paglilingkod sa
Diyos.
2. Pag-aalis ng simony.
3. Pagbabawal sa mga tauhan na tumanggap ng pagtatalaga sa anumang tungkulin sa Simbahan sa kamay ng isang hari o pinuno

Upang harapin ang hamon ng Protestantismo, isang malakas na kilusan ang sinimulan ng mga tapat na Katoliko upang paunlarin ang
Simbahang Katoliko. Tinawag ang kilusang ito na Catholic Reformation o Counter- Reformation. Isinagawa ito ng Konseho ng Trent,
Inquisition at ng mga Samahan ng mga Heswita (Society of Jesus).

Aralin 2

PAGLAWAK NG KAPANGYRIHAN

UNANG YUGTO NG IMPERYALISMOMG KANLURANIN

3 bagay ang itinuturing na motibo para sa kolonyalismong dulot ng eksplorasyon:

1. Paghahanap ng kayamanan
2. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo
3. Paghahangad ng katanyagan at karangalan

Ika-15 hanggang ika-17 siglo – ang Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin

Imperyalismo – ay ang panghihimasok, pag-impluwensiya, o pagkontrol ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang
bansa. Maari itong tuwiran o di-tuwirang pananakop

Hindi sana maisasakatuparan ang paglalakbay ng mga Europeo sa malalawak na karagatan noong ika-15 siglo kung hindi dahil sa
ilang salik tulad ng
1 .pagiging mausisa na dulot ng Renaissance,
2. pagsuporta ng mga monarkiya sa mga manlalakbay, at
3. pagkatuklas at pagpapaunlad sa mga instrumentong pangnabigasyon at sasakyang pandagat.

Sa kabuuan, ang panahon ng eksplorasyon ay naging dahilan upang ang mga karagatan ay maging daan tungo sa pagpapalawak ng
mga imperyong Europeo.

Epekto at Kahalagahan ng Repormasyon

Malaki ang pagbabagong naganap sa Simbahang Katoliko noong ika-14 hanggang 17 dantaon, kung saan maraming mga gawi at turo
ng simbahan ang tinuligsa ng mga repormista partikular sa imoralidad at pagmamalabis ng simbahan. Naging tanyag ang pangalang
Martin Luther bilang “Ama ng Himagsikang Protestante” na siyang namuno sa paglaban sa mga depekto ng simbahan. Ang kanilang
layunin ay hindi upang sirain ang Simbahang Katoliko kundi upang maging bukas ang simbahan sa mga pagbabago o reporma. Hindi
nagustuhan ng Papa at ng mga kawani ng simbahan ang pagtatagumpay ni Luther kaya’t tinapatan nila ito ng Council of Trent,
Inquisition, at Society of Jesus na naglalayong pagbutihin ang pananampalatayang Katoliko.
Ang walang tigil na iringan sa pagitan ng Simbahang Katoliko at Protestante, at patuloy na pagpapalaganap ng paniniwala at adhikain
ay nagdulot ng sumusunod na epekto:
 nagkaroon ng dibisyong panrelihiyon sa Europe kung saan ang hilaga ay naging mga Protestante samantalang ang timog naman ay
nanatiling Katoliko;
 sa kadahilanang maraming mga turo ng Simbahang Katoliko na iba sa aral ni Kristo, at iba pang pagmamalabis ng mga pari,
marami ang humiwalay sa Simbahang Katoliko at nagtatag ng mga sekta ng Protestante tulad ng Calvinism, Lutheranism, Methodist,
Anglican, Presbyterian at iba.
 gumawa ng aksiyon ang Simbahang Katoliko hinggil sa mga suliraning pangrelibhiyon na kanilang hinarap upang muling
mapanumbalik ang dating tiwala ng mga tagasunod nito at pagbutihin ang pananampalatayang Katoliko. Ang ilan sa mga repormang
kanilang mga ginawa ay ang pagpapawalang bisa ng seremonya na tumutukoy sa pagbenta at pagbili ng mga opisyo ng simbahan; at
ang pagbabawal sa pagtatalaga ng mga hari o karaniwang pinuno sa simbahan;
 ang taliwas na ideya ng dalawang malaking relihiyon sa Europe (Katoliko at Protestante) ay nagbunga sa mahabang panahon ng
digmaang panrelihiyon.
 at ang panghuli ay ang pagpapanumbalik na espiritwal sa Kristiyanismo, ang pagpapalaganap ng Bibliya at ang doktrina ng
kaligtasan ng Bibliya. Ang kaligtasan ay makakamit hindi sa pagsapi sa simbahan kundi ang pagtanggap at pagtitiwala kay Kristo.

You might also like