You are on page 1of 165

Sabjek : Filipino Baitang : 7

Petsa: Sesyon : 1
Pamantayang Pangnilalaman: Ang mag-aaral ay nagpapamalas ng pag-unawa sa
kasaysayan, katangian ng korido at ng may-akda.
Pamantayan sa Pagganap: Naisusulat nang sistematiko ang mga nasaliksik na
impormasyon kaugnay ng kaligirang pangkasaysayan ng
Ibong Adarna.
Kompetensi: Naibibigay ang kahulugan at mga katangian ng “korido”.
F7PT-IVAa-b-18
Naibabahagi ang sariling ideya tungkol sa kahalagahan ng
pag-aaral ng Ibong Adarna.
F7PS-IVa-b-18
Naisusulat nang sistematiko ang mga nasaliksik na
impormasyon kaugnay ng kaligirang pangkasaysayan ng
Ibong Adarna.
F7PU-IVa-b-18
I.LAYUNIN Naibibigay ang kahulugan at katangian ng korido.
Kaalaman:

Saykomotor: Naisasalaysay ang kaligirang pangkasaysayan ng Ibong


Adarna
Apektiv: Napapahalagahan ang pag-aaral ng Ibong Adarna
Nakasusulat ng isang maikling pananaliksik ukol sa mga
bagong ideya tungkol sa Ibong Adarna

II PAKSANG-ARALIN

A. PAKSA Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna

B. SANGGUNIAN *Rodillo, Gregorio M. et al


1997. Ibong Adarna – Isang interpretasyon. Manila: Rex
Book Store.
C.KAGAMITANG Sipi ng Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna
PAMPAGTUTURO Sipi ng Tulang Romansa
III PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA 1. Naniniwala ka ba sa mga kababalaghan?


Pangmotibesyunal na tanong: 2. Anong mga kababalaghan ang nasaksihan,
napanood mo? Isalaysay sa klase.
Aktiviti / Gawain Paano nakaapekto ang paniniwala mo upang
mapatunayang totoo ang mga pangyayaring hindi
inaakalang nangyayari?

Gawain 1
Kapanayamin ang 3 kamag-aral at itanong ang mga
kababalaghan na kanilang naranasan at paano ito
nakaaapekto sa kanilang paniniwala.

Gawain 2
Iuulat ng unang tatlong mag-aaral na unang
natapos ang kanilang gawain.
B. PAGLALAHAD Sabihin na maaaring gawing indibidwal o pangkatan ang
Abstraksyon pagbabasa ng klase.
(Pamamaraan sa Pagtalakay) Ipabasa nang masining sa harap ng klase ang tungkol
sa Tulang Romansa)
C. PAGSASANAY Ipasagot sa mga mag-aaral ang sumusunod na mga
Mga Paglilinang na Gawain Gawain.

A. Magbigay ng mga susing salita na maaaring


mailarawan ang salitang nasa ibaba. Isulat ito sa
bawat patlang ng semantic web

TULA

ROMANS
A

Mula sa mga susing salita na naisulat sa mga patlang,


bumuo ng sariling kahulugan ng Tulang Romansa.

Ang Tulang Romansa ay________________________


_______________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
D. PAGLALAPAT Sabihin sa klase na paghahambingin ang pagkakaiba at
Aplikasyon pagkakatulad ng awit at korido batay sa nabasang teksto.
Gamitin ang Venn diagram para dito.
AWIT KORIDO

PagkakaibaPagkakatuladPagkakaiba

E. PAGLALAHAT Paano nabibilang ang tula sa Tulang Romansa?


Generalisasyon
IV PAGTATAYA Lumikha ng larawan ng isang bayaning maaaring hangaan
at pamarisan.
V TAKDANG-ARALIN Ipagpapatuloy ang gawain bilang gawaing-bahay
SESYON: Unang Araw

Aralin 1: Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna

TUKLASIN
Lahat tayo ay may ibat-ibang paniniwala isa dito ang
paniniwala sa mga ibat-ibang kababalaghan na
nangyayari sa ating kapaligiran na kung minsan ay nakaaapekto
sa ating pang-araw-araw na pamumuhay

MOTIBASYUNAL NA TANONG

1. Naniniwala ka ba sa mga kababalaghan?


2. Anong mga kababalaghan ang nasaksihan, narinig, at
napanood mo? Isalaysay ito sa klase.
3. Paano nakaapekto ang paniniwala mo upang mapatunayang
totoo ang mga pangyayaring hindi inaakalang nangyayari?

GAWAIN 1

 Kapanayamin ang 3 kamag-aral at itanong ang mga


kababalaghan na kanilang naranasan at paano ito nakaaapekto
sa kanilang paniniwala.

PAGSUSURI

Iuulat ng unang tatlong mag-aaral na unang natapos ang


kanilang gawain.

ALAM MO BA NA…

Tulang Romansa
Ang tulang romansa ay tulang pasalaysay tungkol sa pakikipagsapalaran at
kabayanihan na karaniwang ginagalawan ng mga prinsipe’t prinsesa at mga mahal na
tao.
Naging palasak ang mga tulang romansa sa Europa noong Edad Media at
maaaring nakarating ito sa Pilipinas mula sa Mexico noong pang 1610. Ngunit noong
dantaon 18 lamang ito naging palasak sa ating bansa kasabay ng pagkakilala sa
imprenta at pagkatuto ng mga katutubo ng alpabetong Romano.
Ang panitikan ay isa sa mga paraang ginamit ng mga mananakop na Kastila sa
pagpapalaganap ng relihiyong Kristiyano, at ang mga tulang romansa ay lumaganap
kasabay ng pagdagsa ng mga aklat-dasalan. Layunin ng tulang romansa na
mapalaganap ang diwang Kristiyano. Karaniwan, kung gayon, ang pagtawag sa Diyos
ng mga tauhan at ang gantimpala ng langit sa mga nananalig. Karaniwan ding
nagsisimula ang mga ito sa panalangin sa pag-aalay ng akda sa Birhen o ng isang
santo.

Nagkasanib sa tulang romansa ang dayuhan at ang katutubo. Dayuhan


ang (1) anyong pampanitikan na galling sa Europa at dinala rito ng mga prayle at
sundlong Kastila; (2) ang mga tauhan, na may prinsipe at prinesang may mga
pangalang dayuhan; (3) ang tagpuan, na karaniwang isang malayong kaharian sa
Europa; at (4) ang paksang relihiyoso na pinalalaganap sa pamamagitan ng
anyong pampanitikang ito.
Ngunit binibihisan na ang tulang romansa ng katutubong pagkamalikhain.
Katutubo ang (1) wikang ginamit sa mga tulang romansa; (2) ang tradisyon sa
pagtula na dati nang ginagamit sa panitikang salimbibig, tulad ng bugtong,
sawikain, at iba pa; (3) ang mga talinghagang likas sa wika; at (4) ang mga
pagpapahalagang pamana ng ating mga ninuno, tulad ng pagmamahal sa
magulang, pagtulong sa nangangailangan at iba p
Ang tulang romansa, kung gayon, ay dayuhang anyo na binihisan ayon sa
katutubong panlasa. Maging ang mga tauhan, bagama’t mga prinsipe at
prisesang may mga dayuhang pangalan, ay nagpapahayag ng mga kaisipan at
pagpapahalagang katutubo
Dalawang Anyo ng Tulang Romansa
Ang awit at korido ay dalawang anyo ng tulang romansa. Nagkakaiba ang
dalawang ito ayon sa sukat, himig, at pagkamakatotohanan,
Korido
(1) May walong pantig sa bawat taludtod.
(2) Sadyang para basahin, hindi awitin.
(3) Kapag inawit, sa himig na mabilis o allegro, ito ay dahil maikli ang mga taludtod,
wawaluhing pantig lamang.
(4) Ang mga tauhan ay may kapangyarihang supernatural o kakayahang magsagawa
ng mga kababalaghan na hindi magagawa ng karaniwang tao, tulad ng pagpatag
ng bundok, pag-iibang anyo, at iba pa.
(5) Dahil dito, ang mga pakikipagsapalaran ng mga tauhan ay malayong maganap sa
tunay na buhay
(6) Halimbawa nito ang Ibong Adarna.
Awit
1. May labindalawang pantig sa bawat taludtod.
2. Sadyang para awitin, inaawitsa tanging pagtitipon.
3. Ang himig ay mabagal o banayad, tinatawag na andante.
4. Nahaharap sa mga pakikipagsapalaran ang mga tauhan sa awit, ngunit higit na
makatotohanan o hango sa tunay na buhay ang mga pangyayari. Walang
kapangyarihang supernatural ang mga bida.
5. Maaaring maganap sa tunay na buhay ang mga pangyayari sa isang awit.
6. Halimbawa nito ang Florante at Laura.

May iisang layunin ang awit at Korido sa paglikha ng mga tauhang may
kahangahangang kakayahan

PAGSASANAY

A. Magbigay ng mga susing salita na maaaring mailarawan ang salitang nasa


ibaba. Isulat ito sa bawat patlang ng semantic web

TULA

ROMANSA

Mula sa mga susing salita na naisulat sa mga patlang, bumuo ng sariling


kahulugan ng Tulang Romansa.

Ang Tulang Romansa ay

PAGLALAPAT
Paghambingin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng awit at korido batay sa nabasang
teksto. Gamitin ang Venn diagram para dito.

AWIT KORIDO

Pagkakaiba Pagkakaiba
Pagkakatulad

TANDAAN

May iisang layunin ang awit at korido sa paglikha ng mga


tauhang may kahangahangang kakayahan

PAGTATAYA

 Lumikha ng larawan ng isang bayaning maaaring hangaan


at pamarisan.

TAKDANG-ARALIN
Ipagpapatuloy ang gawain bilang gawaing-bahay
Sabjek : Filipino Baitang : 7
Petsa: Sesyon : 2
Pamantayang Pangnilalaman: Ang mag-aaral ay nagpapamalas ng pag-unawa sa
kasaysayan, katangian ng korido at ng may-akda.
Pamantayan sa Pagganap: Naisusulat nang sistematiko ang mga nasaliksik na
impormasyon kaugnay ng kaligirang pangkasaysayan ng
Ibong Adarna.
Kompetensi: Natutukoy ang mahahalagang detalye at mensahe ng
napakinggang bahagi ng akda
F7PN-IVa-b-18
Nailalahad ang sariling pananaw tungkol sa mga motibo na
may-akda sa bisa ng binasang bahagi ng akda
F7PB-IV-a-b-20
Nagagamit ang mga larawan sa pagpapaliwanag ng pag-
unawa sa mahahalagang kaisipang nasasalamin sa
napanood na bahagi ng akda.
F7PD-IVa-b-17
I.LAYUNIN Naibibigay ang kahulugan at katangian ng korido.
Kaalaman:

Saykomotor: Naisasalaysay ang kaligirang pangkasaysayan ng Ibong


Adarna
Apektiv: Napapahalagahan ang pag-aaral ng Ibong Adarna
Nakasusulat ng isang maikling pananaliksik ukol sa mga
bagong ideya tungkol sa Ibong Adarna
Nakasusulat ng isang maikling pananaliksik ukol sa mga
bagong ideya tungkol sa Ibong Adarna.
II PAKSANG-ARALIN

A. PAKSA Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna

B. SANGGUNIAN *Rodillo, Gregorio M. et al


1997. Ibong Adarna – Isang interpretasyon. Manila: Rex
Book Store.

C.KAGAMITANG Sipi ng Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna


PAMPAGTUTURO
III PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA Ipasagot ang mga tanong sa mga mag-aaral


Pangmotibesyunal na tanong: 1. Naniniwala ka ba sa mga Kuwentong-bayan?
2. Anong mga kuwentong–bayan ang narinig,nabasa,
Aktiviti / Gawain napanood mo? Isalaysay ito sa klase.
Gawain 1
Ihanay sa talahanayan ang mga kuwentong-bayan na
narinig, nabasa, napanood at iulat sa klase. Isulat sa
kanang kolum ang mga mensahe nito.

Kuwentong-bayan Mensahe

Gawain 2
Iulat sa klase ang natapos na gawain. Pipili ng tatlong mag-
aaral ang guro

B. PAGLALAHAD Sabihin na maaaring gawing indibidwal o pangkatan ang


Abstraksyon pagbabasa ng klase.
(Pamamaraan sa Pagtalakay) Ipabasa nang masining sa harap ng klase ang tungkol
sa Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna)

C. PAGSASANAY Mula sa mga nabanggit na kuwentong-bayan na hawig ng


Mga Paglilinang na Gawain Ibong Adarna sa Ikalawang teksto, saliksikin ang buod o
ang kabuuang kuwento nito. Isalaysay sa klase ang
mahalagang bahagi ng kuwento at isadula ito sa
pamamagitan ng isang karilyo.

Pagkatapos ng pagsasadula, tukuyin ng klase ang


mahalagang detalye at mensahe ng akdang ibinahagi sa
klase.

D. PAGLALAPAT Ipahanay sa talahanayan ang mga kuwentong-bayan na


Aplikasyon isinalaysay at isinadula sa klase at isulat sa kanang kolum
ang mga dahilan o motibo ng may-akda sa pagkakasulat
nito.

Kuwenton Dahilan/Motibo ng may-akda batay


g-bayan sa sariling pananaw ng mga mag-
aaral
Sabihin na pagkatapos ng talakayang ito, masasalamin ng
E. PAGLALAHAT mga mag-aaral sa kabuuang pag-aaral ng Ibong Adarna
Generalisasyon ang halaga nito sa:
Sarili: ______________________________________
Magulang: __________________________________
Kapwa:_____________________________________

IV PAGTATAYA Iuugnay ng mga mag-aaral ang mga larawan sa bahagi ng


kuwentong-bayang napanood sa klase (dulaan na karilyo)

V TAKDANG-ARALIN Sabihan ang mga mag-aaral na magsaliksik sa silid-


aklatan o internet tungkol sa iba pang ideya tungkol sa
kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna. Ipasulat ang
buong talata at ipasulat sa ibabang bahagi ang pinagkunan
o ang sanggunian batay sa format ng pagsusulat ng
bibliograpiya.

Rubric sa Pagmamarka (Maaaring baguhin.)


1. Bagong Konepto na Nakalap -
40%
2. Pagkilala sa Sanggunian
10%
3. Kalinawan sa Paglalahad
30%
4. Orihinalidad (Walang Hawig Sa Kaklase)
5%
5. Kaugnayan sa Paksa
15%
Kabuuan
100%

SESYON: 2

Aralin 2: Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna

TUKLASIN

Mayaman ang ating bayan sa mga kuwentong bayan na masasalamin ang


kaugalian, paniniwala, pamumuhay at kulturang pinagmulan nito.Bagamat ang
mga pangyayari ay may halong kababalaghan ito naman ay kapupulutan ng
aral.

MOTIBASYUNAL NA TANONG
Ipasagot ang mga tanong sa mga mag-aaral

1.Naniniwala ka ba sa mga Kuwentong-bayan?


2. Anong mga kuwentong–bayan ang narinig,nabasa, napanood mo? Isalaysay
ito sa klase.

GAWAIN 1
Ihanay sa talahanayan ang mga kuwentong-bayan na narinig, nabasa, napanood.
Isulat sa kanang kolum ang mga mensahe nito.

Kuwentong-bayan Mensahe

PAGSUSURI

Isulat sa klase ang natapos na gawain. Pipili ng tatlong mag-aaral ang guro.

ALAM MO BA NA…
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna

Sinabi ni Santillan-Castrence (1940) na ang kasaysayan ng Ibong


Adarna ay maaaring hango sa mga kuwentong-bayan ng iba’t ibang bansa,
tulad ng Alemanya, Denmark, Romania, Austria, Finland, Indonesia, at iba pa.
Taglay ng Ibong Adarna ang motif ng cycle na matatagpuan sa mga
kuwentong bayan o folklore. Ito’y ang sumusunod: may sakit ang ina (isang
reyna) isang ama (Isang hari) at kailangan ng isang mahiwagang bagay
upang gumaling, told ng Ibong umaawit, tubig ng buhay, halaman, at iba pa.
Maglalakbay ang tatlong anak ngunit ang bunso ang magtatagumpay (dahil
matulungin) na makuha ang makalulunas na bagay sa tulong ng matandang
ermitanyo. Pagtutulungan siya ng nakatatandang mga kapatid upang
agawan ng karangalan, at magdaranas siya ng maraming hirap, ngunit
magtatagumpay rin sa huli.
Ilan sa mga kuwentong-bayan na hawig ng Ibong Adarna ay ang
sumusunod:

1. Mula sa kuwentong Scala Celi (1300)


2. Mula sa Hessen, Alemanya (1812)
3. Mula sa Paderborn, Alemanya
4. Mula sa Vaderbon, isinulat ni Gretchen Wild ang “ Ang Maputing
Kalapati” (1808)
5. Mula sa Denmark (1696)
6. Mula sa “Isang Libo’t Isang Gabi”
7. Mula sa Malayo-Polinesya ni Renward Brandsetter
8. Mula sa Malische-Maechen na tinipon ni Paul Ambruch
Ang mga kuwentong-bayan na ito ay may pagkakahawig ngunit may
pagkakaiba dahil sa kulturang pinagmulan ng bansa.

PAGSASANAY

 Mula sa mga nabanggit na kuwentong-bayan na hawig ng Ibong Adarna sa


Ikalawang teksto, saliksikin ang buod o ang kabuuang kuwento nito.
Isalaysay sa klase ang mahalagang bahagi ng kuwento at isadula ito sa
pamamagitan ng isang karilyo.

Gawain

 Pagkatapos ng pagsasadula, tukuyin ng klase ang mahalagang detalye at


mensahe ng akdang ibinahagi sa klase.

PAGLALAPAT

 Ipahanay sa talahanayan ang mga kuwentong-bayan na isinalaysay at


isinadula sa klase at isulat sa kanang kolum ang mga dahilan o motibo ng
may-akda sa pagkakasulat nito.

Kuwento ng- Dahilan/Motibo ng may-akda batay sa sariling pananaw ng


bayan mga mag-aaral

TANDAAN
Masasalamin ng mga mag-aaral sa kabuuang pag-aaral ng Ibong
Adarna ang halaga nito sa:

Sarili:
____________________________________________________________________

Magulang: ________________________________________________________________

Kapwa: ___________________________________________________________________

PAGTATAYA
 Iugnay ng mga mag-aaral ang mga larawan sa bahagi ng kuwentong-
bayang napanood sa klase (dulaan na karilyo)

TAKDANG-ARALIN
Magsaliksik sa silid-aklatan o internet tungkol sa iba pang ideya
tungkol sa kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna. Isulat ang buong
talata at isulat sa ibabang bahagi ang pinagkunan o ang sanggunian batay
sa format ng pagsusulat ng bibliograpiya.

Rubric sa Pagmamarka (Maaaring baguhin.)

1. Bagong Konepto na Nakalap 40%


2. Pagkilala sa Sanggunian 10%
3. Kalinawan sa Paglalahad 30%
4. Orihinalidad (Walang Hawig Sa Kaklase) 5%
5. Kaugnayan sa Paksa 15%

Kabuuan 100%

Sabjek : Filipino Baitang : 7


Petsa: Sesyon : 3
Pamantayang Pangnilalaman: Ang mag-aaral ay nagpapamalas ng pagsusuri ng mga
pangyayari sa akda na nagpapakita ng mga suliraning
panlipunan na dapat bigyan ng solusyon.
Pamantayan sa Pagganap: Naisusulat ang tekstong nagmumungkahi ng solusyon
sa isang suliraning panlipunan na may kaugnayan sa
kabataan.
Kompetensi: Nagmumungkahi ng mga angkop na solusyon sa mga
suliraning narinig mula sa akda.
F7PN-IVc-d-19
Nasusuri ang mga pangyayari sa akda na nagpapakita
ng mga suliraning panlipunan na dapat mabigyang
solusyon.
F7PB-IVc-d-21
Nabibigyang- linaw at kahulugan ang mga di-pamilyar
na salita mula sa akda.
F7PT-IVc-d-19
I LAYUNIN Nakapagmumungkahi ng mga angkop na solusyon sa
Kaalaman : mga suliraning narinig mula sa akda.
Saykomotor: Nailalahad ang sariling saloobin at damdamin sa
napakinggang bahagi ng awitin na may pagkakatulad
sa akdang tinalakay.

Apektiv: Nakasusulat ng isang panalangin na


makapagmumungkahi ng solusyon sa isang suliraning
panlipunan na may kaugnayan sa kabataan.

II PAKSANG-ARALIN
A. PAKSA
Ibong Adarna (Panawagan ng May-akda (Saknong 1-6)
B. SANGGUNIAN *Rodillo, Gregorio M. et al
1997. Ibong Adarna – Isang interpretasyon. Manila:
Rex Book Store.
Ibong Adarna- Interpretasyon nina Gladys E. Gimena at
Leslie S. Navarro
*Ibong Adarna- Pinagaan nina Avelina D. Muego at
Zenaida S. Badua

C. KAGAMITANG Sipi ng akda


PAMPAGKATUTO Manila paper na nakasulat ang talasalitaan

III PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA Ipasagot ang tanong na:


Pangmotibasyunal na tanong: 1. Pamilyar ka ba sa problemang kinahaharap ng
kabataang Pilipino?
Aktiviti / Gawain 2. Kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataon na
manawagan sa mga kabataang sangkot dito,
ano ang iyong magiging panawagan?

Gawain 1
Magtala ng mga pangyayari sa kasaysayan ng
bansa na naging instrumento ang debosyon ng mga
Pilipino sa Mahal na Birhen.

Gawain 2
Sumulat ng isang kahilingan sa Mahal na Birhen
para sa kapakanan ng ating bansa.
B. PAGLALAHAD Sabihin sa klase na bumuo ng limang pangkat para
Abstraksyon basahin ang bahagi ng Ibong Adarna na ang
(Pamamaraan sa Pagtalakay) Panawagan Ng May-akda.
(Basahin nang masining ng guro sa harap ng klase ang
saknong 1-6. Isa-tono sa isang awiting pansimbahan.)

C. PAGSASANAY Sabihin sa mga mag-aaral na ibigay ang kahulugan ng


Mga Paglilinang na Gawain sumusunod na mga salitang sinalungguhitan na
ginamit sa bawat taludtod. Gagamit ng diksyonaryo
para dito ang mga mag-aaral.

a. Liwanagin yaring isip nang sa layo’y di mahilis


b. Malimit na makagawa ng hakbang na pasaliwa
c. Ang tumpak kong ninanasa kung mayari ay
pahidwa
d. Labis yaring pangangamba na lumayag na
mag-isa

e. Nang mawasto sa pagbanghay nitong


kakathaing buhay
Sabihin sa mga mag-aaral na gamitin sa sariling
pangungusap ang salitang may salungguhit.

D. PAGLALAPAT Ipasagot ang mga tanong:


Aplikasyon 1. Anu-ano ang hinihiling ng makata sa Mahal na
Birheng Maria?
2. Paano inilarawan ng makata ang kanyang sarili
batay sa saknong 4?
3. Patunayan ang binasang akda ay isang korido.
4. Ano ang nais ipahiwatig ng saknong 6?
E. PAGLALAHAT 1. Anong kaugalian o tradisyong Pilipino ang
Generalisasyon inilalarawan sa mga binasang saknong?
2. Gaano kahalaga sa mga Pilipino ang debosyon
sa Mahal na Birhen Maria? Saan madalas
inihahambing ng mga Pilipino ang Mahal na
Birheng Maria?
IV PAGTATAYA Ipasasagot sa mga mag-aaral ang mga tanong
a .Sino ang nagdarasal sa unang bahagi ng akda?
b .Ano ang nilalaman ng kanyang panalangin?
c .Bakit sa Mahal na Birhen siya nagdarasal?
V TAKDANG-ARALIN Makinig at magbasa ng mga balita.
SESYON: 3

Aralin: Ibong Adarna (Panawagan ng May-akda (Saknong 1-6)

TUKLASIN
Ang tula ay sinimulan sa panalangin ng pamamtnubay. Hiniling ng may akda
na maging maliwanag ang kanyang isip sa pagsulat, patnubayan ang kanyang
isip sa pagsulat, patnubayan siya sa direksyon at pagpaumanhinan sa kamalian.

MOTIBISYUNAL NA TANONG
 Pamilyar ka ba sa problemang kinahaharap ng kabataang Pilipino?
 Kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataon na manawagan sa mga
kabataang sangkot dito, ano ang iyong magiging panawagan?

GAWAIN 1
Magtala ng mga pangyayari sa kasaysayan sa bansa na naging intrumento ang
debosyon ng mga Pilipino sa Mahal na Birhen.

PAGSUSURI

 Sumulat ng isang kahilingan sa Mahal na Birhen para sa kapakanan sa


ating bansa.

ALAM MO BA NA…
Hiniling ng makata sa mahal na Inang Birheng Maria na liwanagin ang kanya
isip nang siya ay hindi maligaw sa kanyang gagawing paglalakbay. Na siya ay
isang tao lamang na madaling matukso at makagawa ng mga bagay na labag
sa batas ng tao at ng Diyos. Na siya ay takot maglakbay na mag-isa at di niya
makayanan ang mga pagsubok na kanyang madadaanan kaya hinihiling niya
sa Mahal na Birheng Maria na siya patnubayan sa kanyang gagawing
paglalakbay.

PAGSASANAY
ibigay ang kahulugan ng sumusunod na mga salitang sinalungguhitan na ginamit sa bawat
taludtod. Gagamit ng diksyonaryo para dito ang mga mag-aaral.

a. Liwanagin yaring isip nang sa layo’y di mahilis


b. Malimit na makagawa ng hakbang na pasaliwa
c. Ang tumpakkong ninanasa kung mayari ay pahidwa
d. Labis yaring pangangamba na lumayag na mag-isa
e. Nang mawasto sa pagbanghay nitong kakathaing buhay

Gamitin sa sariling pangungusap.


PAGLALAPAT

Sagutin ang mga tanong:


1. Anu-ano ang hinihiling ng makata sa Mahal na Birheng Maria?
2. Paano inilarawan ng makata ang kanyang sarili batay sa saknong 4?
3. Patunayan ang binasang akda ay isang korido.
4. Ano ang nais ipahiwatig ng saknong 6?

TANDAAN

Kaugalian na ng mga Pilipino ang pagtawag sa Mahal na Birheng Maria sa


oras ng pangangailangan dahil inihahambing nila ang Inang Birhen Maria
sa isang ina na may malambot na puso at mapagpalang kamay. Na ang
ina ay pinakikinggan ng anak kung ano man ang hilingin nito at di kayang
tanggihan. Kaya naman naniniwala ang mga Pilipino matutupad ang
kanilang kahilingan kung ang magiging instrumeno nila ay ang inang
birheng Maria.

PAGTATAYA

Ipasasagot sa mga mag-aaral ang mga tanong


a .Sino ang nagdarasal sa unang bahagi ng akda?
b .Ano ang nilalaman ng kanyang panalangin?
c .Bakit sa Mahal na Birhen siya nagdarasal?

TAKDANG-ARALIN

 Makinig at magbasa ng mga balita.


Sabjek : Filipino Baitang : 7
Petsa: Sesyon : 4
Pamantayang Pangnilalaman: Ang mag-aaral ay nagpapamalas ng pag-unawa sa Ibong
Adarna bilang isang obra maestra sa Panitikang Filipino
Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ng nga mag-aaral ang malikhaing
pagtatanghal ng ilang saknong ng koridong naglalarawan
ng mga pagpapahalagang Pilipino.
Kompetensi: Nailalahad ang sariling saloobin at damdamin sa napanood
na bahagi ng telenobela o serye na may pakakatulad sa
akdang tinalakay
F7PD-IVc-D-18
Nailalahad ang sariling interpretasyon sa isang pangyayari
sa akda na maiuugnay sa kasalukuyan
F7PS-IVc-d-19
Naisusulat ang tekstong nagmumungkahi ng solusyon sa
isang suliraning panlipunan na may kaugnayan sa
kabataan
F7PU-IVc-d-19
I LAYUNIN Nakapagmumungkahi ng mga angkop na solusyon sa mga
Kaalaman : suliraning narinig mula sa akda.
Saykomotor: Nailalahad ang sariling saloobin at damdamin sa
napakinggang bahagi ng awitin na may pagkakatulad sa
akdang tinalakay.

Apektiv: Nakasusulat ng isang panalangin na makapagmumungkahi


ng solusyon sa isang suliraning panlipunan na may
kaugnayan sa kabataan.

II PAKSANG-ARALIN

A. PAKSA
Saknong 1-6
B. SANGGUNIAN *Rodillo, Gregorio M. et al
1997. Ibong Adarna – Isang interpretasyon. Manila: Rex
Book Store.
*Ibong Adarna- Interpretasyon nina Gladys E. Gimena at
Leslie S. Navarro
*Ibong Adarna- Pinagaan nina Avelina D. Muego at Zenaida
S. Badua
*Ibong Adarna- Isang koridong Pilipino binagong Edisyon
nina Myrna A. Torreliza. Nelcy C. Nieves.
C. KAGAMITANG Sipi ng akda
PAMPAGKATUTO Manila paper na nakasulat ang talasalitaan
III PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA Itanong sa mga mag-aaral


Pangmotibasyunal na tanong: 1. Ano-anong mga balita ang inyong nabasa o narinig
na may kaugnayan sa suliraning panlipunan na may
Aktiviti / Gawain kauganayan sa saknong na binasa.

Magpatala ng balita na nagpapakita ng suliraning


panlipunan na ipinahayag sa saknong.

Ako’y isang hamak lamang


taong lupa ang katawan,
mahina ang kaisipan
at maulap ang pananaw
(Ulo ng Balita): ________________________________
(Buong Balita) (Itala/Idikit)

Malimit na makagawa
ng hakbang na pasaliwa
ang tumpak kong ninanasa
kung mayari ay pahidwa

Ulo ng Balita): ________________________________


(Buong Balita) (Itala/Idikit)

Sa kasalukuyan paano nagiging instrumento ang Mahal


na Birhen sa mga suliraningpanlipunan at pampulitika.
B. PAGLALAHAD Unawain at sagutin
Abstraksyon 1. Sino ang tinatawagan ng may-akda sa kanyang
(Pamamaraan sa Pagtalakay) panalangin?
2. Tukuyin ang mga kahilingan niya.
3. Anong kaisipan ang nabuo sa inyong diwa
pagkatapos mabasa ang panalangin?
4. Sa inyong palagay, ang panalangin bang ito ay
nakatulong sa may-akda sa pagsulat ng Ibong
Adarna? Bakit?
C. PAGSASANAY Iparinig ang awiting “Patawad” sa klase at ipahambing ang
Mga Paglilinang na Gawain awiting ito sa unang anim na saknong ng Ibong Adarna.
Isa-isahin ang bahagi ng awitin at akda na magkahawig at
ilahad ang saloobin o damdamin habang ito ay
binabasa/inaawit.
D. PAGLALAPAT Sabihin sa mga mag-aaral na pagnilayan din ang gampanin
Aplikasyon ng isang ina/babae upang mapanuto ang isang kabataan.
Ipasulat ang repleksiyon sa isang stick on at ibigay ito sa
kanilang ina.
E. PAGLALAHAT Magsagawa ng pangkatangkatang gawain sa klase (limang
Generalisasyon pangkat) at magbabahaginan ng sariling karanasan tungkol
sa pagpapanuto ng sarili upang masolusyunan ang mga
suliraning pangkabataan. Iuugnay ang huling saknong sa
akda upang mabigyan ito ng pansariling interpretasyon
Kaya, Inang matangkakal
ako’y Iyong patnubayan,
nang mawasto sa pagbanghay
nitong kakathaing buhay.

IV PAGTATAYA Sabihin sa mga mag-aaral na pagnilayan din ang


gampanin ng isang ina/babae upang mapanuto ang isang
kabataan. Ipasulat ang repleksyon sa isang stick on at
ibigay ito sa kanilang ina.
V TAKDANG-ARALIN Magpasulat ng isang bukas na liham na kakikitaan ng mga
solusyon sa mga suliraning kinahaharap ng mga kabataan.
Papiliin lamang ng isang suliraning pangkabataan

Rubric sa Pagmamarka ( Maaaring baguhin)


1. Nilalaman ng liham
40%
2. Organisasyon
10%
3. Kalinawan sa Paglalahad
30%
4. Orihinalidad (Walang kahawig sa kaklase 5%
5. Esensya ng Solusyon sa Lipunan
15%
Kabuuan
100%
SESYON:

Aralin: 4 Saknong 1-6

TUKLASIN
Ibat ibang balita ang ating naririnig sa araw-araw na may kaugnayan sa
suliraning panlipunan na kinakaharap natin ngayon. Maganda man o pangit
bahagi na ito ng buhay ng tao.

MOTIBISYUNAL NA TANONG
1. Ano-anong mga balita ang inyong nabasa o narinig na may kaugnayan sa
suliraning panlipunan na may kauganayan sa saknong na binasa.

GAWAIN 1
 Magpatala ng balita na nagpapakita ng suliraning panlipunan na ipinahayag
sa saknong.

Ako’y isang hamak lamang


Taong lupa ang katawan,
Mahina ang kaisipan
At maulap ang pananaw

(Ulo ng Balita): ________________________________


(Buong Balita) (Itala/Idikit)

Malimit na makagawa
Ng hakbang na pasaliwa
Ang tumpak kong ninanasa
Kung mayari ay pahidwa

Ulo ng Balita): ________________________________


(Buong Balita) (Itala/Idikit)

PAGSUSURI

Sa kasalukuyan paano nagiging instrumento ang Mahal na Birhen sa mga


suliraning panlipunan at pampulitika sa bansa?

ALAM MO BA NA…

Nagsimula ang isang korido sa isang panalangin na tanda ng pagpupuri sa


Mahal na Birhen. Ayon sa makata ang Mahal na Birhen ang banal na inang
gumagabay para mapanatiling tuwid at hindi na liligaw ng landas ang
pamumuhay ng mga tao sa mundo. Kasamang inihiningi rin ng patnubay sa
Mahal na Birhen ang pagbabasa ng korido. Kaugnay ng Mahal na Birhen
narito ang kahalagahan ng korido.
A. Nakakatulong ang korido sa pagpapalaganap ng mga aral ng
katolisismo noon pang panahon ng kastila.
B. Naging tradisyon ng mga mkata ang pag-aalay ng kanilang korido sa
Mahal na Birhen Maria.

PAGSASANAY
Iparinig ang awiting “Patawad” sa klase at ipahambing ang awiting ito sa unang
anim na saknong ng Ibong Adarna. Isa-isahin ang bahagi ng awitin at akda na magkahawig
at ilahad ang saloobin o damdamin habang ito ay binabasa/inaawit.

PAGLALAPAT
Sabihin sa mga mag-aaral na pagnilayan din ang gampanin ng isang ina/babae
upang mapanuto ang isang kabataan. Ipasulat ang repleksiyon sa isang stick on at
ibigay ito sa kanilang ina.

TANDAAN

Magbahagi ng sariling karanasan tungkol sa pagpapAnuto ng sarili upang


masolusyunan ang mga suliraning pangkabataan. Iuugnay ang huling
saknong sa akda upang mabigyan ito ng pansariling interpretasiyon.

Kaya, Inang matangkakal


ako’y iyong patnubayan,
nang mawasto sa pagbanghay
nitong kakathaing buhay.

PAGTATAYA
 Sabihin sa mga mag-aaral na pagnilayan din ang gampanin ng isang
ina/babae upang mapanuto ang isang kabataan. Ipasulat ang repleksyon sa isang
stick on at ibigay ito sa kanilang ina.

TAKDANG-ARALIN
Magpasulat ng isang bukas na liham na kakikitaan ng mga solusyon sa mga
suliraning kinahaharap ng mga kabataan. Papiliin lamang ng isang suliraning
pangkabataan

Rubric sa Pagmamarka ( Maaaring baguhin)


1. Nilalaman ng liham 40%
2. Organisasyon 10%
3. Kalinawan sa Paglalahad 30%
4. Orihinalidad (Walang kahaiwg sa kaklase 5%
5. Esensya ng Solusyon sa Lipunan 15%
Kabuuan 100%
Sabjek : Filipino Baitang : 7
Petsa: Sesyon : 5
Pamantayang Pangnilalaman: Ang mag-aaral ay nagpapamalas ng pag-unawa sa Ibong
Adarna bilang isang obra maestra sa Panitikang Filipino
Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ng nga mag-aaral ang malikhaing
pagtatanghal ng ilang saknong ng koridong naglalarawan
ng mga pagpapahalagang Pilipino.
Kompetensi: Nabibigyang-linaw at kahulugan ang mga di-pamilyar na
salita mula sa akda
F7PT-IVc-d-19
Nailalahad ang sariling saloobin at damdamin sa nabasang
bahagi ng akdaa
F7PD-IVc-d-18
Nailalahad ang sariling interpretasyon sa isang pangyayari
sa akda na maiuugnay sa kasalukuyan
F7PS-IVc-d-19
I LAYUNIN Natutukoy ang mga mahahalagang pangyayari sa
Kaalaman : nilalaman ng saknong 7-128
Saykomotor: Nakikilala ang mga tauhan sa akda batay sa katangiang
ipinamalas.
Nasusuri ang mga pangyayari sa akda na nagpapakita ng
mga suliraning panlipunan na dapat bigyang solusyon
Apektiv: Nakapagmumungkahi ng mga angkop na solusyon sa mga
suliranin mula sa akda
Nakasusulat ng tekstong nagmumungkahi ng solusyon sa
isang suliraning panlipunan na may kaugnayan sa
kabataan.
II PAKSANG-ARALIN

A. PAKSA
Saknong 7-128
B. SANGGUNIAN *Rodillo, Gregorio M. et al
1997. Ibong Adarna – Isang interpretasyon. Manila: Rex
Book Store.
*Ibong Adarna- Interpretasyon nina Gladys E. Gimena at
Leslie S. Navarro
*Ibong Adarna- Pinagaan nina Avelina D. Muego at Zenaida
S. Badua

C. KAGAMITANG Sipi ng akda


PAMPAGKATUTO Manila paper na nakasulat ang talasalitaan
III PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA Magkakaroon ng maikling pagbabahagi ng mga mag-aaral
Pangmotibasyunal na tanong: kaugnay ng kahulugan ng panaginip sa pamamagitan ng
Think-Pair-Share.
Aktiviti / Gawain 1. Ano sa mga panaginip mo ang hindi mo nalilimutan?
2. Nagkatotoo ba ang panaginip mong ito?
3. Naniniwala ka ba na ang mga panaginip ay may
kahulugan? Bakit?
4. May katwiran ba ang paniniwala sa kahulugan ng
panaginip? Ipaliwanag ang panig.
B. PAGLALAHAD Basahin ang mga sumusunod na saknong.
Abstraksyon Pangkat 1: Saknong 7-29
(Pamamaraan sa Pagtalakay) Pangkat 2: Saknong 30-45
Pangkat 3: Saknong 46-80
Pangkat 4: Saknong 81-109
Pangkat 5: Saknong 110-128

C. PAGSASANAY Talasalitaan
Mga Paglilinang na Gawain Ipabigay sa mga mag-aaral ang kahulugan ng mga salita sa
tulong ng advance organizer.

1.Matangkal
m a w n

2.maulap
m g o

3.lumayag
a a k
4.nililo
i l k
5.dumangal
d m t g

Gamitin sa sariling pangungusap ang mga salitang


binigyang kahulugan.
D. PAGLALAPAT Hatiin ang klase sa limang pangkat. Bawat pangkat ay
Aplikasyon bibigyan ng paksa na ibabahagi sa klase

Pangkat 1: Pagguhit at paglalarawan ng tagpuan


Pumili ng saknong mula sa akda na naglalarawan sa
tagpuan. Iguhit ang tagpuan batay sa ibinigay na
paglalarawan sa akda.

Berbanya Bundok Tabor/Piedras


Platas

Pangkat 2: Pagpapakilala
Pumili ng saknong mula sa akda na naglalarawan sa
tauhan.
Ilarawan si Haring Fernando
Haring Fernando
bilang hari o pinuno. Ihambing
siya sa mga pinuno ng bayan
sa kasalukuyan.

Ilarawan si Reyna Valeriana


Reyna Valeriana bilang reyna at asawa.
Ihambing siya sa asawa ng
mga pinuno ng bayan sa
kasalukuyan.

Ilarawan si Reyna Valeriana


Don Pedro,Don bilang reyna at asawa.
Diego, at Don Ihambing siya sa asawa ng
Juan mga pinuno ng bayan sa
kasalukuyan.

Pangkat 3: Paghahambing ng Pamilya sa Berbanya at sa


Pamilyang Pilipino ( Gamit ang Venn Diagram)
Pamilya sa pppp Pamilyang
Pilipino
Berbanya

Pangkat 4: Pagbuo ng Story Board kaugnay ng mga


pangyayari sa Akda

Pagpapa- Pagkaka- Paglalak- Paglalak- Paglalak-


laki sa sakit ng bay ni bay ni bay ni
mga Hari Don Don Don Juan
anak Pedro Diego

Pangkat 5: Pagpapaliwanag ng Kaisipang Nakapaloob sa


mga Piling Saknong mula sa akda

Saknong Saknong Saknong Saknong Saknong


18 20 30 82 127
E. PAGLALAHAT Nabigo sa paghahanap ng Ibong Adarna sina Don Pedro at
Generalisasyon Don Diego. Gayon na lamang ang lungkot ng hari.
Lumubha ang kanyang sakit.
Ano ang gagawin ng hari? Ni Don Juan

IV PAGTATAYA Tanong
Isulat ang letra ng tamang sagot
1. Sino ang hari ng Berbanya?
a. Haring Fernando
b. Haring Linceo
c. Haring Briseo
d. Haring Salermo
2. Ilan ang kanyang anak na lalaki?
a. 1 b. 2 c. 3 d. 4
3. Ano ang sanhi ng pagkakasakit ng hari?
a. matinding karamdaman
b. masamang panaginip
c. pilyong mga anak
d. isang sumpa
4. Alin sa mga sumusunod ang lunas sa sakit ng
hari?
a. awit ng sirena
b. awit ng isang ibon
c. tinig ng kanyang asawa
d. paggamot ng mediko

5. Sino ang unang naglakbay upang hanapin ang


lunas sa sakit ng hari?

a. Don Pedro c. Don Juan


b. Don Diego d. Ermitanyo

V TAKDANG-ARALIN Basahin muli ang saknong


SESYON: 5

Aralin: Saknong 7-128

TUKLASIN
 Napakasaya ni Haring Fernando sa kanyang kahariang Berbanya; may
asawang mapagkalinga, tatlong anak na mababait at masunurin at mga
mamamayang nagkakaisa.
 Subalit bakit biglang nalungkot ang lahat?

MOTIBASYUNAL NA TANONG

GAWAIN 1
1. Magkakaroon ng maikling pagbabahagi ng mga mag-aaral kaugnay ng
kahulugan ng panaginip sa pamamagitan ng Think-Pair-Share.
2. Ano sa mga panaginip mo ang hindi mo nalilimutan?
3. Nagkatotoo ba ang panaginip mong ito?
4. Naniniwala ka ba na ang mga panaginip ay may kahulugan? Bakit?
May katwiran ba ang paniniwala sa kahulugan ng panaginip? Ipaliwanag ang
panig.

ALAM MO BA NA…

Ang Berbanya ay isang mayaman kaharian kung saan sagana, tahimik


at payapa ang pamumuhay. Madalas na may piging at pagdiriwang na
nagaganap sa kaharian sapaggkat masayahin ang hari’t reyna. May tatlo silang
anak na lalaki na pawang may kakayahang magmana ng trono . Sila ay sina Don
Pedro, Don Diego at ang bunsong si San Juan. Nakatakda na silang papiliin kung
ang pagpapari o paglilingkod sa kaharian ng Berbanya ang tatahaking landas.
Walang nakahihigit kaninuman sa tatlong prinsipe kung likas na galing sa talino ang
sukatan kaya ang lahat sila ay itinanghal na tagapaglingkod ng palasyo. Nagsanay
sila sa paghawak ng patalim at sandata ngunit sa pagsapit ng takdang panahon ay
isa lamang ang maaaring magkamit ng trono. Hindi maitatwa ng hari na ang
paborito niyang anak ay ang bunsong si Don Juan kaya namayani ang inggit sa
puso na si Don Pedro.

Dinapuan ng malubhang karamdaman si Don Fernando dulot ng isang masamang


panaginip. Nakita ng hari sa panaginip na pinaslang si Don Juan ng dalawang
buhong at inihulog sa malalim na balon. Mula noon ay hindi na nakatulog ang hari
at hindi na halos makakain hanggang sa maging buto’t balat. Labis ang naging pag-
aalala ng reyna at tatlong prinsipe dahil sa walang sinumang makapagbigay ng
lunas sa hari. Dumating ang isang medikong paham na nagsasabing ang sakit ng
hari ay bunga ng panagimpan at ang tanging lunas ay ang awit ng isang ibong
matatagpuan sa bundok ng Tabor at nakadapo sa kumikinang na puno ng Piedras
Platas. Sa gabi lamang daw matatgpuan ang ibon sapagkat sa araw ay nasa mga
burol ito upang manginain kasama ang iba pang mga ibon.

Tatlong buwan ang ginawang paglalakbay ni Don Pedro bago natagpuan ang landas
paakyat ng Tabor. Hindi nakayanan ng kanyang kabayo ang hirap kaya nasawi.
Hindi naglaon ay natagpuan din ni Don Pedro ang Piedras Platas. Namangha ang
prinsipe sapagkat kumikinang itong tila diyamante. Labis ang kanyang pagtataka
dahil isa man sa laksa-laksang ibon na nagdadatingan ay walang nagtangkang
dumapo sa puno. Matagal na naghintay si Don Pedro hanggang sa nakatulog. Hindi
na niya namalayan ang pagdating ng Ibon Adarna . Humapon ang mahiwagang
ibon sa sanga ng Piedras Platas at agad nagpalit ng balahibo. Pitong ulit itong
umawit at pitong ulit ring nagpalit ng kulay ng balahibo. Nakasanayan ng Ibong
Adarna na dumumi bago tuluyang matulog. Ang ipot ng ibon ay pumatak sa
natutulog na si Don Perdo, Iglap lamang at ang prinsipe ng Berbanya ay naging
isang bato.

Hindi nakabalik si Don Pedro sa kaharian ng Berbanya kaya inatasan ng haring


Fernanado ang ikalawang anak na si Don Diego na hanapin ang kapatid at hulihin
ang Ibong Adarna. Limang buwan ang naging paglalakbay ni Don Diego at dahil sa
hirap ay namatay ang kanyang kabayo. Nagpatuloy ang prinsipe bitbit ang kanyang
baon.

Hindi niya inaasahang narating na pala nia ang Piedras Platas. Namangha rin siya
sa kagandahan nito at labis na pinagtakhan kung bakit walang dumadapo isa mang
ibon sa kahoy na kumikinang. Nagpahinga si Don Diego sa isang batong naroon
hanggang sa dumating ang Ibon Adarna. Nasaksihan niya ang pitong beses na pag-
awit at pagpapalit ng kulay ng balahibo ng ibon ngunit sa lamyos ng tinig ng
mahiwagang ibon ay napaidlip si Don Diego. Napatakan siya ng ipot ng
mahiwagang ibon hanggang sa siya’y naging bato. Nagmistulang libingan ang
ilalim ng Piedras Platas sapagkat magkatabi ang dalawang prinsipeng kapwa
naging bato.

Tatlong taon na ang lumipas at lalong lumubha ang kalagayan ni Haring Fernando.
Nag-aatubili ang hari na utusan si Don Juan na hanapin ang dalawang prinsipe at
ang Ibong Adarna. Nag-aalala siyang baka mapahamak ang bunsong anak. Humingi
ng bendisyon si Don Juan upang payagan siyang makapaglakbay at hanapin ang
lunas ng ama gayundin ang dalawang kapatid. Sa takot ng hari na baka maisipan ni
Don Juan na magtanan ay pinahintulutan niya ito. Hindi nagdala ng kabayo si Don
Juan at sa halip ay naglakad. Naniniwala ang prinsipe na ang matapat na layunin
ang magbibigay sa kanya ng biyaya. Nagbaon siya ng limang tinapay at tuwing
makaisang buwan lamang kumakain. Hindi niya alintana ang anumang gutom,
pagod at hirap na dinaranas. Panay ang usal niya ng panalangin sa Mahal na Birhen
upang matagalan ang hirap. Apat na buwan siyang naglakbay at tumigas na ang
natitira niyang tinapay. Narating ni Don Juan ang kapatagang bahagi ng Bundok
Tabor. Doon ay natagpuan niya ang isang leprosong matandang lalaki.
PAGSASANAY
Talasalitaan
Ibigay ang kahulugan ng mga salita sa tulong ng advance organizer.

1.Matangkal
m a w n

2.maulap
m g o

3.lumayag
a a k
4.nililo
i l k
5.dumangal
d m t g

Gamitin sa sariling pangungusap ang mga salitang binigyang kahulugan.

PAGLALAPAT

Hatiin ang klase sa limang pangkat. Bawat pangkat ay bibigyan ng


paksa na ibabahagi sa klase

Pangkat 1: Pagguhit at paglalarawan ng tagpuan


Pumili ng saknong mula sa akda na naglalarawan sa tagpuan. Iguhit ang
tagpuan batay sa ibinigay na paglalarawan sa akda.

Berbanya Bundok Tabor/Piedras


Platas

Pangkat 2: Pagpapakilala
Pumili ng saknong mula sa akda na naglalarawan sa tauhan.
Ilarawan si Haring Fernando
bilang hari o pinuno. Ihambing
Haring Fernando
siya sa mga pinuno ng bayan
sa kasalukuyan.

Ilarawan si Reyna Valeriana


bilang reyna at asawa.
Ihambing siya sa asawa ng Reyna Valeriana
mga pinuno ng bayan sa
kasalukuyan.
Ilarawan ang tatlong prinsipe.
Ihambing sila sa mga anak ng Don Pedro,Don
pinuno ng bayan sa Diego, at Don
kasalukuyan. Juan

Pangkat 3: Paghahambing ng Pamilya sa Berbanya at sa Pamilyang Pilipino ( Gamit ang Venn


Diagram)

Pamilya sa Berbanya Pamilyang Pilipino

Pangkat 4: Pagbuo ng Story Board kaugnay ng mga pangyayari sa Akda

Pagpapa- Pagkaka- Paglalak- Paglalak- Paglalak-


laki sa sakit ng bay ni bay ni bay ni
mga Hari Don Don Don Juan
anak Pedro Diego

Pangkat 5: Pagpapaliwanag ng Kaisipang Nakapaloob sa mga Piling Saknong mula sa akda

Saknong Saknong Saknong Saknong Saknong


18 20 30 82 127

TANDAAN
 Nabigo sa paghahanap ng Ibong Adarna sina Don Pedro at Don
Diego. Gayon na lamang ang lungkot ng hari. Lumubha ang
kanyang sakit.
 Ano ang gagawin ng hari? Ni Don Juan?

PAGTATAYA
Tanong
Isulat ang letra ng tamang sagot
1. Sino ang hari ng Berbanya?
a. Haring Fernando
b. Haring Linceo
c. Haring Briseo
d. Haring Salermo

2. Ilan ang kanyang anak na lalaki?


a.1 b. 2 c. 3 d. 4

3. Ano ang sanhi ng pagkakasakit ng hari?


a. matinding karamdaman
b. masamang panaginip
c. pilyong mga anak
d. isang sumpa
4. Alin sa mga sumusunod ang lunas sa sakit ng hari?
a. awit ng sirena
b. awit ng isang ibon
c. tinig ng kanyang asawa
d. paggamot ng mediko

5. Sino ang unang naglakbay upang hanapin ang lunas sa sakit ng hari?

a. Don Pedro c. Don Juan


b. Don Diego d. Ermitanyo

TAKDANG-ARALIN

Basahin muli ang saknong.


Sabjek : Filipino Baitang : 7
Petsa: Sesyon : 6
Pamantayang Pangnilalaman: Ang mag-aaral ay nagpapamalas ng pag-unawa sa Ibong
Adarna bilang isang obra maestra sa Panitikang Pilipino
Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ng nga mag-aaral ang malikhaing pagtatanghal
ng ilang saknong ng koridong naglalarawan ng mga
pagpapahalagang Pilipino.
Kompetensi: Nagmumungkahi ng mga angkop na solusyon sa mga
suliraning narinig mula sa akda
F7PN-IVc-d-19
Nasusuri ang mga pangyayari sa akda na nagpapakita ng
mga suliraning panlipunan na dapat mabigyang solusyon
F7PB-IVc-d-21
Naisusulat ang tekstong nagmumungkahi ng solusyon sa
isang suliraning panlipunan na may kaugnayan sa kabataan
F7PU-IVc-d-19
I LAYUNIN Natutukoy ang mga mahahalagang pangyayari sa nilalaman
Kaalaman : ng saknong 7-128
Saykomotor: Nakikilala ang mga tauhan sa akda batay sa katangiang
ipinamalas.
Apektiv: Nakapagmumungkahi ng mga angkop na solusyon sa mga
suliranin mula sa akda
II PAKSANG-ARALIN

A. PAKSA
Saknong 7-128
B. SANGGUNIAN *Rodillo, Gregorio M. et al
1997. Ibong Adarna – Isang interpretasyon. Manila: Rex Book
Store.
*Ibong Adarna- Interpretasyon nina Gladys E. Gimena at
Leslie S. Navarro
*Ibong Adarna- Pinagaan nina Avelina D. Muego at Zenaida S.
Badua

C. KAGAMITANG Sipi ng akda


PAMPAGKATUTO
III PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA Piliin ang pinakamalapit na kahulugan ng mga salitang may


Pangmotibasyunal na tanong: salungguhit.
1. Ang masunuring anak ay laging pinagpapala ng
Aktiviti / Gawain Diyos.
a. pinupuri c. kinakalinga
b. minamahal d. binibiyaan
2. Nagpapasya lamang siya kapag napaglining niya ang
mga bagay na makabubuti sa kanya at sa kanyang
pamilya.
a. nakita c. nakasama
b. nadama d. napag-isipan
3. Hindi niya dinamdam ang pagkutya sa kanya.
a. paglayo c. pagtukso
b. pagsalita d. panunuya
4. Kailangang balakin ang anumang gagawin upang
hindi magsisi sa huli.
a. tuusin c. pansinin
b. ayusin d. planuhin
5. Hindi na hungkag ang kanyang isipan sa ngalan ng
pag-ibig.
a. bakas c.mayaman
b. kulang d. walang laman

B. PAGLALAHAD Tanong at sagot


Abstraksyon
(Pamamaraan sa Pagtalakay) Mga gabay na tanong:

a. Sini-sino ang tauhan ng Ibong Adarna/


b. Ano ang katangian ni Haring Fernando? Isa ba siyang
mabuting hari/ Pangatuwiran.
c. Sino ang naging paborito ng hari? Paano mo ito
ihahambing sa iyong sariling pamilya?
d. Paano mo kahaharapin ang mga pagkakataong hindi
ikaw ang pinagtutuunan ng pansin ng iyong
magulang?
e. Ano ang pangarap ng mga magkakapatid? Paano nila
ito pinaghahandaan?
f. Ano ang naging panaginip ng hari? Ano ang naging
epekto nito sa kanyang kalusugan? Paano hinarap ang
suliraning ito ng mag-anak sa akda?
g. Ano-ano ang iyong ginagawa sa oras ng
pangangailangan sa pamilya? Sino ang iyong
tinatakbuhan?
C. PAGSASANAY Piliin ang wastong sagot sa loob ng panaklong
Mga Paglilinang na Gawain 1. Ang kaharian ni Don Fernanado ay nasa ( Albanya,
Berbanya, Amerika, Espanyol)
2. Ang panganay niyang anak ay si ( Don Juan, Don
Pedro, Don Diego, Donya Valeriana)
3. Ang pinakabunsong anak ay si (Don Juan, Don Pedro,
Don Diego, Donya Valeriana)
4. Sinanay ang tatlong anak sa paghawak ng ( espada,
baril, baston, pana)
5. Ang kanilang pamilya ay ( magulo, malungkot,
masaya, tahimik)
D. PAGLALAPAT Tukuyin ang mahahalagang pangyayari sa saknong na binasa
Aplikasyon at mga suliraning panlipunan na nakapaloob dito. Maglahad
din ng mga sanhi, at bunga, at maaaring solusyon na
mailalapat dito. Gamitin ang PECS Chart.
Problema Sanhi Bunga Solusyon
E. PAGLALAHAT Ibigay ang mga tauhan at mga katangian o
Generalisasyon pagpapahalagang ipinamalas nila sa aralin.

IV PAGTATAYA Tukuyin ang hinihingi. Piliin ang sagot sa kahon.


1. Haring hinahangaan sa Berbanya.
2. Iniisip at inaanalisa bago pairalin.
3. Binibigyan ng paglilimi ang katwiran.
4. Tumatanggap ng pagpapala.
5. Mahal na mahal ng hari.

Haring Fernando hatol


utos mga nasasakupan
mayaman at dukha tatlong anak
V TAKDANG-ARALIN Sumulat ng isang tekstong nagmumungkahi ng solusyon sa
isang suliraning panlipunan na may kaugnayan sa kabataan
na matatagpuan sa akdang binasa.

Batayang ng Pagmamarka

Pamanta- Napaka- Mahusay! Paghusa- Marka


yan husay! 3-2 yan pa!
4-5 puntos 1 puntos
puntos
Nilalama Malinaw May Hindi
n at kabulu- malinaw
makabu- han ang ang
luhan ginawang kaugna-
ang pagpapa- yan ng
pagpapa- liwanag piniling
liwanag subalit salita sa
sa may paksang
salitang ilang tinatala-
kumaka- mga kay
tawan sa diwang
paksang malabo
tinatala-
kay
Organisa- Kapuna- Kapan- May
syon puna ang sinpansin kagulu-
natatangi ang han ang
-ng kamala- pagsasa-
pagsasaa yan sa ayos at
yos at pagsasa- kaisahan
kaisahan ayos at ng mga
ng mga kaisahan ideya
ideya ng mga
ideya
Wika Wasto’t May Hindi
angkop iilang gaanong
ang mga naisaalan
paggamit pagkaka g-alang
ng mga mali sa ang
bantas, paggamit wasto’t
baybay, ng angkop
at gamit bantas, na
ng mga baybay, paggamit
salita at gamit ng mga
ng salita. bantas,
baybay,
at gamit
ng mga
salita
SESYON: 6

Aralin: Saknong 7-128

TUKLASIN
Makikilala natin ang mga kaanak ni Haring Fernanado sa bahaging ito ng
kasaysayan

MOTIBASYUNAL NA TANONG

GAWAIN 1

Piliin ang pinakamalapit na kahulugan ng mga salitang may salungguhit.

1. Ang masunuring anak ay laging pinagpapala ng Diyos.


a. pinupuri c. kinakalinga
b. minamahal d. binibiyaan
2. Nagpapasya lamang siya kapag napaglining niya ang mga bagay na makabubuti
sa kanya at sa kanyang pamilya.
a. nakita c. nakasama
b. nadama d. napag-isipan
3. Hindi niya dinamdam ang pagkutya sa kanya.
a. paglayo c. pagtukso
b. pagsalita d. panunuya
4. Kailangang balakin ang anumang gagawin upang hindi magsisi sa huli.
a. tuusin c. pansinin
b. ayusin d. planuhin
5. Hindi na hungkag ang kanyang isipan sa ngalan ng pag-ibig.
a. bakas c.mayaman
b. kulang d. walang laman
ALAM MO BA NA…
Mga Pangunahing Tauhan

Ang Ibong Adarna


Ang Adarna ay napakagandang ibon na may makulay at mahabang balahibo.
Matatagpuan itong nakadapo sa puno ng Piedras Platas na nasa bundok ng Tabor.
Ang ibon ay makapitong ulit na nagpapalit ng kulay ng balahibo sa tuwing umaawit.
Nagdudulot ng panibagong buhay ang malamyos na tinig ng ibon.

Ang Hari
Si Don Fernando ang hari ng Berbanya. Kinikilala siya bilang isang hari ng Berbanya.
Kinikilala siya bilang isang haring makatuwiran. Makatarungan ang kanyang
pamumuno dahilan upang higit na umunlad ang kaharian.

Ang Reyna
Si Donya Valeriana ang reyna ng Berbanya. Ang taglay niyang kabutihan sa puso
ang nagtulak kay Haring Fernando upang higit na maging makatarungan sa
paghahari.

Ang Panganay na anak


Ang prinsipeng si Don Pedro ay magiting na mandirigma, may angking galing at
talino na taglay ng isang prinsipeng tagapagmana ng korona ngunit namamayani
ang kabuktutan ng puso.

Ang Pangalawang Anak


Ang prinsipeng si Don Diego ay sunud-sunuran sa panganay na kapatid kaya nalilihis
ng landas, mahina ang kanyang loob at natatalo ng kabuktutan ni Don Pedro.

Ang Bunsong Prinsipe


Ang prinsipeng si Don Juan ay ang bunsong anak ng hari at reyna. Siya ang
pinakatatangi sa lahat dahil minana niya ang pagiging makatarungan at makatwiran
ng ama.

PAGSASANAY
Piliin ang wastong sagot sa loob ng panaklong
1. Ang kaharian ni Don Fernanado ay nasa ( Albanya, Berbanya, Amerika,
Espanyol)
2. Ang panganay niyang anak ay si ( Don Juan, Don Pedro, Don Diego, Donya
Valeriana)
3. Ang pinakabunsong anak ay si (Don Juan, Don Pedro, Don Diego, Donya
Valeriana)
4. Sinanay ang tatlong anak sa paghawak ng ( espada, baril, baston, pana)
5. Ang kanilang pamilya ay ( magulo, malungkot, masaya,tahimik)

PAGLALAPAT

Tukuyin ang mahahalagang pangyayari sa saknong na binasa at mga suliraning


panlipunan na nakapaloob dito. Maglahad din ng mga sanhi, at bunga, at
maaaring solusyon na mailalapat dito.

Gamitin ang PECS Chart.


Problema Sanhi Bunga Solusyon

TANDAAN

Mga Pangunahing Tauhan

Ang Ibong Adarna


Ang Adarna ay napakagandang ibon na may makulay at mahabang balahibo.
Matatagpuan itong nakadapo sa puno ng Piedras Platas na nasa bundok ng Tabor.
Ang ibon ay makapitong ulit na nagpapalit ng kulay ng balahibo sa tuwing umaawit.
Nagdudulot ng panibagong buhay ang malamyos na tinig ng ibon.

Ang Hari
Si Don Fernando ang hari ng Berbanya. Kinikilala siya bilang isang hari ng Berbanya.
Kinikilala siya bilang isang haring makatuwiran. Makatarungan ang kanyang
pamumuno dahilan upang higit na umunlad ang kaharian.

Ang Reyna
Si Donya Valeriana ang reyna ng Berbanya. Ang taglay niyang kabutihan sa puso
ang nagtulak kay Haring Fernando upang higit na maging makatarungan sa
paghahari.

Ang Panganay na anak


Ang prinsipeng si Don Pedro ay magiting na mandirigma, may angking galing at
talino na taglay ng isang prinsipeng tagapagmana ng korona ngunit namamayani
ang kabuktutan ng puso.

Ang Pangalawang Anak


Ang prinsipeng si Don Diego ay sunud-sunuran sa panganay na kapatid kaya nalilihis
ng landas, mahina ang kanyang loob at natatalo ng kabuktutan ni Don Pedro.

Ang Bunsong Prinsipe


Ang prinsipeng si Don Juan ay ang bunsong anak ng hari at reyna. Siya ang
pinakatatangi sa lahat dahil minana niya ang pagiging makatarungan at makatwiran
ng ama.
PAGTATAYA

Tukuyin ang hinihingi . Piliin ang sagot sa kahon.


1. Haring hinahangaan sa Berbanya.
2. Iniisip at inaanalisa bago pairalin.
3. Binibigyan ng paglilimi ang katwiran.
4. Tumatanggap ng pagpapala.
5. Mahal na mahal ng hari.

Haring Fernando hatol


utos mga
nasasakupan
mayaman at dukha tatlong anak

TAKDANG-ARALIN

Sumulat ng isang tekstong nagmumungkahi ng solusyon sa isang suliraning


panlipunan na may kaugnayan sa kabataan na matatagpuan sa akdang
binasa.

Batayang ng Pagmamarka

Pamanta- Napaka- husay! Mahusay! Paghusa- yan Marka


yan 4-5 puntos 3-2 pa!
puntos 1 puntos
Nilalaman Malinaw at May kabulu- han Hindi malinaw
makabu- luhan ang ginawang ang kaugna-
ang pagpapa- pagpapa- yan ng piniling
liwanag sa liwanag subalit salita sa
salitang kumaka- may ilang mga paksang
tawan sa paksang diwang malabo tinatala- kay
tinatala- kay
Sabjek : Filipino Baitang : 7
Petsa: Sesyon : 7
Pamantayang Pangnilalaman: Ang mag-aaral ay nagpapamalas ng pag-unawa sa Ibong
Adarna bilang isang obra maestra sa Panitikang Pilipino
Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ng nga mag-aaral ang malikhaing
pagtatanghal ng ilang saknong ng koridong naglalarawan
ng mga pagpapahalagang Pilipino.
Kompetensi: Naibabahagi ang sariling damdamin at saloobin sa
damdamin ng tauhan sa napakinggang bahagi ng akda
F7PN-IVe-f-20
Naiuugnay sa sariling karanasan ang mga karanasang ang
mga karanasang nabanggit sa binasa.
F7PB-IVc-d-22
Nabibigyang kahulugan ang mga salitang nagpapahayag
ng damdamin.
F7PT-IVc-d-20
Kaalaman Natutukoy ang mga kaisipang nakapaloob sa nilalaman ng
saknong 129-231
Saykomotor: *Naisasalaysay ang naging paglalakbay at pinagdaanan ni
Don Juan sa paghuli ng Ibong Adarna
*Nasusuri ang mga saknong sa akda na nagpapakita ng
mga isyung panlipunan
Apektiv: *Nakapaglalahad ng mga maidudulot ng paggawa ng
kabutihan sa kapwa at pagpapasalamat sa kapwa
*Nakasusulat ng isang liham ng pasasalamat sa isang
taong nakagawa sa iyo ng kabutihan o tulong
II PAKSANG-ARALIN
A. PAKSA
Ibong Adarna (Saknong 129-231)
B. SANGGUNIAN *Rodillo, Gregorio M. et al
1997. Ibong Adarna – Isang interpretasyon. Manila: Rex
Book Store.
Ibong Adarna Interpretasyon nina Glady E. Gimena at Leslie
S. Navarro
*Ibong Adarna- Pinagaan nina Avelina D. Muego at Zenaida
S. Badua

C. KAGAMITANG Sipi ng akda


PAMPAGKATUTO
III PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA Itanong sa mga mag-aaral;
Pangmotibasyunal na tanong: Ano ang nangyayari sa iyong buhay na sinubok ang iyong
pananampalataya? Paano mo ito hinarap?
Aktiviti / Gawain
Ang pangyayari sa aking Hinarap ko ang pagsubok
buhay na sinubok ang na ito na …
aking pananampalataya ay

Think-Pair-Share: Papiliin ng kapareha ang mga mag-aaral


at hayaang pag-usapan nila ang katanungan sa ibaba.

Anong sakripisyo ang kaya mong gawin para sa iyong


pamilya? Bakit nagagawa ng taong magsakripisyo para sa
kanyang pamilya?

B. PAGLALAHAD Pagbasa ng mga saknong ng Ibong Adarna


Abstraksyon Hatiin ang klase sa limang pangkat. Bigyan ang bawat
(Pamamaraan sa Pagtalakay) pangkat ng saknong na kanilang babasahin at ipabahagi sa
kanila ito sa klase sa pamamagitan ng pagbuo ng isang
storyboard.
Pangkat 1: Saknong 129-161 (Pagtulong ni Don Juan sa
Leproso)
Pangkat 2: Saknong 162-182 (Pagkikita ni Don Juan at ng
Ermitanyo)
Pangkat 3: Saknong 183-196 ( Pagtulong ng Ermitanyo kay
Don Juan)
Pangkat 4: Saknong 197-214 ( Paghuli ni Don Juan sa Ibong
Adarna)
Pangkat 5 Saknong 215-231 ( Pagligtas ni Don Juan sa mga
Kapatid)

Pagpapalawak ng Talasalitaan
C. PAGSASANAY Hanapin sa loob ng kahon ang kahulugan ng salitang may
Mga Paglilinang na Gawain salungguhit ayon sa pagkakagamit nito sa pangungusap

Nalumbay Nag-iisip Sinugatan

Natuyo Nahulaan

1. Binusbos niya ng kutsilyo ang kanyang pulso.


2. Nagnuynoy siya nang malalim kung paano iyon
malulutas.
3. Nagpaghulog ng matanda ang pakay niya.
4. Lubhang namanglaw ang mga tao sa kanyang
sinapit.
5. Nangabahaw ang kanyang mga sugat matapos
gamutin.

Isa-isahin ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari kung


paano nahuli ni Don ang Ibong Adarna sa pamamagitan ng
grapikong pantulong

1.

2.

3.

4.

D. PAGLALAPAT Isang Saknong, Isang Akto


Aplikasyon Hatiin sa lima ang klase
Ipakita sa isang maikling iskit ang kaisipang nakapaloob sa
bawat saknong.
Pangkat 1: Saknong 130 Hinihinging patnubayan
ang ulilang paglalakbay
hirap nawa’y matagalan
sa pag-ibig sa magulang

Pangkat 2 :Saknong 160 Ugali ko pagkabata


na maglimos sa kawawa,
ang naipagkawanggawa
bawiin pa’y di magawa

Pangkat 3: Saknong 185 Sa Maykapal manawagan


tayong lahat na nilalang
ang sa mundo ay pumanaw
tadhana ng kapalaran
Pangkat 4: Saknong 196 Kaya, bunso, hayo ka na
sa gabi’y lalaimin ka,
ito’y oras na talaga
ng pagdating ng Adarna

Pangkat 5: Saknong 220 Tuwa,y umapaw sa dibdib


ng tatlong magkakapatid
bawat isa ay may sambit
ng puso ay pag-ibig

E. PAGLALAHAT Humingi ng pahintulot si Don Juan sa ama na payagan


Generalisasyon siyang hanapin ang dalawang kapatid atang ibong Adarna.
Ano ang napag-usapan nina Don Juan at ng ermitanyo?
Paunang pagtataya: Tanungin ang mga mag-aaral
Mga Gabay na Tanong:
IV PAGTATAYA 1. Sino ang nakilala ni Don Juan sa kanyang
paglalakbay? Paano niya ito tinulungan?
2. Sino ang tumulong kay Don Juan upang mahuli ang
Adarna? Anong kahiwagaan ang nakabalot dito?
3. Ano-ano ang ibinigay sa kanya ng ermitanyo? Ilahad
ang mga bilin nito kay Don Juan.
4. Isalaysay ang pinagdaanang hirap ni Don Juan bago
niya nahuli ang Adarna.
5. Ano-ano ang katangiang Pilipino ang ipinamalas ni
Don Juan sa tagpong ito? Magbigay ng mga patunay.
6. Sa iyong palagay, may mga tao pa bang katulad ni
Don Juan sa kasalukuyan?
7. Sino ang madalas na gumagawa ng mabuti sa
kapwa o handang tumulong na hindi naghahangad
ng kapalit?
8. Bakit mahalaga ang pagtulong sa kapwa-tao? Ano
ang mabuting naidudulot nito?
Halimbawang mangyari sa inyo ang tulad ng nangyari kay
Don Juan, ano ang iyong gagawin? Bakit?

V TAKDANG-ARALIN Ipagpatuloy ang gawain bilang gawaing-bahay

SESYON: 7

Aralin: Ibong Adarna (Saknong 129-231)

TUKLASIN

MOTIBASYUNAL NA TANONG
Itanong sa mga mag-aaral;
 Ano ang nangyayari sa iyong buhay na sinubok ang iyong pananampalataya?
Paano mo ito hinarap?

Ang pangyayari sa aking buhay na Hinarap ko ang pagsubok na ito na…


sinubok ang aking pananampalataya
ay…

GAWAIN 1

Think-Pair-Share: Papiliin ng kapareha ang mga mag-aaral at hayaang pag-


usapan nila ang katanungan sa ibaba.

ALAM MO BA NA…

Humingi ng limos ang leproso kay Don Juan. Ipinagkaloob ng prinsipe


sa matanda ang natitira niyang tinapay. Nalaman ng leproso ang
pakay ni Don Juan sa lugar na iyon. Nagbilin siya kay Don Juan na
huwag masilaw sa kinang ng Piedras Platas at sa halip ay tumanaw sa ibaba upang
Makita ang isang dampa. Doon ay matatagpuan ng prinsipe ang isang ermitanyong
makakatulong sa paghanap ng lunas sa sakit ng hari. Isinauli ng leproso ang tinapay
kay Don Juan pero ayaw iyong tanggapin ng prinsipe. Narating ni Don Juan ang
Piedras Platas at dahil sa pagkamangha ay muntik nang makalimot sa tagubilin ng
leproso.Nagbalik ang diwa niya at nakita ang dampa. Nagtungo si Don Juan upang
humingi ng tulong sa ermitanyo. Laking pagtataka ng prinsipe nang Makita sa loob
ng dampa ang ibinigay na tinapay sa leproso. Sa kabila ng hiwagang nararamdaman
ay buong pagtitiwalang nakinig ang prinsipe sa payo ng ermitanyo. Natuklasan niya
na ang Ibong Adarna ay isang engkantado. Malalim na ang gabi kung ito ay dumapo
sa Piedras Platas. Pitong beses na umaawit ang ibon at pitong beses ding nagpapalit
ng kulay ng balahibo. Sa oras na umawit ang ibon ay kailangan niyang hiwain ang
palad at pigaan ng dayap upang malabanan ang antok. Bago matulog ang ibon ay
dudumi ito at kailangang maiwasan niya iyon upang hind imaging bato. Ibinigay ng
ermitanyo ang sintas nag into para magamit niyang panghuli at panggapos sa ibon.

Nasa ilalim ng punong Piedras Platas si Don Juan. Hindi siya napagod sa paghihintay
hanggang sa lumalim na ang gabi. Humapon na rin sa wakas ang Ibong Adarna sa
Piedras Platas. Kahanga-hanga ang taglay na gilas at kariktan ng ibon na labis na
nagpahiwaga ng daigdig. Nagsimula na itong umawit at nagpalalit na rin ng kulay ng
balahibo. Napahikab si Don Juan nang marinig ang awit ng ibon. Hiniwa ni Don Juan
ang palad sa pamamagitan ng labaha at pinigaan ng dayap ang sugat. Tila
pinanawan siya ng bait sa tindi ng sakit kaya’t tuluyang nawala ang antok. Pitong
awit ng ibon ang katumbas ng pitong sugat ni Don Juan sa palad. Dumumi ang ibon
ngunit iniwasan ni Don Juan na mapatakan ng ipot upang hindi maging bato. Natulog
na ang ibong Adarna na nakabuka ang mga pakpak at dilat ang dalawang mata kaya
mapagkakamalang gising pa. Marahang umakyat sa puno si Don Juan dala ang
sintas na ginto. Agad niyang sinunggaban ang ibon upang maitali sa paa. Dinala ni
Don Juan ang ibon sa dampa at natutuwang hinimas pa ito ng ermitanyo saka
ikinulong sa hawla.

Inutusan ng ermitanyo si Don Juan na kunin ang banga at punuin ng tubig para
buhusan ang dalawang batong tila puntod na nasa ilalim ng Piedras Platas. Agad
sinunod ni Don Juan ang utos. Agad siyang sumalok ng tubig at nagtungo sa
dalawang bato. Binuhusan ni Don Juan ng tubig ang batong si Don Pedro at agad
itong nabuhay. Tumayo si Don Pedro at nanangis na niyakap ang bunsong kapatid.
Isinunod na iniligtas ni Don Juan si Don Diego at tulad ng panganay na kapatid ay
naging tao itong muli.
Masayang nagyakapan ang tatlong prinsipe. Labis silang nagalak sa tiyak na
kaligtasan ng kanilang amang hari dahil sa pagkahuli ni Don Juan sa Ibomg Adarna.
Nagpunta sa dampa ng ermiranyo ang tatlong prinsipe upang ipaalam dito ang
nangyari.

PAGSASANAY

Pagpapalawak ng Talasalitaan
Hanapin sa loob ng kahon ang kahulugan ng salitang may salungguhit ayon sa
pagkakagamit nito sa pangungusap

Nalumbay Nag-iisip Sinugatan

Natuyo Nahulaan

1. Binusbos niya ng kutsilyo ang kanyang pulso.


2. Nagnuynoy siya nang malalim kung paano iyon malulutas.
3. Nagpaghulog ng matanda ang pakay niya.
4. Lubhang namanglaw ang mga tao sa kanyang sinapit.
5. Nangabahaw ang kanyang mga sugat matapos gamutin.
Isa-isahin ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari kung paano nahuli ni Don Juan
ang Ibong Adarna sa pamamagitan ng grapikong pantulong

1.

2.

3.

4.

PAGLALAPAT
Isang Saknong, Isang Akto
Hatiin sa lima ang klase
Ipakita sa isang maikling iskit ang kaisipang nakapaloob sa bawat saknong.

Pangkat 1: Saknong 130 Hinihinging patnubayan


ang ulilang paglalakbay
hirap nawa’y matagalan
sa pag-ibig sa magulang

Pangkat 2 :Saknong 160 Ugali ko pagkabata


na maglimos sa kawawa,
ang naipagkawanggawa
bawiin pa’y di magawa

Pangkat 3: Saknong 185 Sa Maykapal manawagan


tayong lahat na nilalang
ang sa mundo ay pumanaw
tadhana ng kapalaran

Pangkat 4: Saknong 196 Kaya, bunso, hayo ka na


sa gabi’y lalaimin ka,
ito’y oras na talaga
ng pagdating ng Adarna

Pangkat 5: Saknong 220 Tuwa,y umapaw sa dibdib


ng tatlong magkakapatid
bawat isa ay may sambit
ng puso ay pag-ibig
TANDAAN
 Humingi ng pahintulot si Don Juan sa ama na payagan siyang hanapin ang
dalawang kapatid at ang ibong Adarna.
 Ano ang napag-usapan nina Don Juan at ng ermitanyo?

PAGTATAYA
Paunang pagtataya: Tanungin ang mga mag-aaral
Mga Gabay na Tanong:
1. Sino ang nakilala ni Don Juan sa kanyang paglalakbay? Paano niya ito
tinulungan?
2. Sino ang tumulong kay Don Juan upang mahuli ang Adarna? Anong
kahiwagaan ang nakabalot dito?
3. Ano-ano ang ibinigay sa kanya ng ermitanyo? Ilahad ang mga bilin nito kay
Don Juan.
4. Isalaysay ang pinagdaanang hirap ni Don Juan bago niya nahuli ang
Adarna.
5. Ano-ano ang katangiang Pilipino ang ipinamalas ni Don Juan sa tagpong
ito? Magbigay ng mga patunay.
6. Sa iyong palagay, may mga tao pa bang katulad ni Don Juan sa
kasalukuyan?
7. Sino ang madalas na gumagawa ng mabuti sa kapwa o handang tumulong
na hindi naghahangad ng kapalit?
8. Bakit mahalaga ang pagtulong sa kapwa-tao? Ano ang mabuting
naidudulot nito?
9. Halimbawang mangyari sa inyo ang tulad ng nangyari kay Don Juan, ano
ang iyong gagawin? Bakit?

TAKDANG-ARALIN

Ipagpatuloy ang gawain bilang gawaing-bahay


Sabjek : Filipino Baitang : 7
Petsa: Sesyon : 8
Pamantayang Pangnilalaman: Ang mag-aaral ay nagpapamalas ng pag-unawa sa Ibong
Adarna bilang isang obra maestra sa Panitikang Pilipino
Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ng nga mag-aaral ang malikhaing
pagtatanghal ng ilang saknong ng koridong naglalarawan
ng mga pagpapahalagang Pilipino.
Kompetensi: Nailalahad ang sariling saloobin at damdamin sa napanood
na bahagi.
F7PD-IVc-d-18
Nailalahad ang sariling interpretasyon sa isang pangyayari
sa akda na maiuugnay sa kasalukuyan
F7PS-IVc-d-19
Natutukoy ang mga kaisipang nakapaloob sa nilalaman ng
saknong 129-231
Saykomotor: *Naisasalaysay ang naging paglalakbay at pinagdaanan ni
Don Juan sa paghuli ng Ibong Adarna
*Nasusuri ang mga saknong sa akda na nagpapakita ng
mga isyung panlipunan
Apektiv: *Nakapaglalahad ng mga maidudulot ng paggawa ng
kabutihan sa kapwa at pagpapasalamat sa kapwa
*Nakasusulat ng isang liham ng pasasalamat sa isang
taong nakagawa sa iyo ng kabutihan o tulong
II PAKSANG-ARALIN

A. PAKSA
Ibong Adarna (Saknong 129-231)
B. SANGGUNIAN *Rodillo, Gregorio M. et al
1997. Ibong Adarna – Isang interpretasyon. Manila: Rex
Book Store.
*Ibong Adarna Interpretasyon nina Glady E. Gimena at
Leslie S. Navarro
*Ibong Adarna- Pinagaan nina Avelina D. Muego at Zenaida
S. Badua
*Ibong Adarna- Isang koridong Pilipino binagong edisyon
nina Myrna A. Torreliza. Nelcy C. Nieves
C. KAGAMITANG Sipi ng akda
PAMPAGKATUTO
III PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA Piliin ang titik ng wastong sagot


Pangmotibasyunal na tanong: 1. Umaamo sa atin ang kapalaran kung marunong
tayong magpasalamat sa Panginoon.
Aktiviti / Gawain a.Nagpapakita c. lumalapit
b. nawawala d. umiilap
2. Isang subyang sa puso ko ang Makita siyang
naghihirap.
a. dagok c. tusok
c. sanga d. tinik
3. Natilihan siya nang Makita ang maysakit.
a. tumili c. nalungkot
b. natigilan d. hinimatay

Buuin ang diwa ng pangungusap. Punan ng wastong sago


tang patlang.
1. Walang nagawa si Don Fernando nang
magpaalam si Don Juan kundi ______.
2. Humingi ng tulong si Don Juan sa _____.
3. Nilakbay ni Don Juan ang bundok sa loob ng
_____.
4. Ang mahalagang sandatang hiningi niya sa ama
ay _____.
5. Ang pagkaing ibinigay ni Don Juan sa ketongin
ay _____ niya.

B. PAGLALAHAD A. Sagutin ang sumusunod:


Abstraksyon 1. Bakit ayaw payagan ni Haring Fernando si Don Juan
(Pamamaraan sa Pagtalakay) na Maglakbay?
2. Paano niya napasang-ayon ang ama?
3. Ano ang mahalagang bilin sa kanya ng matanda?
4. Nakayulong kaya ang pagdarasal ni Don Juan sa
Mahal na Birhen? Ipaliwanag.
5. Sino kaya ang matandang sugatan? Bakit nagtiwala
siya kay Don Juan?

C. PAGSASANAY Ipalahad sa mga mag-aaral ang naidudulot ng pagtulong


Mga Paglilinang na Gawain sa kapwa at kahalagahan ng pagpapasalamat. Gamitin ang
fan fact organizer.

Pagtulong sa
Kapwa
Pasasalamat
sa Kapwa

D. PAGLALAPAT Batay sa inilahad na fan fact organizer ng mga mag-aaral,


Aplikasyon magpaguhit ng isang simbolo o larawan na nagpapakita ng
papel na ginagampanan ng mga mag-aaral sa pamayanan
kung saan naranasan nila ang pagtulong at
pagpapasalamat sa kapwa.

E. PAGLALAHAT Batay sa natutuhan ng mga mag-aaral sa talakayan.


Generalisasyon Itanong ang kaisipan na nabuo.

. Sabihan ang mga mag-aaral na sumulat ng isang maikling


liham ng pasasalamat sa kanilang kaibigan o kaklase na
IV PAGTATAYA tumulong sa kanila sa oras na sila ay may problema o
laging dumaramay sa kanila sa panahon ng
pangangailangan.

Pamantayan sa Pagmamarka
Nagtataglay ang liham ng lahat ng
mahahalagang bahagi mula sa pamuhatan
hanggang lagda.
Malinaw ang nilalaman batay sa paksa.
Kakikitaan ang liham ng temang pasasalamat.
Madaling unawain ang mensaheng
nakapaloob dito.
Nakalahad sa maayos na paraan. Wasto ang
gamit at baybay ng mga salita at bantas.
Kabuuang Puntos=

5-Napakahusay
4-Mahusay
3-Katamtamang husay
2-Sadyang mahusay
1-Kailangan pa ng pagsasanay
V TAKDANG-ARALIN Ipagpatuloy ang gawain bilang gawain gawain
SESYON: 8

Aralin: Ibong Adarna (Saknong 129-231)

TUKLASIN
Nabigo sa paghahanap ng Ibong Adarna sina Don Pedro at Don Diego. Gayon
na lamang ang lungkot ng hari. Lumubha ang kanyang sakit.

MOTIBASYUNAL NA TANONG
Ano ang gagawin ng hari? ni Don Juan?

GAWAIN 1
Piliin ang titik ng wastong sagot
1. Umaamo sa atin ang kapalaran kung marunong tayong magpasalamat sa
Panginoon.
a.Nagpapakita c. lumalapit
b. nawawala d. umiilap
2. Isang subyang sa puso ko ang Makita siyang naghihirap.
a. dagok c. tusok
b. sanga d. tinik
3. Natilihan siya nang Makita ang maysakit.
a. tumili c. nalungkot
b. natigilan d. hinimatay

PAGSUSURI

Buuin ang diwa ng pangungusap. Punan ng wastong sago tang patlang.

1.Walang nagawa si Don Fernando nang magpaalam si Don Juan kundi ______.
2.Humingi ng tulong si Don Juan sa _____.
3.Nilakbay ni Don Juan ang bundok sa loob ng _____.
4.Ang mahalagang sandatang hiningi niya sa ama ay _____.
5.Ang pagkaing ibinigay ni Don Juan sa ketongin ay _____ niya.
ALAM MO BA NA…

Tatlong taon na ang lumipas at lalong lumubha ang kalagayan ni Haring


Fernando. Nag-aatubili ang hari na utusan si Don Juan na hanapin ang
dalawang prinsipe at ang Ibong Adarna. Nag-aalala siyang baka mapahamak ang
bunsong anak. Humingi ng bendisyon si Don Juan upang payagan siyang
makapaglakbay at hanapin ang lunas ng ama gayundin ang dalawang kapatid. Sa
takot ng hari na baka maisipan ni Don Juan na magtanan ay pinahintulutan niya ito.
Hindi nagdala ng kabayo si Don Juan at sa halip ay naglakad. Naniniwala ang
prinsipe na ang matapat na layunin ang magbibigay sa kanya ng biyaya. Nagbaon
siya ng limang tinapay at tuwing makaisang buwan lamang kumakain. Hindi niya
alintana ang anumang gutom, pagod at hirap na dinaranas. Panay ang usal niya ng
panalangin sa Mahal na Birhen upang matagalan ang hirap. Apat na buwan siyang
naglakbay at tumigas na ang natitira niyang tinapay. Narating ni Don Juan ang
kapatagang bahagi ng Bundok Tabor. Doon ay natagpuan niya ang isang leprosong
matandang lalaki.

GAWAIN 3

Ilahad ang naidudulot ng pagtulong sa kapwa at kahalagahan ng


pagpapasalamat. Gamitin ang fan fact organizer.

Pagtulong sa
Kapwa
Pasasalamat
sa Kapwa

PAGLALAPAT

Batay sa inilahad na fan fact organizer ng mga mag-aaral, magpaguhit ng isang


simbolo o larawan na nagpapakita ng papel na ginagampanan ng mga mag-aaral
sa pamayanan kung saan naranasan nila ang pagtulong at pagpapasalamat sa
kapwa.

TANDAAN

Utang na loob. Likas ito sa mga Pilipino. Kapag ginawan ka ng kabutihan ng


inyong kapwa, sinusuklian mo naman ito ng mabubuting bagay.

PAGTATAYA

Sabihan ang mga mag-aaral na sumulat ng isang maikling liham ng


pasasalamat sa kanilang kaibigan o kaklase na tumulong sa kanila sa oras na
sila ay may problema o laging dumaramay sa kanila sa panahon ng
pangangailangan.

Pamantayan sa Pagmamarka
Nagtataglay ang liham ng lahat ng mahahalagang bahagi mula
sa pamuhatan hanggang lagda.
Malinaw ang nilalaman batay sa paksa. Kakikitaan ang liham ng
temang pasasalamat.
Madaling unawain ang mensaheng nakapaloob dito.
Nakalahad sa maayos na paraan. Wasto ang gamit at baybay ng
mga salita at bantas.
Kabuuang Puntos=
5-Napakahusay 3-Katamtamang husay 1-Kailangan pa ng
pagsasanay
4-Mahusay 2-Sadyang mahusay

TAKDANG-ARALIN

Ipagpatuloy ang gawain bilang gawain Gawain

Sabjek : Filipino Baitang : 7


Petsa: Sesyon : 9
Pamantayang Pangnilalaman: Ang mag-aaral ay nagpapamalas ng pag-unawa sa Ibong
Adarna bilang isang obra maestra sa Panitikang Pilipino
Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ng nga mag-aaral ang malikhaing
pagtatanghal ng ilang saknong ng koridong naglalarawan
ng mga pagpapahalagang Pilipino.
Kompetensi: Nabibigyang kahulugan ang mga salitang nagpapahayag
ng damdamin
F7PT-IVc-d-20
Naisasalaysay nang masining ang isang pagsubok sa
buhay na dumating sa buhay na napagtagumpayan dahil
sa pananalig sa Diyos at tiwala sa sariling kakayahan
F7PS-IVc-d-20
I LAYUNIN Natutukoy ang mga mahahalagang pangyayari sa
Kaalaman : nilalaman ng saknong 232-399
Saykomotor: Nakikilala ang positibo at neagatibong katangian ng mga
tauhan sa akda
Nabibigyang kahulugan ang salitang nagpapahayag ng
damdamin

Apektiv: Naiuugnay sa sariling karanasan ang mga karanasang


nabanggit sa binasa
Naisusulat ang sariling damdamin na may pagkakatulad sa
naging damdamin ng tauhan sa akda

II PAKSANG-ARALIN

A. PAKSA
Ibong Adarna (Saknong 232-399)
B. SANGGUNIAN *Rodillo, Gregorio M. et al
1997. Ibong Adarna – Isang interpretasyon. Manila: Rex
Book Store.
*Ibong Adarna Interpretasyon nina Glady E. Gimena at
Leslie S. Navarro
*Ibong Adarna- Pinagaan nina Avelina D. Muego at Zenaida
S. Badua

C. KAGAMITANG Sipi ng akda


PAMPAGKATUTO
III PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA
Pangmotibasyunal na tanong: Panimulang Pagtataya
Ipabigay ang pananaw ng mga mag-aaral sa maidudulot sa
Aktiviti / Gawain tao ng mga salitang nasa loob ng kahon
INGGIT GALIT YABANG
TAKOT SAKIT

Ibahagi ng guro sa mga mag-aaral ang kasaysayan ng


magkapatid na Cain at Abel sa Bibliya.
Tatanungin ang mag mag-aaral ng mga sumusunod:
1. Bakit nagawang patayin ni Cain si Abel?
2. May mga pagkakataon din ba na ikaw ay nakaranas
ng inggit sa iyong kapatid? Bakit?
3. Ano ang iyong ginagawa sa ganitong mga
pagkakataon?
4. Kung ikaw si Cain, ano ang iyong gagawin?
B. PAGLALAHAD
Abstraksyon Pagbasa ng mga saknong ng Ibong Adarna.
(Pamamaraan sa Pagtalakay) Hatiin ang klase sa limang pangkat. Bibigyan ang bawat
pangkat ng saknong na kanilang babasahin sa
pamamagitan ng isang masining na pagbasa.

Pangkat 1: Saknong 232-256 (Planong Patayin si Don Juan)


Pangkat 2: Saknong 257-274 (Pagbabalik nina Don Pedro at
Don Diego sa Berbanya)
Pangkat 3: Saknong 275-317 (Dalangin ni Don Juan)
Pangkat 4: Saknong 318-338 (Paggamot ng ermitanyo kay
Don Juan)
Pangkat 5: Saknong 339-399 (Umawit ang Adarna at Hatol
ng Hari)
Pagpapalawak ng talasalitaan
C. PAGSASANAY Palalawakin ang sumusunod na mga salita sa pagbibigay
Mga Paglilinang na Gawain pa ng iba pang kaugnay na salita sa nito. Papupunan sa
mga mag-aaral ang concept map. Ipagamit sa
pangungusap ang mga salita.

Napawi nanambitan
Nililo namanglaw
D. PAGLALAPAT Atasan ang mga mag-aaral sa pagsunod-sunurin ang
Aplikasyon mga pangyayari sa pamamagitan ng story ladder.

4
3

E. PAGLALAHAT Nahuli ni Don Juan ang ibong Adarna pagkatapos ng


Generalisasyon maraming hirap at pagtitiis.
Pabalik na ang tatlo sa kaharian ng Berbanya nang may
maisip sina Don Pedro at Don Diego.
Tanungin ang mga mag-aaral ng mga sumusunod na mga
tanong:
IV PAGTATAYA 1. Anong mga kasamaan ang binalak ng magkapatid
kay Don Juan? Bakit nila nagawa ang bagay na iyo?
2. Sa inyong palagay, tama ba ang ginawa nila sa
kapatid na bunso? Patunayan ang sagot.
3. Halimbawang mangyari sa iyo ang sinapit ni Don
Juan, ano ang gagawin mo?
4. Ano ang naramdaman ng hari nang mapunang hindi
kasama ng magkapatid si Don Juan?
5. Nangyayari ba sa tunay na magkakapatid ang
makainggitan katulad ng nadama ni Don Pedro kay
Don Juan? Bakit? Ano ang masamang epekto nito at
paano maiiwasan.
6. Ilarawan ang anyo ng ng Ibong Adarna na kanilang
dala. Bakit kaya ito nangyari?
7. Ilarawan ang dinanas ni Don Juan ng mga sandaling
iyon. Sa kabila ng sinapit ng prinsipe, ano ang isang
bagay na hindi niya nakalimutang gawin? Magbigay
ng patunay.
8. Ano-anong pagkakataon sa iyong buhay na maaari
ihambing sa pinagdaanan ni Don Juan? Magkatulad
ba kayo ng ginagawa ni Don Juan sa mga
pagkakataong wala kang matakbuhan?

9. Ano ang naging desisyon ng hari na magiging


parusa ng kanyang dalawang anak? Kung ikaw ang
hari, ganito rin ba ang iyong magiging desisyon?
Bakit?

V TAKDANG-ARALIN Basahin muli ang saknong 232-399


SESYON: 9

Aralin: Ibong Adarna (Saknong 232-399)

TUKLASIN
Nahuli ni Don Juan ang Ibong Adarna pagkatapos ng maraming hirap at
pagtitiis. Pabalik na ang tatlo sa kaharian ng Berbanya nang may maisip sina
Don Pedro at Don Diego.
Pinagtulungan ni Don Pedro at Don Diego na bugbugin si Don Juan.
Nang iharap sa hari ang Adarna, malungkot ang ibon at hindi man lamang
nagparinig ng awit. Halos nawalan na ng pag-asa si Don Juan na Makita pa ang
kanyang mga magulang. Dahil sa kapalarang sinapit, labis siyang
naghihinagpis.
Luno ang katawan ni Don Juan sa bugbog, masasakit ang sugat na
tinamo at higit sa lahat, durog ang puso sa sama ng loob. Ipinaubaya na
lamang niya ang sarili sa Diyos.
Maraming ipagpasalamat si Don Juan sa ermitanyo. Nagbilin ang
matanda sa prinsipe tungkol sa pagtulong at pagdamay sa iba.
MOTIBASYUNAL NA TANONG

GAWAIN 1

A.Ibigay ang pananaw sa maidudulot sa tao ng mga salitang nasa loob ng kahon
INGGIT GALIT YABANG
TAKOT SAKIT

PAGSUSURI

Ibahagi ng guro sa mga mag-aaral ang kasaysayan ng magkapatid na Cain at Abel sa


Bibliya.

Tatanungin ang mag mag-aaral ng mga sumusunod:


1. Bakit nagawang patayin ni Cain si Abel?
2. May mga pagkakataon din ba na ikaw ay nakaranas ng inggit sa iyong kapatid?
Bakit?
3. Ano ang iyong ginagawa sa ganitong mga pagkakataon?
4. Kung ikaw si Cain, ano ang iyong gagawin?
5. Pagbasa ng mga saknong ng Ibong Adarna.
6. Hatiin ang klase sa limang pangkat. Bibigyan ang bawat pangkat ng saknong na
kanilang

ALAM MO BA NA…
Pinahiran ng ermitanyo ng gamot mula sa botelya ang sugat sa palad ni
Don Juan at agad na gumaling. Nabigla na naman si Don Juan sa
panibagong hiwaga na namalas niya, Nagbilin ang ermitanyo sa tatlong
prinsipe na naway makarating sila ng malugod at mapayapa sa kahariang Berbanya
alang-alang sa kaligtasan ng hari. Sinabi rin ng ermitanyo na ang paglililo’y huwag
sanang manahan sa kaninumang puso. Naunang naglakad si Don Juan habang dala
ang hawla. Palihim namang kinausap ni Don Pedro si Don Diego. Dahil sa labis na
inggit ay binalak ni Don Pedro na patayin si Don Juan. Nabigla si Don Diego at agad
tumutol sa plano ng panganay na kapatid ngunit sa huli’y nakumbinsi din. Sumang-
ayon ito na bugbugin si Don Juan basta huwag lamang papatayin. Natuwa si Don
Pedro sapagkat iiwanan nilang sugatan si Don Juan sa kagubatan kaya natitiyak na
doon na rin ito daratnan ng kamatayan at sila na ang mag-uuwi ng Ibong Adarna.
Pinagtulungan nina Don Pedro at Don Diego na bugbugin ang bunsong kapatid. Hindi
naman nanlaban si Don Juan.

Bumalik sa palasyo ng Berbanya sina Don Pedro at Don Diego. Dinatnan nilang
nakaratay pa rin ang amang hari. Nagpilit bumangon si Haring Fernando at sabik na
niyakap ang dalawang anak na matagal na hindi nakita. Agad ding nanlumo ang hari
nang malamang hindi kasamang nagbalik si Don Juan. Tinanong ng hari kung nasaan
si Don Juan ngunit ang sagot ng magkapatid ay ewan nila. Iniharap ng hari ang Ibong
Adarna at laking pagkabigla nito dahil pangit at lulugo-lugo ang ibon. Labis na
pinagtakhan ng hari ang sinabi ng medikong paham na ang ibon ay makapitong ulit
na nagbibihis ng anyo at nagpapalit ng kulay ng balahibo. Natiyak ng hari na sa anyo
na iyon ng ibon ay hindi siya mapapagaling ng awit nito at sa halip ay lalo pa siyang
lulubha. Muling naalala ng hari ang panaginip na naging sanhi ng malubha niyang
sakit. Pinaslang daw ng dalawang buhong si Don Juan.
Lalong lumubha ang kalagayan ng hari sa paglipas ng mga araw. Ayaw pa ring
kumanta ng ibon sapagkat wala ang tunay na nagmamay-ari sa kanya na walang iba
kundi si Don Juan. Umaasa ang ibon na buhay pa ang prinsipe at matutuklasan din ng
mga magulang ang naging kataksilan nina Don Pedro at Don Diego.

Tanging panalangin ang huli niyang pag-asa. Nagdasal siya s Mahal na Birhen upang
humaba pa ang buhay at iligtas ang amang may karamdaman. Hindi niya
mapaniwalaan ang ginawa sa kanya nina Don Pedro at Don Diego sapagkat para sa
kanya ang karangalan nilang tatlo ay iisa. Kaya niyang ipagkaloob ang Ibong Adarna
sa dalawang kapatid kung iyon ang hangad ng mga ito at hindi na siya kailangang
pagtaksilan pa. Naalala niya ang mga magulang lalo na ang kalagayan ng ama sa
gitna ng pagnanaknak ng kanyang mga sugat. Naalala niya sa gitna ng paghihirap
ang bayang kanyang sinilangan, at palasyong kanyang kinalakhan at ang pag-aaruga
ng mahal na ina na malabis niyang pinanabikan.

Sa libis ng isang bundok ay sumulpot ang isang matandang ermitanyo at natagpuan si


Don Juan na nakahandusay sa lupa. Walang malay si Don Juan at bakas pa rin ang
pagkalamog ng katawan. Matinding habag ang naramdaman ng ermitanyo sa sinapit
ng prinsipe na kulang na lamang ay datnan ng kamatayan sa pook na iyon. Sa
ikalawang pagkakataon ay muli nitong ginamot ang sugat ng kawawang prinsipe.
Iglap na naglaho ang mga sugat ng prinsipe sa katawan. Tila Diyos ang tingin ni Don
Juan sa matandang ermitanyo dahil sa isa na namang nasaksihan himala. Niyakap
niya ang ermitanyo at malugod na nagpasalamat sa pagliligtas sa kanyang buhay.
Nais niyang gumanti ng utang na loob dito ngunit iyon ay itinuring ng ermitanyo na
isang kawanggawa. Inutusan ng ermitanyo na umuwi sa kanilang kaharian si Don Juan
upang iligtas ang buhay ng ama. Nagmamadaling tinahak ng prinsipe ang daan pauwi
sa Berbanya.

PAGSASANAY
Palalawakin ang sumusunod na mga salita sa pagbibigay pa ng iba pang kaugnay
na salita sa nito. Papupunan sa mga mag-aaral ang concept map. Ipagamit sa
pangungusap ang mga salita.

Napawi nanambitan
Nililo namanglaw

PAGLALAPAT
Atasan ang mga mag-aaral sa pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa pamamagitan ng
story ladder.

TANDAAN
Nahuli ni Don Juan ang ibong Adarna pagkatapos ng maraming hirap at pagtitiis.
Pabalik na ang tatlo sa kaharian ng Berbanya nang may maisip sina Don
Pedro at Don Diego.

PAGTATAYA

Tanungin ang mga mag-aaral ng mga sumusunod na mga tanong:


1. Anong mga kasamaan ang binalak ng magkapatid kay Don Juan? Bakit
nila nagawa ang bagay na iyo?
2. Sa inyong palagay, tama ba ang ginawa nila sa kapatid na bunso? Patunayan ang
sagot.
3. Halimbawang mangyari sa iyo ang sinapit ni Don Juan, ano ang gagawin mo?
4. Ano ang naramdaman ng hari nang mapunang hindi kasama ng magkapatid si Don
Juan?
5. Nangyayari ba sa tunay na magkakapatid ang makainggitan katulad ng nadama ni
Don Pedro kay Don Juan? Bakit? Ano ang masamang epekto nito at paano maiiwasan.
6. Ilarawan ang anyo ng ng Ibong Adarna na kanilang dala. Bakit kaya ito nangyari?
7. Ilarawan ang dinanas ni Don Juan ng mga sandaling iyon. Sa kabila ng sinapit ng
prinsipe, ano ang isang bagay na hindi niya nakalimutang gawin? Magbigay ng
patunay.
8. Ano-anong pagkakataon sa iyong buhay na maaari ihambing sa pinagdaanan ni Don
Juan? Magkatulad ba kayo ng ginagawa ni Don Juan sa mga pagkakataong wala kang
matakbuhan?
9. Ano ang naging desisyon ng hari na magiging parusa ng kanyang dalawang anak?
Kung ikaw ang hari, ganito rin ba ang iyong magiging desisyon? Bakit?

TAKDANG-ARALIN

Basahin muli ang saknong 232-399

Sabjek : Filipino Baitang : 7


Petsa: Sesyon : 10
Pamantayang Pangnilalaman: Ang mag-aaral ay nagpapamalas ng pag-unawa sa Ibong
Adarna bilang isang obra maestra sa Panitikang Pilipino
Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ng nga mag-aaral ang malikhaing
pagtatanghal ng ilang saknong ng koridong naglalarawan
ng mga pagpapahalagang Pilipino.
Kompetensi: Nasusuri ang damdaming namamayani sa mga tauhan sa
pinanood na dula
F7PD-IVc-d-19
Naibabahagi ang sariling damdamin at saloobin sa
damdamin ng tauhan sa napakinggang bahagi ng akda.
F7PN-IVe-f -20
Naiuugnay sa sariling karanasan ang mga karanasang
nabanggit sa akda.
F7PB-IVc-d-22
I LAYUNIN Natutukoy ang mga mahahalagang pangyayari sa
Kaalaman : nilalaman ng saknong 232-399
Saykomotor: Nakikilala ang positibo at neagatibong katangian ng mga
tauhan sa akda
Nabibigyang kahulugan ang salitang nagpapahayag ng
damdamin

Apektiv: Naiuugnay sa sariling karanasan ang mga karanasang


nabanggit sa binasa
Naisusulat ang sariling damdamin na may pagkakatulad sa
naging damdamin ng tauhan sa akda

II PAKSANG-ARALIN
A. PAKSA
Ibong Adarna (Saknong 232-399)
B. SANGGUNIAN *Rodillo, Gregorio M. et al
1997. Ibong Adarna – Isang interpretasyon. Manila: Rex
Book Store.
*Ibong Adarna Interpretasyon nina Glady E. Gimena at
Leslie S. Navarro
*Ibong Adarna- Pinagaan nina Avelina D. Muego at Zenaida
S. Badua
C. KAGAMITANG Sipi ng akda
PAMPAGKATUTO
III PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA Anu-ano ang hiwagang hatid ng Ibong Adarna?


Pangmotibasyunal na tanong:

Aktiviti / Gawain
Ibigay ang kasinghulugan at kasalungat ng mga salitang
sinalungguhitan
1. gulapay sa hirap
2. nasindak sa dilim
3. lunong-luno ang katawan
4. magkalisya ang katwiran
5. umugin ng suntok
B. PAGLALAHAD Sagutin ang mga sumusunod na tanong
Abstraksyon 1. Bakit nagtaksil ang magkapatid kay Don Juan/
(Pamamaraan sa Pagtalakay) 2. Ano ang ginawa nila para hindi makasama si Don
Juan sa pag-uwi?
3. Gumaling ba ang hari nang Makita ang Adarna?
Bakit?
4. Ang inggitan/alitan ba sa magkakapatid ay
nangyayari sa pamilya?Paano ito maiiwasan?
5. Anong mensahe ang mapupulot sa ating aralin?

Pangkatang Gawain
C. PAGSASANAY Hatiin ang klase sa lima na pangkat. Magsasadula sila ng
Mga Paglilinang na Gawain mga sitwasyon na maaaring magpakita ng nais ipabatid na
damdamin ng mga saknong mula sa akda.

Pangkat 1: Lahat dito’y pasaliwa Tanong:


Walang hindi balintuna Ano-anong mga pag-
Ang mabuti ay masama kakataon itinuturing na
Ang masama ang dakila mabuti ang mga bagay
Na masama?

Pangkat 2: Kailan kaya sa inyo Tanong:


Narito ang mga tao Ano-anong mga pag-
Kapatid man at katoto kakataon masasabi-
Ay lihim na kaaway mo? ng ang mga kaibigan
Ay nagiging lihim na
Kaaway?

Pangkat 3: Kung hindi man ay totoong Tanong:


Himala ng Diyos ito Sa ano-anong pag-
Napakita nga sa tao’t kakataon masasa-
Nang ang loob ay magbago bing nagpapamalas
Ang Diyos ng mga
Kaganapan upang
Mabago ang
tao?

Pangkat 4:
Huwag tayong mamantugan Tanong:
Sa ugaling di mainam Sa anong mga pagkaka-
Na kaya kung dumaramay taong masasabing nag-
Ay nang upang madamayan papakita ng mabuti ang
Isang tao upang
masuk-
Lian lamang ng
mabuti?

Pangkat 5:
Pagkat ipaglihim nama’y Tanong:
Mabubunyag din ang tunay Ano-ano ang pagkakata-
Ang Adarna’y kay Don Juan on nabubunyag ang li-
Ang sa ati’y kabiguan him? Ano ang naidudu-
Lot nito?
D. PAGLALAPAT Hatiin ang klase sa limang pangkat. Magpapaguhit o
Aplikasyon magpapagawa ng isang mural na nagpapakita ng kaisipang
nakapaloob sa araling tinalakay. Hayaang ipaliwanag ng
mga mag-aaral ang iginuhit sa loob ng tatlo hanggang
limang pangungusap.

Ang pagtatanghal ng bawat pangkat sa pamamagitan ng “


One Stay, Team Stray” na ipapaskil sa loob ng klase. Pipili
ng kinatawan ang bawat pangkat na magpapaliwanag nito,
samantalang ang ibang kapangkat ay lilibot upang Makita
ang ibang mural.
E. PAGLALAHAT Padugtungan sa mga mag-aaral ang sumusunod na mga
Generalisasyon pahayag.

Kung ako si Don Pedro, ang dapat kong gawin ay _________.


Kung ako si Do Diego, ang dapat kong gawin ay __________.
Kung ako si Do Juan, ang dapat kong gawin ay __________.
Kung ako si Haring Fernando, ang hindi ko dapat gawin
ay_________________________________.

Magpapasulat ng isang sanaysay na naglalahad ng


saloobin ng mga mag-aaral kaugnay ng pinagdaanan ni
IV PAGTATAYA Don Juan sa kanyang mga kapatid.

Pamantayan 5 4 3 2 1
Kompleto at malinaw na
naipahahayag ang damdamin
kaugnay sa paksa.

Mahusay na naiuugnay ang


pangyayari sa tauhan sa sariling
karanasan.

Nakapupukaw ng interes ang


panimula at wakas.

Wasto ang gamit ng bantas, salita,


at pagbabaybay.

5 – Napakahusay
4 – Mahusay
3 – Katamtamang Husay
2 – Sadyang Di-mahusay
1 – Kailangan pa ng Pagsasanay
V TAKDANG-ARALIN Pagpapatuloy ng gawain bilang gawaing-bahay
SESYON: 10

Aralin: Ibong Adarna (Saknong 232-399)

TUKLASIN
Maraming dapat ipagpasalamat si Don Juan sa ermitanyo. Nagbilin ang
matanda sa prinsipe tungkol sa pagtulong at pagdamay sa iba.

MOTIBASYUNAL NA TANONG
Anu- ano ang hiwagang hatid ng Ibong Adarna?

PAGSUSURI

Ibigay ang kasinghulugan at kasalungat ng mga salitang sinalungguhitan

1. gulapay sa hirap
2. nasindak sa dilim
3. lunong-luno ang katawan
4. magkalisya ang katwiran
5. umugin ng suntok

ALAM MO BA NA…

Nakabalik ng kaharian ng Berbanya si Don Juan. Namutla sina Don Pedro at


Don Diego nang Makita ang bunsong kapatid. Agad lumuhod sa harapan ng
hari si Don Juan habang nakaratay pa rin sa higaan ang ama. Umawit ang ibong Adarna
at inilahad ang buong katotohanan. Pitong ulit itong nagpakitang gilas ng pagpapalit ng
balahibo habang isinasalaysay ang mga pinagdaanang hirap ni Don Juan hanggang
pagtaksilan ng dalawang sukab na prinsipe. Matapos ang ikapitong awit ng ibon ay tila
hindi man lamang nagkaroon ng karamdaman ang hari at bigla itong nakatayo. Sa labis
na kagalakan ay niyakap si Don Juan at hinagkan pati ang ibon. Tinipon niya ang mga
kagawad ng palasyo upang hatulan na ipatapon sina Don Diego bilang kaparusahan.
Nahabag si Don Juan sa mga kapatid kaya agad lumuhod sa harap ng ama. Inihingi niya
ng kapatawaran ang dalawang kapatid. Lumambot ang puso ng hari dahil sa kababang
loob ng kanyang bunso. Pinatawad ng hari ang dalawang prinsipe sa pangakong hindi na
mauulit ang kataksilang iyon sapagkat sa susunod ay kamatayan na ang magiging
kapalit. Labis ang kagalakang niyakap ni Don Juan ang dalawang kapatid. Nagbalik ang
kasiyahan sa buong palasyo dahil sa tuluyang paggaling ng hari na naging aliwan ang
pag-awit ng Ibong Adarna.

PAGSASANAY

Pangkatang Gawain

Hatiin ang klase sa lima na pangkat. Magsasadula sila ng mga sitwasyon na maaaring
magpakita ng nais ipabatid na damdamin ng mga saknong mula sa akda.

Pangkat 1: Lahat dito’y pasaliwa Tanong:


Walang hindi balintuna Ano-anong mga pag-
Ang mabuti ay masama kakataon itinuturing na
Ang masama ang dakila mabuti ang mga bagay
Na masama?

Pangkat 2: Kailan kaya sa inyo Tanong:


Narito ang mga tao Ano-anong mga pag-
Kapatid man at katoto kakataon masasabi-
Ay lihim na kaaway mo? ng ang mga kaibigan
Ay nagiging lihim na Kaaway?

Pangkat 3: Kung hindi man ay totoong Tanong:


Himala ng Diyos ito Sa ano-anong pag-
Napakita nga sa tao’t kakataon masasa-
Nang ang loob ay magbago bing nagpapamalas
Ang Diyos ng mga
Kaganapan upang
Mabago ang tao?

Pangkat 4:
Huwag tayong mamantugan Tanong:
Sa ugaling di mainam Sa anong mga pagkaka-
Na kaya kung dumaramay taong masasabing nag-
Ay nang upang madamayan papakita ng mabuti ang
Isang tao upang masuklian lamang ng mabuti?

Pangkat 5:
Pagkat ipaglihim nama’y Tanong:
Mabubunyag din ang tunay Ano-ano ang pagkakata-
Ang Adarna’y kay Don Juan on nabubunyag ang lihim?
Ang sa ati’y kabiguan Ano ang naidudulot nito?

PAGLALAPAT
Hatiin ang klase sa limang pangkat. Magpapaguhit o magpapagawa ng isang mural na
nagpapakita ng kaisipang nakapaloob sa araling tinalakay. Hayaang ipaliwanag ng mga
mag-aaral ang iginuhit sa loob ng tatlo hanggang limang pangungusap.

Ang pagtatanghal ng bawat pangkat sa pamamagitan ng “ One Stay, Team


Stray” na ipapaskil sa loob ng klase. Pipili ng kinatawan ang bawat pangkat na
magpapaliwanag nito, samantalang ang ibang kapangkat ay lilibot upang Makita
ang ibang mural.

TANDAAN

Padugtungan sa mga mag-aaral ang sumusunod na mga pahayag.

Kung ako si Don Pedro, ang dapat kong gawin ay _________.


Kung ako si Do Diego, ang dapat kong gawin ay __________.
Kung ako si Do Juan, ang dapat kong gawin ay __________.
Kung ako si Haring Fernando, ang hindi ko dapat gawin ay__________________.

PAGTATAYA

Magpapasulat ng isang sanaysay na naglalahad ng


saloobin ng mga mag-aaral kaugnay ng pinagdaanan ni
Don Juan sa kanyang mga kapatid.

Pamantayan 5 4 3 2 1
Kompleto at malinaw na
naipahahayag ang damdamin
kaugnay sa paksa.

Mahusay na naiuugnay ang


pangyayari sa tauhan sa sariling
karanasan.

Nakapupukaw ng interes ang


panimula at wakas.

Wasto ang gamit ng bantas, salita,


at pagbabaybay.
5 – Napakahusay
4 – Mahusay
3 – Katamtamang Husay
2 – Sadyang Di-mahusay
1 – Kailangan pa ng Pagsasanay

TAKDANG-ARALIN

Pagpapatuloy ng gawain bilang gawaing-bahay

Sabjek: FILIPINO Baitang: 7


Petsa: Sesyon: 11
Pamantayang Ang mag-aaral ay nagpapamalas ng pag-unawa sa Ibong
Pangnilalaman: Adarna bilang isang obra maestra sa Panitikang Pilipino.
Naisasagawa ng mga mag-aaral ang malikhaing
Pamantayan sa Pagganap: pagtatanghal ng ilang saknong ng koridong naglalarawan
ng mga pagpapahalagang Pilipino.
Natutukoy ang mahahalagang detalye at mensahe ng
napakinggang bahagi ng akda.
(PN)F7PN-Iva-b-18
Nabibigyang –linaw at kahulugan ang mga di-pamilyar na
Kompetensi: salita mula sa akda.
(PT)F7PT-IVc-d-19
Naibabahagi ang sariling damdamin at saloobin sa
damdamin ng tauhan sa napakinggang bahagi ng akda.
(PN) F7PN-IVe-f-20

Natutukoy ang mga mahahalagang pangyayari sa


I. LAYUNIN nilalaman ng saknong 400-442.
Kaalaman:
Nakapagpapahayag nang mabisang kaisipan tungkol sa
pangyayari sa akda.

Saykomotor: Nakagagamit ng diksyonaryo sa paghahanap ng kahulugan


sa mga piling salita mula sa akda.

Apektiv: Napatatalas ang kaisipan sa paggamit ng mga piling salita


sa isang pangungusap.
II. PAKSANG-ARALIN Ibong Adarna
A.PAKSA Saknong 400-442
Rex Interactive;Supplemental Lessons(Filipino;Baitang 7 sa
Ikaapat na Markahan)
B.SANGGUNIAN
Ibong Adarna interpretasyon nina: Glady E. Gimena at
Leslie S. Navarro
C.KAGAMITANG
Sipi ng saknong 400-442 ng koridong Ibong Adarna
PAMPAGTUTURO
III.PAMAMARAAN

A.PAGHAHANDA
Pangmotibasyunal na Itanong sa mga mag-aaral:
tanong: 1. Anong madalas ninyong pagtalunan o pag-awayan
ng iyong kapatid?
2. Paano kayo nagpapatawaran sa isa't-isa?
3. Gaano kahalaga ang pagpapatawad sa isa't-isa?

Think-Pair-Share: Papiliin ang mga mag-aaral ng kapareha


at hayaan silang magbahagi ng sagot sa tanong sa ibaba.
Aktiviti/Gawain
Punan ang T-chart na nasa ibaba
Dapat bang magtiwala pa sa taong minsan nang
nagtaksil sa iyo?
Oo Hindi

B.PAGLALAHAD Pagpapabasa ng mga saknong ng Ibong Adarna.


Abstraksyon Hahatiin ang klase sa apat na pangkat. Bibigyan ang bawat
(Pamamaraan ng pangkat ng saknong na kanilang babasahin at ibabahagi
Pagtatalakay) nila ito sa klase sa pamamagitan ng isang masining na
pagbasa.

Pangkat 1: Saknong 400-416(Ang Muling Pagtataksil)


Pangkat 2: Saknong 417-428(Ang Muling Pagtataksil)
Pangkat 3: Saknong 429-435(Ang Muling Paglisan ng
Bunsong Prinsipe)
Pangkat 4: Saknong 436-442(Ang Muling Paglisan ng
Bunsong Prinsipe)

C.PAGSASANAY Bibigyang kahulugan ng mga mag-aaral ang sumusunod na


Mga Paglilinang ng mga salitang sinalungguhitan na ginamit sa bawat
Gawain taludtod. Gagamit ng diksyonaryo para dito ang mga mag-
aaral.

a. Ang sa inyo ay magsukab sa akin ay magbabayad.


b. Bago mitak ang umaga si Don Juan ay umalis na.
c. Gaano ang panginginig mga mata'y nanlilisik.
d. Itong anak na suwail, magbulaan ay magaling!

D.PAGLALAPAT Gagamitin sa sariling pangungusap ng mga mag-aaral ang


Aplikasyon mga salitang may salunggguhit.
E.PAGLALAHAT Magtatanong ang guro sa napag-alaman ng mga mag-aaral
Generalisasyon batay sa pagbabahagi at sasagutan ng mga mag-aaral ang
mga tanong inihanda ng guro.

1. Ano ang dahilan ng muling paglisan ni Don Juan?


2. Bakit muling nagtaksil sina Don Pedro at Don Diego
kay Don Juan?
3. Anong uring damdamin ang naghahari sa
magkapatid na Don Pedro at Diego?

IV.PAGTATAYA Magtatanong ang guro sa napag-alaman ng mga mag-aaral


at sasagutan ng mga mag-aaral ang mga tanong inihanda
ng guro.

1. Anong uring pagtataksil ang ginawa ng magkapatid na


Don
Diego at Don Pedro?

2. Bakit iyon ginawa ng magkapatid kay Don Juan?


Ibigay ang kabutihan at di-kabutihang naidudulot ng inggit
gamit ang fishbone map.

V.TAKDANG-ARALIN

SESYON: 11

Aralin: Ibong Adarna (Saknong 400-442)

TUKLASIN
Ang samahan ng magkakapatid ay mahalaga ngunit kung may pag-iimbot sa
puso ay maaaring ito masira. Sa araling ito ay tuklasin natin ang naging bunga
ng paninibugho nina Don Pedro at Don Diego kay Don Juan.

MOTIBASYUNAL NA TANONG
Itanong sa mga mag-aaral:
1. Anong madalas ninyong pagtalunan o pag-awayan ng iyong kapatid?
2. Paano kayo nagpapatawaran sa isa't-isa?
3. Gaano kahalaga ang pagpapatawad sa isa't-isa?

GAWAIN 1
Think-Pair-Share: Pumili ng kapareha at magbahagi ng sagot sa tanong sa ibaba.

Punan ang T-chart na nasa ibaba


Dapat bang magtiwala pa sa taong minsan nang nagtaksil sa iyo?
Oo Hindi

PAGSUSURI
Basahin ang mga piling saknong ng Ibong Adarna.
Saknong 400-428(Ang Muling Pagtataksil)
Saknong 429-442(Ang Muling Paglisan ng Bunsong Prinsipe)

ALAM MO BA NA…
Labis na nalugod ang hari sa Ibong Adarna. Gabi-gabi nitong
dinadalaw ang mahiwagang ibon sa hawla. Maging ang reyna ay
nakadama ng panibugho dahil sa labis na kaluguran ng hari sa ibon.
Upang hindi na mawalay ang ibon ay nagpasya ang hari na pabantayan ito sa mga
anak. Nagbilin ang hari na mananagot sa kanya ang sinumang magpabaya sa tatlo.
Halinhinan ang tatlong prinsipe sa pagbabantay. Ikinainis ni Don Pedro na naging
tagapagbantay lamang siya ng ibon gayong isa siyang prinsipe. Si Don Diego ay
madalas antukin at naiinip sa bagal ng oras habang nagbabantay. Kinakausap naman
ni Don Juan ang Ibong Adarna sa tuwing siya ang tagapagbantay upang hindi dalawin
ng antok. Muling nagplano ng kataksilan sina Don Pedro at Don Diego.May pag-
aalinlangan si Don Diego subalit nangako si Don Pedro na ito ang magiging kanang
kamay sakaling siya na ang maging hari.

Sa dalawang magkasunod na iskedyul ng pagbabantay sa Ibong Adarna ay


nakatulog si Don Juan sa labis na puyat at pagod. Hindi niya namalayan nang
pakawalan nina Don Pedro at Don Diego ang Ibong Adarna. Hindi pa man nagliliwanag
ay nagpasya nang lumisan ni Don Juan sapagkat nabatid na niya ang naging
pagkakamali at kailangan niyang magtago. Sa paggising ng hari sa umagang iyon ay
agad nagtungo sa silid na kinaroroonan ng Ibong Adarna.
Laking panggigilalas niya nang malamang wala ng ibon sa hawla.Agad
ipinatawag ng hari ang tatlong anak subalit dalawa lamang ang humarap. Muling
humabi ng kasinungalingan ang dalawang buhong na prinsipe subalit hindi agad sila
pinaniwalaan ng hari. Ipinahanap ng hari ang bunsong anak ngunit hindi na ito
natagpuan sa loob ng palasyo. Sinabi nina Don Diego at Don Pedro na nagtaksil si Don
Juan at kanilang hahanapain upang iharap sa ama para mapatawan ng parusa.
Umalis ang dalawa upang hanapin ang nagtatagong si Don Juan. Nilakbay nila ang
bukid, burol at bundok subalit hindi nila natagpuan ang bunsong kapatid. Hanggang
sa narating nila ang kabundukan ng Armenya kung saan naroon si Don Juan.

PAGSASANAY
Bigyang kahulugan ang sumusunod na mga salitang sinalungguhitan na
ginamit sa bawat taludtod. Gumamit ng diksyonaryo para sa pagbibigay ng
kahulugan.
1. Ang sa inyo ay magsukab sa akin ay magbabayad.
2. Bago mitak ang umaga si Don Juan ay umalis na.
3. Gaano ang panginginig mga mata'y nanlilisik.
4. Itong anak na suwail, magbulaan ay magaling!

GAWAIN 4
Word Association: Magbigay ng salita na maiuugnay sa mga salitang nasa loob
ng bilog.

suwail mitak

magsukab nanlilisik

PAGLALAPAT
 Gamitin sa sariling pangungusap ang mga salitang may salungguhit sa Gawain 3.

TANDAAN
Sa kabanatang ito napag-alaman ang muling pagtataksil ng magkapatid
na Don Pedro at Don Diego. Sa labis na paninibugho ay pinakawalan ng
dalawang buhung ang Ibong Adarna nang sa gayon mapahamak ang bunsong si
Don Juan.

PAGTATAYA
Sagutin ang mga sumusunod na tanong tungkol sa saknong 400-442 ng Ibong Adarna.
1. Anong uring pagtataksil ang ginawa ng magkapatid na Don Diego at Don Pedro?
2. Bakit iyon ginawa ng magkapatid kay Don Juan?

TAKDANG-ARALIN

Ibigay ang kabutihan at di-kabutihang naidudulot ng inggit gamit ang fishbone


map.

Sabjek: FILIPINO Baitang: 7


Petsa: Sesyon: 12
Pamantayang Ang mag-aaral ay nagpapamalas ng pag-unawa sa Ibong
Pangnilalaman: Adarna bilang isang obra maestra sa Panitikang Filipino.
Naisasagawa ng mga mag-aaral ang malikhaing pagtatanghal
Pamantayan sa
ng ilang saknong ng koridong naglalarawan ng mga
Pagganap:
pagpapahalagang Pilipino.
Natutukoy ang mahahalagang detalye at mensahe ng
napakinggang bahagi ng akda.
(PN)F7PN-Iva-b-18
Kompetensi:
Naibabahagi ang sariling damdamin at saloobin sa damdamin
ng tauhan sa napakinggang bahagi ng akda.
(PN) F7PN-IVe-f-20
I. LAYUNIN
Natutukoy ang mga mahahalagang pangyayari sa nilalaman ng
Kaalaman:
saknong 443-503.

Saykomotor: Nakabubuo ng isang patalastas tungkol sa pagmamahal at


pagpapahalaga sa samahan ng magkakapatid.
Apektiv: Nakapagbibigay ng reaksyon batay sa mga pangyayari sa akda.
II. PAKSANG-ARALIN Ibong Adarna
A.PAKSA Saknong 443-503
Rex Interactive;Supplemental Lessons(Filipino;Baitang 7 sa
Ikaapat na Markahan)
B.SANGGUNIAN
Ibong Adarna interpretasyon nina: Glady E. Gimena at Leslie S.
Navarro
C.KAGAMITANG
Sipi ng saknong 443-503 ng koridong Ibong Adarna
PAMPAGTUTURO
III.PAMAMARAAN

A.PAGHAHANDA Itanong sa mga mag-aaral:


Pangmotibasyunal na
tanong: 1. Ano ang ibig sabihin ng paraiso?
2. Naniniwala ba kayong may paraiso?

Pagsusulat ng ideya sa salitang “Paraiso” sa pamamagitan ng


Aktiviti/Gawain Word Web

PARAISO

B.PAGLALAHAD Pagpapabasa ng mga saknong ng Ibong Adarna.


Abstraksyon Hahatiin ang klase sa apat na pangkat. Bibigyan ang bawat
(Pamamaraan ng pangkat ng saknong na kanilang babasahin at ibabahagi nila ito
Pagtatalakay) sa klase sa pamamagitan ng isang masining na pabasa.

Pangkat 1: Saknong 443-463(Ang Bagong Paraiso)


Pangkat 2: Saknong 464-479(Ang Bagong Paraiso)
Pangkat 3: Saknong 480-491(Ang Mahiwagang Balon ng
Armenya)
Pangkat 4: Saknong 492-503(Ang Mahiwagang Balon ng
Armenya)

C.PAGSASANAY Hahatiin sa limang pangkat ang klase at bawat pangkat ay


Mga Paglilinang ng iguguhit ang tagpuan sa aralin (Kabundukan ng Armenya at
Gawain Mahiwagang Balon).

Kabundukan ng Mahiwagang Balon


Armenya
D.PAGLALAPAT Magbabahagi ng saloobin/reaksiyon ang mga mag-aaral
Aplikasyon kaugnay ng ipinapahayag na damdaming namayani sa bawat
saknong mula sa akda.

Saknong Saloobin/Reaksiyon
463 Sa dibdib may nakapako
ang subyang ng pagsiphayo
ang nanaig din sa kuro'y
hinahon ng kanyang puso
474 Langit man ay marating
sapilitang aakyatin
matapos lang yaong lihim
na balot ng salamisim
498 Sa lalim na walang hanggan
ang takot ay umiral
at kung doon ay nagtagal
mapapatid yaring buhay

E.PAGLALAHAT Magtatanong ang guro sa napag-alaman ng mga mag-aaral


Generalisasyon batay sa pagbabahagi ng bawat pangkat at sasagutan ng mga
mag-aaral ang mga tanong na inihanda ng guro.

1. Paano ninyo mailalarawan ang kahariang Armenya at ang


mahiwagang balon?
2. Ano ang damdaming naghahari kay Don Pedro at Don
Diego habang naghihintay kay Don Juan?

IV.PAGTATAYA Aatasan ang mga mag-aaral na bumuo ng isang patalastas


tungkol sa pagmamahal at pagpapahalaga sa samahan ng
magkapatid.

Paghusayin
Napakahusay Mahusay
Pamantayan Pa
4-5 puntos 3-2 puntos
1 puntos
Malinaw at May
makabuluhan kabuluhan Hindi
ang ang malinaw ang
pagpapaliwan ginawang kaugnayan
Nilalaman ag sa salitang pagpapaliwan ng piniling
kumakatawan ag subalit salita sa
sa paksang may ilang paksang
tinalakay mga diwang tinatalakay
malabo
Pagkamalikha Kitang-kita Kapansin- Hindi
in at ang pansin na kinakitaan ng
hindi
gaanong
pagpapamala
nakapagmala
s ng pagkamalikh
s
pagkamalikha ain at
ng
Maparaan in at maparaan sa
pagkamalikha
maparaan sa pagbuo ng
in at
pagbuo ng patalastas
maparaan sa
patalastas
pagbuo ng
patalastas
Di-gaanong
May iilang naisaalang-
Wasto't
mga alang ang
angkop ang
pagkakamali wasto't
paggamit ng
sa paggamit angkop na
Wika mga
ng paggamit ng
bantas,bayba
bantas,bayba mga
y at gamit ng
y at gamit ng bantas,bayba
mga salita
salita y at gamit ng
mga salita
Gumuhit ng isang simbolo na maglalarawan sa samahan ng
magkakapatid.

Magkakapatid
V.TAKDANG-ARALIN

SESYON: 12

Aralin: Ibong Adarna (Saknong 443-503)

TUKLASIN
Sa muling paglisan ni Don Juan ay mapapadpad siya sa lugar na tila paraiso ang ganda.
Ano kaya ang matutuklasan ni Don Juan sa nasabing lugar? Halika at lakbayin natin ang
nakatagong paraiso ng kabundukan ng Armenya.

MOTIBASYUNAL NA TANONG

1. Ano ang ibig sabihin ng paraiso?


2. Naniniwala ba kayong may paraiso?

GAWAIN 1
Pagbibigay ng ideya sa kahulugan ng salitang “PARAISO”

PARAISO

PAGSUSURI
Basahin ang mga piling saknong ng Ibong Adarna.
Saknong 443-479(Ang Bagong Paraiso)
Saknong 480-503(Ang Mahiwagang Balon ng Armenya)

ALAM MO BA NA…

Isang paraiso sa kagandahan ang kabundukan ng


Armenya. Napakaganda ng paligid. Maraming hayop at mga pananim
dito gaya ng mga puno at bungang kahoy. Napakarami ring ibon dito gaya ng
maya, pugo at kalaw may pandanggo at kumintang, may mga limbas, uwak at
lawin. Napakalinaw ng tubig sa batis at napakaraming suso na nakakapit sa mga
batuhan. Walang magugutom sa pook na iyon dahil sa mayamang kalikasan. Doon
na nanirahan si Don Juan upng pagtakpan at huwag maparusahan ang tunay na
may sala sa pagkawala ng Ibong Adarna. Nahihiya si Don Diego na humarap kay
Don Juan dahil sa nagawa na namang pagkakasala subalit dahil sa panunulsol ni
Don Pedro ay nagpasya silang manirahan na rin doon kasama ni Don Juan.

Hindi naman nagawang tumanggi ni Don Juan dahil sa pagmamahal sa mga


kapatid. Isang magandang bahay na gawa sa kahoy ang naging tahanan ng tatlong
prinsipe at maligaya silang nanirahan sa Armenya. Napakaamo ng mga hayop sa
kanila at tila mga panginoon sila kung ituring. Sa paglipas ng panahon, nagpasya
ang tatlo na tuklasin ang bahagi ng kabundukan na hindi pa nila nararating. Sa
katanghaliang tapat ay naglakbay ang tatlo para maghanap ng bagong kapalaran.
Isang balon ang nakita ng tatlong magkakapatid na prinsipe.

Ang bunganga ng balon ay batong marmol na makinis at ang lumot sa


paligid ay mga gintong nakaukit. Namangha ang tatlong prinsipe habang
nakatingin sa napakalalim na balon gayong wala itong tubig. May lubid na naroon
upang magamit ng sinumang nais magtangkang bumaba. Naunang bumaba ng
balon si Don Pedro sapagkat siya ang panganay. Tatlumpung dipa lamang ang
nalusong ni Don Pedro sapagkat hindi niya nagawang tagalan ang labis na
kadiliman sa loob ng balon. Ang sumunod na bumaba ng balon ay si Don Diego
ngunit hindi rin niya iyon nagawang tagalan.

Natulala sa takot ang pangalawang prinsipe nang tangkaing tuklasin ang


lihim ng balon. Si Don Juan ang pinakahuling sumubok na bumaba ng balon.
Bagamat napakadilim sa loob ng balon ay buong tapang na hinarap ni Don Juan
ang malaking takot na hindi nagawang harapin ng dalawang kapatid. Malalim na
ang narating ni Don Juan at patuloy pa rin siya sa pagbaba. Naiinip na si Don Pedro
sapagkat hindi pa umaahon si Don Juan samantalang nababahala na si Don Diego
na baka napahamak ang bunsong kapatid.

PAGSASANAY

Iguhit ang tagpuan sa aralin (Kabundukan ng Armenya at Mahiwagang Balon).

Kabundukan ng Armenya Mahiwagang Balon

GAWAIN 4

GAWAIN 4.
Isulat ang pagkakalarawan sa dalawang tagpuan batay sa piling saknong sa aralin.
Armenya Mahiwagang Balon

PAGLALAPAT
Magbabahagi ng saloobin/reaksiyon kaugnay ng ipinapahayag na damdaming namayani sa
bawat saknong mula sa akda.
Saknong Saloobin/Reaksiyon
463 Sa dibdib may nakapako
ang subyang ng pagsiphayo
ang nanaig din sa kuro'y
hinahon ng kanyang puso
474 Langit man ay marating
sapilitang aakyatin
matapos lang yaong lihim
na balot ng salamisim
498 Sa lalim na walang hanggan
ang takot ay umiral
at kung doon ay nagtagal
mapapatid yaring buhay

TANDAAN
Sa araling ito napag-alaman ng magkapatid ang nakatagong yumi ng
Armenya at sa paglipas ng araw ay ipinasya nilang lakbayin ang ibang bahagi
pa ng lugar kung saan natagpuan nila ang isang mahiwagang balon.

PAGTATAYA
Bumuo ng isang patalastas tungkol sa pagmamahal at pagpapahalaga sa
samahan ng magkapatid.

Pamantayan ng Pagmamarka
Napakahusay Mahusay Paghusayin Pa
Pamantayan
4-5 puntos 3-2 puntos 1 puntos
Malinaw at May kabuluhan ang
Hindi malinaw ang
makabuluhan ang ginawang
kaugnayan ng piniling
Nilalaman pagpapaliwanag sa pagpapaliwanag
salita sa paksang
salitang kumakatawan subalit may ilang mga
tinatalakay
sa paksang tinalakay diwang malabo
Kapansin-pansin na
Kitang-kita ang
hindi gaanong Hindi kinakitaan ng
pagpapamalas ng
Pagkamalikhai nakapagmalas pagkamalikhain at
pagkamalikhain at
n at Maparaan ng pagkamalikhain at maparaan sa pagbuo ng
maparaan sa pagbuo
maparaan sa pagbuo patalastas
ng patalastas
ng patalastas
May iilang mga Di-gaanong naisaalang-
Wasto't angkop ang
pagkakamali sa alang ang wasto't
paggamit ng mga
Wika paggamit ng angkop na paggamit ng
bantas,baybay at
bantas,baybay at mga bantas,baybay at
gamit ng mga salita
gamit ng salita gamit ng mga salita

GAWAIN 5
Gumuhit ng isang simbolo na maglalarawan sa samahan ng magkakapatid.

Sabjek: FILIPINO Baitang: 7


Petsa: Sesyon: 13
Pamantayang Ang mag-aaral ay nagpapamalas ng pag-unawa sa Ibong
Pangnilalaman: Adarna bilang isang obra maestra sa Panitikang Filipino.
Naisasagawa ng mga mag-aaral ang malikhaing pagtatanghal
Pamantayan sa
ng ilang saknong ng koridong naglalarawan ng mga
Pagganap:
pagpapahalagang Pilipino.
Naibabahagi ang sariling damdamin at saloobin sa damdamin
ng tauhan sa napakinggang bahagi ng akda.
(PN)F7PN-IVe-f-20
Nabibigyang kahulugan ang mga salitang nagpapahayag ng
Kompetensi: damdamin.
(PT)F7PT-IVc-d-20
Naiuugnay sa sariling karanasan ang mga karanasang
nabanggit sa binasa.
(PS)F7PS-IVc-d-21
I.LAYUNIN Natutukoy ang mga mahahalagang pangyayari sa nilalaman ng
Kaalaman: saknong 504-568
Nakabubuo ng pangungusap gamit ang mga salitang
Saykomotor:
matatagpuan sa aralin.
Nakapagbibigay ng intepretasyon hinggil sa mga bagong
Apektiv:
tauhan sa akda.
II. PAKSANG-ARALIN Ibong Adarna
A.PAKSA Saknong 504-568
Rex Interactive;Supplemental Lessons(Filipino;Baitang 7 sa
Ikaapat na Markahan)
B.SANGGUNIAN
Ibong Adarna interpretasyon nina: Glady E. Gimena at Leslie S.
Navarro
C.KAGAMITANG
Sipi ng saknong 504-568 ng koridong Ibong Adarna
PAMPAGTUTURO
III.PAMAMARAAN
Itanong sa mga mag-aaral:
A.PAGHAHANDA
Pangmotibasyunal 1. Naniniwala ka ba sa pag-ibig sa unang pagkikita?
na 2. Naranasan mo na bang umibig sa unang pagkikita?
tanong: 3. Masasabi bang tunay na pag-ibig ito?

Pagtunghay o pakikinig sa teksto mula sa Bibliya o isinaawit


Aktiviti/Gawain na bersyon ng 1 Corinthians: 13 “Love is patient, love is
kind….” (Ang pag-ibig ay matiyaga, ang pag-ibig ay
mabait….)

B.PAGLALAHAD Pagpapabasa ng mga saknong ng Ibong Adarna.


Abstraksyon Hahatiin ang klase sa limang pangkat. Bibigyan ang bawat
(Pamamaraan ng pangkat ng saknong na kanilang babasahin at ibabahagi nila ito
Pagtatalakay) sa klase sa pamamagitan ng isang masining na pagbasa.

Pangkat 1: Saknong 504-516(Ang Kaakit-akit na si Donya Juana)


Pangkat 2: Saknong 517-530(Ang Kaakit-akit na si Donya Juana)
Pangkat 3: Saknong 531-543(Ang Higanteng Bantay)
Pangkat 4: Saknong 544-557(Ang Higanteng Bantay)
Pangkat 5: Saknong 558-568(Ang Higanteng Bantay)

C.PAGSASANAY Pagpupuna sa nawawalang letra sa loob ng kahon.


Mga Paglilinang ng
Gawain a. Pita ng puso-H_N_ _D_
b. Inimbulong sa itaas-D_I_G
c. Nilalik na bato-N_I_I_K
d. Masapot ng dilim-M_R_I_T
e. Tinantang ang tali-H_N_I_

D.PAGLALAPAT Ang mga mag-aaral ay gagawa ng pangungusap gamit ang mga


Aplikasyon salitang nabigyan ng kahulugan.

E.PAGLALAHAT Magtatanong ang guro sa napag-alaman ng mga mag-aaral


Generalisasyon batay sa pagbabahagi at sasagutan ng mga mag-aaral ang mga
tanong inihanda ng guro.

1. Paano ninyo mailalarawan si Donya Juana?


2. Paano nagapi ni Don Juan ang higante?

IV.PAGTATAYA Pagguhit sa mga bagong tauhan sa akda ng mga mag-aaral.

Isa-isahin ang pagkakasunod ng mga pangyayari sa pagdating


ni Don Juan sa pinakailalim ng bahagi ng balon.

V.TAKDANG-ARALIN 2

3
SESYON: 13

Aralin: Ibong Adarna (Saknong 504-568)

TUKLASIN
Sa nakaraang aralin ay napag-alaman ang isang mahiwagang balon na hindi
masukat malaman ang lalim ngunit sa angking tapang at lakas ng loob ni Don
Juan ay nagawa niyang marating ang pinakamalalim na bahagi ng balon. Sa
araling ito ay higit pa nating malalaman ang kahiwagaang mayroon ang balon
ng Armenya.

MOTIBISYUNAL NA TANONG

Itanong sa mga mag-aaral:


1. Naniniwala ka ba sa pag-ibig sa unang pagkikita?
2. Naranasan mo na bang umibig sa unang pagkikita?
3. Masasabi bang tunay na pag-ibig ito?

GAWAIN 1

Pagtunghay o pakikinig sa teksto mula sa Bibliya o isinaawit na bersyon ng 1


Corinthians: 13 “Love is patient, love is kind….” (Ang pag-ibig ay matiyaga, ang
pag-ibig ay mabait….)

PAGSUSURI
Basahin ang mga piling saknong sa Ibong Adarna.
Saknong 504-530(Ang Kaakit-akit na si Donya Juana)
Saknong 531-568(Ang Higanteng Bantay)

ALAM MO BA NA…
Narating ni Don Juan ang pinakamalalim na bahagi ng balon. Namangha siya
dahil isang napakagandang hardin ang tumambad sa kanyang paningin. Natuklasan
niyang may nakatagong paraiso sa pinakaubod ng lupain ng Armenya. Mahalaman at
mabulaklak ang paligid at humahalimuyak sa bango. May palasyo ritong kumikislap na
yari sa ginto at pilak. Nakita ni Don Juan ang isang babaing diyosa sa kagandahan.
Pakiwari niya ay dinadaya ng langit ang paningin kaya nakakita siya ng isang anghel.
Hindi naman makapaniwala ang prinsesang si Donya Juana na narating ni Don Juan ang
pook na iyon.

Lumuhod si Don Juan sa harap ni Donya Juana at nagpakilalang prinsipe ng


Berbanya. Inihingi ng paumanhin ng prinsipe ang kapangahasang makarating sa pook
na iyon makita lang ang kagandahan ng prinsesa. Sumamo si Don Juan na sana'y
tanggapin ni Donya Juana ang kanyang pag-ibig. Hindi naman siya nabigo sapagkat
umibig din sa kanya ang prinsesa. Ipinagtapat ni Donya Juana kay Don Juan na ang
bantay sa hardin ay isang malupit na higante. Hindi nagtagal ay dumating ang higante
at sinabing may naamoy na tao. Kinilabutan ang prinsesa sa lakas ng tinig ng higante.

Nakita ng higante si Don Juan at laking tuwa nito dahil hindi na kailangang
mamundok para maghanap ng makakain. Nagalit naman si Don Juan at agad hinarap
ang higante. Pinagsabihan niya itong itikom ang bibig sapagkat hindi mangyayari ang
masamang balak. Walang takot na nakipaglaban si Don Juan sa higante sa
pamamagitan ng kanyang napakatalas na espada. Agad na naigupo ng angking galing
ni Don Juan sa pakikipaglaban ang higanteng tampalasan. Ayaw lisanin ni Donya Juana
ang pook na iyon na hindi kasama ang bunsong kapatid na si Prinsesa Leonora.

Hiniling nito kay Don Juan na iligtas din ang kapatid. Muling binalaan ni Donya
Juana si Don Juan sapagkat mas mabagsik ang bantay ni Prinsesa Leonora na walang
iba kundi ang serpyenteng may pitong ulo na kahit tagpasin ay muling tumutubo at
nabubuhay. Sa hindi kalayuang palasyo matatagpuan si Prinsesa Leonora. Natagpuan
ni Don Juan ang palasyong may malaking hagdanang ginto.

PAGSASANAY
Pagpupuna sa nawawalang letra sa loob ng kahon.

a. Pita ng puso-H_N_ _D_


b. Inimbulong sa itaas-D_I_G
c. Nilalik na bato-N_I_I_K
d. Masapot ng dilim-M_R_I_T
e. Tinantang ang tali-H_N_I_

GAWAIN 4
Gumawa ng pangungusap gamit ang mga salitang nabigyan ng kahulugan.

PAGLALAPAT
Isulat ang mga bagong tauhan sa aralin at ang papel na kanilang ginagampanan.
Bagong Tauhan Papel na Ginagampanan
TANDAAN

Natarok ni Don Juan ang dulo ng balon at siya'y napaibig kay Donya
Juana ngunit kinailangan niya munang makipaglaban sa higanteng nagbabantay
sa prinsesa.

PAGTATAYA

Sagutin ang mga sumusunod na tanong tungkol sa saknong 504-568 ng Ibong


Adarna.
1. Paano ninyo mailalarawan si Donya Juana?
2. Paano nagapi ni Don Juan ang higante?

TAKDANG-ARALIN
Isa-isahin ang pagkakasunod ng mga pangyayari sa pagdating ni Don Juan sa
pinakailalim ng bahagi ng balon.

3
Sabjek: FILIPINO Baitang:
Petsa: Sesyon: 14
Pamantayang Ang mag-aaral ay nagpapamalas ng pag-unawa sa Ibong
Pangnilalaman: Adarna bilang isang obra maestra sa Panitikang Pilipino.
Naisasagawa ng mga mag-aaral ang malikhaing pagtatanghal
Pamantayan sa
ng ilang saknong ng koridong naglalarawan ng mga
Pagganap:
pagpapahalagang Pilipino.
Naibabahagi ang sariling damdamin at saloobin sa damdamin
ng tauhan sa napakinggang bahagi ng akda.
(PN) F7PN-IVe-f-20
Kompetensi:
Naiuugnay sa sariling karanasan ang mga karanasang
nabanggit sa binasa.
(PS)F7PS-IVc-d-21
I.LAYUNIN Natutukoy ang mga mahahalagang pangyayari sa nilalaman ng
Kaalaman: saknong 569-658.
Nakapagsusuri sa kahulugan ng simbolo/sagisag sa isang taksil
napag-ibig at tunay na pag-ibig.
Naihahambing ang mga ugali ng iilang mga tauhan sa korido.
Saykomotor:
Nasusuri ang damdaming namayani sa mga tauhan sa akda.
Nakabubuo ng sagisag na naglalarawan sa damdaming nabuo
Apektiv:
ng pangunahing tauhan sa akda.
II. PAKSANG-ARALIN Ibong Adarna
A.PAKSA Saknong 569-658
Rex Interactive;Supplemental Lessons(Filipino;Baitang 7 sa
Ikaapat na Markahan)
B.SANGGUNIAN
Ibong Adarna interpretasyon nina: Glady E. Gimena at Leslie S.
Navarro
C.KAGAMITANG
Sipi ng saknong 569-658 ng koridong Ibong Adarna
PAMPAGTUTURO
III.PAMAMARAAN

A.PAGHAHANDA Itanong sa mga mag-aaral:


Pangmotibasyunal
na 1. Nakakita na ba kayo ng serpyente?
tanong: 2. Paano ninyo mailalarawan ang katangian nito?

Think-Pair-Share: Pumili ng kapareha at magbahagi ng ideya


Aktiviti/Gawain tungkol sa sagisag/kahulugan ng salita sa ibaba

AHAS/SERPYENTE

B.PAGLALAHAD Pagpababasa ng mga saknong ng Ibong Adarna.


Abstraksyon Hahatiin ang klase sa limang pangkat. Bibigyan ang bawat
(Pamamaraan ng pangkat ng saknong na kanilang babasahin at ibabahagi nila ito
Pagtatalakay) sa klase sa pamamagitan ng isang masining na pabasa.

Pangkat 1: Saknong 569-586(Ang Prinsesa na Higit na Kaibig-


ibig)
Pangkat 2: Saknong 587-600(Ang Prinsesa na Higit na Kaibig-
ibig)
Pangkat 3: Saknong 601-617(Ang Prinsesa na Higit na Kaibig-
ibig)
Pangkat 4: Saknong 618-630(Ang Serpyenteng may Pitong Ulo)
Pangkat 5: Saknong 631-658(Ang Serpyenteng may Pitong Ulo)

C.PAGSASANAY Ipatutukoy ang damdaming ipinahiwatig at ipasuri kung ang


Mga Paglilinang ng pag-ibig na namamayani sa mga ito ay positibo o negatibo.
Gawain
Para sa
Nagpahaya positbo
Pahayag Damdamin
g Para sa
negatibo X
“Lilo pa ba Pangungumbin
akong itong si/
Don Pedro
matapat na pagmamakaaw
alipin mo?” a
“Kung nasawi ka
sa balon, bakit
Prinsesa
kaya Pag-aalala
Leonora
nagkagayon….?

Aatasan ang mga mag-aaral na paghambingin sina Donya Juana
D.PAGLALAPAT at Donya Leonora bilang mga babae.
Aplikasyon
Donya Juana Donya Leonora

Magtatanong ang guro sa napag-alaman ng mga mag-aaral


E.PAGLALAHAT batay sa pagbabahagi at sasagutan ng mga mag-aaral ang mga
Generalisasyon tanong inihanda ng guro.

1. Paano ninyo mailalarawan si Donya Juana at Donya Leonora?


2. Bakit kapwa napaibig si Don Juan sa dalawang babae?

Gumupit ng hugis puso sa isang papel. Hatiin ito sa gitna at


IV.PAGTATAYA kulayan o guhitan ng larawan ang bahagi na sumisimbolo sa
isang taksil na pag-ibig (kaliwa) at tunay na pag-
ibig(kanan).Ipaliwanag ang kinalabasan ng gawain sa likod na
bahagi.
Paghambingin ang pagkakaiba ng paraan ng panliligaw noon sa
V.TAKDANG-ARALIN paraan ng panliligaw ng kabataan sa kasalukuyan.

Paraan o Sistema ng Panliligaw ng Kabataang Pilipino


Paraan ng Panliligaw Noon Paraan ng Panliligaw Ngayon

SESYON: 14

Aralin: Ibong Adarna (Saknong 569-658)

TUKLASIN
Sa paggapi ni Don Juan sa higante ay may panibago na namang nakaabang na
panganib sa kanya sa pagtangkang pagligtas sa isang pang prinsesa na higit na
kaibig-ibig.Tuklasin ang kakaibang bangis ng bantay ng Prinsesa Leonora, ang
serpyenteng may pitong ulo.

MOTIBASYUNAL NA TANONG

1) Nakakita na ba kayo ng serpyente?


2) Paano ninyo mailalarawan ang katangian nito?

GAWAIN 1
Think-Pair-Share: Pumili ng kapareha at magbahagi ng ideya tungkol sa
sagisag/kahulugan ng salita sa ibaba.

AHAS/SERPYENTE
PAGSUSURI
Basahin ang mga piling saknong ng Ibong Adarna
Saknong 569-617(Ang Prinsesa na Higit na Kaibig- ibig)
Saknong 618-658(Ang Serpyenteng may Pitong Ulo)

ALAM MO BA NA…

Nabigla ang namimintanang si Prinsesa Leonora nang makita si Don


Juan. Ang palamuti sa bintana ng palasyo ay mga perlas at rubi.
Higit na maningning ang kagandahan ng prinses kaya't labis na nabighani
ang puso ni Don Juan. Agad tinanong ng prinsesa kung sino ang pangahas na
dumating at noon din ay inutusan si Don Juan na lisanin ang pook na iyon. Batid ng
prinsesa na hindi magtatagal ay darating na ang serpyenteng bantay ng palasyo.
Nakiusap at nagmakaawa si Don Juan na siya'y kupkupin ng prinsesa sapagkat tunay
na nabihag ang kanyang puso.

Nakalimot siya sa naghihintay na prinsesang si Donya Juana. Dahil sa


matatamis na salita ay lumambot ang puso ni Prinsesa Leonora at ipinapanhik si
Don Juan sa loob ng palasyo. Agad inalam ni Prinsesa Leonora kung paano
natagpuan ng prinsesa ang pook na iyon. Ipinagtapat ni Don Juan ang naging mga
pagdurusa at pagsisikap upang matuklasan ang hiwaga ng balon. Nangako ng tapat
na pag-ibig si Don Juan kay Prinsesa Leonora bagama’t nangangamba ang prinsesa
na baka maglilo sa pangako ang prinsipe.

Hanggang sa naramdaman nilang yumayanig na ang buong


paligid.Gumapang ang ahas paakyat ng hagdanan. Agad hinarap ni Don Juan ang
serpyente. Maliksi si Don Juan kaya't hindi siya nagawang lingkisin ng ahas.
Tinagpas ni Don Juan ang ulo ng serpyente ngunit muling tumubo iyon at nabuhay.
Nakaramdam ng pagod si Don Juan at sa gitna ng pakikipaglaban ay hindi niya
nakalimutang manalangin. Nanumbalik ang kanyang sigla at higit na naging
matapang. Tatlong oras ang itinagal ng kanilang labanan hanggang sa mapagod ang
serpyente. Inihagis ni Prinsesa Leonora kay Don Juan ang mabagsik na balsamo
upang ilagay sa bawat ulong matatagpas.

Lalong nagalit ang serpyente at muling hinalihaw si Don Juan. Agad namang
nakaiwas sa tiyak na kamatayan ang prinsipe. Muling umigkas ang espada ng
matapang na prinsipe hanggang sa natagpas ang pinakahuling ulo ng ahas. Hindi na
iyon tumubo makaraang lagyan ng balsamo. Naiakyat sa itaas ng balon ang
dalawang prinsesa. Nalaman ng dalawang kapatid ni Don Juan ang pagpaslang niya
sa higante at ahas upang mailigtas ang dalawa. Muling nanaig ang inggit kay Don
Pedro lalo pa at nabighani ito ng kagandahan ni Prinsesa Leonora.

PAGSASANAY
Tukuyin ang damdaming ipinahiwatig at suriin kung ang pag-ibig na namamayani
sa mga ito ay positibo o negatibo.

Para sa positbo
Nagpahayag Pahayag Damdamin Para sa negatibo
X
“Lilo pa ba akong itong matapat
na Pangungumbinsi/
Don Pedro
alipin mo?” pagmamakaawa

“Kung nasawi ka sa balon, bakit


Prinsesa kaya nagkagayon….?” Pag-aalala
Leonora

GAWAIN 4
Isa-isahin ang tatlong mahahalagang pangyayari sa pagdating ni Don Juan sa
kinaroroonan ni Prinsesa Leonora at ang kanyang paggapi sa serpyente.

PAGLALAPAT
Paghambingin sina Donya Juana at Donya Leonora bilang mga babae.
Donya Juana Donya Leonora
TANDAAN
Sa pag-asam ni Don Juan sa pag-ibig ni Donya Leonora ay kailangan niya
munang magapi ang serpyenteng may pitong ulo na kahit tagpasin ay hindi
namamatay ngunit sa tulong ng prinsesa ay nagawa niyang kitlin ang
serpyente.

PAGTATAYA
Gumupit ng hugis puso sa isang papel. Hatiin ito sa gitna at kulayan o
guhitan ng larawan ang bahagi na sumisimbolo sa isang taksil na pag-ibig
(kaliwa) at tunay na pag-ibig(kanan).Ipaliwanag ang kinalabasan ng gawain sa
likod na bahagi.

TAKDANG-ARALIN
Paghambingin ang pagkakaiba ng paraan ng panliligaw noon sa paraan ng
panliligaw ng kabataan sa kasalukuyan.
Paraan o Sistema ng Panliligaw ng Kabataang Pilipino
Paraan ng Panliligaw Noon Paraan ng Panliligaw Ngayon

Kung ako ang papipilin, ang paraan ng panliligaw na nais kong gawin ng kabataan sa
kasalukuyan ay_______________________________________________
dahil________________________________________________________

Sabjek: FILIPINO Baitang: 7


Petsa: Sesyon: 15
Pamantayang Ang mag-aaral ay nagpapamalas ng pag-unawa sa Ibong Adarna
Pangnilalaman: bilang isang obra maestra sa Panitikang Filipino.
Naisasagawa ng mga mag-aaral ang malikhaing pagtatanghal ng
Pamantayan sa
ilang saknong ng koridong naglalarawan ng mga
Pagganap:
pagpapahalagang Pilipino.
Nasusuri ang mga katangian at papel na ginagampanan ng
pangunahing tauhan at mga pantulong na tauhan.
(PB)F7PB-IVg-h-23
Kompetensi:
Naisusulat ang tekstong naglalarawan sa isa sa mga tauhan sa
akda.
(PU)F7PU-IVe-f-21
I.LAYUNIN Natutukoy ang mga mahahalagang pangyayari sa nilalaman ng
Kaalaman: saknong 659-757.

Nakapagbubuo ng mga kaisipan hinggil sa mga pangyayari sa


aralin.
Naihahambing ang mga ugali ng iilang mga tauhan sa korido.
Saykomotor:
Nasusuri ang mga pangyayari sa akda.
Nakabubuo ng tekstong naglalarawan sa katangiang ipinamalas
Apektiv:
ng isang tauhan sa akda.
II. PAKSANG- Ibong Adarna
ARALIN
A.PAKSA Saknong 659-757
Rex Interactive;Supplemental Lessons(Filipino;Baitang 7 sa
Ikaapat na Markahan)
B.SANGGUNIAN
Ibong Adarna interpretasyon nina: Glady E. Gimena at Leslie S.
Navarro
C.KAGAMITANG
Sipi ng saknong 659-757ng koridong Ibong Adarna
PAMPAGTUTURO
III.PAMAMARAAN

A.PAGHAHANDA Itanong sa mga mag-aaral:


1. Alam mo ba ang ibig sabihin ng pagtataksil?
Pangmotibasyunal 2. Nasubukan mo na bang pagtaksilan?
na 3. Ano ang iyong naramdaman ng ikaw ay pinagtaksilan?
tanong:
Think-Pair-Share: Pumili ng kapareha at magbahagi ng ideya
tungkol sa sagot sa ibaba.
Aktiviti/Gawain
Dapat bang magtiwala pa sa taong minsan nang nagtaksil sa
iyo? Oo o Hindi.

B.PAGLALAHAD Pagpababasa ng mga saknong ng Ibong Adarna.


Abstraksyon Hahatiin ang klase sa apat na pangkat. Bibigyan ang bawat
(Pamamaraan ng pangkat ng saknong na kanilang babasahin at ibabahagi nila ito sa
Pagtatalakay) klase sa pamamagitan ng isang masining na pagbasa.

Pangkat 1: Saknong 659-677 (Ang Panibagong Panlilinlang)


Pangkat 2: Saknong 678-711(Ang Panibagong Panlilinlang)
Pangkat 3: Saknong 712-731(Ang Panibagong Panlilinlang)
Pangkat 4: Saknong 732-757 (Ang Lobong Engkantada)

C.PAGSASANAY Hahatiin ang klase sa apat na pangkat at bawat pangkat ay bubuo


Mga Paglilinang ng Story Board kaugnay ng mga Pangyayari sa akda
ng
Gawain
Muling Panibagong Ang kahilingan ni Ang kaligtasan ni
paninibugho pagtataksil ng Donya Leonora Don Juan
nina Don Pedro magkapatid
at Don Diego

Punan ang hinihinging impormasyon sa character values profile.


D.PAGLALAPAT Isulat ang katangian /pagpapahalagang ipinamala sa aralin.
Aplikasyon
Tauhan Pagpapahalagang Ipinamalas
Donya Leonora
Haring Fernando
Lobong Engkantada

Magtatanong ang guro sa napag-alaman ng mga mag-aaral batay


E.PAGLALAHAT sa pagbabahagi ng bawat pangkat at sasagutan ng mga mag-
Generalisasyon aaral ang mga tanong na inihanda ng guro.

1. Bakit muling pinagtaksilan ng kanyang mga kapatid si Don


Juan?
2. Ano ang hiniling ni Donya Leonora kay Haring Fernando?

Ang mga mag-aaral ay pipili ng isang tauhan sa akdang binasa at


IV.PAGTATAYA magsusulat ng isang tekstong naglalarawan sa katangiang
ipinamalas ng tauhan sa akda at iuugnay ito sa sariling katangian.

Paghusayin
Napakahusay Mahusay
Pamantayan Pa
4-5 puntos 3-2 puntos
1 puntos
Malinaw at May
makabuluhan kabuluhan Hindi
ang ang malinaw ang
pagpapaliwan ginawang kaugnayan
Nilalaman ag sa salitang pagpapaliwan ng piniling
kumakatawan ag subalit salita sa
sa paksang ang ilang paksang
tinalakay mga diwa ay tinatalakay
malabo
Kapansin-
Kapuna-puna May
pansin ang
ang kaguluhan
Pagkamalikha kamalayan sa
natatanging ang
in at pagsasaayos
pagsasaayos pagsasaayos
Maparaan at kaisahan
at kaisahan ng at kaisahan
ng mga
mga ideya ng mga ideya
ideya.
Hindi
gaanong
May iilang
Wasto't naisaalang-
mga
angkop ang alang ang
pagkakamali
paggamit ng wasto't
sa paggamit
Wika mga angkop na
ng
bantas,bayba paggamit ng
bantas,bayba
y at gamit ng mga
y at gamit ng
mga salita bantas,bayba
salita
y at gamit ng
mga salita
V.TAKDANG-ARALIN Pagbabalik-aral sa katangian ng Ibong Adarna.
SESYON: 15

Aralin: Ibong Adarna (Saknong 659-757)


TUKLASIN
Ang pananaig ng inggit sa isang tao ay kadalasang naghahatid ng kapahamakan.Sa aralin
ito malalaman natin ang bunga na lubhang paninibugho ni Don Pedro sa kanyang sariling
kapatid na si Don Juan.

MOTIBASYUNAL NA TANONG
1) Alam mo ba ang ibig sabihin ng pagtataksil?
2) Nasubukan mo na bang pagtaksilan?
3) Ano ang iyong naramdaman ng ikaw ay pinagtaksilan?

GAWAIN 1

Think-Pair-Share: Pumili ng kapareha at magbahagi ng ideya tungkol sa tanong sa


ibaba.

Dapat bang magtiwala pa sa taong minsan nang nagtaksil sa iyo? Oo o Hindi.

PAGSUSURI
Basahin ang mga piling saknong ng Ibong Adarna.
Saknong 659-731(Ang Panibagong Panlilinlang)
Saknong 732-757 (Ang Lobong Engkantada)

ALAM MO BA NA…
Naiwan ni Prinsesa Leonora ang singsing na diyamante na pamana ng
ina. Ang kanyang lobo lamang ang naisama. Nagpasya si Don Juan na
balikan iyon kahit tutol ang prinsesa. Bumaba sa malalim na balon si Don
Juan ngunit pinutol ni Don Pedro ang lubid. Hinimatay si Prinsesa Leonora dahil sa
kataksilang iyon at nang matauhan ay nasa bisig na siya ng prinsipeng sukab.
Ipinangako ni Don Pedro na magiging reyna ng Berbanya si Prinsesa Leonora.
Pinakawalan ng prinsesa ang lobong engkantada at inutusang iligtas si Don Juan.
Nanaginip si Haring Fernando na ang bunsong si Don Juan ay muli namang
pinagtaksilan. Ibinalita ng ministro ang pagdating ng mga prinsipe. Nakaluhod sina Don
Pedro at Don Diego kasama ang dalawang prinsesa nang datnan ng hari.
Sinabi ni Don Pedro na hindi nila natagpuan si Don Juan at sa halip ay ang dalawang
prinsesa ang kanilang nailigtas sa kamay ng higante at serpyente. Hiniling ni Don Pedro
na silang apat ay maikasal sa lalong madaling panahon. Hiniling naman ni Prinsesa
Leonora sa hari na siya ay ipakasal pagkaraan ng pitong taon sapagkat siya ay may
panata. Sumang-ayon ang hari at itinakda ang kasal nina Donya Juana at Don Diego.
Nagkaroon ng siyam na araw na pagsasaya sa kaharian. Inabutan ng engkantadang
lobo si Don Juan na duguan at lamog ang katawan. Mabilis na kumilos ang lobo upang
kumuha ng tatlong bote at agad na nagtungo sa Ilog Jordan.

Bagamat may mahigpit na tagapagbantay ang ilog ay nagawa itong linlangin ng


lobo upang malagyan ng tubig ang tatlong bote. Natuklasan iyon ng bantay at hinabol
ang lobo. Tumalon ang lobo sa bangin ng isang burol upang hindi masukol. Nakabalik
ang lobo at agad ipinahid ang tubig sa buong katawan ni Don Juan. Nanumbalik agad
ang lakas ng prinsipe at nabahaw ang mga sugat. Nilapitan niya ang lobo at niyakap.
Para namang bata ang lobo na kumandong nang buong tuwa kay Don Juan. Nagbalik
sila ng palasyo upang kunin ang diyamanteng singsing ni Prinsesa Leonora.

Naghintay lamang sa labas ng palasyo ang lobo. Sa tulong din ng lobo ay


madaling nakaahon ng balon si Don Juan. Agad na ring nagpaalam ang lobo at iniwanan
na si Don Juan na maglalakbay pa sa liblib ng kabundukan. Pabalik na ng Berbanya si
Don Juan ngunit siya'y napagod. Natagpuan niya ang isang punongkahoy na mayabong
at doon siya nagpahinga.

PAGSASANAY
Bumuo ng Story Board kaugnay ng mga pangyayari sa akda.

Muling Panibagong Ang kahilingan ni Ang kaligtasan ni


paninibugho nina pagtataksil ng Donya Leonora Don Juan
Don Pedro at Don magkapatid
Diego

GAWAIN 4
Itala ang mga kasinungalingang sinabi nina Don Pedro at Don Diego tungkol kay Don Juan.
1 2 3

PAGLALAPAT
Punan ang hinihinging impormasyon sa character values profile. Isulat ang katangian
/pagpapahalagang ipinamala sa aralin.
Tauhan Pagpapahalagang Ipinamalas
Donya Leonora
Haring Fernando
Lobong Engkantada

TANDAAN
Sa labis na paninibugho ay muling pinagtaksilan nina Don Pedro at Don
Diego si Don Juan. Pinutol ng sukab na si Don Pedro ang lubid upang
malalag sa balon ang kapatid nang sa gayon ito ay masawi at mapa sa
kanya si Prinsesa Leonora pero lingid sa kanyang kaalaman inutusan ng
prinsesa ang alagang lobo upang hanapin at tulungan ang kaawa-awang SI
Don Juan.

PAGTATAYA

Pumili ng isang tauhan sa akdang binasa at sumulat ng isang tekstong


naglalarawan sa katangiang ipinamalas ng tauhan sa akda at iuugnay ito sa sariling
katangian.
Napakahusay Mahusay Paghusayin Pa
Pamantayan
4-5 puntos 3-2 puntos 1 puntos
Malinaw at May kabuluhan Hindi malinaw ang
makabuluhan ang ang ginawang kaugnayan ng piniling
pagpapaliwanag sa pagpapaliwanag salita sa paksang
Nilalaman salitang subalit ang ilang tinatalakay
kumakatawan sa mga diwa ay
paksang tinalakay malabo

Pagkamalikhain Kapuna-puna ang Kapansin-pansin May kaguluhan ang


at Maparaan natatanging ang kamalayan pagsasaayos at
pagsasaayos at sa pagsasaayos kaisahan ng mga
kaisahan ng mga at kaisahan ng ideya
ideya mga ideya.

May iilang mga Hindi gaanong


pagkakamali sa naisaalang-alang ang
Wasto't angkop ang
paggamit ng wasto't angkop na
Wika paggamit ng mga
bantas,baybay paggamit ng mga
bantas,baybay at
at gamit ng bantas,baybay at
gamit ng mga salita
salita gamit ng mga salita

TAKDANG-ARALIN
Pagbabalik-aral sa katangian ng Ibong Adarna.

Sabjek: FILIPINO Baitang: 7


Petsa: Sesyon: 16
Pamantayang Ang mag-aaral ay nagpapamalas ng pag-unawa sa Ibong
Pangnilalaman: Adarna bilang isang obra maestra sa Panitikang Filipino.
Naisasagawa ng mga mag-aaral ang malikhaing
Pamantayan sa Pagganap: pagtatanghal ng ilang saknong ng koridong naglalarawan
ng mga pagpapahalagang Pilipino.
Nahihinuha ang maaaring mangyari sa tauhan batay sa
napakinggang bahagi ng akda.
(PN)F7PN-IVe-f-22
Naipapahayag ang sariling saloobin, pananaw at damdamin
tungkol sa ilang napapanahong isyu kaugnay ng isyung
Kompetensi: tinalakay sa akda.
(PS)F7PS-IVC-D-22
Naisusulat nang may kaisahan at pagkakaugnay ang isang
talatang naglalahad ng sariling saloobin, pananaw at
damdamin.
(PU)F7PU-IVe-f-22
I.LAYUNIN Natutukoy ang mga mahahalagang pangyayari sa
Kaalaman: nilalaman ng saknong 758-831.

Nahihinuha ang maaaring mangyari sa tauhan sa akdang


binasa.
Naisusulat mahahalagang kaisipan na natutuhan sa aralin.
Saykomotor:
Apektiv: Nakabubuo ng isang tanong na nais iparating sa tauhan.
II. PAKSANG-ARALIN Ibong Adarna
A.PAKSA Saknong 758-831
Rex Interactive;Supplemental Lessons(Filipino;Baitang 7 sa
Ikaapat na Markahan)
B.SANGGUNIAN
Ibong Adarna interpretasyon nina: Glady E. Gimena at
Leslie S. Navarro
C.KAGAMITANG
Sipi ng saknong 758-831ng koridong Ibong Adarna
PAMPAGTUTURO
III.PAMAMARAAN

A.PAGHAHANDA
Pangmotibasyunal na Pagtatanong sa mga mag-aaral:
tanong:
1. Ano ang inyong mararamdaman kapag natagpuan
ninyo ang isang bagay na matagal na ninyong
hinahanap?
2. Ano ang inyong magiging reaksiyon kapag ang
nalaman ninyong sariling kapatid ninyo ay naglilo sa
inyo? Ipaliwanag.
Ang mga mag-aral ay magbabahagi ng isang
Aktiviti/Gawain bagay/pangyayari na kanilang natuklasan at hindi nila
malilimutan.

B.PAGLALAHAD Pagpapabasa ng mga saknong ng Ibong Adarna.


Abstraksyon Hahatiin ang klase sa limang pangkat. Bibigyan ang bawat
(Pamamaraan ng pangkat ng saknong na kanilang babasahin at ibabahagi
Pagtatalakay) nila ito sa klase sa pamamagitan ng isang masining na
pabasa.

Pangkat 1: Saknong 758-774(Ang Muling Pagkikita ng Ibong


Adarna at ni Don Juan)
Pangkat 2: Saknong 775-794(Ang Muling Pagkikita ng Ibong
Adarna at ni Don Juan)
Pangkat 3: Saknong 795-803(Ang Pagtuklas ng Bagong
Daigidig)
Pangkat 4: Saknong 804-818(Ang Pagtuklas ng Bagong
Daigidig)
Pangkat 5: Saknong 819-831-(Ang Pagtuklas ng Bagong
Daigidig)

C.PAGSASANAY Pagpapasulat ng isang talata na naglalaman sa mga


Mga Paglilinang ng mahalagang pangyayari at ang maaaring mangyari sa
Gawain tauhan sa akdang binasa.

D.PAGLALAPAT Ipapagawa sa mga mag-aaral ang estratehiyang 3-2-1.


Aplikasyon
3: Magbigay ng tatlong mahahalagang kaisipan na
natutuhan
sa aralin.
2: Magmungkahi ng dalawang paraan na maaaring gawin
upang mapagyaman pa ang aralin at pagtatalakay.
1: Bumuong isang tanong na nais iparating sa tauhan.

E.PAGLALAHAT Pagpili ng iilang estudyante na magbabahagi ng sagot.


Generalisasyon

IV.PAGTATAYA Magtatanong ang guro tungkol sa ginawang estratehiyang


3-2-1 ng mga mag-aaral.

1. Ano ang mahahalagang kaisipang napulot sa


kabanata?
2. Paano nabago ng mga pangyayari sa kabanata si
Don Juan?
Ilarawan ang kahulugan ng mga sumusunod na salita batay
V.TAKDANG-ARALIN sa inyong pagkakaintindi.
kapirasong baro, ermitanyo at Cristales.
SESYON: 16

Aralin: Ibong Adarna (Saknong 758-831)

TUKLASIN
Hindi matatawaran ang sayang maidudulot sa isang indibidwal kapag ang
matagal ng inaasam o hinahanap ay matatagpuan. Tuklasin natin sa araling ito
ang natagpuan ni Don Juan na nagbigay sa kanya ng galak sa kabila ng paglililo
ng kanyang dalawang kapatid.

MOTIBASYUNAL NA TANONG
1) Ano ang inyong mararamdaman kapag natagpuan ninyo ang isang bagay
na matagal na ninyong hinahanap?
2) Ano ang inyong magiging reaksiyon kapag ang nalaman ninyong sariling
kapatid ninyo ay naglilo sa inyo? Ipaliwanag.

GAWAIN 1

Magbahagi ng isang bagay/pangyayari na iyong natuklasan at hindi mo


malilimutan.

PGSUSURI
Basahin ang mga piling saknong sa Ibong Adarna.
Saknong 758-794(Ang Muling Pagkikita ng Ibong Adarna at ni Don Juan)
Saknong 795-831(Ang Pagtuklas ng Bagong Daigidig)
ALAM MO BA NA…

Umawit ang Ibong Adarna upang gisingin si Don Juan. Nagising ang
prinsipe at laking tuwa niya nang makita ang ibon na nakadapo sa sanga. Sa
pamamagitan ng awit ay nagsalaysay ang ibon kay Don Juan. Nalaman niyang kaya
umalis ang ibon ay nais lamang siyang iligtas nito sa isang pasakit. Ang tunay na pakay
nina Don Pedro at Don Diego ay patayin silang dalawa. Inutusan ng Ibong Adarna na
maglakbay si Don Juan patungo sa isang napakalayong reyno na isang napakagandang
kaharian sa dakong silangan. Anang mahiwagang ibon, doon ay matatagpuan ng

prinsipe ang tatlong magkakapatid na prinsesa na sina Isabel, Juana at Maria Blanca. Ang
tatlo ay mutyang anak ni Haring Salermo, isang haring ubod ng tuso at talino.

Sinabi ng ibon kay Don Juan na si Maria Blanca ang piliin sa tatlong prinsesa
sapagkat ang ganda nito ay walag kaparis. Sa payo ng Ibong Adarna naglakbay si Don
Juan upang hanapin ang Reyno de los Cristales. Samantala, sa palasyo ng Berbanya ay
patuloy na tumatangis si Prinsesa Leonora. Ayaw mawala ang pag-aalala ng prinsesa na
baka hindi nailigtas ng lobong engkantada si Don Juan. Umaasa siyang sana ay dalawin
kahit ng kaluluwa ng prinsipeng pinakaiibig. Sa loob ng tatlong taon ay naglakad sa
parang at mga gubat si Don Juan. Sa halip na matagpuan ang Reyno delos Cristales ay
lalo siyang naligaw at napalayo.

Natagpuan niya ang isang matanda sa paglalakbay. Siya ay gutom na gutom at


nanghingi ng limos. Binigyan siya ng matanda ng tinapay na durog at bukbukin sa
itim.Dahil sa matinding gutom ay kinain niya iyon. Laking pagtataka ni Don Juan dahil
napakalinamnam ng tinapay. Binigyan din siya ng matanda ng pulot-pukyutan at
inabutan ng inumin sa bumbong. Sa labis na kauhawan ay hiningi niya ang pahintulot ng
matanda para ubusin ang inumin. Laking pagtataka niya sapagkat hindi nabawasan ang
lamang tubig ng bumbong. Isa na namang malaking talinghaga ng mundo ang kanyang
nasaksihan.

Nanumbalik ang lakas at sigla si Don Juan. Nalaman ng matanda na hinahanap niya
ang daan patungong Reyno delos Cristales. Napamulagat ang matanda. Isang daang
taon na raw ito sa bayang iyon ngunit hindi nito alam ang daang hinahanap ni Don Juan.
Pinapunta siya ng matanda sa ikapitong bundok upang hanapin ang isang ermitanyo.
Binigyan siya nito ng kapirasong baro upang marapatin siyang paglingkuran ng
ermitanyo. Sabihin lamang daw ni Don Juan na mula iyon sa isang matandang sugatan.
PAGSASANAY
Isulat ang mga napag-alaman ni Don Juan sa pagsasalaysay ng Ibong Adarna.

GAWAIN 4
Isulat ang magiging kahihinatnan ng mga tauhan sa aralin.
Tauhan Maaaring Mangyari
Don Juan
Don Pedro
Ibong Adarna

PAGLALAPAT

Gawin ang estratehiyang 3-2-1.


3: Magbigay ng tatlong mahahalagang kaisipan na natutuhan sa aralin.
2: Magmungkahi ng dalawang paraan na maaaring gawin upang mapagyaman pa
ang aralin at
pagtatalakay.
1: Bumuo ng isang tanong na nais iparating sa tauhan.

TANDAAN
Napag-alaman ni Don Juan na kaya umalis ang ibong Adarna ay nais lamang
siyang iligtas nito sa isang pasakit. Ang tunay na pakay nina Don Pedro at Don
Diego ay patayin silang dalawa. Inutusan ng Ibong Adarna na maglakbay si
Don Juan patungo sa isang napakalayong reyno na isang napakagandang
kaharian sa dakong silangan, ang kaharian ng Reyno delos Cristales.

PAGTATAYA

Sagutin ang mga sumusunod na tanong tungkol sa saknong 758-831 sa


Ibong Adarna.
1. Ano ang mahahalagang kaisipang napulot sa kabanata?

2. Paano nabago ng mga pangyayari sa kabanata si Don Juan?


TAKDANG-ARALIN

Ilarawan ang kahulugan ng mga sumusunod na salita batay sa inyong


pagkakaintindi.

kapirasong baro, ermitanyo at Cristales.

Sabjek: FILIPINO Baitang: 7


Petsa: Sesyon: 17
Pamantayang Ang mag-aaral ay nagpapamalas ng pag-unawa sa Ibong
Pangnilalaman: Adarna bilang isang obra maestra sa Panitikang Pilipino.
Naisasagawa ng mga mag-aaral ang malikhaing
Pamantayan sa Pagganap: pagtatanghal ng ilang saknong ng koridong naglalarawan
ng mga pagpapahalagang Pilipino.
Nahihinuha ang maaaring mangyari sa tauhan batay sa
napakinggang bahagi ng akda.
(PN)F7PN-IVe-f-22
Naipapahayag ang sariling saloobin, pananaw at
damdamin tungkol sa ilang napapanahong isyu kaugnay
Kompetensi: ng isyung tinalakay sa akda.
(PS)F7PS-IVC-D-22
Naisusulat nang may kaisahan at pagkakaugnay ang
isang talatang naglalahad ng sariling saloobin, pananaw
at damdamin.
(PU)F7PU-IVe-f-22
I.LAYUNIN Natutukoy ang mga mahahalagang pangyayari sa
Kaalaman: nilalaman ng saknong 832-933.

Nahihinuha ang maaaring mangyari sa tauhan sa akdang


binasa.
Saykomotor: Naisusulat nang may kaisahan at pagkakaugnay-ugnay
ang isang talatang naglalahad ng sariling saloobin,
pananaw at damdamin.
Nakabubuo ng sariling opinyon/pananaw tungkol sa
Apektiv:
napapanahong isyu kaugnay ng tinalakay sa akda.
II. PAKSANG-ARALIN Ibong Adarna
A.PAKSA Saknong 832-933
Rex Interactive;Supplemental Lessons(Filipino;Baitang 7
sa Ikaapat na Markahan)
B.SANGGUNIAN
Ibong Adarna interpretasyon nina: Glady E. Gimena at
Leslie S. Navarro
C.KAGAMITANG
Sipi ng saknong 832-933 ng koridong Ibong Adarna
PAMPAGTUTURO
III.PAMAMARAAN

A.PAGHAHANDA Pagtatanong sa mga mag-aaral:


Pangmotibasyunal na
tanong: 1. Nasubukan niyo na bang maghintay sa isang
tao?
2. Anong damdamin ang nanaig sa inyo?

Aktiviti/Gawain Pumili ng kapareha at isulat ang maaaring


nararamdaman ni Prinsesa Leonora sa paghihintay kay
Don Juan.

B.PAGLALAHAD Pagpapabasa ng mga saknong ng Ibong Adarna.


Abstraksyon Hahatiin ang klase sa limang pangkat. Bibigyan ang
(Pamamaraan ng bawat pangkat ng saknong na kanilang babasahin at
Pagtatalakay) ibabahagi nila ito sa klase sa pamamagitan ng isang
masining na pabasa.

Pangkat 1: Saknong 832-858(Ang Pananangis ni Leonora)


Pangkat 2: Saknong 859-871(Ang Ikapitong Bundok)
Pangkat 3: Saknong 872-890 (Ang Ikapitong Bundok)
Pangkat 4: Saknong 891-911(Ang Ikapitong Bundok)
Pangkat 5: Saknong 912-933(Ang Higanteng Agila)

C.PAGSASANAY Sabihan ang mga mag-aaral na gamitin sa pangungusap


Mga Paglilinang ng ang matatalinghagang salita batay sa ibinigay na
Gawain kahulugan nito
nang may kaisahan at pagkakaugnay-ugnay na
naglalahad ng sariling saloobin, pananaw at damdamin.

a. hinamak na yaong silid-pinasok


b. malagot man ang hininga-mamatay
c. hahamakin pati lintik-lalabanan lahat

D.PAGLALAPAT Ilarawan ang mga sumusunod na salita batay sa akda.


Aplikasyon
Ika-7 bundok agila
Kapirasong baro Cristales
Ermitanyo
E.PAGLALAHAT Magtatanong ang guro sa napag-alaman ng mga mag-
Generalisasyon aaral batay sa pagbabahagi at sasagutan ng mga mag-
aaral ang mga tanong inihanda ng guro.

1. Ano ang dahilan ng kalungkutan ni Prinsesa


Leonora?
2. Bakit hindi umuwi sa Berbanya si Don Juan?

IV.PAGTATAYA Magsusulat ang mga mag-aaral ng isang sulatin na may


kaisahan at pagkakaugnay-ugnay ang isang talatang
naglalahad ng sariling saloobin, pananaw at damdamin
kaugnay ng kaisipang nakapaloob sa binasang akda.

Pamantayan sa Pagmamarka
Malinaw,may
Mga Ideya(10) pokus,ugnayan,detalyado
at kawili-wili
Angkop na angkop sa
Pagkakabuo(10) paksa,layunin at target na
mambabasa
Masasalamin ang sariling
Tono/Himig(10)
estilo ng sumulat
Masining,tamang-tama at
Gamit ng Salita(10) kakaiba,orihinal at
magandang ulitin
Paglalahad ng mga Makinis,banayad at
Pangungusap(10) madulas basahin
Tama o angkop ang gamit
Mga Kombensyon(10) ng mga bantas,baybay at
balarila

Ang mga mag-aaral ay bubuo ng kaisipan tungkol sa


tagumpay at pagpapatotoo sa pamamagitan ng
V.TAKDANG-ARALIN pagbibigay ng mga halimbawa mula sa mga simpleng
karanasan sa buhay sa pamamagitan ng tableau o
larawang-buhay.

SESYON: 17

Aralin: Ibong Adarna (Saknong 832-933)

TUKLASIN
Sa pagpapatuloy na pagtatangis ni Prinsesa Leonora sa hindi pagdating ni Don Juan ay
siya namang ikinagalit ni Don Pedro upang magbanta. Sa araling ito matutuklasan ang
dahilan ng hindi agad pagbabalik ni Don Juan sa Berbanya.

MOTIBASYUNAL NA TANONG
1. Nasubukan niyo na bang maghintay sa isang tao?
2. Anong damdamin ang nanaig sa inyo?

GAWAIN 1
Pumili ng kapareha at isulat ang maaaring nararamdaman ni Prinsesa Leonora sa
paghihintay kay Don Juan.

PAGSUSURI
Basahin ang mga piling saknong sa Ibong Adarna.
Saknong 832-858(Ang Pananangis ni Leonora)
Saknong 859-911(Ang Ikapitong Bundok)
Saknong 912-933(Ang Higanteng Agila)

ALAM MO BA NA…

Patuloy sa pagtangis si Prinsesa Leonora habang naghahanap si Don Juan ng


ibang kapalaran. Madalas siyang puntahan ni Don Pedro sa kanyang silid
ngunit tuwing malalaman na hindi iyon si Don Juan ay ayaw niya itong pagbuksan.
Inaalo siya ni Don Pedro pero wala itong magawa kundi ang magngitngit ang kalooban.
Ang pangalan pa rin ni Don Juan ang tinatawag ng prinsesa. Nagbabanta ang kalooban
ni Don Pedro na kung mabibigo kay Prinsesa Leonora ay may mangyayaring masama.
Hiniling ni Don Pedro sa prinsesa na limutin na si Don Juan sapagkat hindi na ito
magbabalik at malaon nang patay. Sa kabila ng lahat ay si Don Juan pa rin ang nasa isip
ni Prinsesa Leonora. Tatlong taon na siyang naghihintay at nagtitiis subalit hindi niya
maatim na magpakasal kay Don Pedro. Patuloy sa kanyang pananambitan ang prinsesa.
Pinagtatakhan niya ng labis na kung hindi nakaligtas si Don Juan, bakit hindi na nagbalik
ang engkantadang lobo sa kanya?

Samantala ay patuloy na naglalakbay sa mga bundok at kaparangan si Don Juan.


Inabot siya ng limang buwang paglalakad. Pitong bundok ang kanyang binagtas, pitong
dusa't pitong hirap hanggang sa marating niya ang dampa ng ermitanyo. Natagpuan ni
Don Juan sa ikapitong bundok ang ermitanyong hanggang baywang ang balbas. Nagalit
ang ermitanyo dahil nabulabog ang katahimikan nito. Ibinigay ni Don Juan ang
kapirasong baro na galing sa matandang nagpalimos ng pagkain at inumin sa kanya.
Nanangis ang ermitanyo. Tinawag ang Panginoong Jesus at sinabing diyata't ipinadala
ang piraso ng baro. Nalaman ng ermitanyo ang kampana na nasa pintuan at
nagdatingan ang mga hayop sa Armenya ngunit walang nakakabatid ng kinaroroonan
ng reyno. Ibinigay ng ermitanyo ang piraso ng baro kay Don Juan at inutusan ang
olikornyo na ihatid ang prinsipe sa bahay ng kapatid nito. Sumakay si Don Juan sa
likuran ng ibon. Natagpuan ni Don Juan ang ermitanyong ang balbas ay nakasayad na
sa lupa. Nagalit ang ermitanyo sa pangahas na dumating. Ibinigay ni Don Juan ang
ipinadalang barong pinanggalingan ermitanyo. Nanangis ang ermitanyong kahara at
tinawag ang Panginoong Diyos.

Nalaman ng ermitanyo ang sadya ngunit sa loob ng walong daang taong


paninirahan nito sa lugar na iyon ay hindi nababatid ang tungkol sa hinahanap na
kaharian. Pinatugtog ng ermitanyo ang kampana na nasa pintuan. Nagdatingan ang
laksa-laksang ibon at nagsahanayang mga ito ayon sa kanilang laki. Isa man sa mga ito
ay walang nakaabot sa napakalayong lupain.

Pagkaraan ng ilang sandali ay dumating ang higanteng agila na pagod na pagod.


Nagalit ang ermitanyo sa agila. Kabilin-bilinan ng ermitanyo na sa oras na marinig ang
kampana ay kailangang umuwi agad ang mga ibon. Humingi ng tawad ang agila sa
panginoon. Sinabi ng agila na napakalayong lugar ang pinanggalingan nito kaya kahit
napakabilis nang paglipad ay nahuli pa rin ng dating. Nanggaling ang agila sa lupain ng
Reyno delos Cristales.

Ikinuwento ng agila kung gaano karikit ang kahariang nais marating ni Don Juan.
Ang peras ay tunay na malinamnam. Tuwang-tuwa si Don Juan sapagkat sa wakas ay
mararating na niya ang reynong matagal nang hinahanap. Initusan ng ermitanyo ang
agila na dalhin si Don Juan sa Reyno delos Cristales. Sinabi ng agila na mararating nila
ang banyo ni Maria Blanca sa loob ng isang buwang paglipad. Pinasamahan sila ng
ermitanyo sa laksa-laksang ibon na tagadala ng tatlong daang duruan, limang libong
balang na pagkain at tubig na maiinom sa paglalakbay. Sumakay na ang prinsipe sa
likuran ng higanteng agila at tumungo na sila sa Dakong Silangan. Lumipad ng
napakataas ang agila at tumambad sa paningin ni Don Juan ang napakalawak na langit
at dagat na kanilang lalakbayin.

PAGSASANAY
Isulat ang kahulugan ng ilang matatalinghagang salita sa aralin
a. hinamak na yaong silid-
b. malagot man ang hininga-
c. hahamakin pati lintik-

GAWAIN 4
Gamitin sa pangungusap ang matatalinghagang salita batay sa ibinigay na
kahulugan nito nang may kaisahan at pagkakaugnay-ugnay na naglalahad ng
sariling saloobin, pananaw at damdamin.

PAGLALAPAT
Ilarawan ang mga sumusunod na salita batay sa akda.

Ika-7 bundok agila


Kapirasong baro Cristales
Ermitanyo

TANDAAN

Maraming napagtanungan si Don Juan hinggil sa kinaroroonan ng kaharian


ng Reyno delos Cristales ngunit ni isa ay walang nakakaalam maliban na
lang sa isang higanteng ibon na nakarating sa nasabing reyno at nagsabing
lubhang malayo ang lugar ngunit hindi mapapantayan ang kagandahan
nito.

PAGTATAYA

Sumulat ng isang talata na may kaisahan at pagkakaugnay-ugnay na


naglalahad ng sariling saloobin, pananaw at damdamin kaugnay ng kaisipang
nakapaloob sa binasang akda.
Pamantayan sa Pagmamarka

Malinaw,may pokus,ugnayan,detalyado at
Mga Ideya(10)
kawili-wili

Angkop na angkop sa paksa,layunin at target


Pagkakabuo(10)
na mambabasa

Tono/Himig(10) Masasalamin ang sariling estilo ng sumulat

Masining,tamang-tama at kakaiba,orihinal at
Gamit ng Salita(10)
magandang ulitin

Paglalahad ng mga Pangungusap(10) Makinis,banayad at madulas basahin

Tama o angkop ang gamit ng mga


Mga Kombensyon(10)
bantas,baybay at balarila

TAKDANG-ARALIN
Bumuo ng kaisipan tungkol sa tagumpay at pagpapatotoo sa pamamagitan ng pagbibigay ng
mga halimbawa mula sa mga simpleng karanasan sa buhay sa pamamagitan ng tableau o larawang-
buhay.
Sabjek: FILIPINO Baitang: 7
Petsa: Sesyon: 18
Pamantayang Ang mag-aaral ay nagpapamalas ng pag-unawa sa Ibong
Pangnilalaman: Adarna bilang isang obra maestra sa Panitikang Pilipino.
Naisasagawa ng mga mag-aaral ang malikhaing
Pamantayan sa Pagganap: pagtatanghal ng ilang saknong ng koridong naglalarawan
ng mga pagpapahalagang Pilipino.
Natutukoy ang mahahalagang detalye at mensahe ng
napakinggang bahagi ng akda.
(PN)F7PN-Iva-b-18
Kompetensi:
Naisasalaysay nang masining ang isang pagsubok na
dumating sa buhay na napagtagumpayan.
(PS)F7PS-IVc-d-20
I.LAYUNIN Natutukoy ang mga mahahalagang pangyayari sa
nilalaman ng saknong 934-1006.
Kaalaman:
Nasusuri ang damdaming namayani sa tauhan sa akdang
binasa.
Nakapagsasagawa ng isang masining na pagtatalo tungkol
Saykomotor:
sa usaping panlipunan na nakapaloob sa akdang binasa.
Nakapagbibigay nang masining na pagsasalaysay sa isang
Apektiv: pagsubok na dumarating sa buhay na napagtagumpayan.

II. PAKSANG-ARALIN Ibong Adarna


A.PAKSA Saknong 934-1006
Rex Interactive;Supplemental Lessons(Filipino;Baitang 7 sa
Ikaapat na Markahan)
B.SANGGUNIAN
Ibong Adarna interpretasyon nina: Glady E. Gimena at
Leslie S. Navarro
C.KAGAMITANG
Sipi ng saknong 934-1006 ng koridong Ibong Adarna
PAMPAGTUTURO
III.PAMAMARAAN

A.PAGHAHANDA 1. Ano ang matinding pagsubok na pinagdaanan mo sa


Pangmotebasyunal na buhay?
tanong: 2. Paano mo hinarap ang mga pagsubok na ito?

Pag-usapan sa klase ang kahulugan ng salitang pagsubok.


Aktiviti/Gawain PAGSUBOK
B.PAGLALAHAD Pagbasa ng mga saknong ng Ibong Adarna.
Abstraksyon Hahatiin ang klase sa limang pangkat. Bibigyan ang bawat
(Pamamaraan ng pangkat ng saknong na kanilang babasahin at ibabahagi
Pagtatalakay) nila ito sa klase sa pamamagitan ng isang masining na
pagbasa.

Pangkat 1: Saknong 934-948 (Ang Pagdating sa Reyno


delos
Cristales)
Pangkat 2: Saknong 949-960 (Ang Pagdating sa Reyno
delos
Cristales)
Pangkat 3: Saknong 961-971 (Ang Prinsesang si Maria
Clara)
Pangkat 4: Saknong 972-983(Ang Prinsesang si Maria Clara)
Pangkat 5: Saknong 984-1006 (Ang Prinsesang si Maria
Clara)

C.PAGSASANAY Hahatiin ang klase sa limang pangkat at bubuo ng picto


Mga Paglilinang ng map ng naging paglalakbay ni Don Juan sa paghahanap sa
Gawain Reyno delos Cristales at ang maaaring mangyari sa tauhan
sa akdang binasa.

D.PAGLALAPAT Aatasan ang mga mag-aaral na bumuo ng Tsart ng


Aplikasyon Banghay upang maisalaysay ang kuwentong nakapaloob sa
mga saknong sa akda.

Ang pangunahing tauhan na si….ay


Naghahangad na….upang…
Kaya sa pamamagitan ng..
At dahil dito ay natupad niya ang kanyang layunin
na….
Gayunpaman, para maging ganap ang tagumpay
ay..

E.PAGLALAHAT Magtatanong ang guro sa napag-alaman ng mga mag-aaral


Generalisasyon batay sa pagbabahagi ng bawat pangkat at sasagutan ng
mga mag-aaral ang mga tanong inihanda ng guro.

1. Sino ang tumulong kay Don Juan upang marating


ang kaharian ng Reyno delos Cristales?
2. Ano ang naging damdamin ni Don Juan ng
masilayan si Prinsesa Maria Blanca?

IV.PAGTATAYA Ang mga mag-aaral ay magbibigay nang masining na


pagsasalaysay sa isang pagsubok na dumarating sa buhay
na napagtagumpayan.

Bumuo ng isang likhang sining (artwork) na nagsisimbolo


V.TAKDANG-ARALIN
sa tunay at makabuluhang pag-ibig.
SESYON: 18

Aralin: Ibong Adarna (Saknong 934-1006)

TUKLASIN
Maraming dumarating na pagsubok sa buhay kung paano mo malalampasan
ay nakasalalay sa iyong tibay at lakas ng loob. Tuklasin natin sa araling ito ang
ipinamalas na tapang ni Don Juan upang malampasan ang mga pagsubok para
marating ang Reyno delos Cristales.

MOTIBASYUNAL NA TANONG

1. Ano ang matinding pagsubok na pinagdaanan mo sa buhay?


2. Paano mo hinarap ang mga pagsubok na ito?

GAWAIN 1

Pag-usapan sa klase ang kahulugan ng salitang pagsubok.

PAGSUBOK

PAGSUSURI
Basahin ang mga piling saknong sa Ibong Adarna.
Saknong 934-960 (Ang Pagdating sa Reyno delos Cristales)
Saknong 961-1006(Ang Prinsesang si Maria Clara)

ALAM MO BA NA…
Naubos ang baong pagkain ng Agila sa loob ng isang buwang paglalakbay. Hindi
huminto sa paglipad ang agila kahit isang saglit. Lumapag ang agila sa banyong
paliguan ni Maria Blanca. Bumaba na si Don Juan at pinagkubli siya ng agila sa
halamanan. Ganap na alas kuwatro ng madaling araw ay paparoon si Maria Blanca
upang maligo kasama ang dalawang kapatid na prinsesa. May kanya-kanya silang
paliguan at malalaman niya kung sino si Maria Blanca sapagkat ito ang
pinakamaganda. Iniutos pa ng agila na magtagong mabuti si Don Juan at hintayin
ang pagdapo ng tatlong kalapati sa puno ng peras.

Nagbilin din ang agila na tibayan ni Don Juan ang dibdib upang magtagumpay sa
minimithing pag-ibig. Naiwan si Don Juan at naghintay. Inantok siya subalit pagsapit
ng alas kuwatro ng madaling araw ay nakita niya ang tatlong kalapating dumapo sa
puno at naging himala ng kagandahan. Si Maria Blanca ang pinakamaganda at agad
nabihag ang puso ng prinsipe. Nag-alis ng damit si Maria Blanca at lalo namang
nahaling si Don Juan. Lumusong sa tubig ang prinsesa upang maligo. Kinuha ni Don
Juan ang damit nito at pinaghahalikan. Nabigla ang prinsesa nang matuklasang
nawawala ang kanyang damit. Nagbanta si Maria Blanca na papatayin niya ang
sinumang pangahas na gumawa nito.

Naiwang mag-isa si Maria Blanca sa paliguan sapagkat umalis na ang dalawang


kapatid. Hinanap niya ang lapastangang kumuha ng kanyang damit hanggang sa
nakita niya si Don Juan. Humingi ng tawad si Don Juan sa prinsesang iniibig dahil sa
taglay na kariktan. Inihanda ng prinsipe ang sarili sa parusang igagawad ni Maria
Blanca. Napawi ang galit ng prinsesa nang makita ang maamong mukha ni Don Juan.
Umibig si Maria Blanca sa kakisigang taglay ng prinsipe. Nagpakilala si Don Juan na
siya ang bunsong anak ni Haring Fernando mula sa kaharian ng Berbanya. Binalaan
ni Maria Blanca si Don Juan na tuso at matalino si Haring Salermo. Ang mga prinsipe,
duke at kondeng nakipagsapalaran ay nadaig ng talino ng amang hari kaya ang mga
ito ay naging batong palamuti sa hardin ng palasyo.

Nalaman ni Don Juan na dadaan siya sa mabibigat na pagsubok ng hari at


kakailanganin niya ang tulong ni Maria Blanca. Sinabi ni Maria Blanca na ganap na
alas singko ng hapon ay pupunta ng hardin ang kanyang ama.Binalaan niyang huwag
papasok sa loob ng palacio real si Don Juan sakaling papasukin ito ng hari. Anang
prinsesa ay tiyak na kamatayan ang naghihintay sa loob ng palasyo. Nagpasalamat
ang prinsipe at ipinakitang handa ang loob sa anumang pagsubok na ibibigay ng hari.
Anuman ang ipag-utos ng hari ay kailangang sundin ni Don Juan. Sa gabi ay
magkikita ang dalawa upang alamin ni Maria Blanca ang unang pagsubok ng ama.

PAGSASANAY
Bumuo ng picto map sa naging paglalakbay ni Don Juan sa paghahanap sa Reyno
delos Cristales.
GAWAIN 4
Gumuhit ng isang simbolismo o larawan na magpapakita ng mga katangiang ipinamalas ni
Don Juan sa araling ito.

PAGLALAPAT
Bumuo ng Tsart ng Banghay upang maisalaysay ang kuwentong nakapaloob sa mga saknong sa akda.

Ang pangunahing tauhan na si….ay


Naghahangad na….upang…
Kaya sa pamamagitan ng...
At dahil dito ay natupad niya ang kanyang layunin na….
Gayunpaman, para maging ganap ang tagumpay ay...

TANDAAN
Narating ni Don Juan ang kaharian ng Reyno delos Cristales at naging
matibay ang dibdib upang magtagumpay sa minimithing pag-ibig. Sa
pagdating ni Maria Blanca ay agad na naakit ang prinsipe at naglakas loob
na magtapat ng pag-ibig bagama't siya ay tinugon ng prinsesa ngunit ito ay
nagbabala na maging maingat sapagkat ang kanyang ama na si Haring
Salermo ay walang kasing tuso.

PAGTATAYA
Magbigay nang masining na pagsasalaysay sa isang pagsubok na dumarating
sa buhay na napagtagumpayan.

TAKDANG-ARALIN

Bumuo ng isang likhang sining (artwork) na nagsisimbolo sa tunay at


makabuluhang pag-ibig.
Sabjek: FILIPINO Baitang: 7
Petsa: Sesyon: 19
Pamantayang Ang mag-aaral ay nagpapamalas ng pag-unawa sa Ibong
Pangnilalaman: Adarna bilang isang obra maestra sa Panitikang Filipino.
Naisasagawa ng mga mag-aaral ang malikhaing
Pamantayan sa Pagganap: pagtatanghal ng ilang saknong ng koridong naglalarawan
ng mga pagpapahalagang Pilipino.
Naisusulat ang sariling damdamin na may pagkakatulad
sa naging damdamin ng isang tauhan sa akda.
(PU)F7PU-IVe-f-20
Kompetensi: Naipapahayag ang sariling saloobin, pananaw at
damdamin tungkol sa ilang napapanahong isyu kaugnay
ng isyung tinalakay sa akda.
(PS)F7PS-IVc-d-22
I.LAYUNIN Natutukoy ang mga mahahalagang pangyayari sa
Kaalaman: nilalaman ng saknong 1007-1096

Nakapagsusuri sa katangiang mayroon ang mga ilang


tauhan sa akda.
Nakagagawa ng masusing pagsusuri sa mga piling
Saykomotor:
saknong sa akda.
Nakalilikha ng sagisag/simbolo na maglalarawan sa mga
Apektiv:
piling tauhan sa akda.
II. PAKSANG-ARALIN Ibong Adarna
A.PAKSA Saknong 1007-1096
Rex Interactive;Supplemental Lessons(Filipino;Baitang 7
sa Ikaapat na Markahan)
B.SANGGUNIAN
Ibong Adarna interpretasyon nina: Glady E. Gimena at
Leslie S. Navarro
C.KAGAMITANG
Sipi ng saknong 1007-1096 ng koridong Ibong Adarna
PAMPAGTUTURO
III.PAMAMARAAN

A.PAGHAHANDA Itanong sa mga mag-aaral:


Pangmotebasyunal na
tanong: 1. Ano ang matinding pagsubok na pinagdaanan mo
sa buhay?
2. Paano mo hinarap ang mga pagsubok na ito?

Magbabahagi ng isang pangyayari sa buhay na sumubok


Aktiviti/Gawain sa tibay at lakas ng loob ng mga mag-aaral.

Ang pangyayari sa aking Hinarap ko ang pagsubok


buhay na sinubok ang na ito na….
aking tibay at lakas ng
loob ay….

B.PAGLALAHAD Pagbasa ng mga saknong ng Ibong Adarna.


Abstraksyon Hahatiin ang klase sa limang pangkat. Bibigyan ang
(Pamamaraan ng bawat pangkat ng saknong na kanilang babasahin at
Pagtatalakay) ibabahagi nila ito sa klase sa pamamagitan ng isang
masining na pabasa.

Pangkat 1: Saknong 1007-1024 (Ang Unang Pagsubok ni


Haring Salermo)
Pangkat 2: Saknong 1025-1042 (Ang Unang Pagsubok ni
Haring Salermo)
Pangkat 3: Saknong 1043-1059 (Ang Unang Pagsubok ni
Haring Salermo)
Pangkat 4: Saknong 1060-1074 (Ang Ikalawang Pagsubok)
Pangkat 5: Saknong 1075-1096 (Ang Ikalawang Pagsubok)

C.PAGSASANAY Hahatiin ang klase sa limang pangkat at bawat pangkat


Mga Paglilinang ng ay guguhit ng isang simbolo sa bawat tauhan batay sa
Gawain katangiang ipinamalas nito sa aralin (Donya Maria, Haring
Salermo, Don Juan).

D.PAGLALAPAT Pagsusuri sa katangian mayroon ang mga ilang tauhan sa


Aplikasyon akda batay sa simbolo na nilikha ng mga mag-aaral.

E.PAGLALAHAT Magtatanong ang guro sa napag-alaman ng mga mag-


Generalisasyon aaral batay sa pagbabahagi ng bawat pangkat at
sasagutan ng mga mag-aaral ang mga tanong inihanda
ng guro.

1.Sa paanong paraan napagtagumpayan lahat ni Don


Juan ang
mga pagsubok ni Haring Salermo?
2. Bakit pinahihirapan ni Haring Salermo si Don Juan?
IV.PAGTATAYA Pagbibigay ng masusing pagsusuri sa kaisipan ng piling
saknong sa akda.

Saknong Kaisipang Ipinahihiwatig


1013 O, Monarkang sakdal
buti ako po'y isang
prinsipe ng
Berbanyang
nagkandili kaharian
ding malaki
1015 Sa panagimpa'y
natalos
naririto ang alindog
talang walang paglubog
ito'y anak mo pong irog
1070 Isa may huwag
magkulang
ang negritong
pawawalan
isa nitong mapalita'y
kapalit ang iyong buhay

Ang mga mag-aaral ay magsusulat ng isang talata


V.TAKDANG-ARALIN tungkol sa isang pangyayari na sumubok sa kanilang
katatagan at paano nila hinarap ang pagsubok na ito.
SESYON: 19

Aralin: Saknong 1007-1096

TUKLASIN
Sa pagkamit ng pag-ibig ni Maria Blanca ay kailangang pagdaanan ni Don
Juan ang mga pagsubok ni Haring Salermo. Tuklasin natin kung paano
nalampasan ni Don Juan ang mga pagsubok gayong kilala sa dunong at
pagkatuso si Haring Salermo.

MOTIBASYUNAL NA TANONG

1. Ano ang matinding pagsubok na pinagdaanan mo sa buhay?


2. Paano mo hinarap ang mga pagsubok na ito?

GAWAIN 1

Magbahagi ng isang pangyayari sa buhay na sumubok sa tibay at lakas ng


loob mo.
Ang pangyayari sa aking buhay na sinubok ang aking tibay at lakas ng loob
ay….
Hinarap ko ang pagsubok na ito na….
PAGSUSURI
Basahin ang mga piling saknong sa Ibong Adarna
Saknong 1007-1059 (Ang Unang Pagsubok ni Haring Salermo)
Saknong 1060-1096 (Ang Ikalawang Pagsubok)

ALAM MO BA NA…

Nagising si Haring Salermo at nakita si Don Juan sa hardin. Nalaman ng hari


ang pakay ni Don Juan. Pinatuloy siya ng hari sa loob ng palasyo subalit
magalang na tumanggi ang prinsipe at naghintay nang ipag-uutos. Nagpakuha ang hari
sa utusan ng isang salop ng trigong kaaani pa lamang at ibinigay kay Don Juan para
itanim. Tuwang-tuwa ang hari nang makaalis na si Don Juan sapagkat madagdagan ang
mga prinsipe, konde, at kabalyero na naging bato. Malungkot na nakipagkita si Don
Juan kay Maria Blanca sapagkat hindi niya matutupad ang ipinag-uutos ng hari.
Pinawi ni Maria Blanca ang pag-aalala ng prinsipe. Pinagpahinga at pinatulog
niya ng mahimbing si Don Juan sa loob ng tinutuluyang bahay. Ginamit ng prinsesa ang
mahika blangka para tupdin ang utos ng hari. Malalim na ang gabi napatag na ni Maria
Blanca ang bundok. Isinabog niya ang trigo at iglap ding namunga. Noong oras ding
iyon ay inani ni Maria Blanca ang mga bunga para dalhin sa lutuan ng tinapay. Ang
mga Intsik ang gumawa ng tinapay. Nagalapong at namasa ng mga Intsik ang trigong
inani ni Maria Blanca.

Kinabukasan ay inihain sa hari ang tinapay. Natupad ang unang kahilingan ng


hari na almusalin ang iba't ibang hugis at makukulay na tinapay mula sa isang supot
ng trigo lamang.
Muling ipinatawag ni Haring Salermo si Don Juan upang papanhikin sa palasyo ngunit
tumanggi si Don Juan. Pinuntahan ni Haring Salermo si Don Juan sa hardin at sila'y
naglakad. Inilabas ng hari ang prasko na may lamang labindalawang Negrito.
Pinakawalan ng hari ang mga Negrito sa karagatan. Nais ng hari na hulihing lahat iyon
ni Don Juan at muling isilid sa prasko. Kailangang makita iyon ng hari kinaumagahan
upang makaligtas ang prinsipe sa parusang kamatayan.

Matamlay na nakipagkita si Don Juan kay Maria Blanca. Paano niya mahuhuli
ang mga Negrito sa malawak na karagatan? Pinayapa ni Maria Blanca ang kalooban ni
Don Juan. Inutusan siya ni Maria Blanca na kumuha ng ilaw at pagsapit ng ikaapat ng
madaling araw na tugtog ng orasan ay nagtungo sila sa tabing dagat. Muling ginamit ni
Maria Blanca ang kapangyarihan. Nag-utos lamang ito sa mga Negritong laruan ng
kanyang ama na magmadaling bumalik sa prasko kung ayaw ng mga itong matikman
ang kanyang galit. Nagmamadaling nag-ahunan sa karagatan ang mga Negrito at isa-
isang pumasok sa prasko. Kinaumagahan ay dinatnan ng hari sa mesa ang prasko na
may lamang labindalawang Negrito. Nagngingitngit sa galit si Haring Salermo dahil
hindi niya magawang kitlin ang buhay ni Don Juan. Nag-isip ang hari ng mas mabigat
na pagsubok.

PAGSASANAY

Gumuhit ng isang simbolo sa bawat tauhan batay sa katangiang ipinamalas nito


sa aralin (Donya Maria, Haring Salermo, Don Juan).

GAWAIN 4
Suriin ang katangiang mayroon ang mga ilang tauhan sa akda batay sa simbolo
na nilikha.

PAGLALAPAT

 Isulat ang mga pagsubok na ibinigay ni Haring Salermo at sa paanong paraan


napagtagumpayan iyon ni Don Juan.

TANDAAN

Nagsimula nang magbigay ng pagsubok si Haring Salermo kay Don Juan.


Unang pagsubok ay ang pagpapatubo sa mga trigo at sumunod ang
pagbalik sa mga Negrito sa prasko pawang ang mga ito ay imposibleng
matupad ngunit sa tulong ni Maria Blanca ay napagtagumpayan ito lahat ni
Don Juan dahil sa angking mahika blangka ni Maria Blanca.

PAGTATAYA

Pagbibigay ng masusing pagsusuri sa kaisipan ng piling saknong sa akda.

Saknong Kaisipang Ipinahihiwatig


1013 O, Monarkang sakdal buti
ako po'y isang prinsipe
ng Berbanyang nagkandili
kaharian ding malaki
1015 Sa panagimpa'y natalos
naririto ang alindog
talang walang paglubog
ito'y anak mo pong irog
1070 Isa may huwag magkulang
ang negritong pawawalan
isa nitong mapalita'y
kapalit ang iyong buhay

TAKDANG-ARALIN

Sumulat ng isang talata tungkol sa isang pangyayari na sumubok sa iyong


katatagan at paano mo hinarap ang pagsubok na ito.

Sabjek: FILIPINO Baitang: 7


Petsa: Sesyon: 20
Pamantayang Ang mag-aaral ay nagpapamalas ng pag-unawa sa Ibong
Pangnilalaman: Adarna bilang isang obra maestra sa Panitikang Filipino.
Naisasagawa ng mga mag-aaral ang malikhaing
Pamantayan sa Pagganap: pagtatanghal ng ilang saknong ng koridong naglalarawan
ng mga pagpapahalagang Pilipino.
Kompetensi: Nagagamit ang mga larawan/sagisag sa pagpapaliwanag
ng pag-unawa sa mahahalagang kasipang nasasalamin sa
bahagi ng akda.
(PD)F7PD-IVa-b-17
Nabibigyang-linaw at kahulugan ang mga di-pamilyar na
salita mula sa akda.
(PT)F7PT-IVc-d-19
Nabibigyang kahulugan ang mga salita batay sa kasing
kahulugan at kasalungat nito.
(PT)F7PT-IVc-d-21
I.LAYUNIN Natutukoy ang mga mahahalagang pangyayari sa
Kaalaman: nilalaman ng saknong 1097-1179

Nabibigyang kahulugan ang mga piling pahayag sa akda.


Nakabubuo ng hinuha hinggil sa mga mabubuti at di-
Saykomotor:
mabuting pangyayari sa akda.
Nakapagbibigay ng sariling interpretasyon tungkol sa
Apektiv:
ipinamalas sa katangian ng pangunahing tauhan sa aralin.
II. PAKSANG-ARALIN Ibong Adarna
A.PAKSA Saknong 1097-1179
Rex Interactive;Supplemental Lessons(Filipino;Baitang 7 sa
Ikaapat na Markahan)
B.SANGGUNIAN
Ibong Adarna interpretasyon nina: Glady E. Gimena at
Leslie S. Navarro
C.KAGAMITANG
Sipi ng saknong 1097-1179 ng koridong Ibong Adarna
PAMPAGTUTURO
III.PAMAMARAAN

A.PAGHAHANDA
Pangmotibasyunal na Itanong sa mga mag-aaral:
tanong: 1. Bakit kaya may mga pagsubok na dumarating sa
buhay ng tao?
2. Paano ito malalampasan?

Pagbabahagi ng mga mag-aaral sa talatang nagawa


tungkol sa pagsubok na pinagdaanan nila at kung paano
Aktiviti/Gawain nila ito nalampasan.

B.PAGLALAHAD Pagbasa ng mga saknong ng Ibong Adarna.


Abstraksyon Hahatiin ang klase sa limang pangkat. Bibigyan ang bawat
(Pamamaraan ng pangkat ng saknong na kanilang babasahin at ibabahagi
Pagtatalakay) nila ito sa klase sa pamamagitan ng isang masining na
pagbasa.

Pangkat 1: Saknong 1097-1122 (Ang Bundok)


Pangkat 2: Saknong 1123-1136 (Ang Kastilyo)
Pangkat 3: Saknong 1137-1149 (Ang Kastilyo)
Pangkat 4: Saknong 1150-1166 (Ang Kastilyo)
Pangkat 5: Saknong 1167-1179 (Ang Kastilyo)
C.PAGSASANAY Hahatiin ang klase sa limang pangkat at bawat pangkat ay
Mga Paglilinang ng bibigyan ng kahulugan ang mga sumusunod na pahayag
Gawain mula sa mga saknong sa akda.

Lubos na matanto-
Naduhagi ng kalaban-
Natalos ang pangyayari-
Mabuyo sa masamang bisyo-

D.PAGLALAPAT Bumuo ng T-chart na nagpapakita ng kabutihan at di-


Aplikasyon kabutihang dulot ng mga pangyayari mula sa araling
binasa.

E.PAGLALAHAT Magtatanong ang guro sa napag-alaman ng mga mag-aaral


Generalisasyon batay sa pagbabahagi ng bawat pangkat at sasagutan ng
mga mag-aaral ang mga tanong inihanda ng guro.

1. Sa paanong paraan napagtagumpayan ni Don Juan


ang panibagong pagsubok ni Haring Salermo?
2. Bakit pinahihirapan ni Haring Salermo si Don Juan?

IV.PAGTATAYA Gumuhit ng isang simbolismo o larawan na magpapakita


ng mga katangiang ipinamalas ni Don Juan sa araling ito.

Padugtungan sa mga mag-aaral ang sumusunod na mga


pahayag.
V.TAKDANG-ARALIN
Kung ako si Don Juan, ang dapat kong gawin ay___________
Kung ako si Haring Salermo,nararapat na gawin ko ay______
Kung ako si Prinsesa Maria Blanca, mas nanaisin
kong_____________
SESYON: 20

Aralin: Ibong Adarna (Saknong 1097-1179)

TUKLASIN
Patuloy na nalalampasan ni Don Juan ang mga pagsubok ni Haring Salermo
dahil sa tulong ni Maria Blanca. Tuklasin natin sa araling ito ang mga
panibagong hamong inihanda ni Haring Salermo para kay Don Juan.

MOTIBASYUNAL NA TANONG

Itanong sa mga mag-aaral:


1. Bakit kaya may mga pagsubok na dumarating sa buhay ng tao?
2. Paano ito malalampasan?

GAWAIN 1

Pagbabahagi sa talatang nagawa tungkol sa pagsubok na pinagdaanan at kung


paano ito nalampasan.

PAGSUSURI
Basahin ang mga piling saknong sa Ibong Adarna.
Saknong 1097-1122 (Ang Bundok)
Saknong 1123-1179 (Ang Kastilyo)

ALAM MO BA NA…

Muling nagkita sa hardin sina Don Juan at Haring Salermo. Sinabi ni Don Juan
na tapat siya sa pangakong sundin ang utos ng hari at ang kabiguan ay
katumbas ng kanyang buhay. Nais ng hari na itapat ng tamang-tama sa kanyang
durungawang bintana ang bundok upang ang sariwang hangin ay pumasok sa loob ng
palasyo. Kailangang magawa ni Don Juan ang utos ng hari Bago sumapit ang
kinabukasan. Nakipagkitang muli si Don Juan kay Maria Blanca para sabihin ang
ipinagagawa ni Haring Salermo. Pinawi ng prinsesa ang kalungkutan ni Don Juan at
sinabing siya ang gagawa noon. Madaling araw na nang maghiwalay ang dalawa.
Nagtungo sa bundok si Maria Blanca habang nagpapahinga si Don Juan. Sa pamamagitan
ng napalakas na hangin ay ipinalakad ni Maria Blanca ang bundok ay nasa tabi na ng
bintana ni Haring Salermo. Papasikat na ang araw nang buksan ni Haring Salermo ang
bintanang dinurungawan. Hindi sukat akalain ni Haring Salermo na magagaw ni Don Juan
ang pinakamahirap na pagsubok.

Iniutos ng hari kay Don Juan na ang bundok ay itapon sa gitna ng karagatan at
tayuan ng kastilyo. Kailangang lagyan ng gulod na may pitong hanay at may mga
kanyang pananggol ng kaharian, may anim na bateryas at bawat isa ay may kawal na
nakasuot pandigma. Mula sa palacio real kailangang may lansangang lalakaran patungo
sa kastilyong may nagaganap na digmaan. Ibinigay na hari kay Don Juan ang mga
kasangkapan gaya ng palataw at bareta, piko, kalaykay, maso at kutsara. Sa
pamamagitan ng pagsubok na iyon ay masusukat ng hari ang tayog ng kaisipan ng
prinsipe. Ikawalo ng gabi ay nagkita sina Don Juan at Maria Blanca. Pinagpahinga na
lamang ang prinsipe sapagkat si Maria Blanca na ang gagawa ng utos ng hari. Pinaandar
ni Maria Blanca ang bundok patungo sa gitna ng karagatan at ito'y naging muog na
maganda. Nagising si Haring Salermo dahil sa malakas na putukan. Naglakad si Haring
Salermo sa lansangan patungo sa kastilyong nasa gitna ng karagatan. Ayaw papasukin
ng mga sundalo ang hari ngunit sa isang utos lamang ni Don Juan ay agad nagpugay ang
mga ito. Iniutos ng hari kay Don Juan na ipatigil na ang putukan.

Ikalima ng hapon ay muling ipinasundo ni Haring Salermo si Don Juan. Nais ng


hari na alisin na ang kastilyo at ibalik sa dati ang lahat. Sa pamamagitan ni Maria Blanca
ay natupad ang utos ng hari. Lumubog sa ilalim ng karagatan ang bundok at muling
umahon sa dating lugar na kinalalagyan. Natupad na naman ni Don Juan ang kahilingan
ng hari.

PAGSASANAY
Isulat ang kahulugan ng mga sumusunod na pahayag mula sa mga saknong
sa akda.
Lubos na matanto-
Naduhagi ng kalaban-
Natalos ang pangyayari-
Mabuyo sa masamang bisyo

GAWAIN 4
Gamitin sa sariling pangungusap ang mga piling pahayag na binigyan ng
kahulugan.

PAGLALAPAT
Bumuo ng T-chart na nagpapakita ng kabutihan at di-kabutihang dulot ng mga pangyayari
mula sa araling binasa.
Punan ang T-chart na nasa ibaba
Mga Pangyayari sa aralin
Mga Pangyayaring nagdulot ng mabuti Mga Pangyayaring hindi nagdulot ng
mabuti
TANDAAN

Sa labis na galit ni Haring Salermo ay nag-isip siya ng pagsubok na tiyak na


mabibigo si Don Juan kung saan nais niyang itapat ng tamang-tama sa
kanyang durungawang bintana ang bundok upang ang sariwang hangin ay
pumasok sa loob ng palasyo ngunit kagaya nang mga nakaraang pagsubok ay
muling napagtagumpayan ito ni Don Juan.

PAGTATAYA

Gumuhit ng isang simbolismo o larawan na magpapakita ng mga katangiang


ipinamalas ni Don Juan sa araling ito.

TAKDANG-ARALIN

Padugtungan ang sumusunod na mga pahayag.

Kung ako si Don Juan, ang dapat kong gawin ay__________________


Kung ako si Haring Salermo, nararapat na gawin ko ay_____________
Kung ako si Prinsesa Maria Blanca, mas nanaisin kong_____________
Sabjek: FILIPINO Baitang: 7
Petsa: Sesyon: 21
Pamantayang Ang mag-aaral ay nagpapamalas ng pag-unawa sa Ibong
Pangnilalaman: Adarna bilang isang obra maestra sa Panitikang Filipino.
Naisasagawa ng mga mag-aaral ang malikhaing
Pamantayan sa Pagganap: pagtatanghal ng ilang saknong ng koridong naglalarawan
ng mga pagpapahalagang Pilipino.
Naibabahagi ang sariling damdamin at saloobin sa
damdamin ng tauhan sa napakinggang bahagi ng akda.
(PN)F7PN-IVe-f-20
Kompetensi:
Nagagamit ang dating kaalaman at karanasan sa pag-
unawa at pagpapakahulugan sa mga kaisipan sa akda.
(PS)F7PS-IVc-d-21
I.LAYUNIN Natutukoy ang mga mahahalagang pangyayari sa
Kaalaman: nilalaman ng saknong 1180-1285

Naisasaayos ang mga pagsubok na ibinigay ni Haring


Salermo kay Don Juan.
Nakapagsasagawa ng isang masining na likhang sining
Saykomotor:
hinggil sa damdaming naghahari sa aralin.
Apektiv: Nakapagbibigay ng napulot na aral mula sa akda.
II. PAKSANG-ARALIN Ibong Adarna
A.PAKSA Saknong 1180-1285
Rex Interactive;Supplemental Lessons(Filipino;Baitang 7 sa
Ikaapat na Markahan)
B.SANGGUNIAN
Ibong Adarna interpretasyon nina: Glady E. Gimena at
Leslie S. Navarro
C.KAGAMITANG
Sipi ng saknong 1180-1285 ng koridong Ibong Adarna
PAMPAGTUTURO
III.PAMAMARAAN

A.PAGHAHANDA
Pangmotibasyunal na Itanong sa mga mag-aaral:
tanong: 1. Sa paanong paraan magpapatibay sa isang tao ang
mga pagsubok?
2. Ano ang kasalukuyang mabigat na pagsubok ang
iyong napagdaanan?
Aatasan ang mga mag-aaral na pagsunod-sunurin ang mga
pagsubok ni Don Juan mula kay Haring Salermo.
Aktiviti/Gawain ____pagpapaamo sa kabayo
____paghahanap ng singsing ng hari
____pagbabalik sa prasko ng 12 Negrito
____paggawa ng tinapay mula sa trigo
____pagpapatag ng bundok at gumawa ng kastilyo

B.PAGLALAHAD Pagbasa ng mga saknong ng Ibong Adarna.


Abstraksyon Hahatiin ang klase sa limang pangkat. Bibigyan ang bawat
(Pamamaraan ng pangkat ng saknong na kanilang babasahin at ibabahagi
Pagtatalakay) nila ito sa klase sa pamamagitan ng isang masining na
pagbasa.

Pangkat 1: Saknong 1180-1195 (Ang Diyamanteng


Singsing)
Pangkat 2: Saknong 1196-1219(Ang Diyamanteng Singsing)
Pangkat 3: Saknong 1220-1239 (Ang Diyamanteng
Singsing)
Pangkat 4: Saknong 1240-1267 (Ang Kabayo)
Pangkat 5: Saknong 1268-1285 (Ang Kabayo)

C.PAGSASANAY Pagsunod-sunurin ang mg kahilingan o pagsubok ni Haring


Mga Paglilinang ng Salermo kay Don Juan. Gamitin ang step chart sa pagtatala
Gawain ng mga ito.

D.PAGLALAPAT Pagtatalakay sa mga pagsubok na ibinigay ni Haring


Aplikasyon Salermo kay Don Juan.

E.PAGLALAHAT Magtatanong ang guro sa napag-alaman ng mga mag-aaral


Generalisasyon at sasagutan ng mga mag-aaral ang mga tanong inihanda
ng guro.

1. Paano natagpuan ni Don Juan ang singsing?


2. Bakit napaamo ni Don Juan ang kabayo?
3. Anong aral ang maaaring mapulot sa akda?

IV.PAGTATAYA Hatiin ang klase sa limang pangkat at bubuo ng isang


likhang sining (artwork) na nagsisimbolo sa tunay at
makabuluhang pag-ibig.
Batay sa mga napa iskil sa pisara na mga likhang sining
V.TAKDANG-ARALIN ang mga mag-aaral ay pipili ng isang simbolo at iuugnay sa
napag-aralan.
SESYON: 21

Aralin: Ibong Adarna (Saknong 1180-1285)

TUKLASIN
Bagama't napagtagumpayan ni Don Juan ang mga pagsubok ni Haring
Salermo ay hindi pa ito ang huli at pinakamatindi, sa araling ito tuklasin natin
ang huling pagsubok ni Haring Salermo at magagawa ba ito mapagtagumpayan
ng prinsipe.

MOTIBASYUNAL NA TANONG

1. Sa paanong paraan magpapatibay ang isang tao ng mga pagsubok?


2. Ano ang kasalukuyang mabigat na pagsubok ang iyong napagdaanan?

GAWAIN 1

Pagsunod-sunurin ang mga pagsubok ni Don Juan mula kay Haring Salermo.
____pagpapaamo sa kabayo
____paghahanap ng singsing ng hari
____pagbabalik sa prasko ng 12 Negrito
____paggawa ng tinapay mula sa trigo
____pagpapatag ng bundok at gumawa ng kastilyo

PAGSUSURI
Basahin ang mga piling saknong sa Ibong Adarna.
Saknong 1180-1239 (Ang Diyamanteng Singsing)
Saknong 1240-1285 (Ang Kabayo)

ALAM MO BA NA…

Muling ipinatawag ni Haring Salermo si Don Juan at sinabing sa


kanilang paglalakad patungong kastilyo ay nahulog ang diyamanteng
singsing nito. Nais ng hari na hanapin ni Don Juan ang nawawalang singsing sa gitna
ng karagatan at matagpuan ito sa ilalim ng unan. Nagkita sina Don Juan at Maria
Blanca sa banyong paliguan ganap na ikasiyam ng gabi. Ang prinsesa ay kumuha ng
isang magandang batya. Inutusan ni Maria Blanca si Don Juan na tadtarin siya ng
pinung-pino at ilagay sa tubig. Ipinagbilin niyang huwag hahayaang may matapon ni
kapirasong laman at hindi dapat matulog si Don Juan.Lilitaw ang kamay ni Maria
Blanca na may dalang singsing at kailangan iyong kunin ni Don Juan. Ginawa lahat ni
Don Juan ang ipinagbilin ni Maria Blanca.

Naging isda ang prinsesa at sumisid sa ilalim ng karagatan. Naghintay ang


prinsipe ngunit siya'y nakatulog. Ilang ulit na lumitaw ang kamay na may dalang
singsing subalit hindi iyon nakuha ni Don Juan. Umahon si Maria Blanca na patang-
pata. Nagalit si Maria Blanca subalit hindi magawang tiisin ang prinsipe. Sa ikalawang
pagkakataon na pagtadtad ni Don Juan kay Maria Blanca ay tumalsik ang isang daliri
ng prinsesa. Lumitaw ang kamay sa batya na may hawak na diyamanteng singsing
subalit walang hintuturo ang prinsesa. Ibinilin ni Maria Blanca kay Don Juan na
gawing pagkakakilanlan sa kanya ang kamay na kulang ng isang daliri. Naibalik kay
Haring Salermo ang nawawala nitong diyamanteng singsing.

Muling ipinatawag si Don Juan para muling utusan ng hari. Isang kabayong
mailap at malupit ang nais nitong paamuin ng prinsipe. Batid ni Maria Blanca na ang
kabayo ay walang iba kundi ang kanyang ama. Ang pamigil at ang renda ay ang
dalawang kapatid niya at siya ang preno. Tinuruan ni Maria Blanca ng pamamaraan
kung paano mapapaamo ang kabayo. Kapag umalma ang kabayo ay kailangang
dagukan at paluin. Kapag lumuluha na ang nagbabagang mga mata ay saka pigilin
ang preno at renda. Nagawa lahat ni Don Juan ang mga sinabi ni Maria Blanca.
Nagtagumpay ang prinsipe na mapaamo ang kabayo. Nagkita sila ng gabing iyon at
nagbilin si Maria Blnca. Tiyak daw na ipapatawag ng hari si Don Juan. Nakaratay ang
hari sa higaan kaya si Don Juan ay papasukin sa palasyo. Maaari na raw pumasok si
Don Juan sapagkat nagwakas na ang panganib.
PAGSASANAY
Pagsunod-sunurin ang mga kahilingan o pagsubok ni Haring Salermo kay Don
Juan. Gamitin ang step chart sa pagtatala ng mga ito.

GAWAIN 4
Isulat ang pagkakatulad at pagkakaiba ng ugali ni Haring Salermo at Don Juan sa
pamamagitan ng Venn Diagram.

Pagkakaiba Pagkakaiba

Don Juan Pagkakatulad Haring Salermo

PAGLALAPAT
 Bumuo ng isang likhang sining (artwork) na nagsisimbolo sa tunay at makabuluhang
pag-ibig.

TANDAAN
Ang huling pagsubok ni Haring Salermo ay ang pagpapaamo sa kabayo na
walang iba kundi ang hari mismo at ito ay nabatid ni Maria Blanca kaya
tinuruan niya si Don Juan kung paano ito mapapamo. Dahil sa
napagtagumpayan ang pagsubok ay maaari ng pumili si Don Juan at
magiging palatandaan ni Don Juan sa pagpili kay Maria Blanca ang
hintuturong nawala sa kamay ng prinsesa.

PAGTATAYA

Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa saknong 1180-1285 ng Ibong


Adarna .
1. Paano natagpuan ni Don Juan ang singsing?
2. Bakit napaamo ni Don Juan ang kabayo?
3. Anong aral ang maaaring mapulot sa akda?

TAKDANG-ARALIN

Batay sa mga napa iskil sa pisara na mga likhang sining pumili ng isang
simbolo at iuugnay sa napag-aralan.

Sabjek: FILIPINO Baitang: 7


Petsa: Sesyon: 22
Pamantayang Ang mag-aaral ay nagpapamalas ng pag-unawa sa Ibong
Pangnilalaman: Adarna bilang isang obra maestra sa Panitikang Filipino.
Naisasagawa ng mga mag-aaral ang malikhaing
Pamantayan sa Pagganap: pagtatanghal ng ilang saknong ng koridong naglalarawan
ng mga pagpapahalagang Pilipino.
Natutukoy ang napapanahong mga isyung may kaugnayan
sa mga isyung tinalakay sa napakinggang bahagi ng akda.
(PB)F7PB-IVh-i-24
Kompetensi: Naipapahayag ang sariling saloobin, pananaw at damdamin
tungkol sa ilang napapanahong isyu kaugnay ng isyung
tinalakay sa akda.
(PS)F7PS-IVc-d-22
I.LAYUNIN Natutukoy ang mga mahahalagang pangyayari sa
Kaalaman: nilalaman ng saknong 1286-1382

Nasusuri ang damdaming namayani sa tauhan sa akdang


binasa.
Nakapagsasagawa ng isang masining na pagtatalo tungkol
Saykomotor:
sa usaping panlipunan na nakapaloob sa akdang binasa.
Apektiv: Nakapagbibigay nang masining na pagsasalaysay sa isang
pagsubok na dumarating sa buhay na napagtagumpayan.
II. PAKSANG-ARALIN Ibong Adarna
A.PAKSA Saknong 1286-1382
Rex Interactive;Supplemental Lessons(Filipino;Baitang 7 sa
Ikaapat na Markahan)
B.SANGGUNIAN
Ibong Adarna interpretasyon nina: Glady E. Gimena at
Leslie S. Navarro
C.KAGAMITANG
Sipi ng saknong 1286-1382 ng koridong Ibong Adarna
PAMPAGTUTURO
III.PAMAMARAAN

A.PAGHAHANDA
Pangmotibasyunal na Itanong sa mga mag-aaral:
tanong:
1. Bakit iyan ang napili mong larawan sa lahat ng
likhang sining?
2. Ano sinasagisag ng larawan?

Pagpili ng kapareha at tatalakayin kung tunay na


Aktiviti/Gawain pag-ibig ba ang nararamdaman ni Don Juan para
kay Maria Blanca.

B.PAGLALAHAD Pagbasa ng mga saknong ng Ibong Adarna.


Abstraksyon Hahatiin ang klase sa limang pangkat. Bibigyan ang bawat
(Pamamaraan ng pangkat ng saknong na kanilang babasahin at ibabahagi
Pagtatalakay) nila ito sa klase sa pamamagitan ng isang masining na
pagbasa.

Pangkat 1: Saknong 1286-1301(Ang Pagpili)


Pangkat 2: Saknong 1302-1316 (Ang Pagpili)
Pangkat 3: Saknong 1317-1333 (Ang Pagpili)
Pangkat 4: Saknong 1334-1357 (Ang Pagtakas sa Reyno
delos
Cristales)
Pangkat 5: Saknong 1358-1382 (Ang Pagtakas sa Reyno
delos
Cristales)
Isulat ang mga damdaming namamayani sa mga tauhan sa
C.PAGSASANAY akda.
Mga Paglilinang ng
Gawain Tauhan Damdamin Paliwanag
Don Juan
Haring Salermo
Maria Blanca

D.PAGLALAPAT Mula sa mga salita sa ibaba, bubuo ang mga mag-aaral ng


Aplikasyon isang kaisipan sa pamamagitan ng pagdudugtung-dugtong
ng mga salitang nasa ibaba.

SUNDIN MAHALIN MAGULANG PAG-IBIG TAMA


E.PAGLALAHAT Magtatanong ang guro sa napag-alaman ng mga mag-aaral
Generalisasyon at sasagutan ng mga mag-aaral ang mga tanong inihanda
ng guro.

1. Anong palatandaan ang ibinigay ni Maria Blanca


upang siya ang mapili ni Don Juan?
2. Bakit tumakas sina Don Juan at Maria Blanca?

IV.PAGTATAYA Magpapasagawa ng isang debate tungkol sa panghimasok


ng magulang sa pagpili ng iibigin ng anak.

Pamantayan
1. Katanggap-tanggap at makatotohanan ang mga
impormasyon at
katibayan.
2. May sapat na kaalaman sa balangkas ng sining ng
pakikipagtalo
at sa paksang pinagtalunan
3. Napaniniwala at nahihikayat ang mga tagapakinig na
panigan ang
inihaharap na proposisyon
4.Nagagamit nang wasto ang oras na itinakda para sa
paglalahad ng
patunay,pagtatanungan at pagtuligsa
5.Nababatid ang layunin ng pakikipagtalo ay ang hikayatin
ang
kabilang panig at tanggapin ang paniniwala at hindi
makipag-away

5-Napakahusay
4-Mahusay
3-Katamtamang Husay
2-Di-gaanong Mahusay
1-Kailangan Pang Pagbutihan

KABUUANG MARKA=

Tukuyin ang mahahalagang pangyayari sa saknong na


binasa at mga suliraning panlipunan na nakapaloob dito.
Maglahad ng sanhi, bunga at maaaring solusyon na
mailalapat dito.
V.TAKDANG-ARALIN
Problema Sanhi Bunga Solusyon

SESYON: 22

Aralin: Ibong Adarna (Saknong 1286-1382)


TUKLASIN
Ang araw na pinakahihintay ni Don Juan, ang pagpili ng kanyang
mapapangasawa bagama't batid ng prinsipe ang pipiliin ang walang iba
kundi si Maria Blanca ngunit nangangamba pa rin ang prinsipe kay Haring
Salermo. Sa araling ito, alamin natin ang pagsubok na pinagdaanan nina
Don Juan at Maria Blanca.

MOTIBISYUNAL NA TANONG

1. Bakit iyan ang napili mong larawan sa lahat ng likhang sining?


2. Ano sinasagisag ng larawan?

GAWAIN 1

Pumili ng kapareha at talakayin kung tunay na pag-ibig ba ang nararamdaman ni


Don Juan para kay Maria Blanca.

PAGSUSURI
Basahin ang mga piling saknong sa Ibong Adarna.
Saknong 1286-1333(Ang Pagpili)
Saknong 1334-1382 (Ang Pagtakas sa Reyno delos Cristales)

ALAM MO BA NA…

Kinaumagahan ay ipinatawag ni Haring Salermo si Don Juan. Sa loob ng


palasyo ay dinatnan niya ang kalihim, kasangguni, kamag-anak at mga
kawal ng hari. Lahat sila'y nakangiti kay Don Juan. Nakaratay ang hari ngunit bakas
ang kasiyahan sa mukha na labis na ipinagtatakhan ng prinsipe. Anang hari ay
panahon nang ipagkaloob ang gantimpala kay Don Juan. Pinapili siya ng hari kung
sino sa tatlo niyang anak ang nais pakasalan. Dinala siya sa tatlong silid, silid na
may butas sa pintuan at nakalitaw lamang ang hintuturo ng tatlong prinsesa.
Nilampasan ni Don Juan ang una at pangalawang silid.
Pinili niya ang ikatlong pintuan sapagkat naging palatandaan niya ang
naputol na hintuturo ni Maria Blanca. Hindi akalain ng hari na nang mapipili ni Don
Juan ay ang anak na bunso. Walang nagawa ang hari kung hindi pasamahin ang
anak sa prinsipe subalit gumawa ito ng panibagong plano. May kasulatang
nagsasaad na ipapadala sa Inglatera si Don Juan upang ang bunsong kapatid ng
hari ang mapangasawa ng prinsipe. Nagbanta ang hari na kamatayan ang kapalit
sakaling hindi sumang-ayon si Don Juan. Natuklasan ni Maria Blanca ang lihim na
plano ng ama at siya'y napaluha. Noon din ay nagpasya si Maria Blanca na tumakas
sila ni Don Juan.

Initusan ni Maria Blanca si Don Juan na kunin ang kabayo sa ikapitong pinto
subalit nagkamali ang prinsipe. Ang nakuha niya ay ang kabayo sa ikawalong pinto.
Hindi na magawang magsisihan ng magkasintahan dahil kailangan na nilang
tumakas. Umaatikabong habulan ang nangyari. Animo'y ipu-ipo sa tulin ang bilis
ng pagtakbo ng kabayo ni Haring Salermo. Gumamit ng mahika si Maria Blanca
upang hindi sila maabutan nito. Naghulog ang prinsesa ng mga karayom na agad
naging mga bakal na tinik. Ikinulong noon si Haring Salermo.Dalawang araw na
hinawan ng hari ang paligid upang maipagpatuloy ang paghabol sa mga tumakas.

Galit na galit ang hari habang tinutugis sina Don Juan at Maria Blanca.
Inilaglag ng prinsesa ang kanyang sabon upang ang magandang daan ay maging
bundok. Naghanap ng ibang daan ang hari upang makahabol ngunit nang malapit
na silang abutan ay gumawa na naman ng panibagong mahika si Maria Blanca.
Inilaglag ng prinsesa ang kohe niya dala at ang lupang tuyot ay naging isang
karagatan.Hindi na nakahabol ang hari subalit isinumpa si Maria Blanca na langit na
nang hahatol sa nagsuwail na anak. Isinumpa niyang makakalimot at magtataksil si
Don Juan sa pag-ibig kay Maria Blanca pagsapit nito ng kaharian ng Berbanya.
Nagkasakit ang hari sa tindi ng sama ng loob at hindi naglaon ay namatay.
Pagkaraan ng mahabang paglalakbay ay narating din nina Don Juan at Maria Blanca
ang kaharian ng Berbanya.

PAGSASANAY

Isulat ang mga damdaming namamayani sa mga tauhan sa akda.


Tauhan Damdamin Paliwanag
Don Juan
Haring Salermo
Maria Blanca

GAWAIN 4

Isulat ang mga positbo at negatibong pangyayaring naganap sa aralin.

Positibong Pangyayari Negatibong Pangyayari


PAGLALAPAT

Mula sa mga salita sa ibaba, bumuo ng isang kaisipan sa pamamagitan ng pagdudugtung-


dugtong ng mga salitang nasa ibaba.

SUNDIN MAHALIN MAGULANG PAG-IBIG TAMA

TANDAAN
Hindi nagkamali sa pagpili si Don Juan kay Maria Blanca dahil sa
palatandaang walang hintuturo ang prinsesa ngunit hindi nagustuhan ng hari
ang pagpili sa kanyang bunsong anak kaya't gumawa siya ng paraan upang
malayo sa anak si Don Juan nagdesisyon sina Don Juan at Maria Blanca na
tumakas sa kaharian ng Reyno delos Cristales.

PAGTATAYA

Magsagawa ng isang debate tungkol sa panghimasok ng magulang sa pagpili ng


iibigin ng anak.
Pamantayan
1. Katanggap-tanggap at makatotohanan ang mga impormasyon at katibayan.
2. May sapat na kaalaman sa balangkas ng sining ng pakikipagtalo at sa paksang
pinagtalunan
3. Napaniniwala at nahihikayat ang mga tagapakinig na panigan ang inihaharap na
proposisyon
4. Nagagamit nang wasto ang oras na itinakda para sa paglalahad ng patunay,
pagtatanungan at
pagtuligsa
5. Nababatid ang layunin ng pakikipagtalo ay ang hikayatin ang kabilang panig at
tanggapin ang
paniniwala at hindi makipag-away

5-Napakahusay
4-Mahusay
3-Katamtamang Husay
2-Di-gaanong Mahusay
1-Kailangan Pang Pagbutihan
KABUUANG MARKA=

TAKDANG-ARALIN
Tukuyin ang mahahalagang pangyayari sa saknong na binasa at mga suliraning
panlipunan na nakapaloob dito. Maglahad ng sanhi, bunga at maaaring solusyon
na mailalapat dito.
Problema Sanhi Bunga Solusyon

Sabjek: FILIPINO Baitang: 7


Petsa: Sesyon: 23
Pamantayang Ang mag-aaral ay nagpapamalas ng pag-unawa sa Ibong
Pangnilalaman: Adarna bilang isang obra maestra sa Panitikang Filipino.
Naisasagawa ng mga mag-aaral ang malikhaing
Pamantayan sa Pagganap: pagtatanghal ng ilang saknong ng koridong naglalarawan
ng mga pagpapahalagang Pilipino.
Nabibigyang kahulugan ang napakinggang mga pahayag
ng isang tauhan na nagpapakilala ng karakter na
ginampanan nila.
(PN)F7PN-IVe-f-21
Kompetensi:
Naipapahayag ang sariling saloobin, pananaw at damdamin
tungkol sa ilang napapanahong isyu kaugnay ng isyung
tinalakay sa akda.
(PS)F7PS-IVc-d-22
I.LAYUNIN Natutukoy ang mga mahahalagang pangyayari sa
Kaalaman: nilalaman ng saknong 1383-1449

Nakapagbubuo nang mabisang paglalahad tungkol sa mga


pangyayari sa akda.
Nakababahagi ng nasuring damdaming namayani sa mga
Saykomotor:
tauhan sa akda.
Nakapagbibigay ng sariling opinyon hinggil sa kaisipan sa
Apektiv:
akda.
II. PAKSANG-ARALIN Ibong Adarna
A.PAKSA Saknong 1383-1449
Rex Interactive;Supplemental Lessons(Filipino;Baitang 7 sa
Ikaapat na Markahan)
B.SANGGUNIAN
Ibong Adarna interpretasyon nina: Glady E. Gimena at
Leslie S. Navarro
C.KAGAMITANG
Sipi ng saknong 1383-1449 ng koridong Ibong Adarna
PAMPAGTUTURO
III.PAMAMARAAN

A.PAGHAHANDA Itanong sa mga mag-aaral:


Pangmotebasyunal na
tanong: 1. Nasubukan mo na bang magbigay ng pangako?
2. Natupad mo ba ang iyong ipinangako?

Pumili ng kapareha at sagutin ang tanong.


Aktiviti/Gawain Naniniwala ka bang ang mga pangako ay kadalasang
napapako? Ipaliwanag.

B.PAGLALAHAD Pagbasa ng mga saknong ng Ibong Adarna.


Abstraksyon Hahatiin ang klase sa limang pangkat. Bibigyan ang bawat
(Pamamaraan ng pangkat ng saknong na kanilang babasahin at ibabahagi
Pagtatalakay) nila ito sa klase sa pamamagitan ng isang masining na
pagbasa.

Pangkat 1: Saknong 1383-1393 (Ang Sumpaan)


Pangkat 2: Saknong 1394-1410 (Ang Sumpaan)
Pangkat 3: Saknong 1411-1425 (Ang Sumpaan)
Pangkat 4: Saknong 1426-1436 (Ang Paglimot sa Sumpaan)
Pangkat 5: Saknong 1437-1449 (Ang Paglimot sa Sumpaan)

C.PAGSASANAY Hahatiin ang klase sa limang pangkat at bawat pangkat ay


Mga Paglilinang ng tutukuyin ang mahahalagang pangayari sa saknong na
Gawain binasa at maglalahad din ng mga sanhi at bunga ng mga
pangyayaring naganap sa akda.

Problema Sanhi Bunga


Pagtakas sa kaharian
ng Reyno delos
Cristales
Paglimot sa sumpaan
ni Don Juan

D.PAGLALAPAT Isulat ang mga kaisipang mahihinuha sa salitang sumpaan.


Aplikasyon

SUMPAAN

E.PAGLALAHAT Magtatanong ang guro sa napag-alaman ng mga mag-aaral


Generalisasyon batay sa pagbabahagi ng bawat pangkat at sasagutan ng
mga mag-aaral ang mga tanong inihanda ng guro.

1. Ano ang naging sumpaan nina Don Juan at Maria


Blanca?
2. Bakit nakalimot si Don Juan sa kanilang sumpaan?

IV.PAGTATAYA Iparinig ang awiting “Pangako” sa klase at ipahambing ang


awiting ito sa mga saknong ng Ibong Adarna at ilahad ang
saloobin o damdamin habang ito ay binabasa/inaawit.
V.TAKDANG-ARALIN Itala ang mahahalagang pangyayari sa aralin.
SESYON: 23

Aralin: SAKNONG 1383-1449

TUKLASIN
Ang binitiwang pangako ay mahalaga ngunit paminsan-minsan ito ay hindi
natutupad tunghayan natin sa araling ito ang naging pangako nina Don Juan at
Maria Blanca sa isa't-isa.

MOTIBASYUNAL NA TANONG

1. Nasubukan mo na bang magbigay ng pangako?


2. Natupad mo ba ang iyong ipinangako?

GAWAIN 1

Pumili ng kapareha at sagutin ang tanong.


Naniniwala ka bang ang mga pangako ay kadalasang napapako? Ipaliwanag.

PAGSUSURI
Basahin ang mga piling saknong sa Ibong Adarna.
Saknong 1383-1425 (Ang Sumpaan)
Saknong 1426-1449 (Ang Paglimot sa Sumpaan)
ALAM MO BA NA…

Ang sumpa ni Haring Salermo ay batid ni Maria Blanca. Nagpaalam si Don


Juan kay Maria Blanca na iiwanan muna ang prinsesa sa isang nayon upang
humarap na mag-isa kay Don Fernando. Anang prinsipe ay kailangang ihanda ang isang
engrandeng pagsalubong sa prinsesa ng Reyno delos Cristales. Tutol si Maria Blanca
subalit iginiit ni Don Juan na katungkulan niyang parangalan ang pagdating ng
prinsesang iniibig. Mahigpit na nagbilin si Maria Blanca na huwag titingin at lalapit sa
sinumang babae sa loob ng palasyo upang hindi makalimot si Don Juan. Nangako ang
prinsipe na hinding-hindi siya makakalimot sa kanilang sumpaan. Nagbalik sa kaharian
ng Berbanya si Don Juan upang hingin ang bendisyon ng amang hari. Malugod na
tinanggap ni Haring Fernando ang pagbabalik ng bunsong anak.

Sa pagbabalik na iyon ni Don Juan, isang prinsesa ang naghihintay sa kanya.


Ipinagtapat ni Prinsesa Leonora sa hari na pitong taon siyang naghintay sa pagbabalik
ni Don Juan. Iglap at nakalimot si Don Juan sa binitawang pangako kay Maria Blanca
nang makita si Prinsesa Leonora. Natuklasan ng hari ang ginawang kataksilan ni Don
Pedro. Pinaglima ng hari ang mga narinig at hinayaang mamili si Prinsesa Leonora ng
pakakasalan sinuman kina Don Pedro at Don Juan.Itinakda ng hari ang kasal nina Don
Juan at Prinsesa Leonora na magaganap sa linggo ding iyon.Nais ng hari na itakwil si
Don Pedro ngunit hiniling ni Prinsesa Leonora na kung maaari'y pagkatapos na ng kasal
saka ito patawan ng parusa. Nagdiwang ang buong kaharian para sa nalalapit na pag-
iisang dibdib nina Don Juan at Prinsesa Leonora.

Pagkaraan ng tatlong araw ay hindi na nagbalik si Don Juan kay Maria Blanca.
Natuklasan ni Maria Blanca ang kataksilan ni Don Juan at nag-alimpuyo sa galit ang
kanyang dibdib. Habang nagdiriwang ang puso ni Don Juan ay nagdurusa naman si
Maria Blanca dahil sa kataksilan ng prinsipe. Naghanda si Maria Blanca upang
maghiganti sa araw ng kasal nina Don Juan at Prinsesa Leonora. Humiling siya sa
kanyang singsing na may mahika ng karosang ginto at nagbihis siya bilang emperatris
upang dumalo ng kasal. Ang karosang lantay ng ginto ay may labindalawang kabayo,
may kasamang mga kutsero at anim na lakayo. Ang karosa ang maghahatid kay Maria
Blanca sa kaharian ng Berbanya.

PAGSASANAY

Tukuyin ang mahahalagang pangayari sa saknong na binasa at maglahad din ng mga sanhi at
bunga ng mga pangyayaring naganap sa akda.
Problema Sanhi Bunga
Pagtakas sa kaharian ng
Reyno delos Cristales

Paglimot sa sumpaan ni
Don Juan
GAWAIN 4
Punan ang hinihinging impormasyon sa character values profile. Ibigay ang mga
tauhan at mga katangian o pagpapahalagang ipinamalas nila sa aralin.

Maria Haring Prinsesa


Don Juan
Blanca Fernando Leonora

Pagpapahalagang Pagpapahalagang Pagpapahalagang Pagpapahalagang


Ipinamalas Ipinamalas Ipinamalas Ipinamalas
PAGLALAPAT

Isulat ang mga kaisipang mahihinuha sa salitang sumpaan.

PAGLALAPAT
Isulat ang mga kaisipang mahihinuha sa salitang sumpaan.

SUMPAAN

TANDAAN

Ang sumpa ni Haring Salermo ay nagkatotoo tunay na nalimot ni Don Juan si


Maria Blanca sa pagdating niya sa Berbanya bagkus nanumbalik ang kanyang
pagmamahal kay Prinsesa Leonora.

PAGTATAYA

Pakinggan ang awiting “Pangako” sa klase at ihambing ang awiting ito sa mga
saknong ng Ibong Adarna at ilahad ang saloobin o damdamin habang ito ay
binabasa/inaawit.

TAKDANG-ARALIN
Itala ang mahahalagang pangyayari sa aralin.

Sabjek: FILIPINO Baitang: 7


Petsa: Sesyon: 24
Pamantayang Ang mag-aaral ay nagpapamalas ng pag-unawa sa Ibong
Pangnilalaman: Adarna bilang isang obra maestra sa Panitikang Filipino.
Naisasagawa ng mga mag-aaral ang malikhaing
Pamantayan sa Pagganap: pagtatanghal ng ilang saknong ng koridong naglalarawan
ng mga pagpapahalagang Pilipino.
Nailalahad ang sariling pananaw tungkol sa mga motibo ng
may-akda sa bisa ng binasang bahagi ng akda.
(PB)F7PB-IVa-b-20
Kompetensi:
Nailalahad ang sariling interpretasyon sa isang pangyayari
sa akda na maiuugnay sa kasalukuyan.
(PS)F7PS-IVc-d-19
I.LAYUNIN Natutukoy ang mga mahahalagang pangyayari sa
Kaalaman: nilalaman ng saknong 1450-1541

Nakapaghahambing sa sinaunang katangian ng babae at sa


kasalukuyang panahon na makikita sa tauhan sa akda.
Nakagagawa ng isang maikling pagsasadula tungkol sa
Saykomotor:
mahalagang pangyayari sa akda.
Nakapagbibigay ng paliwanag hinggil sa mga naging
Apektiv:
kilos/gawi ng tauhan sa akda.
II. PAKSANG-ARALIN Ibong Adarna
A.PAKSA Saknong 1450-1541
Rex Interactive;Supplemental Lessons(Filipino;Baitang 7 sa
Ikaapat na Markahan)
B.SANGGUNIAN
Ibong Adarna interpretasyon nina: Glady E. Gimena at
Leslie S. Navarro
C.KAGAMITANG
Sipi ng saknong1450-1541 ng koridong Ibong Adarna
PAMPAGTUTURO
III.PAMAMARAAN

A.PAGHAHANDA Itanong sa mga mag-aaral:


Pangmotibasyunal na 1. Nasubukan niyo na bang mawalan ng mahalagang
tanong: bagay?
2. Kapag may nawala sa inyo anong paraan ang
inyong ginagawa upang ito ay mabalik?

Think Pair Share: Pumili ng kapareha at sagutin ang tanong


Aktiviti/Gawain sa ibaba.

Kung ikaw si Maria Blanca, hahanapin mo ba si Don Juan?

B.PAGLALAHAD Pagbasa ng mga saknong ng Ibong Adarna.


Abstraksyon Hahatiin ang klase sa apat na pangkat. Bibigyan ang bawat
(Pamamaraan ng pangkat ng saknong na kanilang babasahin at ibabahagi
Pagtatalakay) nila ito sa klase sa pamamagitan ng isang masining na
pagbasa.

Pangkat 1: Saknong 1450-1472 (Ang Pagbawi sa Puso ni


Don
Juan)
Pangkat 2: Saknong 1473-1495 (Ang Dula-dulaan sa
Palasyo)
Pangkat 3: Saknong 1496-1515(Ang Dula-dulaan sa
Palasyo)
Pangkat 4: Saknong 1516-1541 (Ang Dula-dulaan sa
Palasyo)

C.PAGSASANAY Hahatiin ang klase sa limang pangkat at bawat pangkat


Mga Paglilinang ng gagawa ng paghahambing sa sinaunang katangian ng
Gawain babae at sa kasalukuyang panahon na makikita sa tauhan
sa tulong ng Venn Diagram.

D.PAGLALAPAT Ipahanay sa talahanayan ang mga pangyayari sa akda at


Aplikasyon isulat sa kanang kolum ang mga dahilan o motibo ni Maria
Blanca sa kanyang mga kilos/gawi.

Dahilan/Motibo sa
Mga Pangyayari
Kilos/Gawi
Pagdalo sa kasal nina Don
Juan at Donya Leonora
Pagpapanggap ni Maria
Blanca bilang emperatris
Pagsasadula ng mag-
asawang ita.

E.PAGLALAHAT Magtatanong ang guro sa napag-alaman ng mga mag-aaral


Generalisasyon batay sa pagbabahagi ng bawat pangkat at sasagutan ng
mga mag-aaral ang mga tanong inihanda ng guro.

1. Ano ang naramdaman ni Maria Blanca ng hindi


nakilala ni Don Juan? Ipaliwanag.
2. Anong parusa ang natatanggap ni Don Juan sa
tuwing hindi niya na gugunita ang mga
pangyayaring isinadula ng mag-asawang ita?

IV.PAGTATAYA Ang mga mag-aaral ay pipili ng isang pangyayari na


isasadula.
Pumili ng isang saknong mula 1542-1680 na maglalarawan
V.TAKDANG-ARALIN sa tagpuan ng sunod na aralin. Iguhit ang tagpuan batay sa
ibinigay na paglalarawan sa akda.

SESYON: 24

Aralin: SAKNONG 1450-1541

TUKLASIN
Sa hindi pagbalik ni Don Juan ay nagdesisyon si Maria Blanca na sundan siya
sa Berbanya at doon natuklasan niya ang pagtataksil nito. Alamin natin sa
araling ito kung paano nagbalik ang balintataw ni Don Juan at ang ginawang
pagbawi sa kanya ni Maria Blanca.

MOTIBASYUNAL NA TANONG

1. Nasubukan niyo na bang mawalan ng mahalagang bagay?


2. Kapag may nawala sa inyo anong paraan ang inyong ginagawa upang ito ay
mabalik?
GAWAIN 1

Think Pair Share: Pumili ng kapareha at sagutin ang tanong sa ibaba.


Kung ikaw si Maria Blanca, hahanapin mo ba si Don Juan?

PAGSUSURI
Basahin ang mga piling saknong sa Ibong Adarna.
Saknong 1450-1472 (Ang Pagbawi sa Puso ni Don Juan)
1473-1541 (Ang Dula-dulaan sa Palasyo)

ALAM MO BA NA…

Nang matanaw ang pagdating ni Maria Blanca ay agad nag-utos ang hari na
magpatugtog ng musiko bilang pagsalubong sa emperatris. Pinigilan muna
ang kasal upang parangalan ang pagdating ng panauhing pandangal. Malugod na
tinanggap ni Haring Fernando ang pagdalo ng emperatris sa kasal nina Don Juan at
Prinsesa Leonora. Nginitian lamang ni Don Juan ang hindi nakikilalang si Maria Blanca.
Labis na pighati ang naramdaman ng prinsesa ng Reyno delos Cristales sapagkat
nakatuon ang pansin ni Don Juan kay Prinsesa Leonora. Inalam ng hari kung ano ang
pakay ng emperatris sa kaharian. Sinabi ni Maria Blanca na mahalaga ang pakay sa
pagdalo sa kasalang iyon. Isang laro ang nais niya ipakita bilang handog sa ikakasal.
Minarapat ng hari ang handog na iyon ni Maria Blanca. Umupo nang maayos si Maria
Blanca at humiling ng prasko na may tubig sa kanyang diyamanteng singsing. Lumitaw
ang prasko na may nakasilid na dalawang maliliit na Ita.

Ang dalawang Ita ay mag-asawa. Humingi sila ng tugtog sa banda ng musiko


upang makapagsimula ng palabas. Sa pamamagitan ng dula-dulaan ay isinalaysay ng
Negrito at Negrita ang lahat ng pinagdaanang hirap ni Don Juan sa mga pagsubok na
ibinigay ni Haring Salermo. May hawak na pamalo ang Negrita at hinampas ang Negrito
sa tuwing hindi maalala ang mga nangyari kina Don Juan at Maria Blanca. Isinalaysay
nila ang mga pagsubok gaya ng pagpapatag at pagtibag ng bundok sa tabi ng palacio
real at pagtatayo ng kastilyo sa gitna ng karagatan.

Ipinaalala rin maging ang panghuhuli ng labindalawang Negrito sa karagatan


upang isilid sa prasko at ang pagtadtad kay Maria Blanca hanggang sa tumalsik ang
daliri. Ipinaalala rin ang pagpapaamo sa isang mabagsik na kabayo at ang naputol na
hintuturo ni Maria Blanca bilang palatandaan sa pagpili ni Don Juan. Pinapalo ng
Negrita ang asawang Negrito sa tuwing hindi naaalala ang mga salaysay ngunit si Don
Juan ang nasasaktan.

PAGSASANAY
Gumawa ng paghahambing sa sinaunang katangian ng babae at sa kasalukuyang
panahon na makikita sa tauhan sa tulong ng Venn Diagram.

Pagkakaiba Pagkakaiba

Sinaunang Pagkakatulad Modernong


Babae Babae

GAWAIN 4
Isa-isahin ang mga pangyayaring pinaalala ni Maria Blanca kay Don Juan.

PAGLALAPAT

Ipahanay sa talahanayan ang mga pangyayari sa akda at isulat sa kanang kolum ang mga
dahilan o motibo ni Maria Blanca sa kanyang mga kilos/gawi.

Mga Pangyayari Dahilan/Motibo sa Kilos/Gawi

Pagdalo sa kasal nina Don Juan at Donya


Leonora
Pagpapanggap ni Maria Blanca bilang
emperatris
Pagsasadula ng mag-asawang Ita.

TANDAAN

Nagpanggap na isang emeperatris si Maria Blanc upang makadalo sa kasal


ni Don Juan lingid sa kaalaman ng iba ang layunin ng prinsesa ay ipaalala
kay Don Juan ang kanilang sumpaan sa pamamagitan ng pagsasadula ng
dalawang Ita sa mga naganap sa Reyno delos Cristales.
PAGTATAYA

Sagutin ang mga tanong sa saknong 1450-1541 ng Ibong Adarna.


1. Ano ang naramdaman ni Maria Blanca ng hindi nakilala ni Don Juan?
Ipaliwanag.
2. Anong parusa ang natatanggap ni Don Juan sa tuwing hindi niya na
gugunita ang mga pangyayaring isinadula ng mag-asawang ita

TAKDANG-ARALIN

Pumili ng isang saknong mula 1542-1680 na maglalarawan sa tagpuan ng


sunod na aralin. Iguhit ang tagpuan batay sa ibinigay na paglalarawan sa akda.

Sabjek: FILIPINO Baitang: 7


Petsa: Sesyon: 25
Pamantayang Ang mag-aaral ay nagpapamalas ng pag-unawa sa Ibong
Pangnilalaman: Adarna bilang isang obra maestra sa Panitikang Filipino.
Naisasagawa ng mga mag-aaral ang malikhaing
Pamantayan sa Pagganap: pagtatanghal ng ilang saknong ng koridong naglalarawan
ng mga pagpapahalagang Pilipino.
Nagagamit ang karikatyur/guhit ng tauhan sa paglalarawan
ng kanilang mga katangian batay sa bahagi ng akda.
(PD)F7PD-IVc-d-20
Kompetensi:
Nabubuo ang iba't-ibang anyo ng salita sa pamamagitan ng
paglalapi, pag-uulit at pagtatambal.
(PT)F7PT-IVc-d-22
I.LAYUNIN Natutukoy ang mga mahahalagang pangyayari sa
Kaalaman: nilalaman ng saknong 1542-1680

Nakapagbubuo ng mabisang paliwanag/interpretasyon


tungkol sa mga kaisipang nakapaloob sa akda.
Nakagagawa ng isang isang mural na nagpapakita ng
Saykomotor:
kaisipang nakapaloob sa aralin.
Apektiv: Nakalilikha ng isang ng isang sanaysay na naglalahad ng
saloobin ng mga mag-aaral kaugnay ng pinagdaanan ni
Maria Blanca upang mabawi si Don Juan.
II. PAKSANG-ARALIN Ibong Adarna
A.PAKSA Saknong 1542-1680
B.SANGGUNIAN
C.KAGAMITANG
Sipi ng saknong 1542-1680 ng koridong Ibong Adarna
PAMPAGTUTURO
III.PAMAMARAAN

A.PAGHAHANDA Itanong sa mga mag-aaral:


Pangmotebasyunal na
tanong: 1. Ano ang napili ninyong saknong na maglalarawan sa
tagpuan sa akda?
2. Bakit ito ang napili ninyong saknong?

Pipili ang guro ng isa/dalawang estudyante na


maglalarawan sa tagpuan ng sunod na aralin.
Aktiviti/Gawain

B.PAGLALAHAD Pagbasa ng mga saknong ng Ibong Adarna.


Abstraksyon Hahatiin ang klase sa limang pangkat. Bibigyan ang bawat
(Pamamaraan ng pangkat ng saknong na kanilang babasahin at ibabahagi
Pagtatalakay) nila ito sa klase sa pamamagitan ng isang masining na
pagbasa.

Pangkat 1: Saknong 1542-1561(Ang Parusa sa Taksil na


Puso)
Pangkat 2: Saknong 1562-1579 (Ang Parusa sa Taksil na
Puso)
Pangkat 3: Saknong 1580-1603 (Ang Pagbabalik ng Alaala)
Pangkat 4: Saknong 1604-1639 (Ang Pagbabalik ng Alaala)
Pangkat 5: Saknong 1640-1680(Ang Pagbabalik ng Alaala)
C.PAGSASANAY Hahatiin ang klase sa limang pangkat. Magpaguhit o
Mga Paglilinang ng magpagawa ng isang mural na nagpapakita ng kaisipang
Gawain nakapaloob/tauhan sa araling tinalakay. Hayaang
ipaliwanag ng mga mag-aaral ang iginuhit sa loob ng tatlo
hanggang limang pangungusap.

D.PAGLALAPAT Ang pagtatanghal ng bawat pangkat sa pamamagitan ng


Aplikasyon “One Stay, Team Stray” na ipapaskil sa loob ng klase. Pipili
ng kinatawan ang bawat pangkat na magpapaliwanag nito,
samantalang ang ibang kapangkat ay lilibot upang makita
ang ibang mural.

E.PAGLALAHAT Magtatanong ang guro sa napag-alaman ng mga mag-aaral


Generalisasyon batay sa pagbabahagi ng bawat pangkat at sasagutan ng
mga mag-aaral ang mga tanong inihanda ng guro.

1. Anong uring parusa ang ipapataw ni Maria Blanca


kung sakaling hindi siya naalala ni Don Juan?
2. Paano nagbalik ang alaala ni Don Juan?

IV.PAGTATAYA Pagbabalik-tanaw sa mga pangyayaring naganap sa aralin


sa pamamagitan ng isang laro kung saan paunahan sa
pagsagot ng mga tanong at unang makakasagot ng tama
ay bibigyan ng gantimpala.

V.TAKDANG-ARALIN Magpasulat ng isang sanaysay na naglalahad ng saloobin


ng mga mag-aaral kaugnay ng pinagdaanan ni Maria
Blanca upang mabawi si Don Juan.
Pamantayan 5 4 3 2 1
Kompleto at malinaw na naipahahayag
ang damdamin kaugnay sa paksa.
Mahusay na naiuugnay ang pangyayari
sa tauhan sa sariling karanasan.
Nakapupukaw ng interes ang panimula
at wakas.
Wasto ang gamit ng bantas, salita at
pagbaybay.

5-Napakahusay
4-Mahusay
3-Katamtaman ang Husay
2-Sadyang Di-Mahusay
1-Kailangan pa ng Pagsasanay
SESYON: 25

Aralin: SAKNONG 1542-1680

TUKLASIN

Panimula
Sa ginawang paglimot ni Don Juan ay nasaktan nang husto si Maria Blanca
kaya't gumawa ng paraan ang prinsesa upang bumalik ang alaala ng prinsipe
ngunit paano kung hindi magbalik ang alaala ng prinsipe? Tunghayan sa
araling ito ang gagawin ng prinsesa sakaling hindi magbalik ang alaala ni Don
Juan.

MOTIBASYUNAL NA TANONG

1. Ano ang napili ninyong saknong na maglalarawan sa tagpuan sa akda?


2. Bakit ito ang napili ninyong saknong?

GAWAIN 1

Batay sa napiling saknong, ipapakita ang maaaring tagpuan na maglalarawan sa


sunod na aralin.

PAGSUSURI
Basahin ang mga piling saknong sa Ibong Adarna.
Saknong 1542-1579(Ang Parusa sa Taksil na Puso)
Saknong 1580-1680 (Ang Pagbabalik ng Alaala)

ALAM MO BA NA…

Napansin ni Maria Blanca na sa halip na makaalala si Don Juan ay lalo pang


nawili kay prinsesa Leonora. Ipinatigil ni Maria Blanca ang tugtog at
ipinatuloy ang pagsasalaysay upang mapako ang atensiyon ng prinsipe. Isinalaysay
ng Negrita kung paano nakatakas sina Don Juan at Maria Blanca kay Haring Salermo.
Ang una'y nang gawing malalaking bakal na tinik ni Maria Blanca ang mga karayom,
sumunod ay ang sabon na ginawang bundok at ang huli'y ang koheng ginawang
karagatan. Walang nagawa si Haring Salermo kundi ang manangis sapagkat hindi na
nabawi ang anak. Isinumpa na lamang ng hari ang prinsesa. Inilahad din ng Negrita na
noong sumapit na sila sa Berbanya ay nagpasya si Don Juan na iwanan muna sa isang
bahay ng pastol si Maria Blanca. Mag-isang tumungo ng palasyo si Don Juan upang
ihanda ang marangal na pagsalubong sa prinsesa.

Nagbilin si Maria Blnca na huwag titingin kaninumang babae si Don Juan upang
hindi makalimot sa kanilang sumpaan subalit pagkaraan ng tatlong araw ay hindi
nagbalik ang prinisipe. Wala pa ring maalala ang Negrito sa mga sinasabi ng Negrita
kaya't muli itong pinaghahampas. Muling nasaktan si Don Juan subalit balewala ito sa
prinsipe. Tanging si Prinsesa Leonora ang nanatili sa puso ni Don Juan. Naglahong
parang bula ang mga Negrito at Negrita. Tinitigan ni Maria Blanca si Don Juan at
natiyak na ganap na ngang nakalimot ang prinsipe. Hinagkan ni Maria Blanca ang
prasko at bumulong. Babasagin niya ang prasko upang gunawin ang buong reyno.

Iglap at nagbalik ang lahat ng alaala ni Don Juan. Humingi siya ng tawad kay
Maria Blanca at nangakong hindi na mauulit ang nagawang paglimot. Noon nalaman
ni Haring Fernando ang tunay na pangyayari. Ang pamumuhay ng tatlong prinsipe sa
Armenya, ang pagliligtas ni Don Juan sa dalawang prinsesa sa balon, ang pagtataksil
nina Don Pedro at Don Diego at ang pagliligtas ng engkantadong lobo kay Don Juan.
Nalaman din ng hari ang naging paglalakbay ni Don Juan patungong Reyno delos
Cristales at ang mga pagsubok na pinagdaanan kay Haring Salermo. Nagulumihan si
Haring Fernando kung ano ang nararapat gawin. Hindi batid ng hari kung kanino dapat
ipaksal si Don Juan kaya humingi ng tulong sa Arsobispo.

Nagpasya ang Arsobispo na kung sino ang nauna'y siya ang higit na may
karapatan kay Don Juan. Nagdamdam si Maria Blanca sa naging hatol at labis siyang
nagngitngit. Ibinuhos niya ang lamang tubig ng prasko at nagsimulang bumaha sa
palasyo. Nagkagulo ang mga tao. Nakiusap si Don Juan na pahintuin ang pagbaha at
nangakong hindi sila magkakahiwalay ni Maria Blanca. Nagmakaawa si Don Juan sa
amang hari at sa Arsobispo. Ipinagtapat ni Don Juan na si Maria Blanca ang tunay na
iniibig. Humingi siya ng tawad kay Prinsesa Leonora at hiniling na tanggapin ang pag-
ibig ni Don Pedro. Noon din ay nais ni Don Juan na ikasal na sila ni Maria Blanca.

PAGSASANAY

Gumuhit/gumawa ng isang mural na nagpapakita ng kaisipang nakapaloob sa


mga tauhan sa araling tinalakay at ipaliwanag ang iginuhit sa loob ng tatlo
hanggang limang pangungusap.

GAWAIN 4
Magtala ng limang mahahalagang pangyayari sa aralin.
1 2 3 4 5
PAGLALAPAT
Ang pagtatanghal ng bawat pangkat sa pamamagitan ng “One Stay, Team Stray” na
ipapaskil sa loob ng klase. Pipili ng kinatawan ang bawat pangkat na magpapaliwanag nito,
samantalang ang ibang kapangkat ay lilibot upang makita ang ibang mural.

TANDAAN

Sa pagbalik ng alaala ni Don Juan ay siya' naguguluhan sa pakakasalan sa


dalawang prinsesa kaya't nagpasya ang Arsobispo na kung sino ang
nauna'y siya ang higit na may karapatan kay Don Juan. Nagdamdam si
Maria Blanca sa naging hatol at labis siyang nagngitngit. Ibinuhos niya ang lamang
tubig ng prasko at nagsimulang bumaha sa palasyo. Nagkagulo ang mga tao, nakiusap
si Don Juan na pahintuin ang pagbaha at nangakong hindi sila magkakahiwalay ni
Maria Blanca.

PAGTATAYA

Sagutin ang mga tanong sa saknong 1542-1680 ng Ibong Adarna.


1. Anong uring parusa ang ipapataw ni Maria Blanca kung sakaling hindi siya
naalala ni Don Juan?

2. Paano nagbalik ang alaala ni Don Juan?

TAKDANG-ARALIN

Sumulat ng isang sanaysay na naglalahad ng saloobin kaugnay ng pinagdaanan ni Maria


Blanca upang mabawi si Don Juan.
Pamantayan 5 4 3 2 1
Kompleto at malinaw na naipahahayag ang
damdamin kaugnay sa paksa.
Mahusay na naiuugnay ang pangyayari sa tauhan sa
sariling karanasan.

Nakapupukaw ng interes ang panimula at wakas.

Wasto ang gamit ng bantas, salita at pagbaybay.

5-Napakahusay
4-Mahusay
3-Katamtaman ang Husay
2-Sadyang Di-Mahusay
1-Kailangan pa ng Pagsasanay

Sabjek: FILIPINO Baitang: 7


Petsa: Sesyon: 26
Pamantayang Ang mag-aaral ay nagpapamalas ng pag-unawa sa Ibong
Pangnilalaman: Adarna bilang isang obra maestra sa Panitikang Filipino.
Naisasagawa ng mga mag-aaral ang malikhaing
Pamantayan sa Pagganap: pagtatanghal ng ilang saknong ng koridong naglalarawan
ng mga pagpapahalagang Pilipino.
Natutukoy ang napapanahong mga isyung may
kaugnayan sa mga isyung tinalakay sa napakinggang
bahagi ng akda.
(PB)F7PB-IVh-i-24
Kompetensi:
Naipapahayag ang sariling saloobin, pananaw at
damdamin tungkol sa ilang napapanahong isyu kaugnay
ng isyung tinalakay sa akda.
(PS)F7PS-IVc-d-22
I.LAYUNIN Natutukoy ang mga mahahalagang pangyayari sa
Kaalaman: nilalaman ng saknong 1681-1717

Nabibigyang-diin ang mahahalagang pangyayari sa


aralin.
Nakagagawa ng isang maikling pagsasadula tungkol sa
Saykomotor:
mahalagang pangyayari sa akda.
Nakalalahok nang masigla sa mga pangkatang-gawaing
Apektiv:
inihanda ng guro.
II. PAKSANG-ARALIN Ibong Adarna
A.PAKSA Saknong 1681-1717
B.SANGGUNIAN
C.KAGAMITANG
Sipi ng saknong 1681-1717 ng koridong Ibong Adarna
PAMPAGTUTURO
III.PAMAMARAAN

A.PAGHAHANDA Itanong sa mga mag-aaral:


Pangmotibasyunal na
tanong: 1. Ano ang pinakamasakit na pinagdaanan ni Maria
Blanca upang mabawi si Don Juan?
2. Paano nabawi ng prinsesa si Don Juan?

Pipili ang guro ng isa/dalawang mag-aaral na


Aktiviti/Gawain magbabahagi sa naisulat na sanaysay.

B.PAGLALAHAD Pagbasa ng mga saknong ng Ibong Adarna.


Hahatiin ang klase sa tatlong pangkat. Bibigyan ang
Abstraksyon bawat pangkat ng saknong na kanilang babasahin at
(Pamamaraan ng ibabahagi nila ito sa klase sa pamamagitan ng isang
Pagtatalakay) masining na pagbasa.

Pangkat 1: Saknong 1681-1692 (Ang Masayang Yugto)


Pangkat 2: Saknong 1693-1702 (Ang Hari at Reyna ng
Reyno
delos Cristales)
Pangkat 3: Saknong 1703-1717 (Ang Hari at Reyna ng
Reyno
delos Cristales)

C.PAGSASANAY Atasan ang mga mag-aaral na pagsunod-sunurin ang mga


Mga Paglilinang ng pangyayari sa pamamagitan ng story ladder.
Gawain
5
4
3
2
1
11

D.PAGLALAPAT Pag-uulat ng bawat pangkat at pagkakaroon ng talakayan


Aplikasyon tungkol sa pagkakasunod ng mga pangyayari.

E.PAGLALAHAT Magtatanong ang guro sa napag-alaman ng mga mag-


Generalisasyon aaral at sasagutan ng mga mag-aaral ang mga tanong
inihanda ng guro.

1. Paano nagwakas ang akda?


2. Bakit mas ninais ni Don Juan na manirahan sa
Reyno delos Cristales?

IV.PAGTATAYA Hahatiin ang klase sa limang pangkat at magkakaroon ng


maikling pagsasadula tungkol sa napapanahong isyu
kaugnay ng isyung tinalakay sa akda.
Ang mga mag-aaral ay mananaliksik sa silid-aklatan o
internet tungkol sa mga dapat isa alang-alang sa pagsulat
ng iskrip.

V.TAKDANG-ARALIN Rubric sa Pagmamarka


1. Bagong Konsepto na Nakalap-15
2. Pagkilala sa Sanggunian-10
3. Kalinawan ng Paglalahad -15
Kabuuan=40
SESYON: 26

Aralin: SAKNONG 1681-1717

TUKLASIN
Sa huling bahagi ng akda ay alamin natin ang naging kahinatnan ng mga
tauhan sa korido at ang pagpapatotoo na ang tunay na pag-ibig ang mananaig
sa huli.

MOTIBISYUNAL NA TANONG

1. Ano ang pinakamasakit na pinagdaanan ni Maria Blanca upang mabawi si Don


Juan?
2. Paano nabawi ng prinsesa si Don Juan?

GAWAIN 1

Pagbabahagi sa naisulat na sanaysay ng mga mag-aaral.

PAGSUSURI
Basahin ang mga piling saknong sa Ibong Adarna.
Saknong 1681-1692 (Ang Masayang Yugto)
Saknong 1693-1717 (Ang Hari at Reyna ng Reyno delos Cristales)
ALAM MO BA NA…

Naging makatuwiran si Haring Fernando sa paglilimi ng


katotohanan at kung ano ang nararapat. Nagpasya ang hari na ipakasal
sina Don Juan at Maria Blanca. Walang nagawa si Prinsesa Leonora kung hindi
tanggapin ang kapasyahan ng hari. Ipinahayag rin ni Haring Fernando na nais nang
isalin ang korona kay Don Juan. Sinabi naman ni Maria Blanca na ipagkaloob na kay
Don Pedro ang korona ng Berbanya sapagkat ang Reyno delos Cristales ang
kahariang pamumunuan ni Don Juan. Isinalin ng Arsobispo ang korona kay Don
Pedro bilang hari at si Prinsesa Leonora ang magiging reyna ng Berbanya. Matapos
ang kasal nina Don Juan at Maria Blanca ay nagpaalam na sila upang magbalik sa
Reyno delos Cristales.

Laking pagtataka ni Don Juan sapagkat ang napakalayong lupain ng Reyno


delos Cristales ay narating nila sa loob ng isang oras. Malaon nang namayapa si
Haring Salermo at ang mga kapatid ni Maria Blanca. Dinatnan nilang kaharia'y nasa
ibang pamunuan. Sa kabila nito'y wala namang kaguluhang naganap at nanatili ang
kapayapaan ng reyno. Malugod nilang tinanggap ang pagbabalik ni Maria Blanca
bilang bagong reyna. Ang mga binalot ng sumpa at naengkanto ng kapangyarihan
ni Haring Salermo ay nagsilaya na. Ang mga batong prinsipe, konde at duke sa
hardin ay naging tao muli.

Nagkaroon ng isang malaking piging kasama ang panalangin para sa mga


magulang at kapatid ni Maria Blanca na nagsiyao na. Nagpahayag si Maria Blanca
na putungan ng korona si Don Juan bilang bagong hari ng Reyno delos Cristales.
Nagdiwang ang buong kaharian at malugod na tinanggap ang kanilang bagong hari
at reyna. Siyam na araw na nagkaroon ng pista at araw-gabi na walang patid ang
musika. Ang Reyno delos Cristales ay lalong napaunlad ng hari't reyna dahil sa
kanilang matapat na pamamalakad. Walang sinumang naghirap at ang bawat
tahanan ay naging pugad ng pag-ibig.

PAGSASANAY
Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa aralin sa pamamagitan ng story ladder.
5
4
3
2
1
11

GAWAIN 4
Isulat ang naging kongklusyon sa mga piling tauhan sa akda.
Don Juan Maria Blanca Don Pedro Prinsesa Leonora
PAGLALAPAT
Pagkakaroon ng maikling pagsasadula tungkol sa napapanahong isyu kaugnay ng isyung
tinalakay sa akda.

TANDAAN
Ikinasal sina Don Pedro at Prinsesa Leonora at siyang naging bagong
tagapamahala ng Berbanya habang nagdiwang ang buong kaharian at
malugod na tinanggap ang kanilang bagong hari at reyna ng Reyno
delos Cristales na sina Don Juan at Maria Blanca. Lalong napaunlad ng
hari't reyna ang kaharian dahil sa kanilang matapat na pamamalakad.
Walang sinumang naghirap at ang bawat tahanan ay naging pugad ng pag-
ibig.

PAGTATAYA

Sagutin ang mga tanong sa saknong 1681-1717 ng Ibong Adarna.


1. Paano nagwakas ang akda?
2. Bakit mas ninais ni Don Juan na manirahan sa Reyno delos
Cristales?

TAKDANG-ARALIN

Magsaliksik sa silid-aklatan o internet tungkol sa mga dapat isa alang-alang sa


pagsulat ng iskrip.
Rubric sa Pagmamarka
1. Bagong Konsepto na Nakalap -15
2. Pagkilala sa Sanggunian -10
3. Kalinawan ng Paglalahad -15

Kabuuan =40
Sabjek: FILIPINO Baitang: 7
Petsa: Sesyon: 27
Ang mag-aaral ay nagpapamalas ng pag-unawa
Pamantayang
sa Ibong Adarna bilang isang obra maestra sa
Pangnilalaman:
Panitikang Filipino.
Naisasagawa ng mga mag-aaral ang malikhaing
Pamantayan sa
pagtatanghal ng ilang saknong ng koridong
Pagganap:
naglalarawan ng mga pagpapahalagang Pilipino.
Naisusulat ang orihinal na iskrip na gagamitin sa
pangkatang pagtatanghal.
(PU)F7PU-IVE-F-23
Nabibigyang-puna/mungkahi ang nabuong iskrip
na gagamitin sa pangkatang pagtatanghal.
Kompetensi: (PB)F7PB-IVh-i-25
Naisasagawa ang sistematikong pananaliksik
tungkol sa mga impormasyong kailangan sa
pagsasagawa ng iskrip ng pangkatang
pagtatanghal.
(EP)F7EP-IVh-i-10
I.LAYUNIN Nabibigyang-puna o mungkahi ang nabuong
Kaalaman: iskrip na gagamitin sa pagtatanghal.
Naisusulat ang orihinal na iskrip na gagamitin sa
pangkatang pagtatanghal.
Saykomotor:
Nakikilahok sa malikhaing pagtatanghal ng ilang
saknong ng korido na naglalarawan ng
pagpapahalagang Pilipino.
Nagagamit ang angkop na mga salita at simbolo
sa pagsulat ng iskrip.
Apektiv:
Nagagamit ang mga salita at pangungusap nang
may kaisahan at pagkakaugnay-ugnay sa
mabubuong iskrip.
II. PAKSANG-ARALIN Ibong Adarna
A.PAKSA Pangwakas na Gawain
Supplemental Lessons(Filipino;Baitang 7 sa
B.SANGGUNIAN Ikaapat na Markahan)

C.KAGAMITANG
Sipi ng koridong Ibong Adarna
PAMPAGTUTURO
III.PAMAMARAAN

A.PAGHAHANDA Itanong sa mag-aaral:


Pangmotibesyunal na 1. Ano ang ibig sabihin ng iksrip?
tanong: 2. Mahalaga ba ang iskrip sa isang
pagsasadula?

Aktiviti/Gawain Pagbabahagi ng nasaliksik ng mga mag-aaral


tungkol sa pagsulat ng isang iskrip.

B.PAGLALAHAD Hahatiin ang klase sa limang pangkat at bawat


Abstraksyon pangkat ay bibigyan ng kani-kanilang bahagi ng
(Pamamaraan ng kuwento ng korido na kailangan nilang basahin at
Pagtatalakay) pag-aralan.

Pangkat 1: Ang Kabutihan ni Don Juan


Pangkat 2: Mga Pagtataksil kay Don Juan
Pangkat 3: Mga Pag-ibig ni Don Juan
Pangkat 4: Mga Pagsubok at Pakikipagsapalaran
ni Don Juan
Pangkat 5: Mga Tagumpay ni Don Juan
C.PAGSASANAY Pagtatalakay sa pagsulat ng iskrip at papipiliin
Mga Paglilinang ng ang mga mag-aaral sa mahahalagang saknong
Gawain sa mga pangyayaring nakaatas sa kanila na
gagawan ng iskrip.

D.PAGLALAPAT Paggawa ng iskrip na mga mag-aaral at ito ay


Aplikasyon ipapawasto sa guro.

E.PAGLALAHAT Magtatanong ang guro sa napag-alaman ng mga


Generalisasyon mag-aaral batay sa pagbabahagi ng bawat
pangkat at sasagutan ng mga mag-aaral ang
mga tanong na inihanda ng guro.

1. Ano ang ibig sabihin ng dula?


2. Bakit mahalaga ang iskrip sa isang dula?

IV.PAGTATAYA Magbibigay ng repleksiyon ang mga mag-aaral


tungkol sa kahalagahan ng impormasyong
natutuhan at ang magagawa ng impormasyong
ito sa pagtuklas ng karagdagang kaalaman.
Maaaring punan nila ng salita ang mga
sumusunod na linya:

Mahalagang malaman na…..


Sa pamamagitan ng impormasyong natutuhan,
magiging…..
Pagpapatapos sa iskrip na ginawa ng bawat
V.TAKDANG-ARALIN
pangkat.

SESYON: 27

Aralin:

TUKLASIN
Matapos matalakay ang koridong Ibong Adarna ay pag-aralan naman natin
ngayon ang tungkol sa masining na pagsasadula.

MOTIBASYUNAL NA TANONG
1. Ano ang ibig sabihin ng iskrip?
2. Mahalaga ba ang iskrip sa isang pagsasadula?

GAWAIN 1
Pagbabahagi ng nasaliksik tungkol sa pagsulat ng isang iskrip.

PAGSUSURI
Hahatiin ang klase sa limang pangkat at bawat pangkat ay bibigyan ng kani-
kanilang bahagi ng kuwento ng korido na kailangan nilang basahin at pag-aralan.
Pangkat 1: Ang Kabutihan ni Don Juan
Pangkat 2: Mga Pagtataksil kay Don Juan
Pangkat 3: Mga Pag-ibig ni Don Juan
Pangkat 4: Mga Pagsubok at Pakikipagsapalaran ni Don Juan
Pangkat 5: Mga Tagumpay ni Don Juan

ALAM MO BA NA…

Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na


maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o
entablado. Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang ukol sa
isang dula sa pamamagitan ng panonood.

Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango


sa totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang
kaisipan.

Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na dula na


tinatawag na iskrip. Ang iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at hindi dula, sapagkat
ang tunay na dula ay yaong pinanonood na sa isang tanghalan na pinaghahandaan
at batay sa isang iskrip.

PAGSASANAY
Pumili ng mahahalagang saknong sa mga pangyayaring nakaatas sa bawat
pangkat na gagawan ng iskrip.
GAWAIN 4
Gumawa ng 8-Fold WAYS. Pagbibigay ng walong konkretong paraan ng pagpapahalaga sa sining ng
pagtatanghal ng mga panitikang Filipino.
1
2
3
4
5
6
7
8

PAGLALAPAT
Paggawa ng iskrip batay sa nakaatas na saknong sa pangkat.

TANDAAN

Ang iskrip ang pinakakaluluwa ng isang dulang itatanghal sapagkat lahat ng


bagay na isinasaalang-alang sa dula ay nagmumula rito. Sa iskrip
matatagpuan ang galaw ng mga aktor, ang mga tagpo at ang mga eksena.

PAGTATAYA

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:


1. Ano ang ibig sabihin ng dula?
2. Bakit mahalaga ang iskrip sa isang dula?

TAKDANG-ARALIN

Magbigay ng repleksiyon tungkol sa kahalagahan ng impormasyong


natutuhan at ang magagawa ng impormasyong ito sa pagtuklas ng
karagdagang kaalaman. Maaaring punan nila ng salita ang mga
sumusunod na linya:
Mahalagang malaman na…..
Sa pamamagitan ng impormasyong natutuhan, magiging…..

Sabjek: FILIPINO Baitang: 7


Petsa: Sesyon: 28
Pamantayang Ang mag-aaral ay nagpapamalas ng pag-unawa sa Ibong
Pangnilalaman: Adarna bilang isang obra maestra sa Panitikang Filipino.
Naisasagawa ng mga mag-aaral ang malikhaing
Pamantayan sa Pagganap: pagtatanghal ng ilang saknong ng koridong naglalarawan
ng mga pagpapahalagang Pilipino.
Nakikinig nang mapanuri upang makabuo ng sariling
paghatol sa napanood na pagtatanghal.
(PN)F7PN-IVe-f-23
Naisusulat ang orihinal na iskrip na gagamitin sa
pangkatang pagtatanghal.
(PU)F7PU-IVE-F-23
Kompetensi:
Nabibigyang-puna/mungkahi ang nabuong iskrip na
gagamitin sa pangkatang pagtatanghal.
(PB)F7PB-IVh-i-25
Nagagamit ang mga salita at pangungusap nang may
kaisahan at pagkakaugnay-ugnay sa mabubuong iskrip.
(WG)F7WG-IVj-23
I.LAYUNIN Nabibigyang-puna o mungkahi ang nabuong iskrip na
Kaalaman: gagamitin sa pagtatanghal.
Naisusulat ang orihinal na iskrip na gagamitin sa
pangkatang pagtatanghal.
Saykomotor:
Nakikilahok sa malikhaing pagtatanghal ng ilang saknong
ng korido na naglalarawan ng pagpapahalagang Pilipino.
Nagagamit ang angkop na mga salita at simbolo sa
pagsulat ng iskrip.
Apektiv:
Nagagamit ang mga salita at pangungusap nang may
kaisahan at pagkakaugnay-ugnay sa mabubuong iskrip.
II. PAKSANG-ARALIN Ibong Adarna
A.PAKSA Pangwakas na Gawain
Supplemental Lessons(Filipino;Baitang 7 sa Ikaapat na
B.SANGGUNIAN
Markahan)
C.KAGAMITANG
Sipi ng koridong Ibong Adarna
PAMPAGTUTURO
III.PAMAMARAAN

A.PAGHAHANDA Itanong sa mag-aaral:


Pangmotibasyunal na 1. Bakit mahalaga ang iskrip sa isang dula?
tanong: 2. Anong mangyayari sa dula kung walang iskrip?

Isulat ang iyong pagpapakahulugann sa salitang ikrip.


Aktiviti/Gawain

B.PAGLALAHAD Hahatiin ang klase sa limang pangkat at bawat pangkat ay


Abstraksyon bibigyan ng kani-kanilang bahagi ng kuwento ng korido na
(Pamamaraan ng kailangan nilang basahin at pag-aralan. Papipiliin sila ng
Pagtatalakay) mahahalagang saknong sa mga pangyayaring ito at
magpasulat ng iskrip nito.

Pangkat 1: Ang Kabutihan ni Don Juan


Pangkat 2: Mga Pagtataksil kay Don Juan
Pangkat 3: Mga Pag-ibig ni Don Juan
Pangkat 4: Mga Pagsubok at Pakikipagsapalaran ni Don
Juan
Pangkat 5: Mga Tagumpay ni Don Juan

C.PAGSASANAY Pagpapasulat ng iskrip na itatanghal na mga piling saknong


Mga Paglilinang ng ng koridong Ibong Adarna at pagbibigay-puna o mungkahi
Gawain sa nabuong iskrip na gagamitin sa pagtatanghal.

Mga Gabay na Tanong:

1. Sa iyong palagay, ano ang pinakamahalagang


pangyayari na matatagpuan sa Ibong Adarna?
Bakit?
2. Kung ikaw ang manunulat at maaari mo pang
baguhin ang ilang tagpo at pangyayari sa akda, alin
sa mga ito at bakit?

D.PAGLALAPAT Pagtatanong sa kabuuang pag-aaral ng Ibong Adarna ang


Aplikasyon halaga nito sa:

Sarili:__________________________
Magulang:______________________
Kapwa:_________________________

E.PAGLALAHAT Magbibigay ng repleksiyon ang mga mag-aaral tungkol sa


Generalisasyon kahalagahan ng impormasyong natutuhan at ang
magagawa ng impormasyong ito sa pagtuklas ng
karagdagang kaalaman. Maaaring punan nila ng salita ang
mga sumusunod na linya:

Mahalagang malaman na…..


Sa pamamagitan ng impormasyong natutuhan,
magiging…..

IV.PAGTATAYA Ipapagawa sa mga mag-aaral ang masining na


pagtatanghal ng ilang saknong ng koridong Ibong Adarna
na naglalarawan ng pagpapahalagang Pilipino.

Pamantayan sa Pagbibigay ng Marka:

I. Pagsasagawa ng Gawain/Pagtatanghal-65%
1. Kilos/galaw at damdamin-15
2. Pagkamalikhain at pagkamaparaan-15
3. Orihinalidad at pagkamakatotohanan ng pagsuot ng mga
kasuotang ginamit-10
4. Malinaw ang pagbigkas ng mga linya-10
5. Pagpili ng awitin at paglalapat ng musika-15

II. Piyesa/Iskrip-20%
1. Maayos ang paglalahad ng kaisipan/ideya-10
2. Maayos ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari-10
III. Kahandaan,kaayusan at pagtutulungan-10%
1.Makikita ang organisasyon at kooperasyon ng bawat
miyembro

IV. Panghihikayat sa madla-5%


1.May kahandaan at kaayusan sa pagsasagawa ng gawain

KABUUANG MARKA-100 PUNTOS


Sumulat ng isang tekstong naglalarawan tungkol sa mga
naging paglalakbay ni Don Juan. Maaaring pumili sa mga
pakikipagsapalaran nangyari kay Don Juan.

V.TAKDANG-ARALIN a.) Ang Pag-alis ni Don Juan sa Berbanya


b.) Mga Pagtataksil kay Don Juan
c.) Mga Pag-ibig ni Don Juan
d.) Mga Pagsubok ni Don Juan
e.) Mga Tagumpay ni Don Juan
SESYON: 28

Aralin: Ibong Adarna (Pangwakas na Gawain)

TUKLASIN

Lakbayin natin ang halaga ng iskrip sa isang dula at ang mga dapat isaalang-
alang sa pag-sulat nito.

MOTIBASYUNAL NA TANONG

1. Bakit mahalaga ang iskrip sa isang dula?


2. Anong mangyayari sa dula kung walang iskrip?

GAWAIN 1

Isulat ang iyong pagpapakahulugan sa salitang iskrip.

PAGSUSURI
Hahatiin ang klase sa limang pangkat at bawat pangkat ay bibigyan ng kani-
kanilang bahagi ng kuwento ng korido na kailangan nilang basahin at pag-
aralan. Papipiliin sila ng mahahalagang saknong sa mga pangyayaring ito at
magpasulat ng iskrip nito.
Pangkat 1: Ang Kabutihan ni Don Juan
Pangkat 2: Mga Pagtataksil kay Don Juan
Pangkat 3: Mga Pag-ibig ni Don Juan
Pangkat 4: Mga Pagsubok at Pakikipagsapalaran ni Don Juan
Pangkat 5: Mga Tagumpay ni Don Juan
ALAM MO BA NA…

Ayon kay Sicat sa kanyang sanaysay na “Sa Pagsulat,”


nagsisimula siya sa ideya. Mula sa ideya, aniya, itinatayo niya ang
balangkas sa isip at pinaglalapat-lapat niya rito, sa pamamagitan ng mahiwagang
kapangyarihan ng imahinasyon, ang samu’t saring impresyon, gunita, larawan,
damdamin at pangyayari. Tila siya mangangaso, kung saan-saan siya nakararating.
Narito ang mga paraan o teknik kung paano makasusulat ng iskrip

1. Dapat na marunong ang isang manunulat na tumimpla ng kanyang mga


sinusulat. Nakabaling ito sa tono’t himig na hangad ipahiwatig sa katha.

2. Magsimula sa pagsulat ng mga diyalogo. Kailangang masalang mabuti kung ano


ang mga gagamiting salita sa diyalogo.

3. Piliin ng salita na gagamitin depende sa manonood o paksa.

4. Mahalaga na may nilalaman (content) ang isang kuwento. Ito ang mensahe ng
kuwento, anyo (form) sapagkat mapapailalim sa anyo ang kasiningan ng pagsusulat.
Dito pumapasok ang estilo.

5. Kailangan sa pagsulat ang disenyo, ang pagbalangkas, ang mga dibisyon (ang
simula, sinulong, at wakas). Dapat rin na pag-aralan ang makatotohanan at
epektibong banghay (plot), karakter (character), tagpuan (location), paningin (point
of view), at iba pang sangkap sa pagkatha. Sa pagsulat ng iskrip nararapat na
lakipan ito ng angkop na tunog sapagkat ang iyong gagawin akda ay pagbabatayan
at pinakabuhay ng isang dula.

Ngayong nalaman mo na ang mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng iskrip


ng dula. Nakatitiyak ako na magiging matagumpay ang inyong gagawing produkto.
Basahin at isagawa ang sitwasyon. Gamiting gabay ang sumusunod na pamantayan
sa pagsasagawa nito.

PAGSASANAY
Pagpapasulat ng iskrip na itatanghal na mga piling saknong ng koridong Ibong
Adarna at pagbibigay-puna o mungkahi sa nabuong iskrip na gagamitin sa
pagtatanghal.

GAWAIN 4
Pagsagot sa mga gabay na tanong sa paggawa ng iskrip:
1. Sa iyong palagay, ano ang pinakamahalagang pangyayari na matatagpuan
sa Ibong Adarna? Bakit?

2. Kung ikaw ang manunulat at maaari mo pang baguhin ang ilang tagpo at
pangyayari sa akda, alin sa mga ito at bakit?

PAGLALAPAT
Pagtatanong sa kabuuang pag-aaral ng Ibong Adarna ang halaga nito sa:
Sarili:__________________________
Magulang:______________________
Kapwa:_________________________

TANDAAN

Sa pagsulat ng iskrip ay nagsisimula muna sa ideya. Mula sa ideya,


itinatayo ang balangkas sa isip at pinaglalapat-lapat niya rito, sa
pamamagitan ng mahiwagang kapangyarihan ng imahinasyon, ang samu’t
saring impresyon, gunita, larawan, damdamin at pangyayari. Tila ikaw ang
mangangaso, kung saan-saan ka nakararating.

PAGTATAYA

Paggawa ng masining na pagtatanghal ng ilang saknong ng koridong Ibong


Adarna na naglalarawan ng pagpapahalagang Pilipino.

Pamantayan sa Pagbibigay ng Marka:


I. Pagsasagawa ng Gawain/Pagtatanghal-65%
1. Kilos/galaw at damdamin-15
2. Pagkamalikhain at pagkamaparaan-15
3. Orihinalidad at pagkamakatotohanan ng pagsuot ng mga
kasuotang ginamit-10
4. Malinaw ang pagbigkas ng mga linya-10
5. Pagpili ng awitin at paglalapat ng musika-15
II. Piyesa/Iskrip-20%
1. Maayos ang paglalahad ng kaisipan/ideya-10
2. Maayos ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari-10

III. Kahandaan, kaayusan at pagtutulungan-10%


1. Makikita ang organisasyon at kooperasyon ng bawat miyembro
IV. Panghihikayat sa madla-5%
1. May kahandaan at kaayusan sa pagsasagawa ng gawain

KABUUANG MARKA-100 PUNTOS

TAKDANG-ARALIN

Sumulat ng isang tekstong naglalarawan tungkol sa mga naging paglalakbay ni


Don Juan. Maaaring pumili sa mga pakikipagsapalaran nangyari kay Don Juan.
a.) Ang Pag-alis ni Don Juan sa Berbanya
b.) Mga Pagtataksil kay Don Juan
c.) Mga Pag-ibig ni Don Juan
d.) Mga Pagsubok ni Don Juan
e.) Mga Tagumpay ni Don Juan

You might also like