Professional Documents
Culture Documents
Yunit I
Yunit I
A. LAYUNIN
Maipaliliwanag ang ugnayan ng mga tungkulin ng wikang Filipino bilang wikang pambansa, wika ng bayan, at
wika ng pananaliksik na nakaugat sa pangangailangan ng sambahayan;
Maipaliliwanag ang mahigpit na ugnayan ng pagpapalakas ng wikang pambansa, pagpapatibay ng kolektibong
identidad, at pambansang kaunalaran; at
Makapag-aambag sa pagtataguyod ng wikang Fiipino bilang daluyan ng makabuluhan at mataas na antas ng
diskursong akma at nakaugat sa lipunang Pilipino at bilang wika ng pananaliksik na nakaayon sa
pangangailangan ng komunidad at bansa.
PANIMULA
Lahat ng bagay, tao o anumang lalang dito sa mundo ay may kanya-kanyang kalikasan, tungkulin maging
kanya-kanyang kalagayan. Di natin maitatatwa na ang buhay natin sa mundo ay may kaakibat na
responsibilidad at di natin iyon matatakasan. Ito rin ay ayon sa ating mga pinagmulan kung ano tayo sa harap
ng iba at maging kung anong ganap natin sa mundo. Ang wikang Filipino ay may kanya ring sariling kalikasan.
Saan ba siya nagmula? Ano ang kanyang likas? Ano ang kanyang tungkulin bilang wikang pambansa at
maging kung ano ang kalagayan nito sa ating buhay? Ito ba ay nananatili lamang wika ngunit di
pinagyayaman? Wika ngunit di pinapahalagahan. Mas mauunawaan natin kung ano baa ng tunay na esensya
ng ating wikang pambansa kung mallaman natin kung ano baa ng kanyang kalikasan, tungkulin at kalagayan.
B. PANIMULANG PAGTATAYA
Pangalan: ________________________ Kurso at Seksyon : ________________________
Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap. Sa patlang sa unahan ng bawat bilang, isulat ang TAMA
kung ang diwa ng pangungusap ay tama. Kung mali, isulat ang salitang dapat humalili sa salitang may
salungguhit upang ang diwa ng pangungusap ay maging tama.
____________________1. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Pilipino.
____________________2. May dalawang saligan ng pagpapayabong at pagpapayaman sa wikang pambansa
ng Pilipinas.
____________________3. Ang pinakaesensya ng konsepto ng wikang Filipino ay ang pagiging pambansang
lingua franca nito.
____________________4. Ang haypotesis ni Pool (1972) sa kanyang pananaliksik ay nakatutulong sa
kaunlarang pang-ekonomiya ang pagkakaiba-iba sa wika.
____________________5. Sa kanyang pananaliksik, ang ugnayan sa pagitan ng dalawang baryabol (linguistic
diversity at GDP) ay kinatawan ni Pool (1972) sa pamamaraang grapikal na
tinatawag na scatterplot.
____________________6. Ayon kay Fishman (1968), ang mga bansang may iba-ibang komposisyong
linggwistik ay nahaharap sa natatanging sagabal sa kaunlaran.
____________________7. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang linguistically diverse sa daigdig.
____________________8. Ang kalagayang pang-edukasyon ang nagtutulak sa mga Pilipinong magtrabaho sa
ibang bansa.
____________________9. Ayon kay Villacorta (1986), mahalaga ang tunay na pagpapaunlad ng wikang
pambansa upang mapabilis ang kolektibong partisipasyon ng sambayanang Pilipino
sa sosyo-ekonomikong pag-unlad at pagbuo ng nasyon.
___________________10. Ang katangiang espiritwal ng Pilipinas ang nagdudulot ng pagkakaiba-iba ng wika at
kultura sa bansa.
C. NILALAMAN
A. KALIKASAN NG WIKANG FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA
Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.
- Artikulo XIV,
Seksyon 6
DEKONSTRUKSYON NG PROBISYON
Una – tawag sa wikang pambansa ng Pilipinas ay FILIPINO.
Ikalawa – isang wikang nasa proseso pa rin ng paglilinang.
Ikatlo – may dalawang saligan ng pagpapayabong at pagpapayaman sa wikang ito
Ito ay ang umiiral na wika sa ating bansa o ang mga dayalek at ang iba pang mga wika o ang
mga wikang dayuhan na nakaiimpluwensya / nakaiimpluwensya sa ating kabihasnan tulad ng
Ingles, Kastila, at iba pa.
ANO ANG PORMAL NA DESKRIPSYON NG FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA?
Ang Filipino ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga
etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa
pamamagitan ng panghihiram sa mga wika sa Pilipinas at mga di katutubong wika at ebolusyon ng iba’t
ibang barayti ng wika para saiba’t ibang saligang sosyal at para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling
pagpapahayag. - KWF
ANONG MERON SA DESKIPSYONG NG KWF?
Pinagdidiinan na ang wikang Filipino ay buhay (dinamiko)
Ngunit pansinin natin ang proseso ng paglinang dito ayon sa nakasaad sa resolusyon.
Sa pamamagitan ng panghihiram sa mga wika sa Pilipinas at mga ‘di katutubong wika.
- Totoo namang nanghihiram ang wika natin sa mga di katutubong wika o mga wikang dayuhan lalo
na para sa mga konseptong walang direktang katumbas sa ating wika.
- Ngunit kaiba sa karaniwang panghihiram ng mga bagay, sapagkat sa panghihiram ng ng wika ay
inaari na rin nating atin ang salitang ating hiniram na maari nang walang pagbabago o may
pagbabago sa baybay.
- Hiram sa salitang Ingles ang salitang kompyuter, taxi, fax, cellphone at marami pang iba, ngunit
Filipino na rin ang mga ito.
- Gayon din ang tsuper, kudeta mula sa Pranses; pansit, siopao, lomi mula sa Intsik; aquarium,
gymnasium, modus operandi mula sa Latin; at silya, libro, kubyertos, sibuyas, mula sa Kastila.
- Itinuturing na ring Filipino ang mga salitang ito at ang marami pang iba. Hindi na natin kailangang
ibalik ang mga ito sa wikang ating pinanghiraman, sapagkat bagamat hiram nga ay atin na rin.
- Hindi na rin maitatatwa ang pagpasok sa Filipino ng mga bokabularyong mula sa mga wika sa
ating bansa tulad ng jihad (Muslim), buang (Bisaya), gurang (Bisaya), manong/ manang (Ilocano),
pinakbet (Ilocano) at marami pang iba.
- Sa isang artikulo ni Virgilio Almario, nabanggit niyang paborito niyang halimbawa ang salitang
katarungan na mula sa salitang taron (Cebuano).
PUNA SA RESOLUSYON SA USAPING PANGHIHIRAM
Ang sinasabing panghihiram bilang proseso ng paglilinang sa mga salitang ito na mula sa iba’t ibang
panig ng ating bansa ay hindi natin hinihiram sapagkta hindi natin kailangang hiramin ang ano mang
bagay na atin naman.
Kung ang salita, kung gayon, ay galing sa Mindanao, Visaya o Hilaga o Katimugang bahagi ng Luzon,
hindi iyon hiniram ng Filipino sapagkat atin din naman ang mga wikang pinagmulan niyon.
Samakatwid, mas akmang gamitin ang salitang pag-aambag sa halip na panghihiram.
Samakatwid, mas akmang gamitin ang Filipino (1987 Constition) ay hindi na Pilipino ( Kautusang
Pangkagawaran Bilang 7, Kagawaran ng Edukasyon ) na batay sa Tagalog.
Ngunit, kailangang linawin na hindi rin ito ang ipinakulang amalgasyon o pantay-pantay na
representasyon ng lahat ng wika sa Pilipinas.
Demokratiko man, imposible ang konseptong ito ni Demetrio Quirino, Jr. (Almario; sa Bernales, et
al., 2006). Ginawa na ito sa Europa noon pa.
Lumikha, sila roon ng isang artipisyal na wika mula sa pagsasama-sama ng mga salita ng halos lahat
ng wika sa Europa at tinawag nila iyong Esperanto.
Namatay ang wikang ito bago man isilang dahil walang tumangkilik o gumamit (Bernales; sa
Tumangan, et al., 2000).
PILIPINO – pumasok ito bilang wikang pambansa noong 1959. Bunga ito ng kalituhang ibinunga ng
pagbatay sa wikang pambansa noong 1937.Naging madalas ang pagtukoy sa wikang pambansa mula
noon bilang Tagalog na isa ngang pagkakamali. Kaya sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Bilang 59,
itinakda na tuwing tutukuyin ang wikang pambansa, ito ay tatawaging Pilipino.
Ngunit, lumalabas na ang Pilipino ay Tagalog din sa estruktura at nilalaman.
Samaktwid, ang Pilipino ay isang mono—based national language.
Wala noong pagkakataon ang mga ‘di Tagalog na maging bahagi ng pagpapayaman at
pagpapaunlad. Tinawag ito ni Prof. Leopoldo Yabes na Tagalog Imperialism na nagbunga ng
mga negatibong reaksyon sa mga ‘di Tagalog.
FILIPINO
Sa kasalukuyan, hindi na tama ang argumentong ang Filipino ay Tagalog din.
Samantala may mga miskonsepsyon pa rin sa wikang Filipino na kinakailangang linawin.
UNA, ang pangalang Filipino ng ating wikang pambansa ay hindi galing sa Ingles na Filipino na
tawag sa ating mga mamamayan ng Pilipinas. Hindi rin isang akomodasyong pampolitika ang
pagbabago ng pangalan ng wikang pambansa mula Pilipino sa Filipino. Maaaring napahinahon
nito ang mga rehiyonalistang anti-Pilipino, pero higit pa roon ang dahilan ng pasyang pagpapalit
ng P sa F. Kinailangang gawin iyon upang magkaroon ng kongkretong sagisag ng
modernisasyong pinagdaraanan ng ating wikang pambansa, tulad ng pagdaragdag ng walong
titik sa alpabeto at ang paglinang dito salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang mga
wika.
Sa pamamagitan ng pagpapalit ng P sa F, nakaptyur ng Filipino ang bagong konsepto ng wikang
pambansang nililinang salig hidi sa Tagalog lamang kundi maging sa iba pang mga wikang
katutubo, kasama ang Ingles, Kastila, at iba pang nakaiimpluwensya sa ating kabihasnan.
Ang
scatterplot
ay hinati rin ni
Pool (1972)
sa
quadrants.
UNANG QUADRANT (UPPER LEFT) – PARA SA MGA BANSANG LINGUISTICALLY DIVERSE O MAY IBA-
IBANG WIKA AT MATAAS NA GDP
IKALAWANG QUADRANT (LOWER LEFT) - PARA SA MGA BANSANG LINGUISTICALLY DIVERSE O MAY
IBA-IBANG WIKA AT MABABANG GDP
(Nigeria, Cameroon, Ghana, Malaysia at Burma)
IKATLONG QUADRANT (UPPER RIGHT) - PARA SA MGA BANSANG HINDI LINGUISTICALLY DIVERSE O
MAY IISA O MANGILAN-NGILAN LAMANG WIKA AT MATAAS NA GDP
(Kuwait, USA, New Zealand, Sweden, Germany)
IKAAPAT NA QUADRANT (LOWER RIGHT) - PARA SA MGA BANSANG MAY IISA O MANGILAN-
NGILANG WIKA AT MABABANG GDP
(Syria, Brazil, Thailand, Yemen at Haiti)
NASAAN ANG PILIPINAS SA SCATTERPLOT NI POOL?
NASA IKALAWANG QUADRANT SA LOWER LEFT.
- Kapansin-pansin sa scatterplot na halos walang bansang nakatala sa unang quadrant. Ibig sabihin,
halos walang maunlad na bansang may iba-ibang wika.
- Ayon kay Pool (1972), The result appears to support assertions that linguistic diversity is a
barrier to economic development.
Ipinaliwanag ni Pool (1972) ang kanyang konklusyon sa ganitong paraan...
Language diversity of one sort to another is held to cause the retardation of development, both political and
economic. Language diversity… aggravates political sectionalism; hinders inter-group cooperation, national
unity …;impedes … political support for authorities … and political participation ; and holds down governmental
effectiveness and political stability. Similarly, it is said that language diversity shows economic development, by
for example, breaking occupational mobility, reducing the number of people available for mobilization into the
modern sector of the economy, decreasing efficiency, and preventing the diffusion of innovative technique.
Ang tuklas ni Pool (1972) ay tumutugma sa mga obserbasyon sa naunang artikulong isinulat ni
Joshua A. Fishman (1968). Ganito ang inilahad ni Fishman sa kanyang artikulo:
Linguistically homogenous policies are usually economically more developed, educationally more
advanced, politically more modernized, and ideologically-politically more tranquil and stable.
… Concreting the causal relation between language diversity and development… the usual
explanation gives developmental processes as causes of increased linguistic (and other) homogenization, but
that language diversity may also hinder (while language unity helps) development.