You are on page 1of 10

Lingguhang pagsusulit sa Filipino 5

(Week 1)

Pangalan: Guro:

Baitang at pangkat: Petsa:

A.Basahing mabuti at sagutan ang mga sumusunod na tanong

Ang Alkansya Ni Boyet


Mahirap lamang ang pamilya ni Boyet. Ang ama niyang si Mang Delfin ay isang magsasaka
subalit walang sariling lupa. Inuupahan lamang nito ang tinatamnan ng palay. Ang ina naman
niyang si Aling Pacing ay simpleng maybahay lamang. Sampung taon na si Boyet. Siya ang
panganay sa kanilang apat na magkakapatid. Sa pasukan ay nasa ika-apat na baitang na siya ng
mababang paaralan.Kapag ganitong bakasyon ay sinasamantala ni Boyet ang pagkakataon.
Gumagawa siya ng alkansiyang kawayan. Panahon ng pamumunga ng bungangkahoy sa
kanilang bakuran, dahil maluwang ang kanilang bakuran ay maraming punong namumunga.
Pinipitas nila ng kanyang inay ang ay mga bunga at itinitinda iyon sa palengke.Mabili ang
kanilang mga tindang prutas. Kapag nakaubos sila ng paninda ay agad siyang binibigyan ng pera
sa kanyang inay.“Salamat po, inay. Mayroon na naman akong panghulog sa aking alkansiya.”
masayang sabi ni Boyet.“Hayaan mo anak, bago siguro maubos ang mga bunga ng ating mga
puno ay mapupuno na ang alkansiya mo,” sabi ng kanyang inay.Napuno nga ang alkansiya ni
Boyet. Masipag kasi siyang mag-ipon.Nang malapit na ang pasukan ay nagkaroon ng malakas na
bagyo at nasira ang mga tanim na palay ng tatay ni Boyet. Kakaunti lang ang kanilang inani.
Nagkautang ang kanyang itay. Nag-alala naman ang inay ni Boyet. Malapit na ang pasukan at
nawala ang inaasahan nilang panggagalingan ng pera.“Baka hindi ka makapag-aral ngayong
taong ito, anak,” malungkot na sabi ng kanyang inay.“Nasira ang mga pananim natin dahil sa
bagyo at May utang pa tayo.”“Makakapagaral po ako, inay. Puno na po ang alkansiya ko. Ito ang
gagamitin ko sa aking pag-aaral,”nakangiting sabi ni Boyet.Nakapag-aral si Boyet ng pasukang
iyon. Salamat at naisipan niyang mag-impok para sa darating na pangangailangan.

Sagutin mo ang sumusunod na mga tanong.

1. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?

2. Ano ang angking ugali ni boyet?

3. Paano mo ilalarawan si boyet sa kwento?


4. Anong klaseng buhay meron ang pamilya ni Boyet?

5. Bakit siya mahal ng kanyang mga magulang?

6. Nasubukan mo na bang maging maimpok? Sa anong paraan? Iugnay ang sagot sa sariling
karansan?

7. Mabuti ba siyang anak sa kanyang mga magulang.? bakit ?

8. Bilang isang mag aaral dapat bang tularan si Boyet?

9. Kung ikaw si Boyet tutularan mo ba siya? Bakit?

10. bakit kailangan maging maimpok? bakit?

B. Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Piliin ang angkop na kaisipan sa
mga sitwasyonsa bawat bilang. Isulat ang letra ng inyong tamang sagot.

1. Napansin mong umiiyak ang iyong kaklase dahil nawawala ang kanyang wallet. Ano ang
gagawin mo?
a. pagsasabihan ko siya na huwag mag ingay
b.papahiramin ko muna siya ng pera
c.bibigyan ko siya ng pagkain
d.hahayaan ko siyang umiyak
2. Noong nagdaang bagyo, naranasan mong masira ang inyong bahay. At muli na naman nabalita
sa radio na may darating muli na bagyo. Ano ang iyong gagawin?
a.maghahanda nang mabuti
b. hindi ako tutulong sa aking magulang
c.magdadasal upang hindi matuloy ang bagyo.
d.hahayaan ko na lang ang aking magulang at mga kapatid na maghanda
3.Nais mong makapasa sa inyong darating na exam. Ano ang iyong gagawin?
a.manunuod na lang ng t.v
b.mangongopya na lang sa katabi
c.hindi mag aaral ng leksiyon
d. mag aaral palagi
4. Nakita mo ang inyong kapitbahay na nagsusunog ng plastic sa kanilang bakuran.ano ang
gagawin mo?
A. sisigawan ko siya, at sasabihing wag magsunog ng plastic
b.hahayaan ko na lamang siya
c. lalapitan ko at sasabihin ko na bawal magsunog ng plastic.
d.hindi ko siya pagsasabihan.

5. Napansin mong umiiyak ang iyong kaklase dahil wala siyang baon. Ano ang gagawin mo?
a.bibigyan ko siya ng pagkain
b.hahayaan ko siyang umiyak
c.bibigyan ko siya ng pera
d. tatawanan ko siya dahil wala siyang baon

6. Nakita mo ang isang matanda na naglalakad sa kalye at walang kasama..ano ang iyong
gagawin ?
a.hahayaan na lang ang matanda
b.tutulungan kong tumawid
c.pagmamasdan ko lang habang tumatawid
d.tatanungin ko kung ano ang pangalan
7. Hindi mo sinasadyang nabasag ang ploera na nakalagay sa inyong mesa. Ano an gagawin
mo?
a.itatapon na lang para di Makita ni nanay
b.sasabihin ko na nabasag ng kapatid ko
c.hihingi ako ng tawad sa aking nagging kasalanan
d.magsisinungaling ako
8.Nakita mong nagpapasahan ng bola ang iyong mga kaklase na sina Edgar at Roy sa labas ng
inyong silid-aralan.natamaan nila ang salaaming bintana kaya ito ay nabasag. Ano ang sasabihin
mo sa iyong guro?
A.sasabihin ko na di ko alam kong sino nakabasas dahil nasa loob ako ng silid-aralan
b.sasabihin ko ang katotohanan na si Edgar at si Roy ang may kasalanan kaya nabasag
c.sasabihin ko na taga ibang seksyon ang nakabassag
d. sasabihin ko na sina Ara at Lisa ang nakabasag

9. Nakita mong tinulak ni Phine siJoy kaya nahulog ito sa kanyang kinatatayuan. Ano ang
gagawin mo?

a.hahayaan ko na lang siya


b.tutulungan ko siyang tumayo
c.pagtatawanan ko siya
d.tutulungan ko siya subalit dapat may kapalit

10. Nakita mong kinuha ng kaklase mo ang lapis ng kaibigan mo. Ano ang gagawin mo?
a. isusumbong ko siya sa mga kaklase ko
b.lalapitan ko siya at sasabihing masama ang magkuha ng gamit nang iba
c.hahayaan ko na lang na kuhain
d.sisigawan ko siya nang magnanakaw.
Lingguhang pagsusulit sa E.P.P. 5
(Week 1)

Pangalan: Guro:
Baitang at seksyon: Petsa:

A.Isulat ang TAMA kung sang-ayon ka sa pangungusap at MALI kung hindi ka sang-ayon.
1. Lahat ng tao ay maaring maging entrepreneur.
2. Kapag may naisip kang produkto, tiyak na maibebenta mo.
3. Mbakatao, Makadiyos, Makakalikasan ang mga katangian dapat taglayin ng isang
entrepreneur.
4. Kung nais mong gumamit at magbenta ng mga kasangkapan na yari sa kahoy kailangan mo
muNang kumuha ng clearance sa DENR.
5. Sa negosyong buy and sell kailangan mong magtaas ng presyo o mark up para kumita.
6.Ang kantero ay nagdadala ng sulat sa bahay.
7.Ang Vulcanizing shop naman ang nag aayos ng butas na gulong ng bisekleta.
8.Ang serbisyong naidudulot ng Sari-Sari store ay nakakatulong sa pamilyang maliit ang kita.
9.Ang karinderya ay nagtitinda ng mga kagamitan sa bahay.
10.Ang Elektrisyan ang gumagawa ng mga sirang kawad ng kuryente sa bahay.

B. Iguhit ang bituin kung ito ay tumutukoy sa matagumpay na entrepreneur at buwan


Kung hindi matagumpay
1.Ang Entrepreneur ay isang indibidwal na nagsasagawa ng isang maliit na negosyo na may
sariling puhunan.
2. Ang isang negosyo ay sinisimulan kaagad sa Malaki kahit mallit ang puhunan
3.May sapa na puhunang gagamitin
4.Mahalagang may kaalamanat oras sa anumang negosyong itatayo
5.Sa pagnenegosyo hindi kailangan ang koneksyon, kakilala at kaibigan.
6. Ang isang Entrepreneur ay kailangang mahiyain
7. Ang pangunahing produktong kailangan natin ay sasakyan.
8. Ang namamahala o may-ari ng isang negosyo ay nakikipagsapalaranupang kumita.
9.Upang maging matagumpay na Entrepreneur kailangan may taglay na magagandang katangian
10.Sa pagnenegosyo hindi kailngan ang puhunan.
Assessment in Mathematics 5
(Week 1)

Name: Teacher:
Grade and Section: Date:

A. Put a check under each corresponding column to identify wether each given is exactly
divisible by 2, 5, and 10

Numbers 2 5 10

1. 1 320

2. 255

3. 300

4. 14

5. 16

6. 70

7. 25

8. 100

9. 35

10. 156
B. Encircle the number(s) which is/are divisible by 2, 5, and 10
2 1. 17, 16, 20 ,15
10 2.40, 14, 25, 300
5 3. 55, 18, 60, 156
10 4. 38, 45, 70, 85
5 5.35, 54, 105, 153
2 6. 16, 23, 25, 33
5 7.125, 156, 158, 159
2 8. 342, 855, 915, 2
2 9. 126, 35, 45, 65
2 10.34, 53, 84, 153
Assessment in Mapeh 5
(Week 1)

Name: Teacher:
Grade and Section: Date:

MUSIC

You might also like