You are on page 1of 1

Lagumang Pagsubok sa ESP 6

(Linggo 1, 2, 3, 4, 5)
Pangalan: Petsa:
Baitang at Seksyon: Iskor:

A. Isulat ang TAMA o MALI sa sumusunod na kalagayan.


1. Pinag-aaralang mabuti ang bawat pasiya._________________
2. Maniwala kaagad sa sinasabi ng iba kahit di mo sila kilala. _______________
3. Tinitimbang muna ang makabubuti at makasasaya sa mga pagpipilian bago ka gumawa ng isang pasiya. ______________
4. Ipinipilit mo ang iyong pasiyang ginawa kahit hindi ito tama at di sumasang-ayon ang nakararami. _____________
5. Isinasaalang-alang mo ang kabutihan ng lahat ng maapektuhan ang iyong pasya. _______________

B. Piliin ang titik ng tamang sagot sa pamamagitan ng pagbilog nito.


1.) Bumili ka sa tindahan ng tinapay. Nagbayad ka sa tindahan ng isandaang piso (100). Ang halaga ng binili mo ay limang pung piso (50) at
binigyan ka ng anim napung piso (60). Sobra ang iyong sukli. Ano ang gagawin mo?.
a. Isasauli ko agad sa tindera ang labis na sukling sampung piso c. Hahayaan ko na lamang dahil kasalanan ng tindera.
b. Ibubulsa ko ito. d. Walang sagot.
2.) Paano ka nagpapasiya sa isang sitwasyon?
a. Ang gusto ko ang pipiliin ko. c. Pinipili muna at tinitimbang ang tama sa pagpapasiya.
b. Hindi na pinag-aaralan ang pasiya. d. Walang sagot.
3.) Nawalan ng pera ang iyong kaklase at alam mo kung sino ang kumuha nito sa bag niya. Tinanong kayo ng guro ninyo kung sino ang
nakakaalam ng pagkawala ng pera ng kaklase mo. Ano ang gagawin mo?
a. Magsawalang kibo nalang ako. c. Sasabihin mo ang totoong nasaksihan sa pagkawala ng pera ng kaklase mo.
b. Aalis sa silid-aralan. d. Walang sagot.
4.) Sinabihan ka ng nanay mo dahil nagkamali ka. Ano ang nararapat mong gawin?
a. Maglalayas ka. c. Sasagutin mo ang nanay na mataas ang boses.
b. Hihingi ako ng paumanhin o tawad sa nagawang pagkakamali. d. Walang sagot.
5.) May pagsusulit kayo kinabukasan pero di ka nakapagrepaso o nakapag-aral ng leksyon mo dahil tinapos mo ang panoorin sa telebisyon. Ano
ang gagawin mo?
a. Hindi ako papasok sa paaralan.
b. Mangongopya ako sa katabi ko.
c. Papasok pa rin sa paaralan kahit di nakapag-aral ng leksyon at magpapaliwanag nalang sa guro.
d. Walang sagot.

C. Isulat ang ekis (X) kung hindi wastong hakbang ang ginawa at tsek( ) naman kung kung wasto ang hakbang na ginawa sa bawat sitwasyon.
1. Malakas ang ulan at may bagyo. Inanunsyo sa radio at telebisyon na walang pasok sa paaralan ngunit pumasok ka pa rin.
2. Lahat ng nababasa sa social media ay dapat mong gayahin ito man ay mali.
3. Ginamit mo ng wasto at maayos ang mga impormasyong nakukuha sa social media na may tamang pagsusuri.
4.Pinahahalagahan mo ang tamang paggamit ng impormasyong narinig.
5. Kinaiinisan mo ang mga marurunong sa inyong klase.

D. Isulat sa patlang bago dumating ang bilang kung masamang epekto o mabuting epekto ang ipinapahayag ng mga kalagayan sa bawat bilang.
1. Paggawa ng pekeng account.
2. Iwasang mag post at magshare ng mga impormasyong di beripikado.
3. Ugaliing basahin nang buo at maigi ang nilalaman ng artikulo bago mag komento o magshare.
4. Pagpapalitan ng hindi kanais-nais na salita.
5. Ang social media ay para sa pagkakaibigan at pagkakaunawaan.

E. Iguhit ang mukhang masaya kung tama at mukhang malungkot kung mali ang nararamdaman sa bawat sumusunod nasitwasyon.
1. Naiwala mo ang pambili ninyo ng bigas na ibinigay ng nanay mo kaya wala kayong maisa-saing ngayon at mapapagalitan ka pa.
2. Ikaw ay may talent sa pagsayaw, niyaya ka ng tiyahin mo na sumali sa patimpalak sa pagsasayaw at pinayagan ka naman ng mga
magulang mo.
3. May proyekto kayo sa TLE na ipapasa na sa Biyernes ngunit wala kang pambili ng mga kagamitan para rito dahil walang pera ang
nanay mo. Bababa ang marka mo sa asignaturang ito kung hindi ka makakapagpasa.
4. Gutom ka at wala kang perang pambili ng pagkain. Naisip mong manguha ka ng pagkain sa tindahan kahit alam mong di tama ito.
5. Bago ka pumasok sa paaralan ay tinulungan mo munang maglinis ng bahay at maglaba ng maruruming damit ang nanay mo upang
matapos niya agad ang mga ito.

You might also like