You are on page 1of 25

ESP 2

QUARTER 3
WEEK 1
Layunin
1. Natutukoy ang mga karapatang pambata at kaakibat na
tungkulin
2. Nakapagpapakita ng paraan ng pagpapasalamat sa
anomang karapatang tinatamasa
 Nasasabi ang kahulugan ng Karapatan
 Naiisa-isa ang mga karapatang dapat tamasahin ng bawat bata.
EsP2PPP- IIIa – b-6
BALIK-ARAL
Isulat ang Tama kung ito ay nagpapakita ng mga karapatang tinatamasa
na dapat mong ipagpasalamat at Mali naman kung hindi.
__________1. Nasisiyahan ka sa pag-aaruga ng nanay at tatay mo
kaya dapat ipagpasalamat mo ito.
__________2. Mag-aaral nang mabuti dahil pinaghihirapan ni tatay
ang kumita ng pera sa pag-aaral mo.
__________3. Nagrereklamo sa maliit na tirahan na kayang bayaran
ng magulang mo.
__________4. May oras kang mag-aral at makapaglaro sa mga
kaibigan mo.
__________5. Ayaw kainin ang nilutong pagkain ni nanay dahil
kulang sa sahog.
SUBUKIN NATIN
Gumuhit ng bilog sa bawat bilang sa iyong sagutang
papel. Kulayan ng KAHEL ang bilog kung ang pahayag
ay nagpapakita ng pasasalamat sa karapatang tinatamasa
at kulayan naman ito ng LILA kung hindi.
1. Nag-aaral ng leksiyon araw-araw.
2. Ibinabahagi ang talento sa mga kamag-aral.
3. Sumusunod sa payo at utos ng magulang.
4. Inaaksaya ang mga gamit na binili ng nanay.
5. Pinapanatiling malinis at maayos ang kapaligiran.
Basahin at unawain ang Tula
Salamat sa Biyaya ng Karapatan
Mula sa pagkabata
Buhay ay puno ng biyaya
May pamilyang nag-aaruga
Laging kasalo sa tuwa. Karapatan mong isilang
At bigyan ng pangalan
Ngunit tungkulin mo naman
Sarili ay pangalagaan.
Mahalin at igalang
Iyong mga magulang
Tungkulin mong tunay
Kahit ika’y bata pa lang.
Karapatan mong isilang
At bigyan ng pangalan
Ngunit tungkulin mo naman
Sarili ay pangalagaan.

Pumapasok sa paaralan
Kaalaman ay matutuhan
Mag-aral nang mabuti
Ito ang tamang ganti.
Isang karapatan mo rin
Kakayahan ay paunlarin
Upang maibahagi
Sa kapuwa tayo ay wagi.

Kaya dapat pasalamatan


Mga biyaya ng karapatan
Upang magulang ay matuwa
Pati na ang Amang sa ati’y lumikha.
Sagutin:
1. Ano ang pamagat ng tula?
2. Kanino karapatan ang tinutukoy sa tula?
3. Ano-anong mga karapatan ang binanggit sa tula?
4. Ano-anong mga tungkulin ang dapat mong
gampanan ayon sa tula?
5. Sino ang maaaring matuwa kapag iyong
pinasalamatan ang mga karapatang iyong
tinatamasa?
Mga Karapatan ng Batang Pilipino.
GAWAIN 3:

Piliin sa mga larawan sa ibaba ang


mga karapatang iyong tinatamasa.
Isulat ang mga titik lamang.
TANDAAN NATIN
Ang karapatan ay mga pangangailangan ng tao
na dapat makamit upang makapamuhay nang
maayos. May kalakip na tungkulin ang bawat
karapatan. Tinatawag na tungkulin ang mga bagay
na dapat gawin ng tao. Sa pagganap ng mga
tungkulin ay naipapakita ang mga paraan ng
pasasalamat sa bawat karapatang tinatamasa.
Iguhit ang masayang mukha kung nagpapakita ng
karapatang tinatamasa at malungkot na mukha naman
kung hindi.
______1. Maisilang at magkaroon ng pangalan.
______2. Mabigyan ng sapat na edukasyon.
______3. Makapaglaro at makapaglibang.
______4. Magkaroon ng sapat na pagkain, tirahan, malusog at
aktibong katawan.
______5. Nagtitinda ng sampaguita araw-araw.
Pagtataya
A. Sa iyong sagutang papel, isulat ang Tama kung ang sitwasyon ay
tumutukoy sa paraan ng pagpapasasalamat sa karapatang tinatamasa at
Mali naman kung hindi.
1. Sinusunod ni Betty ang mga babalang nakalagay sa parke at
palaruan.
2. . Ipinagdadamot ni Jake ang kaniyang talento sa mga may
kapansanan.
3. Iginagalang at sinusunod lagi ng magkapatid na Ruben at Philip ang
kanilang mga magulang.
4. Nagsisikap si Rabiya upang makapagtapos ng pag-aaral.
5. Nag-eehersisyo, umiinom ng gatas at kumakain ng
masusustansiyang pagkain si Nilo
Pagtataya
B. Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot.
1.Sino sa mga bata ang nagpapakita ng pasasalamat sa karapatang
makapag-aral?
a. Si Shane na nanood ng telebisyon pagkagaling sa paaralan.
b. Si Daniel na gumagawa ng takdang-aralin pagkagaling sa paaralan.
c. Si Ana na naglalaro muna ng selpon bago pumasok sa paaralan.
Pagtataya
B. Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot.
2.Paano pinapakita ni Carlo ang pasasalamat sa karapatang maging
malusog?

a.Kumakain siya ng mga gulay at prutas.


b.Tinatabi niya ng mga gulay sa kanyang ulam.
c.Hindi siya kumakain kapag gulay ang ulam.
Pagtataya
B. Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot.
3. Sino sa kanila ang nagpapakita ng karapatang magtipid?
a.Hinahayaan ni Joan na tumutulo ang tubig sa gripo.
b.Tinatapon ni Ana ang tirang ulam sa tanghalian.
c. Pinapatay ni Kris ang ilaw pagkatapos gamitin.
Pagtataya
B. Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot.

4. Sino sa mga bata ang nagpapakita ng pasasalamat sa karapatang


mahalin at alagaan ng magulang?

a.Si Cora na nagdadabog kapag inuutusan ng kaniyang nanay.


b.Si Linda na maluwag sa loob na sinusunod ang utos ng kaniyang
magulang.
c.Si Mike na nagbingi-bingihan kapat inuutusan ng kaniyang nanay.
Pagtataya
B. Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot.
5. Paano pinapakita ni Vince ang karapatang pagtitipid?
a.Sinululatan pa niya ang likd ng kaniyang papel.
b. Pinipilas niya ng pahina ng kaniyang kuwaderno.
c.Tinatapon niya ang kaniyang lapis na napuputol.
Takdang-Aralin:

Gumuhit sa kuwaderno ng pinaka gusto


mong karapatan na iyong tinatamasa.
Pagkatapos ikuwento sa harapan kung
bakit ito ang nais mo.
(Coupon bond at ilagay sa portfolio)

You might also like