You are on page 1of 2

tayutay: ito ay isang sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit

ng mga salita upang gawing mabisa, mmatalinghaga, makulay at kaakit-akit ang


pagpapahayag.

mga uri ng tayutay:


Pagtutulad (Simile) – paghahambing ng dalawang magkaibang bagay na
ginagamitan ng mga pariralang katulad ng, gaya ng, at iba pa.

Pagwawangis (Metaphor) – na katulad din ng pagtutulad


ngunit ito’y tiyakang paghahambing at hindi gumagamit ng ng mga pariralang tulad
ng, gaya
ng, at iba pa.

Pagmamalabis (Hyperbole) – lubhang pinalalabis o pinakukulang ang tunay na


kalagayan
ng tao, bagay, o pangyayari.

Pagbibigay ng Katauhan (Personification) – Pagbibigay ng katangian ng isang tao sa


bagay na walang buhay.

Pagpapalit-saklaw (Synechdoche) – pagpapahayag sa pamamagitan ng pagbanggit sa


bahagi bilang pagtukoy sa kabuuan.

Pag-uyam (Irony) – isang pangungutya sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang


kapuri-puri ngunit kabaligtaran naman ang kahulugan

Pag-uulit (Alliteration) – nakikita ang tayutay na ito saanmang bahagi ng taludtod


o
pangungusap kapag ang unang titik o pantig ng salita ay inuulit ng ilang beses.

Paghihimig (Onomatopoeia) – paggamit ng mga salita na kung ano ang tunog ay siya
ring
kahulugan.

Pagtatambis (Oxymoron) – pagsasama-sama o pag-uugnay-ugnay ng dalawang bagay na


magkasalunagt nang mangingibabaw lalo ang katangiang ipinahahayag.

pagtatangi- pasalungat, hindi sumasang-ayon

Pagpapalit-tawag (Metonymy) –Ito’y pagpapalit ng katawagan ng mga bagay na


magkakaugnay, hindi sa kahambingan kundi sa mga kaugnayan.

Paglilipat-wika (Transferred Epithet)– tulad ng pagbibigay-katauhan na


pinasasabagay
ang mga katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri.

. Pagdaramdam (Exclamation) - Ang pagpapahayag ay nagsasaad ng di-pangkaraniwang


damdamin.

Tanong Retorikal o Pasagusay (rhetorical question)- nagpapahayag ito ng katanungan


na
pumupukas ng isip at umaantig ng damdamin.

Pagsusukdol o Klaymaks
Pinagsusunud-sunod nito ang mga mahahalagang kaisipan mula sa pinamababang antas
hangang
sa pinakamataas o pinakamasidhi.

Antiklaymaks. paggamit ng mga inihanay na pahayag ng damdamin kaisipan na may


maliwanag na impresyon, sa halip na papataas ay pababa naman ang pagpapasidhi

Paglumanay o Eupemismo – Pumipili ito ng piling-piling mga salita na ginangamit sa


pagsasabi ng mahinahon

Balintunay o Ironya– Gumagamit ito ng pag-uyam sa pamamagitan ng mga salitang


parang
pumupuri o dumadakila.

Anadiplosis - Paggamit ng salita sa unahan at sa hulihan ng pahayag o sugnay.

Paralelismo. sa pamamagitan ng halos iisang istruktura, itatag dito ang mga ideya
sa
isang pahayag.

You might also like