You are on page 1of 1

Ano ang tayutay?

Ang tayutay ay isang matalinghagang pahayag na nagbibigay ng mabisang kahulugan


upang lalong maging mabisa at makulay ang isang paglalarawan.

Ano ang mga uri ng tayutay?

1. Pagtutulad (simile) – ginagamit sa paghahambing ng dalawang magkaibang bagay,


tao, pangyayari at iba pa. Gumagamit ng mga salitang tulad ng, gaya ng, para ng,
kawangis, atbp.

2. Pagwawangis (metaphor) – katulad ng pagtutulad ngunit hindi ito gumagamit ng mga


salita gaya ng sa pagtutulad.

3. Pagmamalabis (hyperbole) – lubhang nagpapalabis sa kalagayan ng tao, hayop,


bagay at halaman

4. Pagbibigay-katauhan (personification) – pagsasalin ng katangian ng tao sa mga


bagay, may buhay man o wala

5. Pagpapalit-tawag (metonymy) – mahabang pangungusap na isang salita lamang ang


katumbas

6. Pagpapalit-saklaw (synecdoche) – maaari dito banggitin ang bahagi bilang pagtukoy


sa kabuuan at maaaring isang tao ang kumakatawan sa isang grupo

You might also like