You are on page 1of 8

College of Teacher Education

LABORATORY ELEMENTARY SCHOOL


Puerto Princesa City

Ikalimang Baitang
ARALING
PANLIPUNAN

Learning Packet Prepared by:


MODYUL 14: Pag-alaala saJOBERT
FOURTH QUARTER mga Naunang Pag-
C. MATCHICO
aalsa
Panimula

Sa mga nagdaang modyul, natutuhan mo ang ginawang pananakop sa ating bansang


Pilipinas ng mga dayuhang mananakop, ang mga Espanyol. Nalaman mo rin ang iba’t ibat
patakarang pang-ekonomiya na kanilang ipinatupad sa bansa sa kanilang pamamahala. Dahil
dito nagkaroon ng iba’t ibang reaksiyon ang mga katutubong Pilipino at ang ilan sa mga ito ay
nagtatag pa ng mga pag-aalsa laban sa estadong kolonyal.

Sa modyul na ito, magdaragdag pa tayo ng mga kaalaman tungkol naman sa naging


epekto ng mga nasabing pag-aalsa sa buhay ng mga katutubong pangkat na mga Pilipino sa
kolonyal na panahon. Iisa-isahin mo rin ang mga kahalagahan ng mga naunang mga pag-aalsa
laban sa mga Espanyol na mananakop. Gayundin ang naging partisipasyon ng mga Pilipino sa
iba’t ibang lugar sa bansa.

Simulan na natin ang makabuluhang pagtuklas sa mga pagbabagong naganap noong


panahon ng kolonyalismong Espanyol sa bansa. Halika na!

Mga Layunin

Pagkatapos mong basahin at pag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang


makagagawa ng mga sumusunod:

1. natatalakay ang kalakalang galyon at ang epekto nito sa bansa;

2. natatalakay ang sanhi at bunga ng mga rebelyon at iba pang reaksiyon ng mga
Pilipino;

ARALIN 17 Ang Naging Epekto ng mga Naunang Pag-aalsa sa Bansa

Sa mga nakaraang aralin tinalakay mo ang iba’t ibang pangkat na nagsagawa ng mga
pag-aalsa laban sa mga patakarang pang-ekonomiya na ipinatupad ng mga Espanyol sa kanilang
pamamalagi rito sa Pilipinas. Ang mga patakarang ito ang sumupil sa kalayaan at karapatan ng
mga katutubo. Ito rin ang naging dahilan ng paghihirap ng mga katutubong Pilipino sa kamay
ng pamahalaang Espanyol.

Halina’t ating alamin ang ilan sa mga naging epekto ng mga pag-aalsang ginawa na
pumukaw sa interes ng mga Pilipino sa pakikibaka para sa kanilang kalayaan at karapatan.

Magpatuloy ka!

TUKLASIN NATIN!

1
Sa pagdating ng kolonyalismong Espanyol sa Pilipinas, hindi maitatangging nagdulot sila
ng reporma sa ekonomiya ng bansa. Ilan sa ipinatupad na mga patakaran ng mga Espanyol noon
ay ang Monopolyo sa Tabako na tinalakay mo sa nakaraang aralin, ang Bandala, at ang
Kalakalang Galyon.

Ang kalakalang galyon ay ang kalakalan sa pagitan ng mga bansang Pilipinas at Mexico
mula 1565 hanggang 1815. Tinatawag na galyon ang mga barkong gamit sa pakikidigma. Sa
panahon ng kalakalang galyon, ginamit ang dalawang galyon upang magamit sa pangangalakal.
Ang isa ay biyaheng Acapulco, Mexico - Maynila at nagtatagal ng 120 araw sa karagatan.
Siyamnapung (90) araw naman ang itinatagal sa karagatan ng galyong bumibiyahe mula
Maynila hanggang Acapulco. Ang pangyayaring ito ay nagdulot ng iba’t ibang epekto sa buhay
ng mga Pilipino. Para sa karagdagang impormasyon tungkol dito, buksan at basahin ang mga
pahina 261-262 ng iyong aklat sa Araling Panlipunan, ang Kayaman 5.

Napag-aralan mo rin ang ilan sa mga naunang pag-aalsa ng mga pangkat ng Pilipino
laban sa mga Espanyol. Sa matagal na panahong pagpapasailalim ng Pilipinas sa kapangyarihan
ng mga Espanyol ay higit na naranasan ng mga katutubo ang matinding pagmamalabis at
kahirapan mula sa kamay ng mga ito. Gunitain at suriin mo ang mga dahilan at naging bunga sa
paglulunsad ng pag-aalsa upang maipaglaban ang kanilang karapatan at kalayaan. Basahin ang
mga pahina 263-269 ng iyong aklat para sa iba pang karagdagang impormasyon tungkol sa
mga naganap na pangyayari rito.

Ngayong nalaman mo na ang mga naging sanhi at bunga ng mga naunang pag-aalsa sa
estadong kolonyal. Gayundin, ang mga naging kahalagahan ng patuloy na pakikipaglaban ng
mga katutubong pangkat na Pilipino upang makamit ang inaasam na mga karapatan at kalayaan
ng bansa. Nawa ay pahalagahan mo ang iyong mga natutuhan dito at bigyang pansin ito upang
mas maging kapaki-pakinabang ang mga aral na natutuhan mo mula rito.

Para sa karagdagang gawain, nais kong sagutin mo ang sumusunod na gawain sa iyong
aklat na Kayamanan, Batayang aklat sa Araling Panlipunan 5.

ALALAHANIN AT UNAWAIN

A. Magsaliksik (1-10) sa pahina 271

PAGNILAYAN AT UNAWAIN NATIN!

Tandaan!

 Ang galyon ay isang uri ng barko na nagdadala ng mga kalakal.


2
 Ang kalakalang galyon ay kalakalan sa pagitan ng Maynila at Acapulco,
Mula sa Pagbuo ng Pilipinas Bilang Nasyon nina Charo B. Bon at Noel M. Pamaran (2016).

GAWIN NATIN!
I. Panuto: Isulat sa patlang ang salitang TAMA kung ang pahayag ay may
katotohanan tungkol sa Kalakalang Galyon. MALI naman ang isulat kung ito ay walang
katotohanan. Isulat ang iyong sagot sa patlang bago ang bilang.

_________1. Ang kalakalang galyon ay pagpapalitan ng mga produkto sa


pagitan ng bansang Pilipinas at Acapulco, Mexico.

__________2. Yumabong ang ugnayan ng Pilipinas sa mga karatig-bansa nito sa


panahon ng kalakalang galyon.

__________3. Tanging ang mga opisyal ng pamahalaan at mga prayle ang


yumaman sa kalakalang galyon.

__________4. Naging maunlad ang kabuhayan ng mga katutubong Pilipino sa


pagpapatupad ng kalakalang galyon.

__________5. Pinaunlad ng kalakalang galyon ang pangkalahatang ekonomiya


ng pamahalaang kolonyal ng mga Espanyol sa Pilipinas.

II. Panuto: Isulat ang titik S kung ang pangungusap ay sanhi ng mga naunang

3
pag-aalsa. Isulat naman ang titik B kung ito ay naging bunga. Isulat ang iyong sagot sa patlang
bago ang bilang.

_________6. Naging mapagmalabis ang pagsingil ng buwis ng mga opisyales ng


pamahalaang kolonyal.

_________7. Sapilitang pagpapatrabaho na hindi binabayaran ng pamahalaan.


_________8. Nagbigay ng amnestiya ang pamahalaang kolonyal sa mga
rebelde na magbabalik loob.

_________9. Nasugpo ang mga rebelyong isinasagawa ng mga katutubo.

_________10. Pag-usbong ng damdaming nasyonalismo

III.Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pahayag. Isulat sa patlang ang mga
titik KH kung ito ay kahalagahan ng mga unang pag-aalsa. Isulat naman ang ekis (X) kung hindi.

_______11. May kakayahan ang mga Pilipino na makipaglaban sa mga dayuhan.

_______12. Sinamantala ang kalagayan ng mga katutubong Pilipino.

_______13. Mababa ang naging pagtingin sa mga katutubong Pilipino.

_______14. Nagpakita ng katapangan at kahusayan ang mga pinuno ng unang


pag-aalsa.

_______15. Nagkaroon ng paninindigan ang mga katutubong Pilipino sa kanilang


paniniwala.

4
PERFORMANCE TASK

PERFORMANCE TASK 4.2

Performance Task:

Panuto: I. Sa isang malinis na short bondpaper, gumuhit ng isang poster/comic


strip na nagpapakita ng pagmamalaki mo sa pagpupunyagi ng mga makabayang
Pilipino sa gitna ng kolonyalismong Espanyol at sa mahalagang papel na ginagampanan
nito sa pag-usbong ng kamalayang pambansa tungo sa pagkabuo ng Pilipinas bilang
isang nasyon. Gawing gabay ang rubric na makikita sa susunod na pahina sa paggawa
na gawain.

Rubric sa Paggawa ng Poster/Comic Strip

Kailangan pa ng
Mahusay Dagdag na
Mga Gawain Katangi-tangi (5) Katamtaman (3)
(4) Pagsasanay
(2)

5
Lubhang Makabuluhan at Hindi gaanong Mali ang mensaheng
makabuluhan at wasto ang makabuluhan at binigyan ng
wasto ang mensaheng wasto ang interpretasyon.
mensaheng binigyan binigyan ng mensaheng
Interpretasyon ng enterpretasyon. enterpretas-yon. binigyan ng
enterpretas-yon.

Napakamasining ng Masining ang Hindi gaanong Hindi masining ang


Pagkamasining pagkaguhit. pagkaguhit. masining ang pagkaguhit.
pagkaguhit.
Napakalinis ng Malinis ang Hindi gaanong Hindi malinis ang
Pagkakagawa pagkakagawa. pagkakagawa. malinis ang pagkakagawa.
pagkakagawa.

Mula sa: Kayamanan, Batayang Kagamitang Pampagtuturo sa Araling Panlipunan 5 (Binagong Edisyon) nina Eleanor D. Antonoio,
Emilia L. Banlaygas, at Evangeline M. Dallo (2020).

BATAYAN SA PAGWAWASTO

ARALIN 17

Tuklasin natin!

ALALAHANIN at UNAWAIN

A. 1. TAMA 6. TAMA
2. TAMA 7. TAMA
3. MALI 8. TAMA
4. MALI 9. MALI
5. TAMA 10. MALI

6
SANGUNIAN

1. Aklat

Antonio, E., Banlaygas, E., Dallo, E. (2020). KAYAMANAN 5 Batayang Aklat at


Kagamitang Pampagtuturo Binagong Edisyon, REX Book Store.

Bon, C., Pamaran, N. (2016). Pagbuo ng Pilipinas Bilang Isang Nasyon, JO-ES
Publishing House, Inc.

Canalita, W., Tubaga, M. (2015). Tuklas Lahi 5, Serye sa Araling Panlipunan. Brilliant
Creations Publishing, Inc.

Julian, A., Lontoc, N., (2017). Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino 5, Batayang Aklat sa
Araling Panlipunan, Phoenix Publishing House, Inc.

You might also like