Professional Documents
Culture Documents
Grade-4 Filipino
Grade-4 Filipino
Si Muning!
Muning! Muning!
Hanap nang hanap si Susan kay Muning. Dala ni Susan ang lalagyan ng
pagkain ni Muning. May laman na ang lalagyan, pero wala si Muning. Wala siya
sa kusina. Wala rin siya sa silid. Nasaan kaya si Muning?
Bumaba ng bahay si Susan. Hinanap niya kung naroon si Muning. Ikot na
siya nang ikot, pero hindi pa rin niya nakita. Baka lumabas ito ng bahay.
Ngiyaw! Ngiyaw!
Hayun si Muning! Ngiyaw siya nang ngiyaw. Nasa loob siya ng kahon. May
mga kasama si Muning sa loob ng kahon.
Nakita ni Susan ang kasama ni Muning. Mga kuting ang kasama ni
Muning sa kahon! May puti, itim at magkahalong puti at itim na kulay ng
kuting. Tuwang-tuwa si Susan!
Si Brownie
Balat ng Saging