You are on page 1of 3

MALAYA AT KUSANG LOOB NA SALAYSAY NI MIGUEL VILLANUEVA NA BINUO SA

PAMAMAGITAN SA PAGSAGOT SA MGA TANONG NI PATROLWOMAN EUNICE


KRISTHINE GASCON DITO SA HIMPILAN NG PAGSISIYASAT NG PULISYA NG
LUNGSOD NG MUNTINLUPA, NGAYONG IKA-20 NG SETYEMPRE 2022, SA GANAP
NA IKA-10 NG UMAGA.

x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-xx-x-x-x-x-x-x-x-x-x-

Affiant was apprised of his/her constitutional right.

1. Tanong: Matapos mong mabatid ang iyong mga karapatan sa ilalim ng ating Saligang
Batas, ikaw ba’y magsasabi ng pawang katotohanan sa pagsisiyasat na ito?
Sagot: Opo.

2. Tanong: Maaari bang sabihin mong muli ang iyong buong pangalan, edad, hanap-
buhay, at iba pang bagay na mapagkakakilanlan sa iyo?
Sagot: Ako po ay si Miguel Villanueva, 23 taong gulang, single, estudyante, at nakatira
sa Wawa Street, Alabang Muntinlupa City.

3. Tanong: Ano ang dahilan at nandito ka ngayon sa Tanggapan ng Pagsisiyasat ng


lungsod ng Muntinlupa?
Sagot: Para po magsalaysay ng aking na saksihang pagnanakaw ni John Emmanuel
Hilapo kay Mary Margaret Latuga.

4. Tanong: Kailan nangyari ang pagnanakaw ni John Emmanuel Hilapo?


Sagot: Noon pong ika-20 ng Setyembre, taong 2022, sa ganap na ika-3 ng umaga.

5. Tanong: Saan nangyari ang pag nanakaw ni John Emmanuel HIlapo?


Sagot: Nangyari po ito gilid ng 24 hrs na establisyemento matatagpuan sa Alabang,
Lungsod ng Muntinlupa.

6. Tanong: Maari ba na isalaysay mo sa pagsisiyasat na ito kung paano nangyari ang


pagnanakaw ni John Emmanuel HIlapo?
Sagot: Opo, Habang ako ay naninigarilyo sa isang poste malapit sa 24 hrs na
establisyimento nakita ko si Mary Margaret Latuga na nag naglalakad nang may biglang
lalaking sumalubong at hinarang sya sa kanyang dinaraanan, ito ay naglabas ng isang
patalim at itinutok sa kanyang tagiliran at kinuha ang pitaka ni Mary at dali-dali itong
tumakbo papalayo.

7. Tanong: Pansamantala wala na muna akong itatanong sa iyo. May nais ka bang
idagdag o baguhin sa salaysay mong ito?
Sagot: Wala na po.

8. Tanong: Handa mo ba itong lagdaan at panumpaan na ito ay pawang katotohanan


lamang?
Sagot: Opo.

SINUMPAAN AT NILAGDAAN SA HARAP KO NGAYONG IKA-20 DITO SA LUNGSOD


NG MUNTINLUPA.

Franco Dominic Tagle


Assistant City Prosecutor
MALAYA AT KUSANG LOOB NA SALAYSAY NI MARY MARGARET LATUGA NA
BINUO SA PAMAMAGITAN SA PAGSAGOT SA MGA TANONG NI PATROLWOMAN
EUNICE KRISTHINE GASCON DITO SA HIMPILAN NG PAGSISIYASAT NG PULISYA
NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA, NGAYONG IKA-20 NG SETYEMPRE 2022, SA
GANAP NA IKA-8 NG UMAGA.

x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-xx-x-x-x-x-x-x-x-x-x-

Affiant was apprised of his/her constitutional right.

1. Tanong: Matapos mong mabatid ang iyong mga karapatan sa ilalim ng ating Saligang
Batas, ikaw ba’y magsasabi ng pawang katotohanan sa pagsisiyasat na ito?
Sagot: Opo.

2. Tanong: Maaari bang sabihin mong muli ang iyong buong pangalan, edad, hanap-
buhay, at iba pang bagay na mapagkakakilanlan sa iyo?
Sagot: Ako po ay si Mary Margaret Latuga, 21 taong gulang, single, estudyante, at
nakatira sa Putatan, Muntinlupa City.

3. Tanong: Ano ang dahilan at nandito ka ngayon sa Tanggapan ng Pagsisiyasat ng


lungsod ng Muntinlupa?
Sagot: Para po magsampa ng reklamo laban kay John Emmanuel Hilapo na taga
Cupang, Lungsod ng Muntinlupa, dahil sa pagnanakaw po ng aking wallet.

4. Tanong: Kailan nangyari ang pagnanakaw ni John Emmanuel Hilapo?


Sagot: Noon pong ika-20 ng Setyembre, taong 2022, sa ganap na ika-3 ng umaga.

5. Tanong: Saan nangyari ang pag nanakaw ni John Emmanuel Hilapo?


Sagot: Doon po sa gilid ng 24 hrs na establisyemento matatagpuan sa Alabang, Lungsod
ng Muntinlupa.

6. Tanong: Maari ba na isalaysay mo sa pagsisiyasat na ito kung paano nangyari ang


pagnanakaw ni John Emmanuel Hilapo ang iyong wallet.
Sagot: Ganito po, habang ako ay naglalakad pauwi mula sa trabaho, mayroong lalaki na
papalapit patungo sa aking pupuntahan nang bigla akong sinalubong ng kanyang dala-
dalang kutsilyo at tinutok ito sa aking tagiliran. Binantaan niya ako na sasaksakin kung
hindi ko ibibigay ang aking wallet. Dali-dali ko itong ibinigay at patuloy na siyang tumakbo
papalayo.

7. Tanong: Pansamantala wala na muna akong itatanong sa iyo. May nais ka bang
idagdag o baguhin sa salaysay mong ito?
Sagot: Wala na po.

8. Tanong: Handa mo ba itong lagdaan at panumpaan na ito ay pawang katotohanan


lamang?
Sagot: Opo.

SINUMPAAN AT NILAGDAAN SA HARAP KO NGAYONG IKA-20 DITO SA LUNGSOD


NG MUNTINLUPA.

Franco Dominic Tagle


Assistant City Prosecutor
MALAYA AT KUSANG LOOB NA SALAYSAY NI CARLA MARIE PANGILINAN NA
BINUO SA PAMAMAGITAN SA PAGSAGOT SA MGA TANONG NI PATROLWOMAN
EUNICE KRISTHINE GASCON DITO SA HIMPILAN NG PAGSISIYASAT NG PULISYA
NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA, NGAYONG IKA-20 NG SETYEMPRE 2022, SA
GANAP NA IKA-12 NG TANGHALI.

x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-xx-x-x-x-x-x-x-x-x-x-

Affiant was apprised of his/her constitutional right.

1. Tanong: Matapos mong mabatid ang iyong mga karapatan sa ilalim ng ating Saligang
Batas, ikaw ba’y magsasabi ng pawang katotohanan sa pagsisiyasat na ito?
Sagot: Opo.

2. Tanong: Maaari bang sabihin mong muli ang iyong buong pangalan, edad, hanap-
buhay, at iba pang bagay na mapagkakakilanlan sa iyo?
Sagot: Ako po ay si Carla Marie Pangilinan, 33 taong gulang, isang pulis, may asawa, at
nakatira sa Plesant Village, Bayanan, Muntinlupa City.

3. Tanong: Ano ang dahilan at nandito ka ngayon sa Tanggapan ng Pagsisiyasat ng


lungsod ng Muntinlupa?
Sagot: Para po magsalaysay ng aking pag dakip kay John Emmanuel HIlapo.

4. Tanong: Kailan mo nadakip si John Emmanuel HIlapo?


Sagot: Sya po ay aking nadakip noon pong ika-20 ng Setyembre, taong 2022, sa ganap
na ika-5 ng umaga.

5. Tanong: Saan mo nadakip si John Emmanuel HIlapo?


Sagot: Sya po ay aking nadakip sa South Station, Alabang, Muntinlupa City.

6. Tanong: Maari ba na isalaysay mo sa pagsisiyasat na ito kung paano nangyari ang


pagnanakaw ni Carding Salazar?
Sagot: Opo. Habang kami po ay nagpapatrolya sa barangay ng Alabang, kami po naka
tanggap ng radyo na may isa daw pong lalaki na may kahinahinalang kilos. Agad po
naming pinuntahan ang lugar kung saan po sya namataan, dito po ay kinilala namin sya
at nalaman na ito ay sangkot sa isang nakawan sa Wawa Street barangay ng Alabang.
Sya po ay agad namin syang inaresto at dinala sa aming himpilan upang magsagawa pa
po ng imbestigasyon.

7. Tanong: Pansamantala wala na muna akong itatanong sa iyo. May nais ka bang
idagdag o baguhin sa salaysay mong ito?
Sagot: Wala na po.

8. Tanong: Handa mo ba itong lagdaan at panumpaan na ito ay pawang katotohanan


lamang?
Sagot: Opo.

SINUMPAAN AT NILAGDAAN SA HARAP KO NGAYONG IKA-20 DITO SA LUNGSOD


NG MUNTINLUPA.

Franco Dominic Tagle


Assistant City Prosecutor

You might also like