You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Sur
CABUGAO NATIONAL HIGH SCHOOL
Language Department
Turod, Cabugao, Ilocos Sur

CHAPTER TEST 1.3


Filipino 10

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang titik ng sagot sa iyong sagutang
papel.
I. Maraming Pagpipilian: Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
_____1. Alin sa mga sumusunod ang katangian ni Lam-ang sa epikong Biag ni Lam-ang?
A. gahaman B. matapang C. mapag-imbot D. mapagkawanggawa
_____2. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga katangian ni Gilgamesh?
A. matipuno B. matapang C. mapag-imbot D. makapangyarihan
_____3. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga katangian ni Bisadari?
A. iyakin B. matiisin C. mapagbigay D. mapagmahal
_____4. Ano ang kinaharap na suliranin nina Gilgamesh sa Epiko ni Gilgamesh?
A. Ang pagkakaroon niya ng matinding sakit
B. Ang pagkatalo niya sa labanan nil ani Enkido
C. Ang pagkaratay niya sa banig ng karamdaman
D. Ang pagpapadala ng Diyos ng kasinlakas niya at ito si Enkido
_____ 5. Anong suliranin ang kinaharap ni Bidasari sa kamay ni Lila Sari sa Epiko ni Bidasari?
A. Ginawa siyang alila nito.
B. Ikinulong siya sa isang palasyo sa loob ng kagubatan.
C. Namamatay siya sa umaga habang sa gabi naman ay nabubuhay siya’
D. Namamatay siya sa gabi habang sa umaga naman ay nabubuhay siya.
_____6. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi kasali sa pagkakatulad ng mga epikong
pandaigdig?
A. May halong kathang isip
B. Kadalasang patungkol sa isang bayan.
C. Sila ay nasisimbolo ng kultura at tradisyon ng isang lahi.
D. Ang iba ay kuwento tungkol sa isang lugar at ang iba ay walang kaugnayan sa
kasaysayan ng ibang lugar.
_____ 7. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga katangian ng isang epiko?
A. Nababasa sa isang upuan lamang
B. Nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa tao.
C. Nagsasalaysay ng pakikipagsapalaran ng tauhan
D. Nagpapakita ng kabayanihan ng mga pangunahing tauhan.
_____ 8. Saan nanggaling na salitang Greek ang epiko na nanganaghulugang salawikain o awit?
A. Epis B. Epix C. Episo D. Epos
_____ 9. Alin sa mga sumusunod ang estilo ng pagsulat ng epiko?
A. Dactylic Gigameter
B. Dactylic Hexameter
C. Dactylic Centimeter
D. Dactylic Pentameter
_____10. Sa Pilipinas, ilan ang tinatayang bilang ng epiko?
A. 28 B. 38 C. 48 D. 58
11-13 Panuto: Ipaliwanag ang mga nagamit na alegorya (nakatagong mensahe) sa epiko sa
pamamagitan ng pag-aanalisa sa mga diyalogo ng mga tauhan.
_____11. “Kaibigan, pinarurusahan ako ng mga dakilang diyos at mamamatay akong kahiya-hiya. Hindi
ako mamamatay tulad ng mga ibang namatay sa labanan; natatakot akong mamatay, ngunit maligaya ang
taong namatay sa pakikipaglaban, kaysa katulad kong nakahihiya ang pagkamatay.”
A. Nahihiya siyang mamamatay dahil nabuking siyang nagnakaw.
B. Nangingibabaw ang pagsisisi sa kanyang damdamin dahil nagkulang siya sa paggawa ng
mabuti.
C. Nahihiya siyang mamamatay na lamang sa gitna ng labanan dahil nagpapatunay ng kanyang
kahinaan.
D. Ang mga taong namatay sa labanan ay bantog subalit kapag mababa pa ang rangko ay
nakakahiya.
____ 12. “Ako ang pumutol ng Punong Cedar, ako ang nagpatag ng kagubatan, ako ang nakapatay kay
Humbaba at ngayon tingnan mo ang nangyari sa akin?” Ano ang alegorya ng pahayag na ito ni Enkido?
A. Pinagsisisihan niya ang kanyang mga nagawang kasalanan.
B. Ipinagmamalaki niya nang lubusan ang kanyang mga nagawa.
C. Naghihintay ng pangalan na isusunod na naman niyang papatayin.
D. Naaalala niya ang nakalipas na nagpapakita ng kanyang kalakasan.
______ 13. “Sa pamamagitan nito’y mananatiling buhay ang kaniyang pangalan sa hanay ng kaniyang
kamag-anakan at sa kaniyang bayan.” Ano ang alegorya ng pahayag na ito?
A. Nagpapakita ito ng kanyang kasikatan
A. Nagpapakita ito ng kanyang karangyaan
C. Nagpapakita ito na siya’y isang hari nang siya ay buhay pa
D. Nagpapakita ito na ang kanilang mga ginagawa ay may kaunting bahagi sa kanilang kultura at
tradisyon.
Para sa bilang 14
“Kaibigan, pinarurusahan ako ng mga diyos at mamamatay akong kahiya-hiya. Hindi ako
mamamatay tulad ng ibang namatay sa labanan; natatakot akong mamatay, ngunit maligaya ang taong
namatay sa pakikipaglaban, kaysa katulad kong nakakahiya ang pagkamatay.
_____14. Ano ang damdaming nangingibabaw sa pahayag na ito?
a. nagsisisi b. nahihiya c. nalulungkot d. natatakot
_____ 15. Saan kadalasang nakapokus ang isang epiko?
A. Sa realidad ng buhay
B. Sa kabayanihan ng pangunahing tauhan
C. Sa pag-iibigan ng lalaki at babaing tauhan
D. Sa pakabuhay at pagkamatay ng mga tauhan
_____ 16. Alin sa mga sumusunod ang pagkakaiba ng Epiko ni Gilgamesh at Epiko ni Bidasari?
A. Sa Epiko ni Gilgamesh ay tungkol sa magkapatid samantalang sa Epiko ni Bidasari naman ay
tungkol sa magkasintahan.
B. Sa Epiko ni Gilgamesh ay tungkol sa diyos at diyosa samantalang sa Epiko ni Bidasari naman
ay tungkol sa hari at reyna.
C. Sa Epiko ni Gilgamesh ay tungkol sa magkapatid na nag-aagawan ng trono samantalang sa
Epiko ni Bidasari naman ay tungkol sa pag-aagawan ng magkapatid sa iisang lalaki.
D. Sa Epiko ni Gilgamesh ay tungkol sa mag-awang hindi nabibiyayaan ng anak samantalang sa
Epiko ni Bidasari naman ay tungkol sa pagiging sagabal ng ina sa pagmamahalan ng mag-asawa
______ 17. Alin sa mga sumusunod ang pagkakatulad ng Epikong Biag ni Lam-ang at Epiko ni Gilgamesh?
A. Ipinapakita ng mga epikong ito ang kabayanihan ng mga pangunahing tauhan.
B. Parehong namatayan ng mga pinakamatalik na kaibigan ang mga pangunahing tauhan.
C. Parehong naligo sa ilog ang mga pangunahing tauhan pagkatapos ng matagal na
pakikipaglaban.
D. Naglakbay pareho ang mga pangunahing tauhan upang hanapin ang nawawalang ama dahil
napasakamay ng mga Igorot.

18-25. Panuto: Basahin at unawain mo ang sumusunod na pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.
_____ 18. Sa maagang pag-aasawa ni Luis, mabilis din silang nagkahiwalay ng kaniyang asawa, Bunga
nito siya’y nanirahan na sa abroad. Anong panandang pandiskurso ang ginamit sa pangungusap?
A. Bunga nito B. Sa abroad C. Mabilis din D. Sa maagang
_____ 19. Si Julian ay naging manhid sa asawa at parang walang pakialam. Ano ang isinasaad ng
nasalungguhitan?
A. Kinalabasan B. Pasubali C. Pagdaragdag D. Pagbubukod
_____ 20. Maliban sa pagiging ina sa limang anak na pulos lalaki si Pepita ay isa ring tipikal na
maybahay. Ano ang isinasaad ng nasalungguhitan?
A. Kinalabasan B. Pasubali C. Pagdaragdag D. Pagbubukod
_____ 21. Ano ang isinasaad ng mga panandang tuloy, bunga nito, kaya?
A. Kinalabasan B . Pasubali C. Pagbubukod D. Pagdaragdag
_____ 22. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagsasaad ng kondisyon o pasubali?
A. Kapag B. Saka C. Kung D. Sakali
_______23. Wala ka namang ikakahiya __________ pumayag ka na. Anong pananda ang angkop sa
patlang?
A. kung B. bunga C. saka D. kaya
_______24. Mababasa sa kasaysayan na ang ____________ epikong naisulat ay ang epiko ni Gilgamesh.
Anong pananda ang angkop sa patlang?
A. unang B. at saka C. bilang karagdagan D. pagkatapos
_______25. Masyadong dinamdam ni Don Mariano ang ginawang pagtatanan ng anak kaya’t nagawa niya
itong itakwil. Palibhasa’y ama, _________napatawad niya rin ito. Anong panandang
pandiskurso ang angkop sa patlang?
A. sa wakas C. sa dakong huli’y
B. pagkaraa’y D. pagdating ng panaho’y

26-30. Panuto: Punan ang patlang ng angkop na titik ng mga hudyat sa pagkakasunod-sunod ng
pangyayari. (A. sa madaling sabi B. saka C. dahil D. kung E. bukod sa)

Si Amanda Bartolome ay isang babaeng nagsikap matunton at maunawaan ang tunay na kahulugan ng
pagiging isang babae sa gitna ng masalimuot na kalagayan ng bansa noong dekada ‘70 sa ilalim ng Batas
Militar. (26)_______________ isang babae, kumilos siya bilang isang ina (sa limang anak na pulos lalaki)
at asawa ayon sa dikta ng lipunan at ng asawa niyang si Julian. Bagaman tradisyunal, umiiral sa pamilyang
Bartolome ang kalayaan sa pagpapahayag ng damdamin (27) _____________ kaya’t lumaki ang kanilang
anak na mulat ang kamalayan sa nangyayari sa lipunan. (28) ____ dito’y sumali sa kilusang makakaliwa
ang kanilang panganay na si Jules, (29) _____ naging makata at manunulat naman si Emman, at nahilig
sa musikang rock n roll si Jason. Si Gani naman ay malayang pinasok ang pagiging US navy bagaman
taliwas ito sa paniniwala ng mga kapatid. (30) _______________ nanatiling matatag ang pamilya
Bartolome sa kabila ng napakaraming pagsubok ng panahon. Dito rin nasubok ang katatagan ng
pagsasama nina Amanda at Julian, kung saan si Amanda ay nagnais matunton ang sarili bilang babae,
malayo sa dikta ng lipunan, at ng asawa

_________________________________________ ______________________________________
Pangalan at Lagda ng Mag-aaral Pangalan at Lagda ng Magulang/ Petsa

Hu87

You might also like