You are on page 1of 3

Kabanata V

Lagom, Konklusyon, at Recomendasyon

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng lagom ng lagom sa natukoy na pananaliksik, mga

konklusyong nagawa at rekomendasyong maaaring makatulong sa mga mambabasa.

A. Lagom

Ang pag aaral na ito ay isinasagawa sa Colegio De Santo Cristo de Burgos,

Sariaya ,Quezon sa mga piling mag aaral ng CDSCDB na may kabuuang bilang na tatlumpung

respondante . Ang mga mananaliksik ay gumamit ng Sarbey sa pamamagitan ng talatanungan.Sa

pag sasarbey, pumili ang mananaliksik sa pag aaral na ito at napili nila ay pagsasrbey sa mga

piling mag aaral na may ibat ibang kasarian at edad. Sunod na ginawa ay ang paghahanda at pag

gagawa ng talatanungan na pinasagutan sa mga respondante. At pagkatapos ay binilang at pinag

isa nila ang mga magkakaparehong sagot sa bawat tanong.Masusing pinaghambing ang mga

resulta sa mga pinagsama samang sagot. Kinuha rin ang bahagdan o porsyento sa kalahatang

bilang ng mga respondante at ditribusyon ng mga respondante ayon sa edad.

B. Konklusyon

Batay sa mga inilahad ng mga mananaliksik na mga datos, pumasok sa kanilang isipan

ang ilang konklusyon . Sa isinasagawang Sarbey nagbigay daan ito upang mabigyang kasagutan

ang mga nabanggit na tiyak ng suliranin.Ang kasagutang ito ay ang mga sumusunod:
1.Ayon sa sarbey sapat ang nakikita mula sa turista upang umunlad ang Ekonomiya sa Sariaya.

2.Ayon sa resulta ay pantay na porsyento ang nagsabi na ng OO at Hindi sa tanong na kung

meron na silang nagawa para umunlad ang turismo sa Sariaya.

3.Marami ang nagsasabi na maunlad ang turismo sa Sariaya.

4.Dapat nating ingatan at pangalagaan ang pinagmamalaking ganda ng Sariaya.

5.Pinakamataas na porsyento ang nagsabi na ang kultura ng mga sariayahin ay makatutulong sa

pag unlad ng turismo sa Sariaya.

6.Ayon sa sarbey nakikinabang ang mga mamamayan sa pag unlad ng Turismo.

7.Ang paggdami ng Turista ay mmakatutulong Sa pag unlad ng turismo sa isang bayan.

8. Malaking porsyento ang nagsasabing alam nila ang kahulugan ng turismo.

9. Ayon sa sarbey ang turismo ay sanhi ng pagkasira ng ilang likas na yaman.

10.Mahalaga na malaman ng kabataan ngayon kung gaano kahalaga ang turismo sa pag unlad ng

bansa.

K. Rekomendasyon

Sa pag aaral na ito ay nais iparating ng mananaliksik sa mga mambabasa kung ggano

kahalaga ang turismo para mas lalong mapayabong ang isang bayan o bansa.Ang pangangalaga

sa ating pinagmamalaking ganda ng sariaya ay magreresulta ng pag unlad ng turismo, kaakibat

nito ay pag ulad ng ating Ekonomiya.


Talaan ng mga Sinasangguni

A. https://brainly.ph/question/1067189

B. https://www.scribd.com/doc/150528637/Konseptong-papel-Mga-Kontribusyon-at-Epekto-ng-

Turismo-Tungo-sa-Patuloy-na-Pag-unlad-ng-Ekonomiya-ng-Bansang-Pilipinas-at-ang-mga-

Pinagdadaanang

C. https://www.papercamp.com/group/kaugnay-na-literatura-ng-turismo/page-0

D. https://www.coursehero.com/file/ptrd5f/Malinaw-na-ngayon-ang-kahalagahan-ng-turismo-sa-

pag-unlad-ng-isang-bansa-Ngunit/?fbclid=IwAR0Y54B3JdDEV3e8agEQ6hu9LBBCMd763E-

CtmsxsMjsMpgl0bJ3s4so_Sk

You might also like