You are on page 1of 3

Angelica F.

Dela Cruz
BSBA 2-A

Ang Probinsyang San Miguel at Ang Biak na Bato

Ako ay si Angelica dalawampung taon na gulang, lumaki sa bayan ng San Miguel kung
saan ay puno ng malalasakit at may pagkakaisa na mamamayan. Lalo't higit na makikita mo ang
kabayanihan at tapang na puso na tila mas matapang pa sa tigre ang palaging nananaig sa mga
kababayan ko. Nasaksihan ko ito ng aking dalawang mata nito lamang nakaraang buwan na
bagyong nanalasa sa aming bayan. Isa ito sa mga pangyayaring di dapat mawaglit sa ating isipan
dahil 5 sa ating magigiting na rescuers ang nagbuwis ng kanilang buhay mailigtas lamang ang
buhay ng iba. Isa sa patunay di lang San Migueleños kung hindi ang mga Bulakenyos ay tunay
na mapagmalasakit sa kapwa. Hindi lang personalidad ng aking kababayan ang kinagigiliwan sa
San Miguel kundi pati na rin ang mga lugar na dinadayo dito sa San Miguel. Tulad na lang ng
Banal na Bundok at Biak na Bato. Lalo na ang lugar ng Biak na bato. Ang mga kweba ng biak na
bato ay minsan ng nagsilbing lugar upang pagtaguan ng ating mga bayani at mga katipunerong
lumaban sa mga banyaga na nais sakupin ang sinta nating bansa.

Hayaan ninyong ilahad ko sa inyo ang kasaysayang naganap sa Biak na Bato. Noong
panahon ng digmaan ang Biak na Bato ay ginamit ni Emilio Aguinaldo upang maging kuta
noong sila ng mga katipunero ay naki pagdigmaan sa mga kastila. Ginamit ito ni Aguinaldo sa
pag tatago dahil sa kakulangan ng tauhan nito para sa pakikipag-laban sa kastila. Dahil sa
masukal at magubat na itsura nito hindi na ito nilusob ng mga kastila. Dito rin nilagdaan sa biak
na bato ang kasunduan ni Emilio Aguinaldo at Fernando Primo de Rivera. Ang kasunduang
naganap upang itigil ang himagsikan sa bansa. Hindi kalaunan ay naging isa na itong national
park na dinadayo dito sa San Miguel.

Nawa ay may dagdag kaalaman kayong natutunan sa paglalahad ko sa inyo ng kwento ng


kasaysayan ng ating bayan lalo't higit sa Barangay ng biak na bato. Huwag sana nating
malimutan na minsan na tayong naging parte ng isang maganda at makabulihang kaganapan sa
ating sintang bayan na San Miguel. Pagyamanin at pangalagaan ang ating bayan upang sa
darating pang hinaharap maibahagi rin natin sa kanila kung gaano kaganda at kapalad na tayo ay
isinilang sa lugar na may makabuluhang kasaysayan.

BUOD:

Mga Tauhan Protaginista:


(Isaalang-alang and edad, pisikal • Si Emilio Aguinaldo isang katipunero
na katangian, katayuan sa buhay,
kalakasan at kahinaan) • Si Angelica na dalawampung taon na gulang na isang
mamamayan ng San Miguel.
Antagonista:
• Mga kastila na nag himagsik at nanakop.

Mga Pantulong na Tauhan:


• Fernando Primo de Rivera ang kumatawan sa mga kastila

Tagpuan Lugar:
(Kultural,Politikal, at • San Miguel at Biak na Bato
Sosyolohikal na kalagayan)

Panahon:
• Nakaraang buwan
• Panahon ng digmaan
Banghay Panimula:
(Uri ng banghay na gagamitin) • Pag papakilala ng aking bayan na San Miguel at ng mga
pangunahing dinadayo ng mga turista o ng nais na
makapunta sa mga kilalang tourist spot. At ang pag
papakilala ng mga katangian ng mamamayan na
naninirahan sa bayan ng San Miguel at ang pag bigay
impormasyon sa Biak na Bato.

Tunggalian:
• Ang bagyong nanalasa sa bayan ng San Miguel at ang
limang rescuers na nabawian ng buhay sa gitna ng kanilang
pagrescue sa kababayan habang kasagsagan ng bagyo. Ang
pakikipag digmaan ni Emilio Aguinaldo sa mga kastila
noon.

Kasukdulan:
• Paglahad ng maikling kasaysayan ng Biak na Bato sa
mangbabasa.

Wakas:
• Pagbibigay dagdag kaalaman tungkol sa aking bayan na
San Miguel at sa kasaysayan ng Biak na Bato.

Tunggalian • Ang bagyong nanalasa sa bayan ng San Miguel at ang limang


(Uri ng labanan na mayroon) rescuers na nabawian ng buhay sa gitna ng kanilang
pagrescue sa kababayan habang kasagsagan ng bagyo. Ang
pakikipag digmaan ni Emilio Aguinaldo sa mga kastila noon.

Punto De Vista • Ang punto De Vista sa aking nagawang maikling kwento ay


ang pagbibigay impormasyon tungkol sa Bayan ng San
Miguel at ang paglahad ng kasaysayan ng Biak na Bato.

Ironiya • Tapang ng puso na tila mas matapang pa sa tigre.

Tema • Ang maikling kwento na ito ay may tema na katangian ng


mamamayan sa San Miguel at ang pag bibigay ng maikling
impormasyon tungkol sa kasaysayan ng isa sa mga dinadayo
sa ating bayan ng San Miguel and Biak na Bato.

You might also like