You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Schools Division of Cotabato City
CCNHS- ANNEX (DATU SEMA KALANTUNGAN SITE)
Tuan – A – Barakat Tamontaka 4, Cotabato City
MODIFIED DAILY LESSON LOG
(Based on D.O. No. 70 s. 2012, K-12 Basic Education and Result Based Performance Management System and D.O. No. 42 s.2016)

Date: August 20, 2019


Subject: ESP 7
Grade and Section: 7 - DEQUITO
Time Schedule: 7:30 - 8:30
I. LESSON OBJECTIVES
At the end of the lesson, the
Nakikilala na natatangi sa tao ang Likas na Batas Moral dahil ang pagtungo sa kabutihan ay may kamalayan at kalayaan. Ang
students are able to:
unang prinsipyo nito ay likas sa tao na dapat gawin ang mabuti at iwasan ang masama.

II. REFERENCES EsP7PS-IIc-6.1


Topic: Ang Kaugnayan ng Konsiyensiya sa Likas na Batas Moral
TG/TM pp.:
LM/Textbook pp.:
Materials: 1. OHSP EP I. Modyul 6.
2. EASE EP I. Modyul 8.

III. PROCEDURES Pag-aralan ang case study sa ibaba. Ano ang iyong gagawin kung ikaw ay nahaharap sa ganitong sitwasyon? Piliin
a. ACTIVITY
ang iyong gagawin sa apat na pagpipilian at sagutin ang mga tanong pagkatapos. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Naiwan kang mag-isa sa inyong


silid-aralan. May nakita kang pitaka
sa ibabaw ng mesa. Nang tingnan mo,
naglalaman ito ng dalawang libong
piso. Naroon din ang I.D. ng may-ari na
isa mong kaklase. May sakit ang tatay mo
at kinakapos kayo sa perang pambili ng kanyang gamot.

b. ANALYSIS 1. Ano ang likas na batas moral?


2. Anu-ano ang katangian ng likas batas moral?
3. Anu – ano ang uri ng konsensya?
4. Saan ibinabatay ng iyong konsiyensiya ang kaniyang paghuhusga kung tama o mali ang isang kilos?
5. Paano ka nakasisigurong tama ang paghuhusga nito?
6. Saan dapat ibatay ng tao ang kanyang gagawing pagpapasya at pagkilos?
Pangatwiranan?
7. Bakit natatangi sa tao ang Likas na Batas-Moral?
8. Saan dapat nakabatay ang pagkahubog ng konsiyensiya? Ipaliwanag.
9. Paano nauugnay ang Likas na Batas-Moral sa konsiyensiya ng tao?
7. May tao bang walang konsiyensiya? Ipaliwanag ang ibig sabihin nito?
c. ABSTRACTION Ang Likas na Batas-Moral ay ibinigay sa tao noong siya ay likhain. Ito ay sa dahilang nakikibahagi siya sa
karunungan at kabutihan ng Diyos. Sa pamamagitan ng batas na ito, ang tao ay may kakayahang makilala ang
mabuti at masama. Dahil sa kalayaan, ang tao ay may kakayahang gumawa ng mabuti o masama.

Katangian ng Likas na Batas-Moral:


1. Obhektibo
2. Pangkalahatan (Unibersal)
3. Walang Hanggan (Eternal)
4. Di nagbabago (Immutable)

Uri ng Konsiyensiya
1. Tama. Ang paghusga ng konsiyensiya ay tama kung lahat ng kaisipan at dahilan na kakailanganin sa paglapat
ng obhektibong pamantayan ay naisakatuparan nang walang pagkakamali. Tama ang konsiyensiya kung
hinuhusgahan nito ang tama bilang tama at bilang mali ang mali (Agapay, ).
Halimbawa, inutusan kang bumili ng tinapay isang araw. Napansin mong sobra ng dalawampung piso
ang sukling ibinigay sa iyo ng tindera. Nang araw ring iyon hindi ka binigyan ng baon ng iyong ina dahil kulang
ang kinita ng iyong ama sa pamamasada. Wala ka mang baon subali’t isinauli mo ang sobrang sukli na
ibinigay sa iyo. Katuwiran mo, hindi sa iyo ang pera kaya’t nararapat na ito ay isauli mo.
2. Mali. Ang paghusga ng konsiyensiya ay nagkakamali kapag ito ay nakabatay sa mga maling prinsipyo o
nailapat ang tamang prinsipyo sa maling paraan. Ayon pa rin kay Agapay, mali ang konsiyensiya kung
hinuhusgahan nito ang mali bilang tama at ng tama ang mali. Gamit pa rin ang halimbawa sa itaas. Naisip mo
na biyaya sa iyo ang sobrang sukli dahil nagkaroon ka ng baon sa araw na iyon. Katwiran mo pa, hindi mo
naman ginusto na magkamali ang tindera sa pagsusukli. Hindi masama na itinago mo ang pera
nagpasalamat ka pa dahil nagkamali ang tindera.

d. APPLICATION  Basahin at unawain ang sitwasyon sa ibaba. Suriin ito sa pamamagitan ng pagkilala sa sasabihin o
paghuhusga ng konsiyensiya sa sitwasyong ito.
 Isulat ito sa unang hanay o kolum.
 Kilalanin din ang pinagbatayan ng konsiyensiya sa paghusga nito.
 Isulat ito sa ikalawang hanay o kolum.
Sitwasyon 1:
Alam na alam ni Amy ang ginagawa ng kaniyang mga kaklase na
pagkokopyahan sa test. Hindi sila nahuhuli ng kanilang guro. Hindi nakapag-
aral si Amy para sa pagsusulit sa Matematika sa araw na ito, kaya’t naisip
niyang gawin din ang ginagawa ng kaniyang mga kaklase na mangopya.

Batayan ng Paghuhusga
Paghuhusga ng Konsiyensiya
(Likas na Batas-Moral)
IV. ASSESMENT Sitwasyon 2:

Malaki ang tiwala ng mga magulang ni Penny sa kaniya. Kahit malayo


ang bahay nila sa mataas na paaralan pinayagan siya na tumira malapit sa
paaralan sa kanilang bayan. Tuwing Biyernes ng hapon siya umuuwi sa
kanilang lugar at bumabalik sa inuupahang bahay tuwing Linggo ng hapon.
Isang araw, niyaya si Penny ng kaniyang mga kaklase na mag-inuman sila.
Hindi naman daw siya mapapagalitan dahil hindi naman malalaman ng
kaniyang magulang.

Batayan ng Paghuhusga
Paghuhusga ng Konsiyensiya
(Likas na Batas-Moral)

V. ASSIGNMENT/AGREEMENT Sumulat ng pagninilay tungkol sa natuklasan mong kaugnayan ng konsiyensiya sa


Likas na Batas-Moral. Gawin ito sa iyong journal.

Remarks: Re-teach due wide scope or duration of the lesson


No. of students with Mastery
Level:
No. of students needing
remediation:
Teacher’s Note:
REFLECTION:

You might also like