You are on page 1of 10

8 Department of Education

National Capital Region


SCHOOL S DIVISION OFFICE
MARIK INA CITY

Araling Panlipunan
Kasaysayan ng Daigdig
Unang Markahan – Modyul 6
Pamana ng mga Sinaunang Kabihasnan sa
Daigdig

Manunulat: Maritess C. Llamera

City of Good Character 0


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Aralin Kontribusyon ng mga Sinaunang
Kabihasnan sa Daigdig
1

Alamin
Magandang umaga sa iyo, mag-aaral. Atin ngayong tatalakayin ang mga
pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig. Ano ano nga ba ang mga
kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan? Naisip mo ba kung paano nila
ito nabuo at bakit nila ito binuo? Halina at tuklasin natin ang mga ito sa
ating aralin.

Sa pagtatapos ng araling, ikaw ay inaasahan na:


napapahalagahan ang mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan
sa daigdig;
1. natutukoy ang mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa
daigdig;
2. naiuugnay ang kabutihan ng mga kontribusyong ito sa kasalukuyang
panahon.

Subukin

Ayusin ang mga ginulong letra upang mabuo ang mga salita na may
kinalaman sa paksang aralin.
1. Maaring gamiting panluto.
YOPA ________________

2. Matigas na bagay.
KALBA ________________

3. Parte ng isang sasakyan.


LONUGG ________________

4. Ginagamit ng mga magsasaka sa pagsasaka.


RORAA ________________

5. Bagay na maaring sulatan.


LPAPE ________________

City of Good Character 1


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Nakuha mo ba lahat ng tama ang mga sagot? Natukoy mo ba ang
kahalagahan nito sa iyong pamumuhay? Kailan ito naimbento? Ang paksang ito
ang tatalakayin natin sa araling ito.

Balikan

Loop-A-Word
Hanapin ang mga salita sa kahon at ilagay sa tsart batay sa kanilang naiambag.

S T A Y K L E T D F G A R N
H A M M U R A B I P Z W T O
I E R S A T R A P G O D S E
H A B E C D F T G H I J K L
H G F H J W A A D F G V X Z
U T D A R I U S X Y K D E T
A R Y X C T H I A T A R P C
N D A F G X J D Z K D R U R
G R E A T W A L L C K U S T
T P L M C L S T A C L I J K
I Y K H U F U J D C L S I L
X M T C P Y R A M I D F C C
H A N G I N G G A R D E N E
N E B U C H A D N E Z Z A R

PINUNO AMBAG
1.
2.
3.
4.
5

Inaasahan ko nasagot mo ng tama ang ating balik-aral. Binabati Kita!

City of Good Character 2


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Tuklasin

Gumuhit ng isang bagay na mahalaga sa iyo sa kasalukuyan at isulat ang


kahalagahan nito sa isang talata.

Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman Kailangan


5 4 3 pang
magsanay
2
Presentasyon May lubos na May Kakaunting Walang
ng pakamalikhain pagkamalikhain pagkamalikahain naipakitang
Pagguhit ang gawa ang nabuong ang nakita sa pagkamalikhain.
gawa gawa

Kalinawan ng Napakalinaw na Malinaw na datos Kakaunting datos Walang datos at


talata sa datos datos at kaalaman at kaalaman at kaalaman kaalaman
at kaalaman
Nakaayon sa Nakasunod ng Nakasunod sa Di masyadong Di nakasunod sa
layunin at lubos sa layunin layunin at panuto nakasunod sa layunin at
panuto at panuto layunin at panuto panuto.

Kung naisip mo ang kahalagahan ng mga makabagong tuklas na kagamitan


sa panahon ng teknolohiya, paano kaya pinahalagahan ng mga sinaunang tao ang
kanilang mga imbensiyon sa kanilang panahon? Tuklasin natin ang kanilang mga
ambag sa ating daigdig.

City of Good Character 3


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Suriin

Kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Asya

Larangan Kaalaman

Arkitektura Dakilang Ziggurat ng Ur na matatagpuan sa timog Iraq sa


probinsya ng Dhi Qar. May taas na tatlumpung metro, haba na 64
metro at laki na 46 metro.
Naimbento rin ng mga Hittites ang bakal na ginamit nila sa
kanilang mga armas at karwahe.

Batas Kodigo ni Hammurabi na tinaguriang mata sa mata, ngipin sa ngipin


na batas na binuo ni Hammurabi sa panahon ng Babylonian.
Binubuo ito ng 282 na batas.
Pamamahala Satrap o lalawigan na pinamumunuan ng mga gobernador na
kontribusyon ng mga Persiano.
Wika Nabuo ng mga Phoenician ang Alphabeto. Nagsisimula ito sa salitang
Aleph at pangalawa ay Beth.
Edukasyon Algebra at pagbibilang ng 60
Pagkakaroon ng Oras at kalendaryo
Fraction at square root,
Relihiyon Kristiyanismo at Judaismo (Hebreo) Paniniwala sa isang diyos na si
Jesukristo.

Zoroastrianism (Persian) Paniniwala kay Ahura Mazda ang diyos ng


kabutihan at Ahriman, ang diyos ng kasamaan.

Panitikan Epic of Gilgamesh at


Enuna Elish (Babylonia)

Pagsulat Cuneiform -sinaunang pagsulat ng mga Sumerian.

Kabihasnang Indus sa Timog Asya


Arkitektura Pantay-pantay na kalsada o grid patterns
Maayos na kanal at dike na nasa ilalim ng bahay.
Batas Arthashastra o batas sa pamamahala ni Kautilya.
Wika Sanskrit mula sa mga Aryan.
Edukasyon Ang halaga ng pi at ang paggamit ng Zero
Relihiyon Hinduismo, Budhismo, Jainismo at Sikism-Ang
Hinduismo ay ang di pagsasagawa ng karahasan na
pinasimulan ni Mahatma Gandhi.
Budhismo ay mula sa turo ni Gautama Buddha.
Panitikan Mahabharata at Ramayana dalawang epiko na pamana ng
India.

City of Good Character 4


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Aklat ng Vedas- sagradong aklat ng mga Hindu na binubuo
ng mga awit sa pandigma, ritwal at sanaysay.
Pagsulat Pictograph o paglalarawan sa isang bagay.
Agham Ayurveda o paraan ng sinaunang pagagamot ng mga Indian gamit ang
mga halamang gamot.

Kabihasnang Tsino sa Hilagang Asya


Arkitektura Dakilang Moog o Great Wall of China na pinagawa ni
Shih Huang Ti.
Itinayo bilang harang sa mga tribo mula sa hilaga na
gustong sumakop sa Tsina.
Batas Confucianismo, Taoismo, Legalismo- mga kaisipan
ng mga Pilosopong sina Confucius, Lao Tsu, Xun Zi.
Pamamahala Sistemang Dinastiya o Angkan sa pamumuno,
Monarkiya. Emperador ang tawag sa kanilang hari.
Edukasyon Pagsusulit sa Serbiyo Sibil at pagsasagawa ng
Scholarship.
Pagkakaimbento ng Papel at palimbagan
Relihiyon Taoismo o balanse ng kalikasan at daigdig.
Ipinakilala ni Lao Tzu, isang pilosopo.
Naniwala sa payak na pamumuhay na nakaayon sa
kalikasan.
Panitikan Pagsulat ng Kasaysayan ng Tsina ni Sima Qian
I Ching (Classic of Change) at Bing Fa (Art of War) na
tumatalakay sa mga pilosopiya samantalang ang Bing
Fa ay tungkol sa pakikidigmang pangmilitar.

Pagsulat Calligraphy - paraan ng pagsulat ng mga Tsino.

Agham Acupuncture o paggagamot gamit ang mga karayom


na itinutusok sa mga ugat.
Nagsimula ito sa panahon ni Shih Huang Ti ng
Dinastiyang Q’in o Ch’in.
Paggamit ng Abacus at Chopsticks.
Pagsasagawa ng Feng Shui o ang pagbalanse ng Ying
at Yang.

City of Good Character 5


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Kabihasnang Ehipto sa Aprika
ArkitekturaPyramid at Sphinx na makikita sa Giza, Egypt.
Ipinagawa ni Haring Khufu o Cheops sa libo-libong
Ehiptiano.
Pamamahala Pamamahala ng mga Pharaoh.
Pinaniniwalaang sila ay sugo mula sa langit.
Edukasyon Rolyo ng papel na mula sa Halamang Papyrus.

Asignaturang Geometry

Panitikan Book of Dead - libro na nakapaloob ang paraan ng pag-


iimbalsamo o mummification.
Pagsulat Hieroglyphics - sinaunang pagsulat ng mga Ehipsiano na
makikita sa Batong Rosetta o Clay Tablet na nahukay sa
delta ng ilog Nile.
Agham Mummification o pag-iimbalsamo ng mga patay
Kalendayo na may 365 na araw.

Pagyamanin
Ambag Mo, Pahalagahan ko!
Buuin ang tsart batay sa iyong natutunan. Ilagay ang iyong sagot sa isang buong
papel.

Ambag Sibilisasyon Kahalagahan sa Kahalagahan para


Kanilang Panahon sa iyo
1.
2.
3.
4.

Isaisip
Buuin ang kaisipang iyong natutunan sa ating paksa.
1. Kamangha-mangha ang mga kontribusyon ng kabihasnang Mesopotamia
tulad ng __________, ___________, __________, at ________________.
2. Naging atraksiyon ng mga turista ang ambag ng mga Ehipsiano tulad ng
____________,________________, ____________, at ________________.
3. Kapuri-puri ang ambag ng mga Tsino tulad ng __________________,
_____________,_____________, at __________________.
4. Pahahalagahan ko ang mga ambag ng Kabihasnang Indus tulad ng
_______________,________________, ______________, at ___________________.

City of Good Character 6


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Isagawa
Paggawa ng Brochure
Bumuo ng isang brochure ukol sa mahahalagang lugar na makikita sa
Pilipinas sa pamamagitan ng pagguhit o paggupit ng larawan nito . Banggitin ang
kahalagan at kung saan ito makikita.
Rubrik sa Gawain
Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman Kailangan pang
5 4 3 Magsanay
2
Presentasyon ng May lubos na May kagandahan ang Kakaunting Walang naipakitang
proyekto kagandahan ang nabuong gawa kagandahan ang kagandahan
gawa nabuong gawa
Kalinawan ng Napakalinaw na Malinaw na datos at Kakaunting datos Walang datos at
datos at kaalaman datos at kaalaman kaalaman at kaalaman kaalaman

Nakaayon sa Nakasunod ng lubos Nakasunod sa layunin Di masyadong Di nakasunod sa layunin


layunin at panuto sa layunin at panuto at panuto nakasunod sa at panuto.
layunin at panuto

Tayahin
Analohiya
Ibigay ang hinihingi ng bawat bilang batay sa analohiya.

1. Sumerian: Cuneiform; Tsino:____________.


2. Babylonian: Batas ni Hammurabi; Indus:_____________
3. Persia: Zoroastrianismo; Indus:_________________
4. Ehipsiano: Pyramid; Tsino:__________________
5. Kabihasnang Indus: Aryuveda; kabihasnang Tsino:______________
6. Ramayana at Mahabharata: Dravidian; Epic of Gilgamesh:______________
7. Ehipto: Pharaoh; Tsina:_______________
8. India: Budhismo ; Tsina:_______________
9. Maraming Diyos: Politeismo; Isang Diyos:__________________
10. Pagbibilang ng 60: Sumerian; Paggamit ng Zero:___________________

Karagdagang Gawain
Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa imbensyon na naisip mong
kailangan sa ating panahon. Banggitin din ang kahalagahan nito sa ating
buhay, sa ating kapaligiran o sa ating pamahalaan.
Rubrik sa Gawain
Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman Kailangan pang
5 4 3 Magsanay
2
Paglalahad ng May lubos na pag- May pag-unawa sa Kakaunting pag- Walang naipakitang
Mensahe unawa sa paksa paksa unawa pag-unawa
Kalinawan ng datos Napakalinaw na datos Malinaw na datos at Kakaunting datos at Walang datos at
at kaalaman at kaalaman kaalaman kaalaman kaalaman
Nakaayon sa Nakasunod ng lubos sa Nakasunod sa layunin Di masyadong Di nakasunod sa
layunin at panuto layunin at panuto at panuto nakasunod sa layunin at panuto.
layunin at panuto

City of Good Character 7


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
8 City of Good Character
Subukin:
1. Apoy-Pagluto ng Pagkain
2. Bakal- gamit sa paggawa ng matitibay na gusali at bahay
3. Gulong- para sa mga sasakyan
4. Araro-ginagamit ng mga magsasaka sa pagbungkal ng lupa
5. Papel- sulatan at ginagamit upang makagawa ng libro.
Balikan
S T A Y K L E T D F G A R N
H A M M U R A B I P Z W T O
I E R S A T R A P G O D S E
H A B E C D F T G H I J K L
H G F H J W A A D F G V X Z
U T D A R I U S X Y K D E T
A R Y X C T H I A T A C P C
N D A F G X J D Z K D R U R
G R E A T W A L L C K U S T
T P L M C L S T A C L I J K
I Y K H U F U J D C L S I L
X M T C P Y R A M I D F C C
H A N G I N G G A R D E N E
N E B U C H A D N E Z Z A R
PINUNO AMBAG
1.Hammurabi Batas
2.Shih Huang Ti Great wall
3.Darius Satrap
4.Khufu Pyramid
5.Nebuchadnezzar Hanging Gardens
Tuklasin:
Answers may vary
Hal. Cellphone- Natatawagan ang mga nasa malayong lugar, nakakakuha ng larawan o pangyayari
Isaisip
1. Kamangha-mangha ang mga kontribusyon ng kabihasnang Mesopotamia tulad ng batas, ziggurat, cuneiform, at Alphabeto.
2. Naging atraksiyon ng mga turista ang ambag ng mga Ehiptiano tulad ng Pyramid,
Sphinx, Pharaoh, at heirogyphics.
3. Kapuri-puri ang ambag ng mga Tsino tulad ng Dakilang Moog, Calligraphy,
Confucianismo, at Taoismo.
4. Papahalagahan ko ang mga ambag ng Kabihasnang Indus tulad ng Hinduismo,
Budhismo, Pantay pantay na kalsada, at Sanskrit.
Tayahin
1. Calligraphy
2. Arthashastra
3. Hinduismo
4. Great Wall
5. Acupuncture
6. Babylonian
7. Emperador
8. Taoismo
9. Monoteismo
10. Indian/ Aryan
Susi ng Pagwawasto
Mateo, Grace Estrella C, et al, Kabihasnang Daigdig, Kasaysayan at Kultura, 2006.
Mateo, Grace Estrella C, et al, Kabihasnang Daigdig: Kasaysayan at Kultura, 2012.
2013.
Blando, Rosemarie C.,et al, Kasaysayan ng Daigdig,Kagawaran ng Edukasyon,
Sanggunian
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Maritess C. Llamera (Guro, CISSL)


Mga Tagasuri: Gemma P. Soneja (Guro, PHS)
Mita Abergos (Principal CISSL)
Aaron S. Enano (Superbisor, AP)
Tagaguhit: Ma. Gwendelene J. Corañez (Guro, PES)
Tagalapat: Ma. Gwendelene J. Corañez (Guro, PES)

Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola

Pangalawang Tagapamanihala

Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza

Hepe – Curriculum Implementation Division


Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Aaron S. Enano
Superbisor sa Araling Panlipunan

Ivy Coney A. Gamatero

Superbisor sa Learning Resource Management System

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph
191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines
Telefax: (02) 682-2472 / 682-3989

City of Good Character 9


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like