You are on page 1of 2

Review:

1. Ano ang national monarchy?

National monarchy ay ang sentralisadong pamahalaan ng hari na hinati ang mga katungkulan tulad ng paghirang ng
pagpapatupad ng batas, pagsasagawa ng paglilitis, pagpaparusa sa korte ng palasyo.

2. Sa paanong paraan umusbong ang nation state?

Sa pamamagitan ng pagkakaroon ngg isang sentralisadong pamahalaan ng sa ilalim ng hari na may kakayahang at
kapangyarihang tumupad ng batas sa nasasakupan nabuo ang hukbo ng mga propesyunal na sundalo na tapat sa
hari. Ang kanilang tungkulin ay palawigin ang teritoryo na nangangahulugan ng pakikidigma upang mapalawak ang
nasasakupan.

“PAGLAKAS NG SIMBAHAN AT ANG PAPEL NITO SA PAGLAKAS NG EUROPA”

 Matatalakay natin at inyong malalaman ang bahaging ginagampanan ng simbahang katoliko sa paglakas ng
europa
 Isulat muna ninyo ito. Bibigyan lamang ng 15 min.
1. Sa anong dahilan kung bakit lumakas ang kapangyarihan ng simbahan?
- Sapagkat ang simbahan ay gumanap na papel bilang Protector o tagapagtanggol ng mga mamamayan sa
kadahilanan na tinuligsa ng simbahan ang pag-aabuso ng mga hari at nakikita ito ng mga mamamayan na
ang simbahan ay bilang sentro ng debosyon….(kanlungan)
2. Sino ang may pinakamataas na katungkulan sa simbahan? – ang papa
3. Ano ang papel ng papa?
- Pinakamataas na lider-espirituwal
- Tagapagmana ng simbahang katoliko mula kay San pedro
- May karapatan ang papa na tanggalin ang mga hari kapag hindi tumutupad sa kanyang obligasyong
Kristiyano
4. Sino naman si Papa Gregory VII?
- Siya ang Papa na nagtakda na makapangyarihan ang simbahan.
- Kinilala din bantog na repormista sa panahon ng middle ages ng simbahan at kauna unahang nagkaroon ng
komplikasyon sa labanan ng kapangyarihan secular at eklesyatikal.
5. Sino ang hari ang kanyang naalitan?
- Henry IV ng germany.
6. Bakit kaya nagkaroon ng alitan sa anong kadahilanan?
- Ang hindi pagkagusto sa ideya ng Papa ng Investiture Controversy na makakaapekto sa mga kaugalian at
politika ng Germany.
7. Ano nga ba ang Investiture Controversy?
- Ito yung kontrobersyal ng pagpapatibay na sa isang seremonya kung saan ang isang pinunong secular
katulad ng hari ay siyang magkakaloob ng mga simbolo katulad ng singsing sa pamumuno ng obispong
kanyang hinihirang bilang maging pinuno ng simbahan.
- Nagpapakita ito kapag ang isang hari ay siyang gumawad o magkakaloob ng simbolo ay nagpapakita na sila
ay pinakamataas na lider ng espirituwal at inaasahan ang kanilang katapatan at protection in return sa papa.
- Pero sa pamumuno ni papa Gregory sa simbahan tinanggal niya ang karapatan tulad ng mga hari o opisyal
na magkaloob ng kapangyarihan sa pinuno ng simbahan.
8. Napag – alaman na humingi ng tulong ang hari sa mga obispong German, nagtagumpay bang pabain sa pwesto
ang papa?
- Hindi… ang nangyari ay ideklara ng papa na ekskomulgado ang hari sa simbahang katoliko.
- Ano ba ang ekskomulgado? Ito yung kalagaayan kung saan itinitiwalag ng simbahan.
- Hiniling ng hari na alisin ang pagtitiwalag ngunit hindi ganun ito kadaling ginawan ng papa.
- Bakit kaya? Pinahirapan muna class…natatandaan niyo pa ba ung nakaraang talakayan ninyo..nakaranas
muna ang hari ng lubhang paghihirap sa pagtawid sa Alps at bago ang pagtatakdang paghaharap sa papa si
haring Henry ay ginawa niya ang pagtayo Nang NAKAyapak ng palasyo ng Canossa sa Hilagang Italy,..
- Kailan nangyari? Sa taong 1077 upang hilingin ang parusang ekskomulgasyon.
- Anong nangyari pagkatapos? Pinatawad ng papa at binawi ang kaparusahang pagtitiwalag sa simbahan.
9. Ano ang concordat of Worms?
- Isang kompromiso sa pagitan ng simbahan at hari na kumikilala sa dalawang tungkulin ng Obispo bilang lider
ng simbahan at panginoong maylupa.
- Ano ang ibig sabihin noon class? Ibig sabihin lamang non ay sinasaad na ang simbahan bilang isang
nagsasariling institusyon na pinamumunuan ng papa na hindi napapasailalim ng sinumang hari.
- ( basahon ang two last paragraph)
- 1. Ano ang pinakamakapangyarihang institusyon ng Middle Ages? Simbahan
- 2. Bakit kaya? Activity….concept web

gumanap na papel bilang


Protector

Mga papel na ginagampan ng


Simbahang Katoliko sa paglakas ng
tinutuligsa ng simbahan Europe Pinakamataas na
ang pag-aabuso ng mga lider-espirituwal
hari

May karapatan na tanggalin ang


mga hari kapag hindi tumutupad
sa kanyang obligasyong
Kristiyano

1. Bakit mahalaga ang impluwesiya ng Simbahan sa paglakas ng Europe?

Applikasyon:

Ano ang naging kontribusyon ng simbahang katoliko sa daigdig ngayon?

Napapahalagahan ba ninyo ang kontribusyon ng simbahan sa ngayon.

You might also like