You are on page 1of 3

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

GAWAIN 1: HARAPIN ANG HAMON


PANUTO: Basahin at suriin ang mga sumusunod na katanungan. Sagutin ito sa loob ng 5-10
pangungusap.

Paalala: Sa pagsave ng inyong mga file, ito ang susunding filename:


G1_SEKSYONPANGALAN (Halimbawa: G1_SAINTS-REYES_JUAN)

1. Ano-ano ang mga Kalagayan at mga Hamon sa Pananaliksik sa kasalukuyang panahon?


Ang pananaliksik ay isang proseso sa pagkalap ng datos, and datos o impormasyon sa
iyong saliksik ay dapat ang katotoohanan, maykabuluhan at kontrolado. Ang kalagayan ng
pananaliksik sa kasalukuyang panahon ay nanganganib, dahil may mga taong nakakatuklas ng
katotohanan ngunit sila ay pinatatahimik, pero ang daan na ibingay ng pananaliksik sa atin ay
magtutungo sa pagunlad ng mundo, dahil madami na ngayon ang naiimbentong bagong solusyon
sa mga problema dahil sa pananaliksik, dito naman pumapasok ang mga hamon sa impormasyon
na nakapaloob sa isang saliksik, dahil hindi lahat ng impormasyon na nababasa nyo ay ang
katotohanan, hindi din lahat ng nasa “Internet” ay may kabuluhan, kaya ito ay nagsisilbing
suliranin at dapat maintindihan kung paano gumawa ng isang saliksik.

2 . Paano natin haharapin ang mga hamon na binanggit upang makamit ang
pangunahing layunin ng pananaliksik?
Ang pangunahing layunin ng pananaliksik ay makapagbigay, maihayag at maikalap ang
impormasyon at datos na may kabuluhan at makakatuling sa mundo, dapat din mailantad
ang katotohanan at hindi dapat nababali o na kokontrol ang mga impormasyon na
ipinapahayag, sa kasulukuyang panahon lalo na at malapit na ang eleksyon, kailangan natin
maging mapanuri at maging analitikal sa mga saliksik na ating nababasa, dahil hindi lahat
doon ay tunay, at dapat maintindihan natin ng Mabuti ang mga impormasyon na galling sa
ibang tao, upang makamit natin ang layunin ng saliksik na makapagbigay ng tamang
impormasyon at mailantad ang katotohanan.

3 . Magbigay ng dalawang (2) sitwasyon kung paano maipakikita ng isang mag-aaral na


mananaliksik tulad mo ang pag iwas sa Plagiarism
Dalawang bagay lamang talaga ang kailangan para maiwasan ang plagiarism, unang una sa
lahat, kailangan mo lamang maintindihan na hindi iyo ang impormasyon na nakuha mo,
hindi mo dapat gamitin ang eksaktong nakasaad sa saliksik, at ang impormasyon o datos na
nakuha mo sa isang saliksik ay may nagmamay-ari, oo ito ay tinatawag na “intellectual
property rights” at pag naintindihan mo ito, matututo ka ng manaliksik ng mapanuri at
may-ingat, maiitindihan mo na ang saliksik ay ang pangangalap ng impormasyon, hindi
para lamang magbigay ng impormasyon na galling sa iba at masabing may nagawa ka.

Isang sitwasyon dito ay ang dalawang news tv o kaya naman ay sa radio, pansin mo na
hindi nagkakaparehas ang sinasabi o ang eksaktong ibinalita sa channel na ito ie. Abs Cbn
At GMA, at sa ibang channel.

At dahil bawal magkaparehas ng impormasyon o kuhanin ang bagay na hindi mo


pagmamayari, dito pumapasok ang pangalwang bagay para maiwasan ito, at ito ay
pagbibigay galang sa may akda at pag gamit ng ideya ng saliksik sa sarili mong
pamamaraaan, “Paraphrase” at “Citation” kung tawagin sa ingles, ang paraphrase ay
ginagamit upang maiwasan ang pagkopya ng naunang saliksik at para magamit mo ang
sarili mong pamamaran o estilo ng pananaliksik, at ang Citation naman ay ginagamit kung
kailangan mo ng impormasyon ng may akda ngunit gagamitin mo ito bilang isang ehemplo
o patunay sa datos na iyong nakalap.

Halimbawa:Gumawa ng isang essay na ang thema ay “Filipino Wika Natin”


“Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, ay mas masahol pa sa malansang isda”
Jose Rizal, gaya ng sinabi ni Rizal ang wika natin ay dapat mahalin.-Citation
Para sa Paraphrase

Mas masahol pa sa malansang isda ang hindi marunong magpahalaga sa kanyang sariling
wika, ito ay ang inihayag ni Rizal na isang bayani ng Pilipinas dahil nakipaglaban siya sa
mga Espanyol gamit ang ating wikang Filipino.

Pamantayan sa Pagpupuntos:
Kasagutan - 3
Angkop na gamit ng mga salita at bantas - 2
Puntos kada bilang: 5
Kabuuang puntos: 15
Transforming ourselves, Transforming our world.

You might also like