You are on page 1of 1

Group 1 Script (Balagtasan)

LAKANDIWA: 
L Antonia: Magandang gabi/hapon mga binibini at ginoo. Ako si binibining antonia ramos, ang inyong
lakandiwa ngayong hapon, sa araw araw may mga pangyayari na nakakasaya ng isang tao, ngunit minsan rin
may mga pangyayari na hindi mo ikakagusto. na kahit hindi mo sadyang manakit, posible kang lumagpas sa
linyang nakaguhit.

Sa aking kaliwa ang mga nasaktan, ang mga taong ginawa ang lahat ngunit sa dulo ay iniwan

at saaking kanan, ang mga nanakit. posibleng hindi sadya pero sa dulo ay iniwan ang nag tyaga

MGA KABATAAN, BUBUKSAN KO NA ANG BALAGTASAN. MAGBIGAY NG MAINIT NA PALAKPAKAN! 

LINE 1 

M1 Stephen: Magandang gabi/hapon mga Ginoo't Binibini ako ho ay si Ginoong Stephen ako'y
magbabalagtas ng aming pinapanigang Nanakit, ang pananakit ay hindi palagi masama aba'y ito'y maaring
maging dahilan ng kakulangan ng pagmamahal sa isang relasyong matagalan. Halimbawa, ako'y hindi
nabigyan ng sapat na oras ng aking kasintahan, kaya napagisipang hanapin sa iba ang aking kaligayahan.
Ako'y aamin,masakit ang malinlang. Ngunit minsan, ang sarili dapat ang binibintang.

M2 Tingson: Hindi yan totoo! Tayo ay nag relasyon. Hindi ba't pagmamahalang pantay at tunay ang ating
misyon? Oo, aaminin ko. Hindi naging sapat ang aking atensiyon at pagmamahal ngunit hindi dahilan para
ako'y lokohin at iwan.

M1 Nico: Aba binibini. Hindi totoo yan, kung ika'y magbabahagi ng sapat na pagmamahal. Hindi siya karapat-
dapat sa kulang na atensiyon. Ito'y mag uuwi sa malungkot at hiwalay na relasyon.

M2 Steven: Hay nako ginoo, hindi ako sumasang-ayon sa iyong binanggit. Sapagkat sa atensiyon, hindi
kailangang mainggit. Paano na lamang ang kanyang gawin? Kung nasayo lahat ibibigay at itutuon/ipagtutuon
ang pansin.

LINE 2

M1 Stephen: Ako'y hindi sasang ayon sayo ginoo. Kapag ang dalawang tao ay nag mamahalan, dapat sila'y
may sapat ng kakayahan para ipadama sa isa't-isa ang kanilang pagmamahal at damdamin. 

M2 tingson: paano ko maipapadama ang pagmamahal na iyong hinahanap kung sa iba kana yumayakap? 

M1 nico: siyang tunay binibini, hindi mo na siya nabibigyan ng pansin dahil saiyong mga gawain, alam kong
ito'y ginagawa mo para saatin ngunit isipin mo rin naman ang mangyayari kung hindi mo na ako bibigyan ng
pansin, paano na ang relasyon natin?

M2 steven: ako'y hindi sumasang ayon  saiyong mga pinag sasasabi ginoo, kung ito'y para saatin dapat sinabi
mo saakin, para matulungan kita at sa ganun ay hindi lang ikaw ang namomroblema sa relasyong natin

LINE 3

M1 Stephen: paano ko ito sasabihin saiyo kung ako'y ’di mo pinapansin. at sinasarili mo lamang ang ating
suliranin?

M2 tingson: sapagkat alam kong marami kang iniisip para sa iyo, at hindi ko nais madagdagan pa ito.

M1 nico: hindi natin masosolusyunan ang ating problema, kung ako'y hindi mo bibigyan ng pagkakataong
tulungan ka

M2 steve: oo, inaamin ko na kasalanan ko rin na hindi ko sinabi saiyo ang ating suliranin, ngunit kailangan
bang mag hanap ng iba? Pwede ba nating pagusapan ang ating damdamin?

L Antonia: Mga Minamahal at sinisinta naming kaibigan ngayo'y tapos na itong balagtasan kung nais nyong
sila ay hatulan, hatulan na Ninyo pag dating sa bahay at muli ako si Antonia ang inyong lakandiwa maraming
salamat. (PALAKPAKAN!)

You might also like