You are on page 1of 1

Balagtasan

No. 3 Nanakit O Nasaktan


L; Antonia: Magandang hapon! Mga binibini at ginoo. Ako si binibining Antonia Ang inyong lakandiwa ngayon
hapon. Sa araw araw, may mga pangyayari na nakakasaya ng isang tao, pero minsan rin, may pangyayari na
hindi mo ikakagusto. Kahit na hindi mo sadyang manakit, posibleng pwede ka lumagpas sa linyang nakaguhit.
Sa aking kaliwa, ang mga nasaktan, ang mga taong ginawa ang lahat pero sa dulo ay naiwan At sa aking kanan,
ang nga nanakit, posibleng hindi sadya pero sa dulo ay iniwan ang nag tiyaga, mga kabataan bubuksan ko na
ang balagtasan, sila ay bigyan natin ng malakas na palakpakan!
Line 1
M1; Stephen: Magandang gabi/hapon mga Ginoo't Binibini ako ho ay si Ginoong Stephen ako'y
magbabalagtas ng aming pinapanigang Nanakit, ang pananakit ay hindi minsan masama aba'y ito'y pedeng
maging dahilan ng kakulangan ng pagmamahal sa isang relasyong nagmamahalan halimbawa nalang ako'y
hindi na nabibigyan ng sapat na oras ng aking kasintahan kaya naman napagisipan kong hanapin sa iba ang
aking kaligayahan aaminin ko masakit ang masaktan ngunit minsan kung iisipin ang isang tao ay nasasaktan
dahil minsan sa konting oras lang na nabibigay nya sakanyang kasintahan
M2; Tingson: Aba naman nag relasyon nga tayo dahil pantay ang ating pag mamahalan at sasabihin mo
kakulangan ng pagmamahal? Oo, aaminin ko hindi kita na masyado mabigyan ng pansin pero hindi iyun
dahilan para mawala bigla ang iyong pagmamahal saakin
M1; Nico: Aba'y binibini, hindi totoo yan kung ika'y magmamahal ng pantay hindi mo siya bibigyan ng kulang
na oras na pedeng mauwi sainyong pagkakahiwalay
M2; Steven: Nako ginoo Hindi ako sangayon sa iyong sinabi, bagkus hindi kailangan lagi sayo ang aking pansin
pano na lamang ang aking ibang kailangang gawin?
Line 2
M1; Stephen: Aba'y mawalang gala na ginoo, hindi ko naman sa sinasabing ang iyong pansin ay akin, ang
saakin lamang wag moong ibuhos lahat ang iyong oras sa iba mo pang gawain
M2; Tingson: Ginoo ako'y hindi sumasangayon sa iyong sinabi, aking aaminin ang aking oras para sau ay di ko
na napapansin subalit ginagawa ko naman itong lahat para saatin
M1; Nico: Binibing Tingson, alam ko namang ginagawa mo ang lahat para saatin ngunit di mo ba napapansin
ang iyong loob ay napapalayo na saakin dahil sa maraming pagtuon mo ng oras sa iyong mga gawain
M2; Steven: Aba'y ginoo hindi mo ako maintindihan ginagawa ko naman ang lahat dahil para ito saaming
pagmamahalan
Line 3
M1; Stephen: Ginoong Steven, naiintindihan kita alam kong gagawin mo ang lahat dahil para ito ay para
sainyong pag mamahalan subalit sa kakatoon mo ng maraming oras hindi mo na matoonan ng pansin ang
inyong relasyong mahalan
M2; Tingson: Aba'y ginoo dyan ka nag kakamali pinagtotoonan ko ang aking mga mahahalagang gawain dahil
ito'y para sa akin at atin kakailanganin sa ating hinaharap at mga suliranin
M1; Nico: Suliranin? Aba'y kung ika'y lamang gagawa nyan para saating hinaharap at sularinin bakit hindi mo
saakin sinabi para naman natulungan kita sa iyong mga Gawain
M2; Steven: Aba'y sangayun naman ako subalit sa sinabi mong pagtulungan natin ay hindi sinasabi mong iyan
eh kung sinabi ng kasama mo kanina hinahanap nya sa iba ang kanyang ligaya't ngiti
L; Antonia: Mga Minamahal at sinisintang naming bayan ngayo’y tapos na itong balagtasan kung nais nyong
sila ay hatulan, hatulan na Ninyo pag dating sa bahay at muli ako si Antonia ang inyong lakandiwa maraming
salamat!

You might also like