You are on page 1of 7

Interviewer: ilang taon na po kayo tito?

Tito Noel: sa bahay?

Interviewer: di po. ilang taon na po kayo? Age nyo po

Tito Noel: 56

Interviewer: 56 tas si tita po?

Tito Noel: 50

Interviewer: san po kayo unang nagmeet ni tita?

Tito Noel: di ko na matandaan, nalimutan ko na *Laughs* aba malay ko ba.

Wife of Tito Noel: san ba tayo unang nagkaano ano

Tito Noel: dun sa bahay ni ano, bahay ni arnold

Interviewer: sa bahay po ng kaibigan. Pano po kayo nainlove sa isa’t isa?

Tito Noel: aba’y di ko maipaliwanag e *laughs* nagandahan! Siguro *laughs* nagandahan siguro. Sabi ko
“gandang bata to ah” *laughs*

Interviewer: bata pa. pano nyo po niligawan si tita?

Tito Noel: panong ligaw, di ko na matandaan e. ay syempre ano yung didigahan mo. Nung araw kasi ma
ano eh, kikindatan mo lang iyan *laughs* makikipagkaibigan kunyare kaibigan tapos liligawan. Bata pa
kasi yan non eh, highschool!

Interviewer: highschool tapos po kayo college?

Wife of Tito Noel: anong highschool?

Tito Noel: di baa to, napunta ka pa ngang JA eh *laughs*

Interviewer: sinusundo. Ahh ilang taon po kayo naging girlfriend-boyfriend bago kayo kinasal?

Tito Noel: aba’y di nagtagal. Wala ako palatandaan. Ano ba highschool tapos eh

Wife of Tito Noel: college 1st year

Tito Noel: mga isang taon

Wife of Tito Noel: kulang ka naman e

Tito Noel: kaya nga sabi ko “mga” di ko sigurado kasi ako’y eh ano e matanda. Di ako matandain sa mga
ganyan. Naopera ako, yung bang memory di ganon

Interviewer: hmmm opo gawa ng general anethesia

Tito Noel: gawa ng general anethesia, Nawala yung ano ko. Mga more or less one *laughs* diba walang
tama, walang mali doon
Interviewer: ah pano po kayo nagdecide na magpapakasal po kayo ni tita?

Tito Noel: nako nagtanan kame, di naman kame kuan, yung bang. Dala siguro ng kuan yan ng, yung…
Mahigpit kasi yung…dati e

Interviewer: kina lolo po?

Tito Noel: oo, yung lolo nya. Eh napakaganda neto baka… di pa saken mapunta. Kaya tinanan ko na,
nadala ng damdamin *laughs*

Interviewer: ano po yung mga bagay na kinonsider nyo po bago kayo ikasal?

Tito Noel: syempre mahal mo yung babae, eh hinihigpitan. Edi di pa masyado kuan yung pag iisip eh,
dapat pag isipan din eh pag kabataan

Interviewer: pag po kase dati nagtanan kelangan pagbalik nyo kasal agad eh

Tito Noel: oo

Interviewer: opo

Tito Noel: dapat nag isip ka, mali yung ginawa ko, eh nandun na eh. Siguro’y kuan talaga

Interviewer: gano po kayo katagal nagplan ng married nyo po? Ng marriage nyo po? Gano katagal po,
opo?

Tito Noel: gano katagal ko pinlano? Hindi nga naplano eh nagtanan eh

Interviewer: edi pagbalik nyo po

Tito Noel: pagbalik edi nagpunta kami sa kaibigan tas yun nagpunta sa magulang. Pinuntahan yung
magulang at nag ayos

Interviewer: san po kayo kinasal po?

Tito Noel: sa una sa ano lang sa munisipyo, yung civil

Interviewer: tapos after a year po? Sa simbahan naman po?

Tito Noel: oo simbahan, simpleng ano lang kase di pa pwede ikasal to bata pa non eh, menor!

Interviewer: *laughs*inagapan na si tita. Tapos ahh kelan po yung ano nyo, kelan po kayo kinasal?

Tito Noel: January 15, 1987

Interviewer: tapos yung 1988 po, is nung sa simbahan na po

Tito Noel: di ko na nga matandaan yun e 88 ba yon ma? Di ko na matandaan yon

Interviewer: ano pong kamusta naman po nung wedding day nyo po, ano pong mga nangyare non?

Tito Noel: wala lang okay lang. Pagkaano pagkagaling sa simbahan, derecho don sa restaurant sa ke..
yung dating pit stop ngayon. Restaurant dati yon eh, yun lang tapos kumain lang konti mga ninong. Di ko
na rin matandaan sino mga bisita non eh, sila tatay nanay. Yung mga ano lang
Interviewer: malalapit lang?

Tito Noel: oo, konting ano lang bisita

Interviewer: para po sa inyo ano pong meaning ng husband and wife?

Tito Noel: sake ano yun eh parang kuan yan ahhh. Ano yan, sagradong pagsasama ng dalawang tao na
ano yan eh. Habang buhay mong ano

Interviewer: habang buhay na dadalhin

Tito Noel: oo, saken ah. Kasi pag pinakasalan mo, yun na yon. Til death do us part! Ika nga

Interviewer: yung paniniwala nyo po ba na yan na bago pa nung kinasal na kayo or ganyan pa din ang

Tito Noel: oo mas true yon syempre, kaya habang bata pa, di mo pa rin maano. Siguro sa tagal ng
pagsasama nyo

Interviewer: dun nyo masisilip kung talagang..

Tito Noel: oo habang tumatagal

Interviewer: kamusta naman po si tita bilang asawa?

Tito Noel: ayan mataba, okay naman syempre talagang dominante yan e

Interviewer: ganyan daw po pag happy

Tito Noel: ay de… mabaet naman. Ahh marunong sa buhay. Makuan nga, maraming alam den. Masu
supportive den, mapagmahal sa mga anak. Kasi kaya kami tumagal eh

Interviewer: ano po yung nagtutulak sa inyo po para motivated sa pagsasama nyong dalawa para sa long
relationship

Tito Noel: syempre yung mga anak yan, basta may magandang kinabukasan. Yan ang..

Interviewer: graduate na po pareho.

Tito Noel: pareho

Interviewer: maganda na yung. Ano po yung mga factors na kinoconsider nyo na nagcontribute na
tumagal yung married life nyo po ni tita?

Tito Noel: yung ano yan kuan yung unawaan yan, ano bigayan. Pag may konting tampuhan,
pinapabayaan di pinapatagal. Saka yung pag talagang mahal mo talaga yung isa’t isa, sanayan yan eh,
igagalang mo.

Interviewer: kelangan sure talaga

Tito Noel: oo

Interviewer: ano po yung mga pwede nyo pong ishare na challenges na naranasan nyo po during your
married, marriage life and pano nyo po sya hinandle?
Tito Noel: di nawawala yun eh, lalo na sa umpisa, pag-aaway. Mga nagsisisi na yung isa ganyan. Ah
talagang halos mag ano na magbabasag ng… yun talaga minsan nangyayare yon

Interviewer: yun po nung nag sisimula palang kayo?

Tito Noel: oo, dun palang kami nakatira sa may ano kina doon kina Arnold na bahay yon. Syempre bago
palang e, walang… pero talagang ano pa ren di lang kami bumitaw. Talagang sa umpisa, nag aaway at
nag aaway

Interviewer: yung adjustment

Tito Noel: puro adjustment, di mawawala. Pero pag talaga gus.. yung matagal ang samahan nyo, di ka rin
papaya tutuloy nyo paren

Interviewer: ano po yung mga nadevelop nyo po sa sarili nyo po as individual nung kinasal kayo ni tita?

Tito Noel: aba’y marame, mga pasensya mo, yung mga natututo ka mag alaga ng bata, natututo kang
maghandle ng mga sitwasyon na, yun nga yung mag aaway kayo. Kelangan mo kumita, kelangan mong
maging maparaan para mabuhay yung mga anak mo, mga ganon.

Interviewer: kamusta naman po kayo tito nung di pa kayo nagmimeet ni tita? Ano po yung buhay nyo po
non?

Tito Noel: patay eh ano lang go lucky lang, pabasket basketball ganon lang

Interviewer: wala naman po kayong bisyo nung bago kayo…

Tito Noel: wala e hinde pero sila don nagsisigarilyo ayun barkada basketball mga ganon inom lang

Interviewer: ano po yung mga changes na naexperience nyo nung naging.. nung kinasal na po kayo?
Tapos ano po yung mga naramdaman nyo about dun sa mga changes

Tito Noel: syempre nung una pwede ka pa kasi binata pa. eh nung kayo na mag asawa, mejo nabawasan
na yung mga bisyo mo. Di ako pwedeng magtropa tropa dahil may ano ka na…

Interviewer: responsibility

Tito Noel: oo, talagang magmamature ka. Yun ang isa sa mga kuan na pag may asawa ka na, di na
pwedeng pagala gala, patambay tambay

Interviewer: ano po bay un nakaapekto po bay un sa individual changes na yun sa relationship nyo po?

Tito Noel: syempre nung una may mga tampuhan, di ka na

Interviewer: sumasama sa mga ano, tropa nyo po.

Tito Noel: oo pag minsan makakasama ka, magagalit sayo ang misis mo. Syempre eh ayaw mong
magkagalit kayo

Interviewer: iiwas kayo?

Tito Noel: oo, minsan papayagan ka nung mga ano lang, wag may limit. Yung occasional lang
Interviewer: may limit na po yung… ano po yung mga bagay na ininvest nyo sa sarili nyo para po maging
para dun sa relationship nyo po

Tito Noel: mga bahay ganon?

Interviewer: ah para sa personality po

Tito Noel: personality, ininvest? Nakakainvest ba don

Interviewer: yung mga ugali nyo po

Tito Noel: ayun syempre mag aadjust ka. Tulad nung kuan mag aadjust ka, eh mainitin ang ulo ko.
Highblood, eh minsan syempre babaguhin mo yon. Napabaguhin mo yung sarili mo, sya ganon din siguro
kaya iaadjust mo yung ugali nyo sa isa’t isa para kayo ay magkasundo para tumagal

Interviewer: kamusta naman po, ano po nakikita nyo po sa sarili nyo ngayon? Na yun nga po,
napagraduate nyo na po yung mga anak nyo, masaya po yung marriage life nyo?

Tito Noel: yun syempre na parang established ka na nga. Masaya ka dahil kahit papano. Nakapag aral.
Sila, napag aral ko sila. Non talaga non, talagang mahirap ang buhay eh. Kase ako natutuwa kase yung
mga dinanas naming hirap non, di nila dadanasan

Interviewer: parang yun nga po successful na kayo kase naestablished na lahat, tapos maganda na din
po yung mga buhay nila ngayon. About naman po sa personal problem nyo po, pano nyo po sya dini-
deal. Sinasabi nyo po ba kay tita or sinosolve nyo po muna sa sarili nyo

Tito Noel: wala pagka kaya ko, gagawa ako ng paraan. Pero yung pagkakelangan pag usapan, pag
kelangan kayo magdecide, yon tsaka ko sasabihin sa kanya

Interviewer: ano po yung mga bagay na ginagawa nyo po ngayon or iniimprove nyo po sa sarili nyo para
mas maging okay married life nyo po?

Tito Noel: ay syempre, edi ipagpatuloy ang kuan unawaan pa ren, mahalan di yung. Pag may time kayo
pwede magrelax, magdate para oo, kasi yung iba hindi na nagdedate

Interviewer: sabihin matanda na kase

Tito Noel: oo, panood mo naman ako ng sine ganyan, pasyal mo naman ako. Ayun syempre pagbibigyan
mo

Interviewer: kelangan po talaga ng..

Tito Noel: oo, di pwede kasing jan ka nalang pag nadaan tayo

Interviewer: yung iba po kase parang sa bahay nalang

Tito Noel: oo, kahit yung sila lolo chino yung sila mag asawa dati nung buhay

Interviewer: talagang nasa ano na po talaga tinrain na. Gano po kayo katagal nag adjust sa isa’t isa nung
after nyo po kinasal? Kasi syempre po may iba’t ibang ugali po eh
Tito Noel: nung may anak kame non, syempre magkasama kayo sa isang bubong. Matagal din, mga
limang taon ganon. Yan bang.. yang adjustment matagal talaga yan eh. Merong lalabas yung ganung
ugali. Mga dalawa tatlo ganon

Interviewer: ahh dalawang taon po. Ano po yung mga pareho nyo pong paniniwala ni tita?

Tito Noel: tungkol sa religion?

Interviewer: religion po, opo.

Tito Noel: yan pareho naman kami ng religion e, pareho kaming ano. Di kami masyadong ano e eto
catholic school e. Pero yung nagsisimba kame, pero di kami ganon sa bible na talagang nagbabasa. Eh
kami lumaki sa di ganoong masyadong ano

Interviewer: di talaga sanay na ganun ang ginagawa

Tito Noel: pero ang alam namen makadiyos kame, naniniwala sa diyos

Interviewer: pero meron po ba kayong mga paniniwala na parang di kayo minsan nagkakasundo ni tita?

Tito Noel: meron syempre nakakasalungat ko minsan sa mga…

Interviewer: ano po yung mga nararamdaman nyo pag may mga time na parang di kayo pareho?

Tito Noel: pagka nagkakatalo. “dapat ganito gawin naten, ganyan” sa kanya mas okay yung ganon kase
pag uusapan din kung anong mas magandang gawen

Interviewer: tas dun na po kayo magstick

Tito Noel: bibigyan mo ng payo nag anito at galing sa ibang tao para the best ang ating gagawin

Interviewer: ano naman po yung mga bagay na ginagawa nyo po para masuportahan si tita, parang ano
po yung mga effort na ginagawa nyo para sa kanya na nakakatulong sa married life nyo?

Tito Noel: halimbawa meron syang kuan. Nagttrabaho pa sya dati non, edi pag meron syang mga
gawaing ano, tutulungan ko sya, ieencourage ko sya. Yan gawin mo yang anito, parang ganon lang
tulungan lang

Interviewer: may mga time po ba na parang ah na parang naramdaman nyo na hindi supportive yung
partner nyo po

Tito Noel: ay hindi naman, hindi

Interviewer: supportive po talaga

Tito Noel: oo. Hindi naman sya naging ganon sa aken

Interviewer: mas nagrow po ba kayo nung nagkaron na po kayo ng anak.

Tito Noel: oo, yun ang ano. Simula nung nag asawa at nag anak, okay.

Interviewer: mas tumibay po talaga

Tito Noel: oo, nung una palang


Interviewer: pwede nyo po bai share kahit isang sikreto nyo po for long lasting marriage

Tito Noel: sikreto ba yon? Siguro eh ano unang una yung mahal mo yung ano mo, pagmamahal, yung
respeto, tiwala tsaka yung may takot ka sa Diyos. Yang ang mga number 1 na. pasensyoso yon. Ano pa
yung kuan mo, patience.

Interviewer: at the end po kasi nung thesis namen, gagawa po kami ng recommendation para dun sa
mga newly married couple. So ano po yung mga lessons or recommendations na maipapayo nyo po sa
kanial?

Tito Noel: yung mga bagong ikakasal? Ibig sabihin bago sila ikakasal?

Interviewer: bagong kasal na po.

Tito Noel: bagong kasal na? ay siguro kuan talagang ano yung unawa, pasensya, takot sa Diyos number
one yun e, yung pagmamahal sa isa’t isa

Interviewer: kase yun nga po kung mapapansin nyo po na ang dami ngayong relationship n akonting
problema, hiwalay na agad na dun po kame nacurious baket po yung mga old couples na yung mga
magulang namen na ang tatagal ng married life. Kaya eto din po yung inaral naming na thesis. Bali yun
na po tapos na yung mga tanong.

You might also like