You are on page 1of 2

BAYAN KO, IPAGLALABAN KO

MARIE GRACE P. ABOT

Sa bayan ng Dasmarinas, kakaunti lamang ang mga tao naninirahan dito


kaya naman tahimik at payapa ang kapaligiran. Karamihan sa mga mamamayan
doon ay nagtatabaho sa Maynila kung kaya namankinakailngan nilang gumising ng
maaga upang lumuwas pa patungong Maynila upang maghanap ng mapagkikitaan.

Ang Pamilyang Valderama at Santos ang mga pamilyang matagal ng


naninirahan sa lugar ng Dasmarinas kung kaya’t tinuturing sa silang mga katutubo
isa naman ay may mga hayop na inaalagan. Ang dalawang pamilyang ito ay
magkapitbahay lamang ngunit parang magkapatid ang turingan.

Sa Pagkikita ng mga Padre de Pamilya na sina Mang Tomas at Mang


Pedring, nagkamustahan sila sa estado ng kanilang kinikita bawat araw. Sa
kasamaang palad, parehas silang nagdudusa sa kahirapan at kawalan ng sapat na
kita. Ang kaisipang ito ang nag udyok sa kanilang makaisip ng paraan upang
maahon sila sa kahirapan.

Sa kanilang pag-uusap, napag isipan nilang magplanong magtayo ng


palengke kung saan magbebenta sila sa kanilang mga prutas at gulay o magkatay
ng hayop upang may suplay ng karne. Napag-alaman nilang ang mga tao sa
Dasmarinas ay pumupunta pa ng Maynila upang bumili kung kaya malaking
kapakinabangan para sa kanila kung magtatayo sila ng Negosyo.

Mahina man ang kanilang benta sa umpisa ngunit umasenso rin ito dahil sa
maayos napamamalakad at pagtutulungan ng pamilyang Valderama at Santos. Ang
pagtayo nila ng palengke ay lubos na ikinatuwa ng kanilang mga pamilya.

Sa paglipas ng panahon, unti unting umunlad ang Dasmarinas. Nagkaroon ng


ilang eskuwelahan, publiko a pribado. Nagkaroon din ng ospital at dumami ang
kabahayan, gayun na rin ang sasakyan. Dumagsa ang mamimili. Tuluyan nan gang
nagbago ang lahat.

Si Mayor Tasyo, dala ng kasakiman at korapsyon, ay nais na mapasakanya


lahat ng bagay na mayroon sa taong bayan sa kadahilanang nakikita niyang
umuunlad na ito. Sa kabilang banda, Si Mang Tomas at Mang Pedring ay nakapag-
isip isip ng pinakamagandang ipangalan sa kanilang Negosyo hanggang sa napag-
isipan nilang KADIWA ang kanilang ipapangalan.

Kinuwestiyon ng taong bayan ang sobra nang kasakiman at malalang


korapsyon ng kanilang Mayor at isinangguni nila ito. Kinukuha ng Mayor ang sapat
na sweldo ng mga tao para sa kaniyang sariling luho. Sa kanilang pagpupulong, may

isang kaganapang nangyari kung saan may lalaking nagwawala. Sahalip na


matakot, kinalaban ito ni Mang Tomas at Mang Pedring kung saan umalis ng takot
ang kaninang sigang lalaki.

Sa kabila ng lahat, may pinaplano rin palang kasamaan ang kanilang Mayor
sapagkat nais niyang masindak ang taong bayan upang sumunod ang mga ito sa
mag inuutos niya. Una niyang ipinatawag sina Mang Tomas at Mang Pedring ngunit
umuwing napahiya ang mga tauhan ni Mayor sapagkat hindi madaling masindak ang
maga ito. Sa halip, pinanindigan nila ang kanilang Karapatan at ipinaglaban ang
tamang papamahala.

Luobos ang galit ng Mayor pagkarinig niya dito at pinagplanuhang sirain ang
mga paninda. Nagpadala ng pulis ang Mayor at walang awang pinahinto ang mga
inosenteng mamamayang naghahanap buhay lamang sa Kadiwa.

Umapela sina Mang Tomas at Mang Pedring sa pagiging mapagmataas at


mapang-abusong gawi ng Mayor. Ang kanilang pakikipaglaban sa dapat ay
makatarungnang pamamahala ay naghatid sa kanila tungo sa kanilang kamatayan.
Marami ang dumalo sa kanilang burol.

Ang pagkawala nila ang nagging sanhi ng unti-unting pagkalubog at


pagkasira ng mabuting pundasyon na itinayo nila Mang Tomas at Mang Pedring
dahil ang pumalit sa kanila ay naging iresponsabke sa pamamahala nito.

You might also like