You are on page 1of 3

ANG BAYAN KO, IPAGLABAN KO

Ang bayan ng Dasmarinas ay sobrang matahimik ang lugar nila dahil hindi pa
gaano karami ang mga taong mga naninirahan doon kaya sobrang lawak pa ang paligid
at makikita ang mga magandang view lalo na yung mga damo na matataas .Madalang
pa ang pagdaan ng mga sasakyan kaya nahihirapan ang mga taong nag trabaho dahil
kailangan pang gumising ng maaga para lumuwas para Maynila .Sa bayan ng
Dasmarinas ay may dalawang pamilya ang katutubo ito ang Valerama at Santos may
maliit na bukirin ito ay ang sari-saring gulay at prutas at naghahayupan naman. Isang
araw nagkita at nagkausap sila Mang Thomas at Mang Pedring .Naka isip sila para
magkaroon ng maliit na pagkakakitaan para dina nila kailangan lumuwas ng Maynila
para mag trabaho at malayo sa kanilang mga pamilya.Dahil sa pagtatayo ng palengke
doon sa kanilang lugar ang mga tao ay dina kailangan pumunta sa malayong lugar para
sa kanilang mga pangangailangan Sa simula ay mahina pa ang kanilang benta pero
nong nag tagal naman ay naging marami na ang kanilang mga suki dahil rin ito sa
maganda ang mga paninda at sobrang maganda ang pag turing sa mga mamimili kaya
lumalakas lalo yung kita nila . .Naging masaya naman si Aling Binang na asawa ni
Mang Thomas at si Leann at Bitoy naman ang dalawang anak nila at si Aling Pilar na
asawa ni Mang Pedring at ang anak na si Jona dahil sa hindi na kailangan lumuwas ng
Maynila para mag hanapbuhay doon Napagtanto din na mas kailangan na kailangan
pala rito sa ating lugar sambit naman ni Aling Pilar at ito ay tuwang tuwa.

Ang pamumuhay ng mga taga – Dasmarinas ay unti-unting umuunlad dahil sa may


sarili na silang mga benebenta kaya mas naging mabuti ang buhay nila at naging
masaya din ng sobra dahil sa pagkakaroon ng mga ilang eskwelahan ,publiko at
pribado , may tinatayo din na ospital kaya dumami ang kabahayan at ang sasakyan
din ang dumadayo kaya mas umunlad pa ang bayan nila .Muling nag kausap ng
masinsinan sila Mang Thomas at Mang Pedring, laking pasalamat ni Mang Thomas
kay Mang Pedring dahil sa naisip niya itong ideya nato , batid naman ni Mang Pedring
na pantay lang sila na nakaisip na ideya na ganun .Nagpatawag sila ng pulong sa lahat
ay ang palengke ay ginawan din nila ng pangalan ito ay ang Kadiwa sinang ayonan din
ito ng lahat dahil sa matagal na napanahon ay walang pangalan ito .Sa pag buo ng
pangalan ay mas naging kilala ang kanilang palengke kaya mas dinadayo na ng
iba .Ang Welcome to Kadiiwa ang nilagay nilang karatula sa palengke lahat ng sulok ay
pinalinisan nila at nagtutulongan sila para maging maayos muli ang palengke at maging
maganda at malinis tignan .Kinaumagahan don sa palengke nagising ng maaga sila
Mang Pedring at Aling Binang para buksan ang tindahan tila mahahalata natin na sa
mukha ay sobrang pag-aalala ni Aling Binang dahil sa malaking problema naman
nilang lahat si Mayor Tasyo at ang mga taohan nito dahil sa patuloy na pangungurakot
nila sa mga mamamayan na alam naman nila na sapat lamang ang mga kinikita nila
araw-araw .Laking pagsisi nila dahil sa ibinoto nila iyon para maging mayor at mamuno
sa kanila ,subalit walang nagawa para sa bayan nila .Sobrang pag-aalinlangan ang
lahat dahil puweding mawala sa kanila ang mga pinaghirapan nila pero batid ng iba ay
hindi sila makakapayag na maging sunod-sunoran sila sa Mayor nilang wala namang
nagawang tama para sa bayan nila .Lumipas ang ilang araw ay nalaman nilang may
masamang balak si Mayor at ang mga taohan nito .Si Mang Thomas at Mang Pedring
ay walang takot na harapin at ipaglaban ang kanilang bayan lalo na ipaglaban ang
kanilang nasimulang negosyo sa bayan ng Dasmarinas.Karapatan nila ipaglaban ang
bayan nila lalo’t nasa tama naman sila. Dahil sila rin ang naghirap para
maghanapbuhay at mabuhay ng maayos. Kinabukasan dahil sa galit ni Mayor dahil sa
ayaw niyang malamangan siya ng nasasakupan niya sa bayan ay hinarangan niya sa
mga pulis ang mga tao at pinahinto lahat ng nagtatrabaho kung may tututol ba sa
ginagawa niya , ilang minuto lang dumating na sila Mang Thomas at Mang Pedring dito
na sinimulang ipaglaban ang kanilang mga karapatan bilang
mamamayan ,pinahihiwatig nila na walang ibang ginagawa kundi alisin ang karapatan
ng taong bayan ,matustusan lang ang mga pangangalangan na gusto niya.Ipinaglaban
nila na walang takot na kahit na magkamatayan paman basta’t mapagtanggol lamang
namin ang karapatan naming bilang mga mamayan na nag hahangad ng maayos at
matahimik na buhay pahayag ni Mang Thomas.Dahil sa sobrang galit ni Mayor binaril
niya si Mang Thomas sa balikat kaya nagkagulo na ang lahat at ilang minuto natigil ang
lahat dahil dumating ang mga militar , hinuli s Mayor at ang kanyang mga alagad.

At sa wakas natigil na ang mga gulo , wala ng mangungurakot sa bayan ng


Dasmarinas pero namatay din ang dalawang bayani na nilaban ang bayan hanggang sa
huling hininga nila sobrang nasaktan ang kanilang mga pamilya dahil sa sinapit ni
Mang Thomas at Mang Pedring ,marami ang naki pag lubong kasama ang mga ka
trabaho.Lumipas ang ilang araw ay nilisan ng dalawang pamilya ang lugar ng
Dasmarinas dahil sa ayaw na nilang maalala ang mga nangyari sa kanilang mga asawa
at iniwan nila ang pamamahala sa kadiwa kay Mang Sinon at lahat ay nag bago na
hindi na katulad ng dati na sobrang linis at protektado ang kadiwa .

You might also like