You are on page 1of 1

Magandang umaga sa lahat, kaklase at aming guro.

Narito ako sa inyong harapan upang


magbahagi ng isang maikling talumpati na sasagot sa katanungang, "Sang-ayon ba ako
sa Dating sa Modernong Panahon?" Pero bago ang lahat ay nais ko munang ipakilala
ang aking sarili. Ako si Mark Rodnel Salditos, isang mag-aaral mula sa kursong
BPED. Disclaimer, hindi pa ako nakapasok sa isang relasyon. No Jowa Since Birth ba.
Ang lahat ng sasabihin ko ay pawang may halong obserbasyon, pananaliksik at
pansariling opinyon lamang. Ako ay hindi eksperto sa larangang na ito.

Simulan muna natin sa pagkakaiba ng dati at modernong kultura ng pagliligawan.


Noon, uso ang harana. Ngayon, pick-up lines ang labanan. May naghaharana pa rin
naman pero madalang na lamang. Noon, uso ang matagalang suyoan. Ngayon, ang suyoan
ay magaganap gamit ang cellphone sa pakikipagtext, at pagkain pag nagtatampo o di
kaya ay tinoyo si GF. Noon, pakipot "raw" ang mga dalaga at masigasig "raw" ang mga
kalalakihan. Ngayon, sabi nila ay "easy-to-get" raw ang kababaihan sa panahong ito.
Noon, Kailangang manilbihan ang mga binata sa pamilya ng dalaga. Kailanganag
magsibak ng kahoy, mag igib ng tubig at kung ano-ano pa, bago ibigay ang matamis na
OO. Ngayon ay hindi na kailangan manilbihan pa ang kalalakihan sa pamilya ng
dalaga, ngunit kinakailangan pa ring mapunta ka sa good side ng tatay ni GF upang
hindi sila humadlang sa relasyon ninyo. Red flag ang tattoo, hikaw o kahit ano pang
kausotan kung saan ay mukha kang gangster. Noon din ay kailangan pa na may
pahintulot ng mga magulang ng dalaga, bago sila magkasama. Ngayon, kahit kailan at
kahit saan pa ay pwede silang magkita. Sa lahat ng aking nabanggit, ano ang mas
tingin nyo ang mas nakakabighaning pakinggan? Hindi ba ang dating kultura ng
pagliligawan?

Siguro meron sa aking mga tagapakinig na iniisip na gusto nilang bumalik sa dating
panahon kung saan uso pa ang mga ito. Ngunit para sa akin, ay wala itong saysay.
Matagalang pagliligawan? Kailangang manilbihan ang mga binata sa pamilya ng dalaga?
Para sa akin, ay wala itong mga saysay. Ang konspeto ng pagliligawan mismo ay
walang saysay. Mas nakakabighani ngang pakinggan ang dating kultura ng
pagliligawan, ngunit hindi ba't ito ay nakakasakal?

Marami ang nagsasabing hindi na taos-puso ang dating sa modernong panahong,


sapagkat uso ang break ups o hiwalayan. Ngunit ang dating ay isang mahalagang yugto
ng isang romantikong relasyon kung saan ang dalawang indibidwal o magjowa ay
nakikibahagi sa isang aktibidad nang magkasama, dito nila tinitignan kung tugma ba
sila sa isa't isa/ bago mag desisyong magpakasal. Ito ay isang mahabang
pagdedesisyon. Ngunit mas mahaba pa yata/ ang sinaunang pagliligawan. Noon, ang
matagalang relasyon/ ay talagang kamangha-mangha at hinihikayat. Tama nga naman.
Ngunit ang dating ay puno ng trial and error. Hindi porket ang isang tao/ ay
maraming bigong relasyon ay kaladkarin na. Ito ay bunga lamang ng hindi
pagkakatugma/ ng dalawang magkasama.

Kaya ang sagot ko sa tanong na/ "Sang-ayon ba ako sa Dating sa Modernong Panahon",
ang sagot ko ay oo. Ang dating ay puno ng trial and error. Ang dating ay isang
mahabang desisyon, at ginagamit dapat upang makapili/ ng taong gusto nating
makasama habang buhay. Ang desisyon ay hindi minamadali. Hindi rin ito minamaliit.
Salamat po

You might also like