You are on page 1of 1

Kapakumbabaan, kapag naririnig natin ang salita iyan, sino-sinong mga karakter sa Bibliya ang

naiisip natin? Baka si David na kung saan napakahusay niya sa pakikipagdigma pero tanggap
niya na lakas na meron siya ay galing kay Jehova. O kaya naman ay si Jose na kung saan
nagkaroon siya ng mataas na katungkulan sa Ehipto pero ibinabalik pa rin niya ang papuri sa
Diyos na Jehova. Napakaganda ng halimbawa ng mga karakter na ito pero tingnan ba natin ang
isang halimbawa sa Bibliya na kung saan nagpakita siya ng mga kapakumbabaan sa
paglilingkod sa Diyos na Jehova.
Ito ay si Eliseo. Pinili ng diyos na Jehova si Eliseo bilang kahalili ni Elias at si Elias mismo ang
sinugo ng Diyos na Jehova para tawagin si Eliseo. Kamusta ang pagtugon Eliseo sa pag-aantas
na ito? Tingnan natin ang nakaulat sa 1 Hari 19:19-21.......
Makikita natin ito na walang pag aalinlangan tinanggap ni Eliseo ang paanyaya ni Elias. Wala
rin tayong nakitang pangamba o pagtatanong na galing kay Eliseo. Ang tanging hiling lang ni
Eliseo ay ang makapag paalam siya ng mabuti sa mga magulang niya kung saan maganda siya
ng isang piging at pagkatapos noon ay sumama na siya kay Eliseo.
Anim na taong nag-lingkod si Eliseo kaya Elias. Pero ano kaya yung mga atas na ginampanan
niya? Baka maisip natin na dahil propeta si Eliseo ni Jehova, nagpapatotoo si Eliseo sa mga tao.
Tama naman iyon pero isa rin sa mga ginagawa ni Eliseo ay ang taga hugas ng kamay ni Elias at
mababasa natin iyon sa 2 Hari 3:11.....
Noon sa middle east, kaugalian ng kumain ng nakaka-kamay lang kaya pagkatapos nilang
kumain, pinagsisilbihan ng lingkod ang panginoon niya sa pamamagitan ng pagbubuhos ng
tubig na panghugas sa mga kamay nito. Marahil ay maituturing na mababang atas ang gawaing
ito pero para kay Eliseo, isa itong pribilehiyo bilang tagapaglingkod ni Elias. Kaya may
kapakumbabaan at masaya niyang ginawa ang atas niya.
Sa ngayon, marami ring mga kristiyano ang pumapasok sa iba't-ibang uri ng buong panahong
paglilingkod. Ginagawa nila ito dahil sa kanilang pananampalataya at kagustuhang gamitin ng
lubusan ang lakas nila sa paglilingkod sa Diyos na Jehova. Nagsasakripisyo ang ilang kapatid
para magampanan ng kanilang atas. Kasama na dito ang pag-iwan sa kanilang tahanan at
pamilya para makapagtrabaho sa Bethel, sa mga konstruksyon at iba pa na baka sa paningin ng
iba ay mababa. Minsan baka mabigyan din tayo ng mga simpleng atas katulad ng paglilinis ng
kingdom hall, paglilinis sa CR, pag-abot ng mic na baka maisip natin na hindi angkop ito sa
ating pinag-aralan o katayuan sa buhay. Pero kamusta ang pagtanggap natin sa mga atas na
ito? Mamimili ba tayo ng atas o tutularan atin ng halimbawa ni Eliseo na nagpakita ng
kapakumbabaan at may kasiyahang tinanggap ang anumang atas bilang paglilingkod sa Diyos
na Jehova. Kaya gaya ng sinasabi sa Hebreo 6:10, hindi dapat ituring ng sinumang kristiyano na
walang halaga o hamak ang gayong paglilingkod dahil lubos itong pinapahalagahan ng diyos na
Jehova.

You might also like