You are on page 1of 2

Project in Araling Panlipunan

Dalawangpung limang libong taon hanggang tatlongpung libong taon ang


nakalipas, dumating sa pilipinas ang ikalawang grupo ng tao sa
pamamamagitan ng tulay na lupa. Sila ang mga negrito. Sila’y maliliit , maiitim
sng balat, pango ang ilong, makakapal ang labi, at kulot ang itim na buhok.
Dahil sa pagkawala ng tulay na lupa, napilitan ang mga negrito na
permanenteng maninirahan sa pilipinas.

Dahil sa kakayahang maglayag sa dagat, narating ng mga indones ang pilipinas


may limang libong taon hanggang anim na libong taon na ang nakaraan.
Mayroong dalawang pangkat ng mga indones na dumating sa bansa. Ang
unang pangkat ay sinasabing nagmula sa timog silangang asya, at kayumanggi
ang kutis, matatangkad, baling kinitan ang katawan, maninipis ang labi,
matatngos ang ilong, malalalim ang mata, at hapis ang mukha. Samantala ang
pangalawang pangkat naman ay pinaninialaang nagmula sa katimugang tsina
at indonicha. Gaya ng mga negito, maitin ang kanilang mga balat, pango ang
ilong, makakapal ang labi, maliliit, subalit matitipuno.

Ayon kay Beyer, huling dumating sa pilipinas ay ang mga malay mula sa java,
sumatra, at borneo may dalawangpung taon na ang nakalilipas. Gaya ng mga
Indones, mahusay din silang maglayag. Bukod dito, marunong na rin silang
gumagawa ng mga paso at alahas, AT gumagamit ng irigasyon sa pag tatanim.
Katamtaman ang kanilang tangkad, tuwid at itim ang buhok, at pango ang
ilong. Sa kasalukuyan, tinutuligsa ang teoryang ito sapagkat hindi ito
mapatunayan ng mga ebidensya ng kasaysayan. Karamihan sa mga
tumuligsang ito ay naniniwala sa ibang paraan ng pagdating ng mga tao sa
pilipinas.

You might also like