You are on page 1of 1

Kahirapan nga ba ang pumipigil sa tagumpay

Ang kahirapan ay isang sitwasyon kung saan ang mga nakakaranas nito ay hindi nakakamtan ang mga
pangunahing pangangailangan sa pang araw-araw. Ito rin ay isa sa mga pinakamalaking suliraning
kinahaharap ng ating bansa. Marami sa atin ay nakakaranas nito lalo na sa mga komunidad na hindi
nabibigyang pansin ng ating pamahalaan. kabalikat ang kahirapan ay mas lalong nagigipit ang
mamamayan sa patuloy na pagtaas presyo ng bilihin.

Ang kahirapan ay isang malaking balakid upang ang bawat mag-aaral ay makatamo ng hinahangad na
sapat na kaalaman. Isang mabigat na suliranin para sa mga ito ang magkaroon ng mga kinakailangan
materyales sa pag-aaral, higit lalo sa usaping pananalapi. Marami sa kasalukuyan ang nakakaranas ng
problemang ito. May mga kabataang madalas makikita sa lansangan na sa murang edad ay
naghahanapbuhay at kung minsan ay namamalimos upang matugunan ang mga pangangailangan na
kung saan madalas ay hindi pa rin nagiging sapat. Itong mga kabataan na dapat ay nasa eskwelahan at
nag-aaral.

Sa pamahalaan na sa hinaba haba ng panahon upang pagtuunan ng pansin ang mga mas malalaking
problema ng bansa ay hindi na napapansin ang hinaing ng mamamayan. Ay dapat magkaroon ng
konkretong proyekto ang pamahalaan upang magkaroon ng trabaho ang mga nasa laylayan at ang mga
mag-aaral ay bigyan ng sapat na suporta upang makapag-aral at matupad ang mga pangarap nila.

You might also like