You are on page 1of 6

ANG HEOGRAPIYA NG DAIGDIG

HEOGRAPIYA:

• hango mula sa salitang Griyego na geo (lupa) at graphein (pagsusulat).


• pag-aaral ng pisikal na katangian ng mundo at ang interaksyon ng tao sa kanyang kapaligiran.

Limang Temang Heograpikal: National Council for Geographic Education at ng Association of American
Geographers (1984)

• LUGAR:
- tumutukoy sa katangiang pisikal at mga taong naninirahan sa isang pook
• LOKASYON
- paraan ng pagtukoy sa isang lugar (Relatibo|Absuluto)
➢ Relatibo:
ay isang paglalarawan kung paano nauugnay ang isang lugar sa ibang mga lugar
➢ Absuluto:
Eksaktong lokasyon (Longtitude/Latitude)
• REHIYON
- mga lugar na may magkakatulad na katangian.
• INTERAKSYON NG TAO AT KAPALIGIRAN
- Ang interaksyon at pagbabago ng kapaligiran dahil sa mga tao.
• PAGGALAW NG TAO
- Tumutukoy sa pagkilos ng tao, produkto, o kaisipan mula sa isang lugar patungo sa ibang
lugar.

PISIKAL NA KATANGIAN NG DAIGDIG:

• Matatagpuan sa Solar System


• Ikatlo sa walong planeta mula sa araw
• Mayroong natural satellite, ang buwan
• Diyametro: 12,756 kilometro
• Tinatayang layo mula sa araw: 149.6 milyong kilometro
• Tagal ng pag-ikot sa axis: 23 oras, 56 minuto, at apat na segundo
• Tagal ng pag-ikot sa araw: 365.26 na araw
• Temperatura sa ibabaw ng daigdig: 70 hanggang 55 degree Celsius
• Crust:
- Pinakamanipis at pinakalabas na bahagi ng daigdig na may 3-60 kilometro ang kapal.
Binubuo ito ng lahat ng kalupaan at ocean basin.
• Mantle:
- Makapal at mainit na layer ng semi-solid na bato at may 2900 kilometrong kapal
• Core:
- Pinakaloob na bahagi ng daigdig na may dalawang bahagi:
▪ Outer Core
may kapal na 2200 kilometro at binubuo ng tunaw na bato
▪ Inner Core
solido at may kapal na 1250 kilometro
• MGA KARAGATAN NG DAIGDIG:
1. Pacific Ocean - 155,557,000 km. kwadrado
2. Atlantic Ocean - 76,762,000 km. kwadrado
3. Indian Ocean - 68,556,000 km. kwadrado
4. Southern Ocean - 20,327,000 km. kwadrado
5. Arctic Ocean - 14,056,000 km. kwadrado
• MGA CONTINENTE:
1. Asya:
- Matatagpuan sa hilagang bahagi nito ang pinakamalalamig na lugar sa daigdig, sa
kanlurang bahagi naman ang pinakamainit na rehiyon nito, at sa timogsilangang bahagi
naman ay may mainit at basang panahon
2. Africa:
- Malaking bahagi ng hilaga nito ay binubuo ng mga disyerto habang ang timog na bahagi
naman nito ay may klimang disyerto, steppe, tropical savanna, at tropical rainforest.
3. North America:
- Nakararanas ng malamig na klima ang hilagang bahagi nito; mainit na disyerto naman sa
timog-kanlurang bahagi nito, at klimang tropikal naman ang nararanasan sa Caribbean,
timog-silangan, at gitnang Amerika
4. South America:
- Mayroong klimang tropikal ang malaking bahagi nito particular sa Amazon Basin; tropical
savanna naman sa Columbia, Venezuela, Brazil, Bolivia at Paraguay, at klimang steppe at
highland naman sa kanlurang bahagi nito.
5. Antarctica:
- Pinakamalamig at pinakamayelong rehiyon sa daigdig; itinuturing itong isang disyerto
- sapagkat 0.20 metro lamang ng karaniwang ulan ang natatanggap nito sa buong taon.
6. Europe:
- Mayroong klimang marine coast, katamtamang temperature tuwing tag-init at taglamig
ang hilagang-kanlurang bahagi nito, samantalang malaking bahagi naman ng timog nito ay
may klimang Mediterranean.
7. Australia:
- Mainit at karaniwang tagtuyot ang panahon sa gitnang bahagi nito samantalang mas
malamig at mas basa ang panahon sa mga baybaying lugar nito.

TOPOGRAPIYA NG DAIGDIG

• Topograpiya
- Tawag sa pisikal na katangian ng isang lugar.
• PINAKAMATAAS NA BUNDOK
- MT. EVEREST, NEPAL
• PINAKAMAINIT AT PINAKAMALAWAK NA DISYERTO:
- SAHARA DESERT, NORTH AFRICA
• PINAKAMALAKING PULO
- GREENLAND
• PINAKAMAHABANG ILOG:
- NILE RIVER, AFRICA
• PINAKAMALAKING LAWA
- CASPIAN SEA, ASIA

HEOGRAPIYANG KULTURAL NG DAIGDIG


LATIN AMERICA AT CARIBBEAN

• WIKA
- Espanyol
- Indian
- Wika ng mga bansang sumakop dito
• SINING
- Mga templo na may disenyong mosaic
- Panitikan ay tungkol sa kasaysayan
- Drama ay tungkol sa mga isyung panlipunan
• RELIHIYON
- 90% ng mga tao ay kumikilala sa Romano Katoliko.

KANLURANG EUROPA

• WIKA
- 20 wika
- karamihan hango sa IndoEuropean
- Ilan Mga pangunahing wika pamilyang Romano
• SINING
- Ang mga sining ay hango mula sa Gresya at ang Bibliya naman ang pinagmulan ng
arkitektura.
• RELIHIYON
- Karamihan sa mga tao ay Kristiyano at may mangilan-ngilan na Protestante.

SILANGANG EUROPA

• WIKA
- 100 wika
- Nagmula sa pamilyang Indo-European at Ural-Altaic
• SINING
- Estilong Byzantine ang disenyo ng mga gusali at ang Russia ang naging sentro ng ballet
noong ika-19 na siglo.
• RELIHIYON
- Pangunahing relihiyon ay ang Silangang Orthodox at Romano Katokilo at mangilan-ngilan na
Muslim.
HILAGANG APRIKA AT GITNANG SILANGAN (MIDDLE EAST)

• WIKA
- Aprikan
- Afro-Asiatic
- IndoEuropean
• SINING
- Nakilala sa eskultura sa impluwensya ni Pablo Picasso ng Spain. Karamihan ay may estilong
batay sa court art.
- Mahalaga rin ang musika sa kanilang kultura.
• RELIHIYON
- Hinduismo
- Islam
- Buddhismo

TSINA AT SILANGANG ASYA

• WIKA
- Sino-Tibetan
- Tibet o Burman
- Chinese
• SINING
- Ang sining ay may impluwensya ng mga Tsino, kilala sa eskultura at pagpapalayok,
pagpapatayo ng pagoda, at sa mga kwentong bayan at alamat.
• RELIHIYON
- Walang relihiyon sa mga komunistang bansa at sa mga di-komunista naman ay
Confucianismo at Taoismo.

TIMOG-SILANGANG ASYA

• WIKA
- Daan-daang wika na nahahati sa tatlong sangay:
- Malayo-Palynesian
- Sino-Tibetan
- Mon Khmerkaramihan hango sa IndoEuropean
• SINING
- Ang arkitektura ay may impluwensya ng relihiyon.
• RELIHIYON
- Ang mga bansang may impluwensya ng Tsina ay yumakap sa Confucianismo at Taoismo,
Buddhismo naman sa Indo-Tsina, Islam sa Malay Peninsula, at Kristiyanismo sa Pilipinas.

ANTARKTIKA, AUSTRALYA, AT OCEANIA

• WIKA
- Indo-European
- English
- Pidgin English
• SINING
- Tradisyunal na estilo at tema ng sining, nag-ukit ng mga maskara at pigurin, at arkitekturang
naglalarawan ng paligid.
• RELIHIYON
- Kritiyanismo
- Islam
- Judaismo

Ebolusyong Kultural ng Daigdig


Mga Yugto ng Pag-Unlad ng Kultura ng Tao

• Paleolitiko
- Nagsimulang gumamit ang sinaunang tao ng kasangkapang bato na tinatapyas upang gawing
mga sandata
- Paggamit ng apoy ang pinakamahalagang nadiskubre
- Pangangaso at pangingisda ang siyang ikinabubuhay ng mga tao
- Walang permanenteng paninirahan at pagala-gala lamang
- Tuwing tag-ulan naman ay sa mga yungib ng kweba sila tumitira
- Masasabing may kaalaman na sila sa sining dahil may alam na sila sa pagpipinta sa katawan
at pagguhit sa bato at mga kweba
- mayroon na silang maliliit na pamayanan at komplikadong pagpapangkat sa lipunan
- pagsasagawa ng mga ritwal ang pinagmulan ng konsepto ng relihiyon at pagpapangkat

• Mesolitiko
- naging suliranin ang pagtustos sa pagkain dahil sa pagbabago ng klima
- nagsimulang mag-alaga ang mga tao ng hayop
- naging suliranin ang pagtustos sa pagkain dahil sa pagbabago ng klima
• Neolitiko
- nagsimulang magpakinis ng mga kasangkapang bato
- nagkaroon na ng permanenteng paninirahan ang mga tao dahil natuto na silang magtanim
at magsaka gamit ang sistemang kaingin
- pangangaso ang naging pangunahing pamumuhay ng tao
- gumamit na rin ng mga bagay na gawa sa putik gaya ng palayok at bricks
- naghahabi na rin ang mga tao, gumagawa ng alahas, salamin, at kutsilyo
- ginamit ang kabayo at baka bilang sasakyan o tagahila ng karwahe
- bumuo na rin ang mga tao ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagpili ng pinuno ng kanilang
pangkat
- bumuo rin sila ng militar na siyang bumuo ng mga estrukturang pandepensa gaya ng mga
pader at tore
- inililibing ang mga yumao sa loob ng kanilang mga bahay at sinimulan ang konsepto ng
pamilihan o palengke
- pinasimulan ang sistemang barter o pagpapalitan ng produkto
• Panahon ng Metal
1. Tanso
- tanso ang kauna-unahang metal na nadiskubre ng tao
- ang pagkakadiskubre ng pagtutunaw at pagpapanday nito ang nagging daan sa paggawa ng
mga sandata, armas, alahas, at mga palamuti
- dahil sa taglay na kalambutan ng tanso, hindi nila ito nagamit sa mga gawaing mabibiga
2. Bronse
- Natutunan na paghaluin ang tanso at tin o lata upang maging mas matibay ito kumpara sa
mga kasangkapan nila noon
- Ginamit upang makagawa ng mga espada, kutsilyo, palakol, punyal, at martilyo at maging
mga kasangkapan sa pagsasaka
- Dahil dito, nagsimulang makipagkalakalan sa mga karatig-pook na naging dahilan upang
umusbong ang mga bayan at lungsod.
3. Bakal
- nakabuo ang mga tao ng higit na matigas, matibay, at matatag na mga kasangkapang
- naging mas produktibo ang paggamit ng lupa bilang sakahan
- nadiskubre ang araro at ilan pang mga gamit pansaka
- mas napaunlad din nito ang kalakalan kung saan ang mahahalagang bato at ginto ang siyang
ginagamit sa palitan
- nagkaroon ng mas mabilis na komunikasyon at transportasyon
- ang panahon ng bakal ang itinuturong transisyon ng panahon mula sinauna papuntang
moderno.

You might also like