You are on page 1of 1

KATANUNGAN :

1. Tungkol saan ang pag - aaral ayon sa binasang abstrak ?


- Tungkol ito sa pagpapaunlad ng ating wikang Filipino. Pagpaunlad nito upang mas maalam at
mas may alam ang kadamihan nito, tulad nga ng sinabing lalong mapabilis and
intelektwalisasyon nito. Hinihikayat tayo na gamitin ang ating wika sa pagagamitang pagsusuri,
paglilinaw, at pagsasaayos sa ekonomiko o sa ibat iba pa.

2. Anong uri ito ng Abstrak?


- Ayon sa aking pagkaintindi, ito ay isang deskriptibong abstrak. Ito ay maikli lamang at
inilalarawan nito ang pangunahing ideya sa papel. Ito ay may suliranin, layunin, metodolohiya, at
saklaw na pag-aaral.

3. Ano - anong mga bahagi ang mga makikita mo rito ?


- Suliranin, Layunin, Pamagat, at Kongklusyon. Ang suliranin dito ay ang hindi sapat na pagaambag
sa pagpapaunlad ng wikang Filipino. Dapat mas lagi itong ginagamit. Ang layunin ng papel na ito
ay ang madalas napag gamit ng ating wika sa pamamagitan ng pagsuri, paglilinaw, at
pagsasaayos nito. Ang pamagat ay ang pinakaunang nakalagay sa akda na ito. Ang kongklusyon
ay isinabi ngang ang layunin ay hindi lamang upang makapagbigay ng panimulang introduksyon
sa isang mahalagang sangay ng agham panlipunan kung hindi gamitin ang kaalamang ito sa
paglutas ng pangunahing problemang pangkabuhayan at pangkaunlaran.

Panuto : Sagutin ang sumusunod na katanungan :

1. Sa naging aralin, ano ang inyong naunawaan sa pagsulat ng abstrak?


- Naunawaan ko nabago ako gumawa ng abstak, dapat ko munang basahin ang buong akda at
unawain ito. Ginagawa ang abstrak upang mas Madali maunawaan ang akda ng bagong
mambabasa. Ito ay nakakatulong sa mga mambabasa upang maunawaan o mas maunawaan nila
ang akda na binasa o babasahin nila. Maari din itong maging basahin ng magbabasa lamang
upan malaman nila kung ano ang saloobin ng kanilang babasahin.

2. Paano isinasagawa ang pagsulat ng isang abstrak?


- Basahin muna at pag aralan ang kalamanan ng buong akda na iyong napili. Basahin at unawain
ang lahat ng importanting pangyayare sa akda, mahahalagang puntos, at ang lahat na dapat
nakatatak sa mambabasa. Dapat din na kompleto ang mga bahagi nito. Walang impormasyong
hindi nabanggit sa papel. Dapat ito ay nauunawaan ng pangkalahatan at ng target na
mambabasa. Iwasan maglagay ng ilustrasyon, graph, table at iba pang katulad nito. Huwag
kopyahin ang mga pangungusap, gumamit ng mga impormasyon na gamit ang sarili mong salita.
Tignan muli ang nagawang abstrak at suriin kung may nakaligtaan at I proofread uli ito.

You might also like